Ang bilis ng pangyayari,
Ang bilis mo ko nagustuhan,
Ang bilis ko rin um-oo,
Sa sobrang bilis ng pangyayari,
Ganon ka rin kabilis bumitaw.
Akala ko pa naman hindi ka katulad ng iba,
Akala ko pa naman sasamahan mo ko,
Akala ko pa naman matitiis mo ko,
Akala ko pa naman may taong babago sa kaisipang kaiwan-iwan ako.
Ngunit mahal, lahat pala ng ito ay akala lamang,
Isang ilusyon na nabuo nang aking isip,
Isang ilusyon kaya't sarili ko'y nasaktan,
Kaiwan-iwan pa rin pala ako.
Masyado kasi tayong mabilis,
Hindi pa pala ko handa,
Hindi ka pa rin pala handa,
Masyado palang naging mababaw,
Ang pundasyon na binuo natin,
Ilang hagupit lang ng problema,
Gumuho ito at bigla kang sumuko.
Mahal, sana sinabi mo kung anong mali sa akin,
Sana sinabi mo nang maitama ko,
Sana binigyan mo ko nang pagkakataon,
Sapagkat tayo'y bago palamang nagsisimula,
Nangangapa sa ugali nang isa't-isa.
Pasensya na kung naabuso kita,
Pasensya na hindi ko alam kung saan ako nagkulang,
Sana dumating yung araw na mapatawad mo ako,
Mabura ang sakit ng mga salitang binato ko sayo,
Ako'y galit lamang,
Saglit kong nalimutan na mahal kita.
Pero mahal ang nakakalungkot,
Mas pinili mong kalimutan na mahal mo ako,
Ganon ba kababaw ang pagmamahal mo sa akin?
Maaaring hindi mo pa ko mahal bilang ako,
Minahal mo lamang ba ako dahil sa ideya nang pagmamahal?
Hindi mo ko minahal sa kung sino ako.
Kaya't patawad hindi lang sayo kundi lalo na sa aking sarili,
Sapagkat umasa na naman ako sa aking kathang isip,
Naggawa pa nang talaarawan para sa ating dalawa,
Nasayang lang kaya't tinapon na,
Kung paanong tinapon mo ang iyong pagmamahal para sa akin.
Kaya't sa susunod na ako'y magmamahal,
Sisiguraduhin kong ako'y buo na,
Sisiguraduhin kong ako'y handa na,
Sisiguraduhin kong ako'y pwede mo nang ipagmalaki,
Sisiguraduhin kong ako'y ganap ng isang binibini,
Kung may magmamahal pa sa akin,
Kilalanin muna natin ang bawat isa,
Bago sabihin ang katagang "Mahal kita".