Chereads / Akala Ko Siya Na / Chapter 16 - Pang Siyam na Tula

Chapter 16 - Pang Siyam na Tula

Unang nakita ka,

Nabihag mo ang puso ko,

Napasabing "Ikaw Na",

Saya ng pag ibig ang naramdaman.

Pinagtagpo ng tadhana,

Nakamit ang matamis mong "oo",

Nagtagal tayong dalawa,

Nagsama sa iisang bubong,

Dumating ang anay,

Unti-unting sinira ang ating bahay,

Dahil sa problema,

Nag init sa iba ang iyong pagmamahal.

Dati'y sa akin ka pa,

Ngunit ngayon ay wala na,

Sa tagal ng pinagsamahan,

Hindi makapaniwalang susuko ka.

Ilang beses akong lumaban,

Hanggang sa maubos ako,

Hanggang sa napagod ako,

Malaya ka na.

Salamat sa masasayang alaala,

Pati na rin sa mapait na alaala,

Hanggang dito na lang tayo,

Sana'y ang gusto mo ay nagagagawa niya para sayo.

Related Books

Popular novel hashtag