Akala ko'y tayo para sa isa't-isa,
Ginawa ko ang lahat ng makakaya,
Tinanong kita kung masaya ka pa ba,
Sumang-ayon ka na masaya ka pa.
Mahal bakit hindi naging tapat?
Hindi mo sinabing ako'y hindi na pala sapat,
Tiniis ang gutom,
Para ang iyong kalmanan ay mapunan.
Hindi nagpatalo sa hinala,
Hinayaan ka at buo sayo ang tiwala,
Ngunit bakit sa simpleng tukso,
Ika'y nagpatalo.
Bakit hindi mo naisip na ako'y durog na,
Pero heto ako at nakatawa,
Pilit na pinapakita na ako'y masaya pa,
Sa kadenang nilagay mo sa aking leeg.
Sa patalim mong tinusok ng unti-unti sa aking puso,
Hindi ko iyon pinansin,
Bagkos mas inisip ko kung paano tayo nagsimula,
Kung dapat pa kitang ipaglaban.
Lumuwag ang kadena,
Yun pala'y sa iba ka na unti-unting nagpapatali,
Mahal patawad kung hindi ako naging sapat,
Tinatanggap ko ang iyong patawad at pasasalamat.
Masaya ako sapagkat masaya ka,
Sa piling niya ikaw ay kanyang maalagaan,
Mas mauunawaan ka niya,
Mas mamahalin ka niya.
Ang tanging hiling ko lang,
Huwag mo siyang ipagpalit,
Kagaya nang ginawa mo sa akin,
Mas mahalin mo siya nang higit kaysa sa akin.
Hindi mo naman siya pipiliin,
Kung ako iyong talagang minahal,
Hindi mo maiisip na lokohin ako,
Kung ako ang iyong mahal.
Hindi na rin ako naasang babalik ka pa,
Masaya na ko para sa aking sa sarili,
Masaya kong pinalaya mo ako,
Masaya ko kahit na ako'y iniwan.
Nagpapasalamat ako,
Binigyan mo ko nang pagkakataon,
Na mas mahalin ang aking sarili,
At makatagpo nang taong nararapat sa akin.