Chereads / our sort off fairytale / Chapter 18 - eighteen } envoys, talking, and goodbye

Chapter 18 - eighteen } envoys, talking, and goodbye

MAGKAHAWAK-KAMAY silang lumabas sa ospital. Alas sinco na ng umaga at kahit hinayaan naman si Marieke na manatili sa ospital ay tumanggi siya. Gusto niyang matulog sa apartment na tinutuluyan na niya. Ayaw na niyang magtagal sa ospital. Lagi na lang siyang naroroon simula pagkabata niya.

So, really, she would rather not.

Wala naman na silang pinag-usapan ng binata hanggang sa sinabi nitong maupo muna sila sa waiting shed na hindi kalayuan sa ospital. At sinabing may hihintayin sila. Hindi naman siya tumanggi. Naupo lang siya sa tabi nito. "So, vhat vould you like to do, schatz?" tanong nito sa kanya. "You can come with me to the princess's location or you can help me on the sidelines. Ve could definitely use your IT expertise."

"We?" kumunot ang noo niya. Nang lumabas sila ay naisip niyang sabihin rito na tutulong na lang siya mula sa sidelines tulad ng isa sa mga suhestiyon ng binata. Ang hindi niya naintindihan ay ang salitang "We". Sila lang naman dalawa ang naroroon.

Ngumiti ito. "Didn't you notice zat I paid for your hospital bill?"

Pinandilatan niya ito nang mapagtanto na ang nais nitong iparating. "Hindi mo ginawa ang iniisip kong ginawa mo," aniya na hindi pa rin makapaniwala.

"But I did," sagot naman nito na parang proud pa ito sa sarili. Ngali-ngaling hampasin niya ito pero sa halip, humigpit lang ang pagkakahawak niya sa kamay ng binata.

"Gusto mo bang mapahamak? Bakit mo tinawagan ang Kuya mo?" pakiramdam niya ay magpa-panic attack na naman siya dahil dito. Pero parang may magic na kumalma siya nang lumapit ito at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

"They know I'm still alive either way. And if I didn't call, I vouldn't know where to get some money to pay for the hospital. I'm pretty sure zey wouldn't assist you any further without downpayment."

"But--"

"It's fine," buong tiwalang wika nito. "Zey're sending someone to aid us now. Ve've been here for five hours and no one's pretty excited to kill me. Also, if I didn't call zem, I'd be sick with worry because of you."

Napapailing na tinitigan niya ito. Kumurap-kurap pa siya para siguruhing totoo talaga ang binata. Pero kahit ilang kurap niya ay nanatili ito sa kinauupuan at randam niya pa rin ang init na dala ng hawak-hawak niyang kamay nito. "Why do you care about me?"

Kumunot naman ang noo nito at parang hindi na niya kailangan pa itong tanungin niyon. "Why can I not care?"

"Hindi ko alam," saglit na umubo siya saka kinamot ang brasong kanina pa pala kinakagat ng isang lamok. "I've always felt small and insignificant... I don't really matter and all that."

"Zat's not true. You matter to me," mabilis na wika nito at mukhang nainis pa ito sa kanya dahil sa sinabi niya. "You can trust that at least."

Ngumiti siya. Sumusuko. "I guess I can."

Ngumiti rin ito. "So, vhat vill it be?"

"Sa sidelines na lang ako."

"Ja. Zat's better, I can worry less if I know you're safe somewhere."

Tumango siya at hindi niya mapigilan ang sariling niyakap ulit ang binata. Niyakap siya nito pabalik. She breathed him in. She breathed his nice smell na hindi niya pa natutukoy kung saan nagmula. Alam niyang hindi ito nagpapabango pero maganda pa rin ang amoy nito. Pinakiramdaman niya ang maayos na ritmo ng puso nito. "Gilbert... Gil..."

"Ja?"

"You have to come back," wika niya at ipinikit ang mga mata. "You have to say goodbye to me properly."

Narandaman niya ang paghalik nito sa sentido niya. "I vill, Marieke. I vill."

Saglit siyang humiwalay rito at hinawakan ang mga pisngi ng binata. She took in his pretty ice blue eyes. His gentle features. His smile. "You have to stay safe, okay?"

"Ja, I vould. You should too--"

May sasabihin pa sana ito pero narinig na nila ang pagbusina ng isang sasakyan. Humarap siya at nakita ang isang sasakyan na may flag ng Valwick bilang logo sa harapang passenger seat at sa kabila noon ay ang isa pang logo, ang butterfly na kaparehas ng disenyo ng brooch ng binata.

Humiwalay na ang binata sa kanya at pinanood niya itong lumapit sa sasakyan. Lumabas doon ang isang lalaki na mukhang mamatay na sa sobrang pag-aalala at mabilis na hinawakan ang binata sa mga braso. Nag-usap sila sa wikang German kaya ni isa ay wala siyang naintindihan. Marahan siyang ngumiti. Kung tutuusin pwede na siyang umalis ngayon. At hindi pa mapapansin ng mga ito pero nanatili siya. Nanatili siya hanggang sa binalikan na siya ng binata at maingat pang itinayo. Hawak ang kamay niya ay ipinakilala siya nito sa kausap. Ngumiti siya kahit pakiramdam niya ay simula noon, magbabago na ang lahat sa buhay niya. At hindi pa siya sigurado kung ayos lang ba iyon sa kanya o hindi.

::

"Junker, bago po tayo umalis ay kailangan niyo ho ito," wika sa kanya ni Friedrich, isa sa mga envoy na pinadala sa kanya ng ama bukod sa sarili niyang butler. Napatitig si Gilbert sa nais iabot sa kanya ng envoy. It was a gun.

He reach for it, hesitates, before finally taking it on his hand. Narandaman niya ang bigat noon at sabay na rin ang mabilis na pagsakmal sa kanya ng takot sa dibdib. Inilagay niya ang baril sa holster na inabot sa kanya kanina. Alam niya kung papaano gumamit ng baril.

Isa iyon sa tinuro sa Arms bootcamp. Ang pinagkaiba lang ay hindi na practice targets ang paggagamitan niya kung sakali. The thought scared him. Kaya nga hindi siya nagdala ng baril nung una. Akala niya maayos niya ang kahit anong gulo gamit ang diplomasya. Alam niyang competetive ang ibang Dutchy, proven after so many friendly sports meet. Pero hindi sila gumagamit ng dahas para i-settle ang isang competition, lalaban lang sila at hindi susuko. Akala niya ganoon rin ang mangyayari ngayon. At sigurado siyang hindi kagustuhan ng prinsesa na magkasakitan sila.

But then again, he could have guessed.

Huminga siya nang malalim saka lang niya napansin na kanina pa pala siya kinakausap ni Marieke mula sa earpiece. Bago sila umalis ay m-in-odify ni Marieke ang earpiece niya para makapag-usap sila roon without anyone detecting her hand on this. Ito rin ang naghanap sa maaring lokasyon ng ibang Dutchy representatives. Saglit itong nahirapan pero may nahanap itong livefeed mula sa isang warehouse at kasalukuyang pumunta doon ang iba niyang envoy. Five of them. Sa simula, iyon lang ang bilang ng envoy na kasama niya. Pero ngayon, isang dosena ang pinadala ni Viktor at kasama pa roon si Philipp, ang butler niya na hindi niya pinasama nung una dahil ito ang sinanay niya para sa mga gawaing kailangan niyang gawin para sa Dutchy.

"Earth to Gil?"

He touched the earpiece gently and smiles. Baka kung tinitignan siya ng mga envoy niya ay magtaka ang mga ito sa makikitang ekspresyon sa mukha niya. It was of a man in love. "Sorry. I didn't quiet catch zat. Vat is it, schatz?" marahang wika niya sa earpiece.

"Erm... Inabutan ka ba niya ng baril?"

"Ja. He did."

Ini-imagine niya ang hitsura ng dalaga sa ngayon. Sigurado siyang nakaupo ito sa harap ng laptop. Suot ang pantali ng buhok na binili niya para rito para hindi makasira sa konsentrasyon ang buhok sa ginagawa. She'd also be glancing cautiously at her butler, the only envoy he trusted enough to be at her side. Kahit pa nagreklamo ang butlet niya dahil iniwan siya nito for guard duty.

"May sasaktan ka ba?" tanong nito.

"Can you see me, schatz?"

"Why are you answering a question with another question?"

Ngumiti siya at hinanap ang surveillance camera ng parking lot. Ang sabi ng dalaga ay h-in-ack niya ang servers para lang makita nito kung nasaan siya sa ngayon. Nang makita na niya ang camera ay kumaway siya saka itinaas ang kamay. "I promise zat I von't hurt anyone."

Narinig niya ang marahang pagtawa nito mula sa kabilang linya. At gumaan na ang loob niyang bumigat dahil sa dalang baril.

"Okay. Be careful, I'll be watching from here."

Ngumiti siya sa surveillance camera. "I vill."

Liningon na niya ang naghihintay na sasakyan at sumakay. "Saan tayo pupunta, Junker?" tanong ng envoy na asa manibela.

Tumikhim si Gilbert at binigyan ng instructions ang envoy sa kung paano sila makakapunta sa pangalawang lokasyon sa Tabuk. Tumango ang envoy saka nagsimula na ang sasakyan. Natahimik silang lahat at tahimik rin si Marieke mula sa kabilang linya bukod sa naririnig niyang mabilis nitong pagtitipa sa keyboard.

Nag-focus naman siya sa pakikinig sa paghinga ng dalaga. At sinabayan niya iyon. Ayaw niya munang mag-isip sa kung ano ang maaring mangyari pagdating nila sa destinasyon. Sa ngayon, sinabayan niya lang muna ang paghinga ng dalaga at iniisip na katabi niya lang ito. He knows he should take advantage while he still can.

Nakatulog na nga siya nang hindi niya namamalayan dahil ginising na lang siya ni Friedrich. Umayos siya ng upo at tumikhim. "Schatz?" tanong niya sa earpiece.

"Hmm?"

"Ve're here."

"Yep. I saw. Mabuti naman at nakarating kayo nang maayos."

Lumabas na siya sa sasakyan at saglit na kinusot muna ang mga mata. Mataas na ang araw kahit alas diyes pa lang. Tumango siya kay Friedrich at nagsimulang maglakad. Sumunod ang mga envoy na kasama niya.

"It's awfully quiet, isn't it?" tanong niya kay Marieke. Nakatingin siya sa dinadaanan ng mga kasama at sinabihan silang mag-ingat. Mataas ang daan at pwede kang madulas kung magmamadali ka. They were climbing an uncemented slope, retracing their step to when he should meet Mang Ilustro hours ago.

"Oo nga e. At ano pala... Nakabalik na ang mga s-in-end mong envoy kanina mula sa warehouse."

"Hmm. How are zey?"

Tinulungan niya si Friedrich na umakyat at nagulat pa ito sa ginawa niya. Ngumiti lang siya.

"You didn't have to do that, Junker."

"It's alright. Just be careful."

Narinig niya namang ngumiti ang dalaga sa kabilang linya. "Mamaya na lang tayo mag-usap. Focus ka muna diyan."

"It's fine. How are the envoys?"

Tumitipa ang dalaga sa keyboard at narinig niyang napabuntong hininga ito. "Wala silang nahanap. Alam siguro nila na may IT ka."

"Hmm."

Nakarating na sila sa tuktok at isang binatilyo ang maghihintay sa kanila. The lad was playing with a wooden stick.

"Oh."

"Anong nangyari?"

Tumayo ang binata nang nakita sila at kumaway. Kumaway din pabalik si Gilbert. "Mr. Ilustro isn't here," kaswal na sabi niya bago niya inilabas ang phone. "I'm connecting you to the phone."

"Okay."

Lumapit siya sa binatilyo at hinarap ang phone dito. Marieke spoke from there and asked the boy some questions. May nangyari bago sila makarating doon kasama ang envoy niya. Dinakip nang kung sino si Mang Ilustro nang hatinggabi. At pagdating ng binatilyo ay wala na ito. The old man did say that if that happens, the lad is tasked to helped them.

"Kapag naglakad ba sila gaano sila katagal makakarating?" tanong ni Marieke sa binatilyo sa wikang maiintindihan nito.

May sinabi ang binatilyo at narinig niyang tumikhim ang dalaga. "Gilbert, a day. Sabi niya makakarating kayo in a day. Pero may headstart na yung ibang Dutchy by then."

Tumango siya at hinarap ang kasamang mga envoy. Nagsalita sa sariling wika, "May dala ba tayong helicopter?"

Ngumiti si Friedrich. "Nakarating po kami nang mabilis dito dahil doon."

Humawak na siya sa earpiece. "I have it covered. Can you ask the lad to come with us?"

Kinausap muli ni Marieke ang binatilyo at tumango lang ito saka ngumiti. And with that, they all trekked back with the lad. While Marieke told the other envoys to send the helicopter.

::

"Are you avake?" tanong ng binata mula sa kabilang linya. Kasalukuyang nakahiga lang si Marieke sa kama niya habang nakatitig sa satellite feed. H-in-ack niya iyon para makita niya pa rin kung asaan na ang binata at kung sakaling may kahit anong aircraft ang sumugod sa sinasakyan nito. Kanina pa siya hindi makahinga nang maayos habang nakapokus sa anumang maaring mangyari dito. The only comfort she had was the fact that he's still breathing.

At malapit na nga ang mga ito sa pupuntahan. Walang nangyari sa buong paglalakbay ng binata kaya sigurado siyang walang masamang nangyari dito.

"Oo, gising ako," sagot niya rito. "Kamusta ka?"

"I'm nervous and scared... I vish you're here so I can hold your hand. Find some assurance."

Marahan siyang natawa. "I'm sorry, hindi ako sumama. Pero, 'di ba ang pangit namang parehas tayong takot..." Sinuklay niya ang buhok palikod at tinignan ang butler ng binata. He stood in attention na parang kung sinabi niyang bilhan siya nito ng icecream ay gagawin niya. "Nag-aalala ako sa'yo."

"Me too."

Lumunok siya at hindi na alam ang sasabihin dito. Wala rin namang sumunod sa huli nitong sinabi.

"Gilbert..." mahinang wika niya. "Are you okay?"

Kanina pa kasi ito hindi nagsasalita simula nang lumulan ito sa helicopter. Wala naman siyang surveillance sa loob ng helicopter kaya hindi niya alam kung anong ginagawa nito.

"I'm fine, schatz," wika nito. May bahid naman ng assurance ang sinabi ng binata pero parang may nararandaman pa rin siyang gustong sabihin nito.

"May gusto ka bang pag-usapan?"

Tumikhim ang binata. "Once ve landed, I told my butler to take you home."

Napaupo siya sa sinabi nito at napahawak siya sa suot na earpiece. "A-Ano?"

"You're going home, Frau. And don't vorry about the money, it's already vired it to your account yesterday."

Klaro naman ang sinasabi nito. Naiintindihan niya ang gusto nitong iparating. At dahil naiintindihan niya ay naramdaman niya ang pag-init ng mga sulok ng kanyang mga mata. Ang pagsakit ng kanyang lalamunan. At ang pagsikip ng kanyang dibdib. Mapait siyang tumawa. "Nagbibiro ka ba?"

Hindi iyon ang kasunduan nila. Ang pinagusapan nila ay pagkatapos nito ay magkikita sila. He would say goodbye properly. Alam niyang aalis ito at hindi niya naman ito pipigilan. Pero base sa tono nito ngayon, plano nitong umalis agad pagkatapos masundo ang prinsesa. At nagpapaalam ito sa kanya ngayon.

"No..." mahinang wika nito. Kung nakikita niya siguro ito ay nakangiti ito. Tipid. Nagsisisi. "No, I'm not. I'm sorry, Marieke."

"Bakit andaya mo?" puno ng hinanakit na tanong niya. "Bakit Gilbert?"

He sighs. Narinig niya ulit itong tumikhim. "Ich liebe dich, schatz. Auf Wiedersehen."

Napatitig siya sa pader sa sinabi nito. Hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito. Bukod sa nagsalita ito sa sariling wika ay halos pabulong na ang boses nito.

"What?" tanong niya pero naging isang mahabang beep na lang ang naririnig niya sa earpiece na suot. Tinanggal at pinandilatan niya ang naturang aparato. "Gilbert?" Isinuot niya ulit ang earpiece at inulit na sambitin ang pangalan ng binata. Walang sumagot mula sa kabilang linya bukod sa mahabang beep. Humarap siya sa laptop at binuksan ang window roon na natakpan ng satellite feeds. Pula na ang icon ng status. Disconnected.

Gilbert had deliberately disconnected.

Napatakip siya ng bibig at pinigilan ang hikbing nais tumakas mula roon. Lumabo na ang kanyang mga mata sa pamumuo ng mga luha. At tahimik na umiyak siya roon. Ang maipapasalamat na lang siguro niya ay hindi gumalaw ang butler ng binata para aluin o kausapin siya.