Mahal, ikaw ang binigay ng Diyos,
Na panandalian lamang pala,
Pero masaya ako at nakilala kita,
Pinaramdam mo kung gaano ako kahalaga.
Salamat, tinupad mo ang sinabi mo,
Nandito ka para sa akin,
Magkaibigan na lamang,
Ngunit masaya.
Ikaw ang nagsisilbing gabay ko,
Nakakaumay man ako,
Pero hindi mo iyon pinaramdam,
Pinaramdam mo na natural lang ang nararamdaman ko.
Nararamdaman kong lungkot,
Nararamdaman kong pagod,
Pero hindi natural iyong paulit-ulit,
Paulit-ulit na paghabol ko sa lalaki.
Mahal, hindi ko alam...
Kung matutuwa ba ako o malulungkot,
Ikaw na babae ang siya pang mas lalaki,
Kaysa sa tunay na lalaki.
Pinaglaban mo ako hanggang dulo,
Inintindi mo ko,
Pinatunayan mong kamahal-mahal ako,
Pinatunayan na hindi ako kaiwan-iwan.
Maraming salamat aking mahal,
Minsan sa buhay ko,
Nasabi kong may halaga ako,
Tinupad mo rin ang sinabi mo.
Hindi mo lang basta sinabi,
Kundi pinatunayan mo,
May tatanggap sa akin ng buong-buo,
May magmamahal sa totoong ako.
At ikaw yun,
Ikaw na hindi na magbabalik,
Dahil hindi sang-ayon ang tadhana,
Sapagkat iyon ang nakatakda.