Chereads / Akala Ko Siya Na / Chapter 9 - Pang apat na Tula

Chapter 9 - Pang apat na Tula

Masyado ba akong naging mabilis?

Dapat ba kong magpreno?

Dapat ba munang huminto?

Ano bang gagawin ko?

Babalik ka pa ba?

Mag uusap pa ba tayo?

Nakasanayan ko ng ikaw iniisip pagkagising ko,

Nakasanayan ko ng ikaw ang mundo ko.

Mali siguro na ikaw yung mundo ko,

Masyado kasi akong naging mabilis,

Masyadong naging matulin,

Sa sobrang tulin nawalan ng preno.

Nandito na tayo sa akala ko'y walang hanggan,

Akala ko'y walang dulo,

Pero heto na pala ang dulo,

Wala nang nagawa kundi luha'y tumulo.

Maghihintay pa rin ako sa pagbabalik mo,

Umaasang mahal mo pa rin ako,

Na ako pa rin ang pipiliin mo,

Pero ang babalik mo'y malabo.