Chereads / our sort off fairytale / Chapter 21 - twenty one } kisses, in denial, and the elephant in the room

Chapter 21 - twenty one } kisses, in denial, and the elephant in the room

NAPAPIKSING nagising si Marieke. Tumingin siya sa paligid. Puting kwarto, mga gamit medikal, at si Gilbert na kasalukuyang natutulog din. Nakaharap ito at magkasalikop ang mga kamay na nakalagay sa tiyan ng binata. Napasapo siya ng noo. Asa sofa siya at ang kumot na gamit niya ay ang dinala ng pinsan ng binata na pinakiusapan niya kung pwedeng doon siya matulog kahit na pwede naman siyang bumalik sa tinutuluyan na hotel o sumama sa Prinsesa at kay Keeno.

Ayaw niya lang munang mahiwalay sa binata kahit saglit. At ayaw niya ring iwan ito ng madaling araw. Tumingin siya sa orasan na nakalagay sa pader. Alas diyes. Napasarap siya ng tulog. Nakakatuwang nakatulog pa siya at hindi niya isinumpa ang mundo nang nagising siya sa ospital gayong ayaw niya sa naturang lugar. Sinulyapan niya ulit ang binata. Maybe, it's because he makes everything seem better and brighter somehow.

Tumayo na siya sa sofa at isinuot ulit ang jacket ng binata. Malamig sa ospital. Kasing lamig ng aircon sa bus na sinakyan nila papunta rito.

Nagsuklay muna siya gamit ng mga daliri at nagbalat ng candy na nakuha niya sa bulsa ng jacket. She let it melt for awhile. Medyo nagsisi pa siya dahil sa sobrang menthol noon ay naging maanghang na. Ang maipapasalamat na lang siguro niya ay mas ginising niyon ang diwa niya.

Napapailing na nilunok na niya ang kendi at lumapit sa binata. "Gil," wika niya. Naupo siya sa monobloc at dahan-dahang inilapat ang kamay sa pisngi ng binata. Naalala niya ang naging palitan mga ilang oras ang nakalipas at conscious na napasapo sa mga labi. Tumikhim siya saka bahagyang tumayo at hinalikan ito sa pisngi. Tumapat siya sa tainga nito pagkatapos. "Lalabas lang ako saglit, ah," bulong niya at aalis na sana pero sumubsob lang siya sa dibdib nito dahil kagyat siya nitong niyakap.

"Okay, come back soon, schatz," wika nito sabay ginawaran siya ng halik sa tuktok ng ulo.

"Huy, masakit yun," sumbat niya sabay palo sa balikat nito. Pinakawalan naman siya ng binata at natatawang sinapo lang ang pinalo niya. Tumayo na siya at namumulang hinihimas ang nasaktang noo. "May gusto ka bang kainin?"

"Hmm? Vere you planning to get us some food?"

Tumango siya.

"Don't vorry about it," uupo sana ito pero napansin niyang napapiksi ito kaya agad niya itong tinulungan na makaupo. He smiled and thanked her. "Ve can just tell the envoys and zey'd get us some."

Napalabi siya. "Baka fast food na naman." Iyon lang din kasi ang pinagsaluhan nila ng ala una dahil sinabayan niya itong kumain. Kakagising kasi nito noon. "Para sa'yong gumagaling pa lang, dapat may gulay o at least proper na diet."

Ngiti lang naman ang sagot nito bago nito kinuha ang kamay niya. Hinalikan ulit nito ang kamao niya. Hindi niya maiwasang mamula. "Okay zen. You can ask zem to come with you. I vish I could myself, but you know."

Tumango siya at tahimik na binawi ang kamay mula rito. Tumalikod na siya at lumakad sa pinto pero bago pa siya makaalis ay tinawag ulit siya ni Gilbert. Lumingon siya. Nakangiti ang binata. His slightly messy hair looked nice. His ice blue eyes twinkled. "I love you."

Namula ang mga pisngi niya at mabilis siyang bumalik sa binata. Niyakap niya ito at hinalikan sa mga labi. Natutuwang niyakap siya nito pabalik at tinugon ang mga halik niya. She kissed him for a bit, for a while, before gradually letting him go. "I love you too."

"Hmm."

"Okay. Aalis na talaga ako."

"Take care and please take someone vith you."

"Sige."

Lumabas na siya nang tuluyan at tulad ng sabi nito ay isinama niya ang isa sa mga envoy na asa labas ng kwarto ng binata. At sa umagang iyon ay maganda ang mood niya at para siyang lumulutang sa alapaap. Kung wala lang ngang mawei-weirduhan ay baka tumalon-talon na siya.

She feel loved and it didn't feel so bad as long as the obvious elephant in the room isn't addressed yet.

::

Isang linggo. Iyon lang ang binigay sa kaniyang timeframe ni Wilhemene nang huli silang mag-usap. Sumang-ayon na siya doon dahil bukod sa wala naman talaga siyang pagpipilian ay wala na siyang lakas lumaban. Siya rin naman mismo ang nagsabi sa Ama na basta hayaan lang siya nitong samahan si Marieke at susunduin na niya ang prinsesa.

Ito na ang pangalawang araw ng isang linggo na iyon. At doon lang siya pinayagang lumabas ni Gerhard. Sa kasalukuyan nga ay kasama niya si Marieke. Nakaangkla ang isang braso nito sa braso niya at naglalakad sila ngayon sa labas ng ospital kung saan may maliit na parke na pinapalibutan ng hardin ng mga bulaklak.

Tahimik ito sa tabi niya at nakatingin lang sa dinadaanan nila. Ipinatong niya ang kamay sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. "Marieke."

Napapiksi ito at napatitig sa direksyon niya. "Hmm?"

"Look at za flowers. Zey look nice."

Masunuring luminga-linga ito at tumango. "Yea."

Nanahimik na naman ito at ibinalik ang tingin sa daan. "Are you okay?"

Tumango ito.

"For real?"

Tumango ulit ito.

"How much is zat in percentage?"

Hinarap siya nito saka sumimangot. Nag-iwas ulit ng tingin bago bumitaw sa kanya. Lumakad ito at sumunod naman siya. "Narinig ko ang usapan niyo ni Princess Wilhemene..."

"I see."

Hindi ito nagsalita. Nagpatuloy na naman ito sa paglalakad at sumunod lang siya. Pinanood niya ang likod nito. At mas binigyang pansin niya ang paggalaw ng buhok nito dulot ng marahang hanging dumadaan. Parang kumikislap iyon at idagdag pa ang blue highlights nito.

Ngumiti siya. Isa siguro iyon sa pinakamami-miss niya kung bumalik na sila sa Valwick. He always thought her hair is pretty. Kung dati ay ang hinangaan niya ay ang mahabang kulay mais na buhok ng prinsesa ay mas gusto na niya ang itim na may blue highlights na buhok ni Marieke.

And well, the person who owned it herself.

"Gil," wika ng dalaga nang matapos na ang daan. Gubat na ang susunod doon at may nakalagay na sign na 'Keep Out'.

"Ja?"

Saglit siya nitong nilingon at sinensyasahan na tumayo sa tabi nito. Lumapit naman siya at hinarap ang mga punong matatayog na nakatayo sa harap nila. Inilagay ng dalaga ang mga kamay sa bulsa nito.

::

Huminga nang malalim si Marieke. Kanina niya pa pinag-iisipang sabihin sa binata ang tungkol sa narinig niya. Isang linggo. Parang palugit lang sa isang taong bibitayin. At ang mahirap pa sa isang linggo kung saan masaya ka pa ay umiikli ang oras. Bumibilis. Tapos na bago ka pa makapag-isip.

"Aalis ka pa rin, ano..." simula niya matapos nang ilang minutong katahimikan. Alam niya ang isasagot nito pero parang masakit sa kanyang marinig ang pagsang-ayon nito sa sinabi niya.

"I vill... I'm sorry," mahinang wika nito.

Tinignan niya ito at pinakiramdaman ang sarili. Inisip kung tama bang sinabi niya pa rin dito kung ano ang nararandaman niya. Kung hindi naman siya nagsalita ay baka wala siyang proproblemahin ngayon. Baka nga asa Baguio na siya at nagpapakalulong na naman sa trabaho para makalimot. Running away from her problems like usual.

Noong una, masaya siyang tumakbo lang sa mga problema niya. Wala naman siyang kasamang magsasabi na mali iyon. Na may mga bagay na dapat siyang harapin para sa ikatatahimik niya. Para mabuhay siya na walang pagsisihan sa bandang huli.

Pero ngayon, habang tinitignan niya ito at hindi ito nakatitig sa kanya ay hindi siya makarandam ng pagsisisi. Kahit naman pagbalik-baliktarin niya ang sitwasyon ay alam niya sa sariling sasabihin at sasabihin niya pa ring mahal niya ito. Dahil iyon ang dinidikta ng kanyang puso at suportado naman ang kanyang isip kahit na medyo kinukutsya siya noon dahil napakawalang kwenta niyang mahulog sa isang tao.

Iyong mai-inlove na nga lang siya, iyong tao pa talagang alam niyang hindi magtatagal sa tabi niya. Tinatanong pa nga siya ng utak niya kung may complex na ba siyang magkagusto sa mga alam niyang aalis. At idinadagdag pa nitong mahal ka na nga ng tao ay masakit pa rin. Hindi pa rin siya tuluyang magiging masaya.

"Hindi ko pinagsisihan..." lumunok siya saka dahan-dahan at parang nanginginig pa ang mga kamay na inabot ang kamay nito. Itinaas niya iyon at hinalikan ang likod ng kamay ng binata. The hand that held hers so many times without hesitation. "Hindi ko pinagsisihang sinabi kong mahal kita dahil mahal talaga kita."

Ngumiti siya rito kahit pakiramdam niya ay nag-iinit na ang mga mata niya at may mga luha nang gustong bumaba mula roon.

"Mahal kita dahil ikaw ang unang lalaking gumawa ng paraan para iparamdam sa aking may importansya ako. Mahal kita kasi kung titignan mo ako ay parang ako ang mundo at wala kang ibang nakikita kundi ako. Mahal kita kasi sa dinami-dami ng mga taong pwede mong makilala ay ako ang nakilala mo. Mahal kita dahil... mahal kita."

Bahagyang bumukas ang bibig nito sa mga winika niya at nang walang masabi ay ngumiti. Mukhang maiiyak rin ito nang inabot siya nito at marahang pinunasan ang mga luhang bumaba na mula sa mga mata niya. "Marieke... how dare you..." wika nito nang makabawi. "Are you planning to kill me vith your honesty now?"

Natatawang binitawan niya ang kamay nito at pasimpleng pinalo ang braso nito. "The hell are you talking about."

Malawak ang ngiting kinuha naman nito ang mga kamay niya at ihinarap siya. "I love you too. I love you because you look at me in a way that I don't have to do anything special just to matter to you. I love you because you see me. I love you because everything seems better when you're there, when you're right here with me. I love you because... I just do. I wake up one morning and vhen I looked at you... I realized I'm screwed because I fell without meaning to."

"Gaya-gaya ka," natatawang wika niya saka babawiin sana ang mga kamay pero natigil siya dahil lumalapit na ang mukha nito sa kanya. "The priest didn't ask you to kiss the bride yet," mahinang wika niya kahit na nakatitig pa rin naman siya sa mga labi nito at hinihintay na lumapat iyon sa kanya.

Ngumiti ito. "He did, you just didn't hear it."

"Talaga lang, ah."

Hindi na ito sumagot sa halip ay narandaman na lang niya ang mga labi nito sa kanya. Malambot ang mga iyon tulad nang naisip niya nang una siya nitong halikan. Hinalikan siya nito na parang ikakasal nga sila. Hindi masyadong malalim at hindi rin masyadong malumanay. Tamang-tama lang.

Hindi nito binitawan ang mga kamay niya kahit na gusto niya sanang ipulupot ang mga iyon sa leeg ng binata. So, she stayed, kissing him back, a little desperately, a little needy, but more or less out of love.

Nang pinakawalan na siya nito ay idinikit lang nito ang noo sa kanya. Hindi niya mapigilang yakapin ito at nagsilabasan na naman ang mga luha niya. "Kelangan natin mag-date for the week, okay? Dadalhin kita sa kung saan. Pipilitin ko si Gerhard na palabasin ka. Hindi ka rin aalis sa tabi ko sa buong linggo except kung kailangan mong mag-bio break at maligo."

Niyakap naman siya nito pabalik at marahang hinaplos ang buhok niya. "I vill."

"Don't hold back in kissing me."

"Okay."

"Or telling me that you love me."

"Of course."

Nakakatawa siguro sila kung nakikita sila ng ibang mga tao. Wala siyang pakialam. Natatawa na siya sa sarili niya at naa-amuse sa mga pinagsasabi niya. Baka isipin pa ng iba ay malakas siya kahit na pakiramdam niya ay unti-unting nawawasak ang puso niya.

::

Tulad nga nang inaasahan niya ay mabilis lang ang isang linggo kung masaya ka. Nang huling araw nga ay ayaw niyang lumabas. Sa halip, naroroon sila ngayon sa hotel at magkatabi sa kama. Friday ito pinayagang lumabas na ng ospital. Nung Sabado pagkauwi nila ay walang sabi-sabing humiga siya sa tabi nito at niyakap ito. Hindi naman ito nagreklamo at sa halip, niyakap lang siya nito pagbalik. Kaya pagkagising niya ay katabi niya ang binata.

Kumain lang sila saglit bago niya ito hinila pabalik sa kama. Kasalukuyan nga ay nakaunan siya rito habang nanonood sila ng palabas sa isang channel. Wala naman ang atensyon niya sa telebisyon kahit na naroroon ang tingin niya. Marahan namang hinihimas ng binata ang buhok niya. At panaka-naka siyang hinahalikan sa sentido, sa pisngi, at sa ilong.

Mas lumapit lang naman siya at kinuha ang kamay nito. She intertwined their hands together and breathed in softly. Tulad nga nang sinabi niya ay nag-date sila ng isang linggo. Uuwi na nga lang sila kung pagod na sila at wala na silang ibang option kundi matulog. Napagalitan nga siya ni Gerhard dahil kung saan-saan niya dinala ang binata gayong may oras para linisan at palitan ang benda nito. Pero nang makita siya nito ay hindi na ito nagpatuloy. Gerhard said that he's sorry for her so he'd let her off the hook, as long as she can pretty please change his cousin's bandages. Sinunod niya naman ang utos ng doktor.

Masunurin din si Gilbert na sabihin sa kanyang mahal siya nito. May oras nga na sinabi nito iyon sa kanya habang asa jeep sila at halos pasaringan na sila ng mga taong naroroon dahil sa sinabi nito. Mukhang wala naman itong pakialam. At kahit medyo nahihiya ay tinanggap niya lang iyon at sinabi pabalik.

And well, it just went on too quickly.

Marami na nga rin silang napag-usapan sa mga nakalipas na araw. He told her a lot of stories about himself, his childhood, his teenage years, and how he lived his life as an adult before he met her. Nagkwento rin siya. At kung dati ay parang masakit pa sa puso na ikwento ang buhay niya ay wala na lang iyon nang ibahagi niya sa binata. In fact, mas marami nga ata siyang nasabi rito kaysa sa mga ikinekwento niya kay Keeno noon. Naikwento niya nga pati ang mga nangyari bago pa talaga siya napunta sa bahay ampunan.

Kung iqui-quiz nga ito ng mga bagay na tungkol sa kanya ay baka maka-perfect pa ito ngayon.

Huminga siya nang malalim at tumingin sa orasan. Kalahating araw na silang nakahilata lang sa higaan. Hinarap niya ito at hinalikan sa pisngi. "I'll go get something to eat."

"You don't vant me to come vith?"

Umiling siya at tumango ito. Umalis na siya sa tabi nito at kinuha ang jacket nito mula sa upuan. Sinuot niya iyon. She's starting to grow fond of his jacket. Mahaba iyon at halos dress na dahil abot na sa taas ng mga tuhod niya. Nginitian niya ang binata bago pabulong na nagsabing mahal niya ito saka umalis. Hindi pa siya nakakalayo ay napaupo na siya.

Nag-squat siya sa gilid ng pasilyo at niyakap ang mga tuhod. Ibinaon niya ang mukha sa mga tuhod at nagsimulang umiyak. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para walang lumabas na hikbi mula sa kanyang bibig.

Masakit. Masyado pa lang masakit kung alam mong malapit na. The week had been a good distraction. Parang panaginip kung saan masaya na siya, may happy ending na siya. Pero tulad ng lahat ng iba pang panaginip ay magigising ka na lang. Malalaman mong medyo lang pala. Medyo masaya lang. Sort off.

Pero kasi gusto mo lang namang maging masaya. Wala naman sigurong masama sa pagiging masaya. Wala naman siyang nasagasaan sa ginagawa niya. Mahal niya ang binata at mahal siya nito. Pero iniisip pa lang niya iyon ay mas lalong sumasakit ang dibdib niya. Bumibigat.

Nahihirapan na siyang huminga sa kakapigil niya sa paglabas ng hikbi. Buti na lang talaga at napapayag niya ang ibang huwag nang samahan ng mga envoy si Gilbert dahil kung sakali ay hindi siya makakapag-breakdown. She needed this so badly.

Sa buong linggo ay nagpapanggap siyang iyon lang ang kailangan niya, ang manatili ang binata sa tabi niya kahit isang linggo lang. Kahit may taning. Kahit parang pakonswelo lang sa kanya dahil sa huli, hindi pa rin siya ang pinili. Hindi pa rin siya pwedeng magsabing dito na lang sana ito. Wala pa rin siyang karapatang sabihan itong mamili.

Wala. Walang-wala.

Syempre, sino nga ba naman siya? She's just a simple person. Not even royalty. Not even anything. Ang alam niya kapag nagmamahalan na ang dalawang tao at hindi naman ganoon kalala ang bagay na maaring maghiwalay sa kanila ay ipaglalaban pa rin ng dalawa iyon. Hindi pala ganoon iyon sa totoong buhay. Kahit pala mahal nila ang isa't isa, iba pa rin ang magiging ending nila. Gusto niya itong ipaglaban pero alam niya ring wala naman siyang mailalaban para rito.

Sino ba naman siya kung ikukumpara dito? Isa itong marquis sa ibang bansa. Dugong bughaw. At alam niya, kahit magmaang-maangan siya ay wala siyang halaga kumpara sa dapat nitong gampanan pagbalik nito.

Ito lang naman ang papakasalan ng prinsesa at ang magiging hari ng Valwick. At kung siya naman ang papapiliin ay mas gusto niyang ito ang maging hari kaysa sa ibang mga representatives na umatake rito at dalawang beses na itong muntik patayin.

She didn't hold weight, she never did. And that's why people leave. Even the ones who told her they love her with all they have.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal doon basta narandaman na lang niyang may maingat na nagtayo sa kanya mula roon at ikinulong siya sa isang yakap.

"Gilbert..." it came out as a sob.

"I--"

Pinutol niya kung anuman ang sasabihin nito gamit ang isang halik. "I love you, you know..." wika niya saka mapait na ngumiti. Idinikit niya ang noo sa dibdib ng binatang minamahal. She repeats the three words that didn't really make much of a difference and he held on to her like it did. Held on to her as if it's enough to make him decide to stay. Kahit na parehas nilang alam na ilang oras na lang ay aalis na ito.