Chereads / Ang kababalaghan sa boarding house / Chapter 12 - Ang kababalaghan sa boarding house 12

Chapter 12 - Ang kababalaghan sa boarding house 12

Unang Lunes ng Oktubre at matatapos na rin ang isang semestre.Sa susunod na linggo ay finals na namin.

Tinipon uli kaming lahat sa sala ni Sir Del para sa huling pagpupulong. Kompleto kaming lahat ng araw na iyon. Katabi kong nakaupo si Kuya Noel at Gener. Nasa sofa nakalagi ang mga babae. Pinaalala muli sa amin ni Sir Del ang kanyang mga house rules at ilang pagbabago sa kanyang patakaran. Isa sa sinabi nya ay ang pagbabawal umakyat sa taas kapag walang pahintulot mula sa kanya. Nagsikuhan kami nina Kuya Noel at natatawang pigil ang itsura nina Ren at Jundell.

Tinanong nya kami kung sino ang lilipat sa amin sa susunod na semestre, tinignan ko silang lahat at walang nagtaas ng kamay. Naputol ang aming pagpupulong dahil sa sunod sunod na ring ng telepono sa taas. Sinabi ni Sir Del na baka ang anak nya ang tumatawag.

Iniwan na kami sa baba ni Sir Del at umakyat na sya sa taas, nagkanya kanya na kami ng punta sa aming mga kwarto. Bago ako lumabas ay lumapit ako kina Beatrice dahil may tatanungin sana ako. Humarang si Ate Sheila.

"Saglit nga Ed, umamin ka nga, kayo na ba talaga ni Beatrice?"

"Ate naman, matalik na magkaibigan lang kami ni Beatrice, siya kaya ang tanungin mo."

"Alam nyo kayong dalawa, tanggi kayo ng tanggi pero yang mga ikinikilos nyo taliwas eh."

"Ate kung talagang kami na, sasabihin naman namin talaga sa inyo."

Naging bisyo ko na yata ang pagsisinungaling. Bakit nga ba kailangang magsinungaling kung ang pagsasabi ng totoo ay mas nakakagaan sa konsensya? Paano ko sasabihin sa kanila na kami na kung hindi naman kami nagsasabihan ng I love you at I love you too sa isa't isa? Hanggang kailan namin maitatago ni Beatrice na ang namamagitan sa amin ay may malalim nang ugnayan? Kailangan na ba naming sabihin sa lahat na 'Oo, kami na'?

Bumalik sa isip ko ang eksena sa tabing dagat, sa parke sa likod ng kapitolyo, nakaupo kami ni Beatrice sa mga shed habang hinihintay ang paghalik ng araw sa dagat. Setyembre, tapos na ang mga klase namin noon at naisipan naming maglakad lakad muna doon bago umuwi ng boarding house. Pinagsasaluhan namin ang bente pirasong fishball at sago't gulaman na palamig. Nakaupo kami sa mesa, nakaharap at patingin tingin sa nagkukulay kahel na dagat.

"Sana lahat umaalis sa buhay natin, magaan lang tanggapin at masarap sa kalooban", ngumunguyang sabi niya habang nakatingin sa papalubog na araw.

"Meron bang ganun?"

"Katulad ng eksenang ito, tignan mo ang araw, ang ganda ganda ng kanyang pag-alis. Siya lang yung nang-iiwan na nag-iiwan ng ngiti sa labi."

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at humalik dito. Hinihintay kong tumitig din sya sa aking mga mata.

"Hindi naman kita iiwan at kung sakaling iiwanan man kita, magiging araw din ako na bukas ay sisikat din, mawawala pansamantala ngunit sayo at sayo ay magbabalik."

Tumitig sya sa akin, may kinang sa kanyang mga mata. Humigpit ang kapit nya sa aking mga kamay.

"Ed ha, nagiging makata ka na rin, siguro lagi ka na ring nagbabasa ng pocketbook?"

"Naglalambing lang naman, saka wala akong oras sa pagbabasa ng pocketbook at kung anu-anong walang kabuluhan. Ang oras ko ay para lang sa pag-aaral at sympre PARA SA IYO", may diin ang huling sabi ko sa kanya.

Lumapit pa sya sa akin at hinagkan ako sa pisngi. Masuyo at malambing.

"Teka, bakit ba kita hinalikan na naman. Ikaw, nakakarami ka na sa akin", sabay bawi nya sa kanyang ikinilos.

"Ano ka ba, sympre tayo naman na, hehehe! I lo…"

Tinakpan nya ang bibig ko, hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Oh bakit ayaw mong sabihin ko ang tatlong salita na yun?"

"Hmmm huwag na muna, saka na lang tayo magsabihan ng tatlong salita na yun kapag talagang sigurado na tayo sa isa't isa."

"Ikaw ang gulo mo, sabi mo dati ligawan at suyuin kita hanggang sa mapasagot kita ng 'OO', tapos ngayon ayaw mong marinig mula sa akin yun. Ano ba talaga ate?" natatawa kong tugon sa kanya.

"Tanungin kita, kailangan ko ng malinaw na sagot. Okey lang ba kung ganito muna ang set-up natin? Nag-uusap, nagkakasama, nagsasabihan ng mga saloobin pero walang label na tayo."

"Ano ba namang tanong yan, bakit nakakalito! Okey naman na tayo kasi sabi mo dati gusto mo ako tapos sabi ko sayo gusto rin kita, ibig sabihin nun eh tayo na nga."

"Hindi at oo Ed. Hindi pa naman tayo. Parang ganito yan, nasa pagitan tayo ng pagiging magkaibigan at magkaIBIGAN."

"Ah, MU ba ang tinutukoy mo", tanong ko sa kanya.

"Hmmmm, siguro, parang ganun na nga", sagot nya sa akin.

"Pero basta ang alam ko, tayo na talaga kahit hindi pa naman tayo nagsasabihan ng mahal kita sa isa't isa at okey na okey na ako sa set-up natin."

"Correction, hindi tayo. At alam mo ba kung bakit gusto ko hanggang sa ganitong kalagayan muna tayo?"

"Bakit", usisa ko.

"Dahil mas masaya. Kontento na ako na nakakasama kita palagi, walang pressure, walang commitment. Kaya Ed kung may matipuhan ka mang iba, sabihin mo lang sa akin para alam ko kung saan ako lulugar sa samahan natin. Malaya ka pa ring mamili at manligaw ng iba."

"Ayoko nga. Bakit pa ako manliligaw ng iba kung ang nililigawan ko ay kaharap ko na. At please, huwag na huwag ka dyang magpapaligaw sa iba."

Tumitig sya uli sa mata ko, nakangiti. Unti-unti nang lumubog ang araw sa kanluran hanggang ito ay nawala, nagsisimula nang dumilim at naglakad lakad kami sa dalampasigan diretso pauwi.

"Anong isasagot ko kapag tinanong ako kung tayo na ba talaga", tanong ko sa kanya bago kami lumiko sa may kanto sa boarding house.

"Ikaw, kung anong gusto mong sabihin sa kanila", tugon nya sa akin.

Pakkk!!

Mahinang sampal sa aking pisngi ang gumising sa pagbabalik tanaw ko. Si Beatrice pala nasa harapan ko.

"Hoy, anong sasabihin mo, kanina pa kita tinatanong, para kang namatanda dyan na nakatitig lang sa akin."

"Ah eh, itatanong ko lang sana kung uuwi ka sa Biyernes."

"Hindi na muna Ed kasi dalawang linggo na lang naman at sembreak na natin. Ikaw, uuwi ka ba?"

"Hindi rin. Sabay na lang tayo ulit next week."

"Ako rin sabay na ako sa inyo", singit na sabi ni Nica.

Nasa kwarto na ako at mag-aalas otso na ng gabi, habang abala ako sa pagbubuklat ng aklat, naagaw ang atensyon ko sa hagikgikan nina Gener at Hemerson. Nasa baba silang dalawa at at tila may binabasang di ko mabatid kung ano iyon. Wala si Kuya Noel, nasa taas na naman sya.

"Tol ano yang binabasa ninyo?"

Nagulat ang dalawa, "Tol halika dito may ipapakita kami sayo", yaya ni Gener sa akin. Bumaba ako at sinipat ang pinagkakaabalahan ng dalawa.

Hustler magazine ang pangalan at may pabalat na nakahubad na modelong natatakpan lang ng dahon ang maseselang parte ng katawan nito.

"Tol di ba bawal yan, san nyo na naman nakuha yan?"

"Tol wag kang maingay, hiniram lang namin ito galing sa kabilang kwarto, kay Ren daw binigay sa kanya ni Sir Del."

"Hah? Galing kay Sir Del, imposibleng mag-aabot ng ganyang malaswang magasin ang matanda."

"Oo tol, galing daw sa kanya. Alam mo naman yang landlord natin akala mo kung sinong relihiyoso at tahimik kaya laging nakaluhod, hahaha! Oh heto, basahin mo rin para ganahan ka sa pag-aaral mo."

"Ay huwag na tol, ibalik nyo na yan, masama yan!"

Bumalik na ako sa higaan ko at hinayaan na lang ang dalawa sa kalokohan nila. Talaga kayang kay Sir Del ang magasin. Sadya talagang malibog ang matanda.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nagluto ng agahan namin. Nauna na uling pumasok ang mga kasama ko sa kwarto maliban kay Kuya Noel na alas diyes pa ng umaga ang pasok.

Kakatapos kung maligo at nagulat ako sa naratnan ko sa kwarto, nasa loob si Sir Del. Nakatayo sya at talaga yatang hinintay nya ang pagpasok ko sa loob. Hawak hawak nya ang malaswang babasahin at nakatingin ng matalim sa akin. Tulog na tulog pa rin si Kuya Noel sa higaan nya.

"Bakit may ganitong magasin sa ilalim ng unan mo, saan nanggaling ito?!"

"Sir, hindi po sa akin yan, sina Gener at Hemerson po ang may hawak nyan kagabi."

"Ed, huwag ka ng magsinungaling, nakita ko ito mismo sa higaan mo. Kung hindi pa ako pumasok dito sa kwarto nyo dahil may hinahanap akong nawawalang kubyertos hindi ko pa malalaman yang mga kalokohan nyo."

Bahagya syang lumapit sa akin, nakatapis lang ako ng twalya, may malisya ang pababang tingin nya sa kabuuan ng katawan ko. Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan. Hinawakan nya ako sa balikat at inilapit nya ang bibig nya sa tainga ko. May ibinubulong sya.

"Mamayang gabi pagkatapos nyong kumain, kayong tatlo nina Hemerson, mag-usap tayo. Hindi ko mapapalampas ang pagkakataong ito."

Parang kuryenteng tumagos sa tainga ko ang mga sinabi nya. Bago sya tuluyang lumabas ng pinto ay tinapik nya ang puwetan ko.

"Bad ka Ed, bad…"

(itutuloy)

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag