LUMAWAK ang ngiti ni Philip at mukhang nagustuhan nito ang sinabi niya. "Do you like him, Frau Marieke?"
Tinakpan niya ng pagkunot ng noo at pagtikhim ang nararandamang hiya. Nahahalata na ba nito ang nararandaman niya? Kung nahalata man nito ay hindi ito nagsalita, that she could thank Philip for.
"...Yes," mahinang wika niya. "I do..."
"Zen, I really should stay here and vait vith you. I'm sure, Junker, Gilbert vill return for you."
Or so they thought. Madaling araw nang ginising siya kinabukasan ni Philip. Hindi niya pa namalayan na nakatulog siya. Bukod kasi sa nawalan siya ng connection sa satellite feed ay hindi na niya alam kung paano siya maka-connect para malaman kung kamusta na ang binata. Kaya sa halip, nagtrabaho na lang siya.
Nakatulog siguro siya sa kalagitnaan niyon. Isang bagay na laging nangyayari sa tuwing nawili siya masyadong magtrabaho. Halos gulat pa nga siya nang gisingin siya ni Philip. Kinusot-kusot niya ang mga mata at tinitigan ang butler ng binata na mukhang may bakas ng pag-aalala sa mukha.
"What's wrong?" tanong niya.
"I can't tell... I'd rather ve see it for ourselves..." wika ng butler saka ibinigay sa kanya ang isang jacket. Inabot niya ito at hindi nagtanong, isinuot niya lang iyon kahit masyadong malaki para sa kanya. Napansin na lang niyang isa iyon sa mga jacket ni Gilbert nang makatayo na siya.
At doon siya nakarandaman ng panlalamig. "Si Gilbert... anong nangyari kay Gilbert?" tanong niya kay Philip na kumunot naman ang noo. Kinakabahang napatakip siya ng bibig. "What happened to him?"
Umiling lang si Philip, "Let's go for now, Frau Marieke."
::
Marieke hated hospitals next to her birthday. Kaya hindi niya talaga nagustuhang magising doon nang himatayin siya nang nakaraan. At ngayong naglalakad siya sa pasilyo ay pakiramdam niya may masamang mangyayari. Na hindi niya magugustuhan ang makikita niya.
Natigil na ang oras na laging siya ang nakikita ng mga tao sa puting kwarto ng ospital. Walang malay at may nakadikit na dextrose. That's how it played for long until she turned into an adult. Simula nang nagtigil iyon ay gusto niya naman sanang huwag na uling bumalik sa ospital.
Pero andito siya ngayon kasama si Philipp. Napahawak na siya sa sleeve ng butler dahil kanina pa siya kinakabahan. Pilit na nga niyang pinapakalma ang sarili at kanina pa siya humihinga nang malalim para lang umaayos ang pakiramdam niya.
Kanina pa siya nagdadasal na sana hindi bangkay ang abutan niya. Anything would have been fine for her as long as he's alive. Iyon lang ay ayos na siya. Kahit iyon lang sana.
Pakiramdam niya ay maiiyak na rin siya dahil sa inis at basta siya nito pinatayan ng tawag. At maiiyak dahil bukod doon ay malalaman niya pang asa ospital ito. Baka kung makita niya ito ay hampasin niya ito dahil pinagaalala siya ng binata.
And mostly, because as they traversed the ever so long hallways, she realized that she had fallen for him. That's why she cared so much now.
Wala sa sariling napakamot siya ng braso sa napagtanto at nag-init ang kanyang mga pisngi. Hindi naman imposible.
Kahit iba ang mahal niya? tanong ng lohikal na parte ng utak niya.
Kahit iba ang mahal niya.
Huminga siya nang malalim at tumingin na lang ng diretso. Hindi na siya nag-isip at nang lumaon ay tumigil na sila. May dalawang envoy na nakatayo sa labas ng kwarto kung asaan ang binata. At sa upuan ay nag-uusap ang isang dalagang may kulay mais na buhok. Naka-braid iyon... na sigurado siyang mas maganda nang maayos pa.
Magulo na kasi ngayon at parang walang plano ang dalagang ayusin iyon. Sa tabi naman ng dalagang alam niyang Valwickan ay ang isang taong hindi niya nakita ng ilang taon. Kahit nakaupo ay alam niyang mas matangkad na talaga ito sa kanya. Hindi katulad ng dati na magkapantay lang sila. At kung dati ay mukha itong patpatin, may laman na ito at higit pa sa ganoon lang. She could tell from here that he had been spending time on exercise. At parang naging pale na kayumanggi na ang kulay nito ngayon. It was Keeno, her childhood friend.
Npabitaw na siya sa sleeve ni Philipp at sakto namang napansin siya ni Keeno. Nang tumayo ito ay doon niya lang napansin na naka-sling ang kaliwang braso nito. He smiled lightly. "Marieke."
His voice sounded so familiar. At hindi na niya napigilan ang sarilung tumakbo at yakapin ito. "Keeno."
::
Iginaya siya ni Keeno sa isa pang pasilyo para makapag-usap sila. Pero bago noon ay ipinakilala nito sa kanya ang prinsesa. The princess was only a head shorter compared to Gilbert. Para itong araw kumpara sa kanya, bukod sa kulay ng buhok nito, sa kulay gatas nitong kompleksyon, at sa baby blue nitong mga mata.
Nang ngumiti ito ay pakiramdam ni Marieke ay biglang nagliwanag ang paligid at kailangan niyang maniwala na magiging ayos lang ang lahat. Hindi niya rin mapigilang ma-conscious sa suot na damit. The princess looked like she could pull off anything and it would look really nice on her. Habang siya, ito at nagsusuot ng mga loose para hindi mapansin na medyo mataba siya.
At overall, pansin niya kung bakit ito nagustuhan ng lalaking mahal niya. Hindi niya tuloy maiwasang hindi ma-conscious. Kung hindi nga siya inimbitahan ni Keeno na maglakad muna ay baka umalis na siya. Hindi na kasi niya alam kung bakit nandoon pa siya. At pakiramdam niya kaya siguro pinutol ng binata ang komunikasyon nila kahapon ay dahil nais nitong umalis lang kasama ang prinsesa. Ayaw na siguro siyang isipin nito.
Maybe because she's too messed up and too complicated to be with?
"You okay?" tanong sa kanya ni Keeno na nagpapiksi sa kanya. Tumingin siya rito.
"A-Ah, pasensya na. May sinabi ka ba?" mabilis niyang sagot. Kung sa ibang circumstances siguro ay baka mas masaya siyang makita ang kababata. Sadyang sa ngayon, si Gilbert ang inookupa ng utak niya.
"Wala naman. Napansin ko lang na parang nagpi-pity party ka diyan. Invite mo naman ako," nakangising wika nito at hindi makapaniwalang pinandilatan niya ito.
"Kelan ka pa nagsasalita ng ganyan?"
She remembered Keeno being the guy who grunts a lot. Nahihirapan itong mag-express ng sarili ng mga bata pa sila kaya lagi nitong idinadaan lang sa gawa. Sabi nga nito noon ay walang kwenta ang mga salita kung hindi ka gagalaw para pangatawanan ang sasabihin mo. And so, that's what he did.
Marahan nitong ginulo ang buhok niya na ikinalukot ng mukha niya pero hindi niya ito pinigilan. Nang matapos ito ay huminga ito nang malalim. "Masaya talaga akong makita ka. Na-adopt ka ba?"
Umiling siya.
"Really?"
"Well, nung umalis ka, tumanggi na akong sumama sa mga adoptable. Then at 18, after working some time, umalis na ako sa orphanage."
"I see. I'm sorry for um..." nag-iwas ito ng tingin at consciously na napahimas sa naka-sling na braso. "For leaving..."
Umiling ulit siya at hinawakan ang libre nitong kamay gaya ng lagi nitong ginagawa para sa kanya ng oras na umiiyak siya sa palaruan dahil ibinalik na naman siya sa bahay ampunan. Ngumiti siya rito. "Hindi naman natin kontrol iyon, di'ba? It wasn't easy, sure. Pero masaya akong makita ka at buhay ka pa," sinserong wika niya. "That's more than enough for me."
Ngumiti ito at pinisil din ang kamay niya. Nagpatuloy sila sa paglalakad sa pasilyo at nagsimula itong magtanong tungkol sa mga bagay bagay na naganap sa buhay niya. Nagkwento naman siya at nakakagaan lang sa dibdib dahil parang katulad lang iyon ng dati. Noong mga araw kung saan kasama niya ito sa palaruan at nagkwekwento siya ng mga bagay bagay rito. He didn't like talking much but he liked listening to her, iyon ang sabi nito sa kanya noon.
Kaya iyon ang ginawa niya ngayon. At hindi ganoon kalabag sa kanyang kausapin ito. Na-miss niya nga itong kausapin. Keeno always make you feel like what you're saying matters. Kahit anong ikwento mo sa kanya ay hindi ito sasabat o magkokomento. Makikinig lang ito. At kung sa tingin nito ay hindi maganda sa pakiramdam ang kwinekwento mo at mukha ka pang nahihirapan ay yayakapin ka nito.
Gumaan na ang loob niya kahit papaano kaya nang nakabalik na sila ay hawak niya pa rin ang kamay nito at malawak ang ngiti niya.
"Gising na si Gil..." bati sa kanila ng prinsesa na natahimik agad nang makita sila. Bumaba ang tingin nito sa magkasalikop nilang mga kamay at nakita niya ang pagdaan ng... selos? Kumunot ang noo niya at magtatanong sana siya kung hindi lang ngumiti ulit ang dalaga sa kanya. "He vants to see you, Frau Marieke."
Tumango siya at binitawan na ang kamay ni Keeno. Nginitian niya ito at marahan lang nitong ginulo ulit ang buhok niya. Napalabi siya saka inayos ang buhok bago pigil-hiningang pumasok sa kwarto ni Gil.
::
Nakahinga lang ata nang maluwag si Gilbert nang pumasok na ang dalaga sa kwarto niya. Hindi siya nanaginip lang. He can see black hair with blue highlights, fawn skin color, a light tinge of red in her cheeks. Suot nito ang pantali na binili niya, where she had worn her hair in a half ponytail.
Nang sinabi ni Wilhemene sa kanya na nandito ang dalaga ay hindi niya pa gustong maniwala. Ang alam niya ay iniuwi na ito ni Philipp tulad nang inutos niya. Kahit na gusto niya pa itong makita ay nagdesisyon siyang pauwiin ito para kung sakaling mamatay man siya o hindi makabalik ay panatag siyang ligtas ito. But here she is at one in the morning. The second thing he sees when he woke up and the best thing that ever happened to him.
"Schatz," bati niya saka maluwag na ngumiti. Naputol niyon ang katahimikan na bumalot sa kanila. Nanatili kasi itong nakatayo lang sa tapat ng pinto at nakatitig sa kanya. Nagpipigil. "I'm glad to see you." Tinanguan niya ito na parang nagbibigay siya ng permiso ritong lumapit.
"Gil..." mahinang wika naman ng dalaga bago lumakad papunta sa kanya. "Oh, Gilbert." Naupo ito sa monobloc na kanina'y kinauupuan ni Wilhemene. Mukhang maluluha na ang dalaga nang abutin nito ang kamay niya. Pinisil nito iyon. Her warm hand feels like too much heat on his. Hinawakan niya ang kamay nito.
"Marieke," her name came out as a sigh of relief.
"Sira ulo ka talaga," anito bago walang sabi-sabing pinalo ang balikat niya. Napapiksi siya sa ginawa nito saka gulat niya itong pinandilatan.
"Vhat did I do?" inosenteng tanong niya. Ang akala pa naman niya ay yayakapin siya nito.
Pinalo na naman siya ng dalaga, mas malakas pa kaysa sa nauna nitong ginaw. "How dare you disconnect the transceiver? How dare you ask Philip to take me home? How dare you not keep your promise?" Sa bawat tanong nito ay nakakuha siya ng palo sa balikat na palakas lang ng palakas. For a small woman, he didn't expect her hits to really hurt. Mukhang hindi ito titigil kaya nanahimik na lang siya at tinanggap ang ginagawa nito. Unti-unti lumandas ang mga luha sa mga pisngi ni Marieke.
"Schatz," mahinang turan niya. He didn't mean to make her cry.
"Pinagaalala mo ako, sira ulo ka!" ang huli nitong palo ay naging hampas saka ito tumayo at niyakap siya. Ibinaon nito ang ulo niya sa balikat nito. "Damn, kung namatay ka papatayin talaga kita ulit. Walang hiya ka."
Natatawang niyakap niya ito pabalik. "I'm sorry, schatz. I'm really sorry," he squeezes her lightly. He reveled at the smell of her. Amoy bulaklak ito at hindi niya maiwasang mapangiti dahil mukhang nagpabango pa ito para sa kanya. "I'm really glad to know zat you stayed. I'm glad to have you here... In my arms."
Tumango ito. "Me too."
Saglit na tahimik lang sila at pumikit siya. Pinakinggan niya ang mabagal na pagpintig ng puso ng dalaga. At kahit medyo kumikirot ang sugat niya ay nagawa niya pa ring ngumiti. Her embrace felt like home. He feels at home in her presence. Parang gusto na nga ata niyang manatili na lang roon, kung maari.
"Mahal kita..." mahinang wika nito na nagpadilat sa kanya. Hindi niya alam ang ibig sabihin noon.
"Hmm? Can you translate for me?" tanong niya matapos maghintay ng ilang minuto. Hindi kasi nito sinundan ang sinabi.
Huminga ito nang malalim. "I love you, Gil."
"Oh."
"I know you love someone else but I can't--" humiwalay siya rito at inilagay niya ang mga kamay sa pisngi nito. "Gil..." nahihirapan itong tumingin sa kanya.
"Look at me and say it again."
Lumunok ito saka naglakas-loob na tignan siya. "I love you, Gil."
Daig niya pa ang nanalo sa lotto sa lawak ng ngiti niya. Lumapit siya sa rito at pakiramdam niya ay bumilis ang tibok ng puso niya. O baka sa dalaga iyon dahil nararandaman niya rin iyon mula sa pisngi nito.
"You heart is beating so fast..." mahinang wika niya. Dahil sa distansya niya rito ay nakikita niya ang tsokolate nitong mga mata. It's pretty.
Pumunta ang mga kamay nito sa mga balikat niya. "I-Ikaw din kaya."
"Did you hear vhat I said vhen I disconnected?"
Umiling ito. Inayos niya naman ang buhok na tumabing sa magandang mukha ng dalaga. "Ich liebe dich, Frau Marieke," pag-uulit niya sa unang pangungusap na sinabi bago niya pinutol ang tawag.
Saglit na mukhang nagulat ito bago ngumiti. "Really?"
"Yes. I love you too," masuyo niyang pinunasan ang mga luhang nagsimulang dumaloy sa mga mata ng dalaga at mas lumapit. He's practically breathing on her lips at the moment. "May I?"
Pumikit ito. At kinuha niya iyon bilang signal na gusto nitong halikan niya ito. So, he did. He pressed his lips into her waiting ones. Marahan niya itong hinalikan at hinintay na tumugon ito. Nahihiya itong gumalaw saka narandaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa leeg niya. He smiles on her lips as he buried his fingers on her hair. He kissed her properly this time. Bahagya niyang nalalasahan ang lipgloss nito: strawberry. At tama siya, their lips fit so well.
Maingat na niyang pinaupo ito sa gilid ng kama. Gumalaw naman ang mga kamay niya mula sa buhok nito hanggang sa mga pisngi, sa mga balikat, at dumaan sa bewang nito. Ipinulupot niya ang mga braso doon at mas napalapit ang katawan nito sa kanya.
Saglit niya itong pinakawalan pero hindi siya humiwalay rito. She was looking at him with half-lidded eyes. Her breathing slightly labored.
Hindi siya gumalaw, nanatili lang rin siyang nakangiti rito. Hanggang sa parang hindi ito nakatiis at nagsalita. "Isa pa... Please."
"Hmm," inilapit niya muli ang sarili at hinalikan ito. A little deeper this time and a little different. Napahawak ito nang mahigpit sa kanya. At bago pa mas lumalim iyon ay humiwalay ulit siya para makahinga ito.
And in a small voice, she asked him to kiss her again. He did.
Patuloy niya itong hinalikan. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang hindi na siya nagbibilang. Hinalikan niya ito sa paraang parang iyon ang ending ng faiytale na iyon. Sort off. Puno ng pag-ibig, ng pag-asa, ng mga hindi berbal na pangako. At kung pwede lang sanang hanggang dito na lang at happy ever after na ang susunod, pero...
Tinigil na niya ang paghalik saka ito niyakap. He breathed in and kissed her temple before whispering in her ear. "I love you..."
She smiles softly. "I love you too."