Mahal alam kong nasaktan kita,
Pero hindi ko iyon intensyon,
Ginawa ko lang ang nararapat,
Ginawa ko ito para sa ating dalawa.
Kailangan muna natin na maghiwalay,
Gagawa ang tadhana ng paraan,
Kung tayo talaga para sa isa't-isa,
Kung hindi man masaya pa rin ako para sayo.
Hayaan mong hiwalay tayong bumuo ng pangarap,
Masakit man pero kailangan,
Kailangan natin na gumalaw sa mas malawak na mundo,
Kung saan dati ay nalilimitahan tayo.
Hindi kita makakalimutan,
Dahil totoong pag ibig ang nakamtan,
Nagpapasalamat akong nakilala kita,
Masakit man dahil relasyon natin ay nagwakas na.
Tuparin mo ang iyong pangarap,
Kahit sa tabi mo ako'y wala na,
Kailangan natin ito para matuto tayo ng mag isa,
Mas maging malakas sa hinaharap.
Kung magkikita man tayo,
Sana'y wala na ang sakit na naidulot ko,
Sana'y nakangiti ka na ng walang halong pait,
At ang araw na iyon ay buo na ang ating mga pangarap.