Chereads / our sort off fairytale / Chapter 17 - seventeen } pleading, the flower attached again, and text messages

Chapter 17 - seventeen } pleading, the flower attached again, and text messages

TINANGGAP ni Gilbert ang paper cup na may lamang kape ng ospital mula sa pinsan. Hindi pa rin nito sinasabi sa kanya kung bakit ito naririto. Ang alam niya lang ay nawala ito sa Dutchy ng kalahating buwan simula nang umalis ang prinsesa. Hindi siya nagtanong dahil hindi niya naman ugali ang makialam sa buhay ng iba niyang kapamilya. He never was allowed to. Even in the slightest act of concern because they were always reminded that the other can take care of it on their own.

"So, you've been here the whole time?" tanong niya sa pinsan bago sumimsim mula sa paper cup. Tumango si Gerhard bago tumikhim at uminom rin mula sa paper cup.

"Mapait ang kape nila dito minsan," wika nito sa kanya sa wikang German. "Pero hindi naman ako nagrereklamo at mapait naman talaga ang kape."

Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa sinabi ng pinsan, sumimsim na lang ulit siya mula sa paper cup. The heat was a welcome distraction to whatever it was he's feeling right now. "It's okay." Hindi naman talaga siya mahilig sa kape.

"Anyvays, as I vas saying earlier, that vas a long time coming," amused na wika ni Gerhard. "I should definitely call Hildegar now and zell him I won za bet."

"Vat bet?"

"Of vhen Gilbert von Beckenbauer start zalking back to his Vater."

Hindi makapaniwalang napakurap-kurap siya sa sinabi nito. Strangely, hindi naman siya na-offend. Natawa lang siya. Inayos niya ang pagkakahawak ng paper cup para hindi niya aksidenteng mayupi iyon sa kamay niya. It was fragile. Just like everything and everyone was.

Gerhard snorted. "How undervhelming."

"Sa tingin mo siguro ay duwag ako, ano?" tanong niya at tinitigan ang repleksyon sa natirang kape. He was in black and white. For long, his world had been like that. Black and white. Nothing in between. Until he came here, until he found Marieke. Until... "Hindi naman kita masisisi. Duwag nga talaga siguro ako... Ang gusto ko lang naman ay may magkaroon ng kahit kaunting..." Linunok niya ang lahat ng natirang kape mula sa paper cup. "Ve're not really sentimental people, Gerhard."

"I know. You didn't have to cut to vhen it is getting interesting... but no, I don't zink you're a covard, not really," tinapik nito ang balikat niya. "I zink you're strong enough to not give in to vat you really vant for so long. And strong enough to alvays zink of vat vill be good for anyone even if it means sacrificing vhat vill make you happy." Inubos rin nito ang laman ng kape. "If it vas me, I vould be very angry if zey didn't let me become a doctor."

Inaasahan na kasi na dahil parte sila ng Beckenbauer ay lahat sila magha-hands on sa Agriculture ng Valwick. But Gerhard didn't want that. So he ran away. Pagbalik nito sa Valwick ay isa na itong ganap na doktor at dahil hindi naman ito umayaw na bigyan sila ng medical help ay tinanggap na rin ng pamilya ang pagiging doktor nito. He was the first black sheep and well, no one wanted to be the second. Until him.

"And I zink it's amazing zat you admitted you love someone else but you still vant to go zrough the marriage. I still do question zat zhough," ibinulsa ng pinsan ang mga kamay.

Tumikhim siya at hindi sumagot. Bakit nga ba? Bakit nga ba kahit na sinabi niyang mahal niya si Marieke ay sinunod niya pa rin ang kagustuhan ng Ama na ikasal kay Wilhemene? Hindi niya alam. He just thought that it would settle things. Na kahit naman gusto niyang labanan ang nakatakda, alam niyang may responsibilidad pa rin siya sa bansa. Kung aayaw siya ay si Rize ang makakuha sa Prinsesa at ayaw niya iyon. Kahit pa hindi niya mahal si Wilhemene ay ayaw niya namang ma-stuck ito sa huli.

Anyone would be better than Rize.

"Anyways, your girl is cute," wika ni Gerhard na nagpamula sa mga pisngi niya. He did say that he loves Marieke, didn't he?

"Ja... S-She is," tumikhim ulit siya. "Is she awake now?"

"Yeah. I actually came to pick you up."

"R-Really?"

Tinignan niya ito at ngumiti lang ang pinsan sa kanya. Nauna na itong tumayo at tumalikod. "Come on."

Tumayo siya. "Vhy are you here, Gerhard?" naisipan niyang itanong habang naglalakad sila sa pasilyo. At the end of the day, this cousin of his likes to mind his own business.

"Vell, I may or may not owe you something... so vhen I heard that you had to go, I just have to follow," kaswal na sagot nito. "At matagal na akong sumusunod hanggang sa napansin ng nobya mo na may nilagay akong tracking device sa jacket mo. Honestly, zat ends with me having trouble to find you two."

"S-She's not my girlfriend yet."

"I know."

"Vhat exactly did you owe me?"

Ngumiti lang ito saka tumigil sa harap ng isang kwarto. "Remember, vhen you lied about vhere I am vhen I ran away?"

He did vaguely remember that. Tumango siya. Ngumiti lang ulit ang pinsan bago binuksan ang pinto para sa kanya. "I guess, ve're pretty even now, zhen?"

Tumango ulit siya.

His cousin smiles. "Good luck, Gilbert."

Sinarado na nito ang pinto at nakatayo na siya sa harap ng dalaga. When he saw her sitting there, his heart flutters. Ngumiti siya rito. Naka-ponytail ang buhok ng dalaga at nakita niya ang tali ng buhok na binili niya para rito. The dark blue flower was situated near her blue highlights. It looks nice on her. "Hello, schatz. How are you feeling?"

Mahinang ngumiti ito sa kanya. "Hindi ko alam? Okay lang siguro."

Lumakad siya at kinuha ang monoblock na naroroon. Inilapit niya iyon sa kama ng dalaga at naupo. "Do you feel better than earlier?"

"Oo."

"Vhat did the doctor say?"

"I have to sleep."

"Oh, okay. Just lay back down then. I'll be here, no worries."

Tinitigan siya ng dalaga, kagat-kagat na nito ang ibabang labi. Mukhang may gusto itong sabihin sa kanya pero halatang nagpipigil. Nanatili siyang nakangiti. Naghintay. Kung tutuusin may gusto rin siyang sabihin rito. Hindi niya lang alam kung saan magsisimula.

Hindi naman pwedeng magsimula siya sa mahal niya ito at idugtong pa na aalis pa rin siya. Not now. Tumikhim ang dalaga saka naiinis sa sariling hinimas ang mukha. "You have to leave me now."

::

"You have to leave me now," mahinang wika ni Marieke sa sarili. Alam niyang kahit ganoon ang volume ng boses niya ay narinig iyon ng binata. Nakita niya ang pagpiksi nito sa sinabi niya. Hindi niya nga inaasahang makita ito. Nang magising siya at makitang wala ito sa tabi niya ay nakarandam agad siya ng kirot sa puso. Pero kasabay niyon ay ang acceptance na laging sumusunod matapos ng ilang beses na pag-iwan sa kanya ng mga taong malapit sa kanya.

She even dreamt of the last parent who adopted her. Her adoptive mother knelt in front of her, took both of her hands, and apologized. Sinabi pa nito na sana hindi na lang sila nagkakilala. Na sana hindi na lang siya nito inampon. So that, it wouldn't have come to that. It wouldn't have come to the part where her adoptive mother had to return her and leave.

Laging siya ang iniiwan kaya wala na sa kanya kung iniwan man siya nito. It hurt, yes. But she lived on her twenty years without him. Pero dahil bigla itong lumitaw ay mas naging kumplikado ang sitwasyon. Mas naging mahirap sa kanya para sabihin ang sasabihin.

"Please, Gilbert, you have to leave me," nabasag agad ang boses niya at napahawak siya sa mga kamay. Traydor ang katawan niya. Palagi na lang. Kahit pa magmukha siyang malamig o kahit ano. Trinatraydor pa rin siya ng katawan niya. Kung tutuusin, ang nais niyang gawin ay hilahin ang binata papalapit sa kanya, yakapin. She's happy to see him. She's so happy to see that he didn't just leave her.

Pero, kung ang katotohanan na mismo ang sumasampal sa kanya ay alangan naman ipagpilitan pa niya ang sarili. Hindi naman sumagot ang binata, kumunot lang ang noo nito kaya nagpatuloy siya. "Hindi mo ba nakikita? Liability lang ako. Dapat nga wala ka na ngayon, magkikita kayo ni Mang Ilustro, di'ba? Magaala-una na, Gilbert." Huminga siya nang malalim at pakiramdam niya ay sinasaksak niya ang sarili niya.

Mas madali kung sila mismo ang umaalis. Dahil wala siyang kailangang sabihin. Hindi niya pipilitin ang mga umaalis na manatili sila. It's their choice. Pero ang binata ay... "Hindi ka pa naman late. You can go and I'm going to be here... Sa tingin ko naman, enough na ang mga ginawa ko para sa'yo. Kapag ayos na akong umuwi, uuwi na ako." Huminga siya nang malalim at sumusukong tinignan ang tahimik pa ring Valwickan. "You understand, don't you? Mahina ang katawan ko. I'll just hold you back. Just... just abandon me, please." Like all the ones before you.

"No," matigas at may conviction na wika ng binata na parang dapat hindi pa niya sinasabi ang sinasabi niya.

Hindi niya mapigilang mainis. Bakit ba hindi ito nakakaintindi? Hindi naman siya gumagamit ng wikang Iloko. Tagalog at English na ang sinabi niya at saka mukha namang naintindihan nito ang lahat nang sinabi niya.

In fact, when he said No, he looked proud of himself for simply saying that, "No".

"Bakit naman?" naiinis na tanong niya. "Bakit Gilbert? Bakit mo pa ako kailangan? All I ever did is have panic attacks, have this awful asthma attack, and just... be a total inconvenience to you."

"Did I say zat?" tanong nito sa kanya. Nakataas ang isang kilay ng binata.

"Hindi," napailing siya. "Hindi pero alam naman nating ganon iyon di'ba? Hindi mo naman kailangang sabihin para--"

"Vhy assume that it's vhat I zhink? Zat's bad for you."

"Pero..." Hindi makapaniwalang tinignan niya ito. Seryoso ang hitsura ng binata pero kalmado lang naman ang postura nito. Nakalagay ang mga kamay nito sa mga tuhod nito at diretso lang na nakatitig sa mga mata niya. Parehas na ekspresyon na gumuhit sa mukha nito ng naglabas ito ng mga kalansay.

"Do you zhink I appreciate it zat you're guessing vat I zink? Does that make you feel better? To assume zat I zink you're a burden to me?"

"Syempre hindi," wika niya. Hindi na niya maintindihan ang lalaking ito. "Nakikita mo ba akong tumatawa."

"You don't like it."

"Of course, I don't." Naiinis na siya. Gusto niya itong saktan. Bulyawan. Pero ayaw niya na itong pagtaasan ng boses. Kasi parang kahit anong sabihin niya o gawin niya para lang kumbinsihin ito ay parang hindi ito makikinig sa kanya. Although, she should try. "Pero sa tingin ko ay hindi mo na talaga ako kailangan mula rito. I'm still a burden to you kahit na sabihin mong hindi."

"God, you're frustrating," mahinang wika nito bago kinuha ang kamay niya. Nagtatakang tinignan niya ito at bago pa siya makapagsalita ay nagsalita ito. "Schatz, breathe."

Huminga siya nang malalim saka hindi mapigilang hinampas ang balikat nito. "Ano ka ba? Huwag mo ngang iniiba ang usapan," naiinis na wika niya. "Just go, okay? Just abandon me, please."

"No," matigas pa ring sabi nito. Humigpit rin ang paghawak nito sa kamay niya. "You don't deserve zat. It's my fault zat you even got involved in za first place."

"Hindi mo kasalanan. Ako mismo ang sumama sa'yo."

"I'm still sorry, Frau. I was thinking outside..." itinaas nito ang kamay niya at inilagay sa pisngi nito. "I hoped that you never met me... so you didn't have to suffer this way. You didn't have to look so pained when you're trying so hard to get me to leave even if you don't vant to."

"Gilbert," nahihirapang wika niya. Napahawak na rin siya sa pisngi nito at kusang lumapit sa binata. "No... Masaya akong nakilala kita. I..." Hindi niya tinuloy ang nais niyang sabihin, kinagat niya lang ang pang-ibabang labi.

"Ve shouldn't be fighting, hmm."

"Right. Anong gagawin natin garud?"

Ngumiti ito sa kanya saka ibinaba sa gilid niya ang kamay niya. "I don't know, do you want a hug?"

"Huh?" Minsan talaga ay hindi niya naiintindihan kung ano ang lumalabas sa bibig ng binata at mas lalong hindi niya maintindihan kung ano ba ang nais nitong ipadama sa kanya.

"I vant a hug," kaswal na wika nito bago siya ikinulong sa mga bisig nito. Nag-settle ang mukha niya sa dibdib nito. Huminga nang malalim ang binata. "Zere, zis feels nicer."

"Sira ulo ka talaga," natatawang wika niya na ikinatawa lang naman ng binata. Mas sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito saka kumapit. Nag-breakdown. She let the tears that she had been holding on to go. Kanina niya pa gustong umiyak simula nang magising siyang wala si Gilbert sa hospital room. Gusto niyang umiyak nang makita niya itong pumasok. Gusto niyang umiyak nang pinagtatabuyan na niya ito pero No lang ang sinabi ng binata. Gusto niyang umiyak... dahil kahit parang wala naman siyang importansya ay parang para rito ay importante siya. Na parang para rito ay isa siyang regalo na masaya nitong tinanggap kahit na anumang laman.

At ngayong umiiyak na siya ay hindi na niya pinigilan pang lumabas ang mga katagang gusto niya talagang sabihin sa binata. "Do-Don't leave me, please..." aniya sa garalgal na boses. "Ayokong umalis ka... Pero..." lumala ang paghagulgol niya. "Sabihin mo na lang kung kailangan mo na talaga."

Saglit itong humiwalay sa kanya at parang parehas na mabibiyak at mabubuo ang puso niya sa ginawa nitong pagtitig sa kanya. He was looking at her like she's the only thing that mattered in this world. In his world. Na parang mas importante pa siya kaysa sa Prinsesa. Na parang tuwang-tuwa ito na sa dinadami ng pwedeng makilala nito sa Pilipinas ay siya pa. Unti-unting lumapit ang mukha ng binata at napapikit siya.

Naghintay.

Akala niya ay may lalapat na mga labi sa mga labi niya dahil narandaman niya ang paghinga nito roon. Parang gahibla na nga lang ay mahahalikan na siya nito. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa likod ng binata. Pero... walang nangyari, lumipat lang ang mga labi nito sa noo niya. "I von't," mahinang wika nito at nagmulat siya. Nakangiti pa rin ito sa kanya at marahan pang pinunasan ang mga luhang umaalpas pa rin sa mga pisngi niya.

Ibinalik niya ang mukha sa dibdib nito at pakiramdam niya ay nag-init ang mga pisngi niya.