Chereads / our sort off fairytale / Chapter 23 - epilogue } marieke, gilbert, and birthdays

Chapter 23 - epilogue } marieke, gilbert, and birthdays

Two years later.

MARIEKE still hated her birthday. Birthday niya rin ng dalawang taon na nakalipas nang nakilala niya ang isang Marquis mula sa ibang bansa. Meeting him was one of the best things that happened to her. Pero kahit sa mismong kaarawan niya ito nakilala ay hindi pa rin nagbabago ang tingin niya sa sariling kaarawan. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin gusto iyon.

Ngayon pa nga lang ay hindi na maganda ang gising niya. Natulugan niya ang alarm at nagulat na lang siyang alas-otso na pala ng umaga. Dapat nung alas-kwatro pa siya gising dahil may Skype call siya mula sa isa sa mga kliyente niya. Pero ngayong late na siya, wala na siyang magawa kundi suklayin pabalik ang buhok niya.

Kinuha niya ang laptop at binuksan iyon. Nang mag-load na ang lahat ay nagsilabasan na ang notifications ng Skype niya. Huminga siya nang malalim at napakagat ng mga kuko habang nagsisimulang tumipa ng mensahe para humingi ng tawad sa kausap. Kinakabahang naghintay siya ng sagot at napahinga na lang nang maluwag nang sumagot ang kliyente niya. Mukhang hindi naman ito naiinis at naiintindihan ang sitwasyon.

Nag-joke pa nga itong kahit magalit ito sa kanya ay siya lang ang pinaka-matinong nakatrabaho nito kaya mas mabuti pa ritong pakisamahan siya kaysa awayin. Ngumiti siya.

Saka sinabing babalikan niya ito matapos niyang kumain. Iyon ang isa sa mga bilin sa kanya ni Keeno. Kapitbahay niya ang naturang binata at sa dalawang taon ay nabuhay ulit nila ang pagkakaibigan. Platonic nga lang at walang nabuong kahit ano.

S-in-uggest nitong mag-date sila at sinubukan pa nitong halikan siya noon pero parang tutol ang buong katawan niya dahil mabilis pa sa alas-kwatrong tinulak niya ang binata nang hindi sinasadya. At pagkatapos noon ay humingi na lang ito ng tawad at hindi na sumubok ulit. Nagpasalamat pa nga ito dahil ayaw rin talaga nitong halikan siya. She had learned then that he was actually in love with Princess Wilhemene.

Nakakatawang sila ang magkasama habang ang iniibig nila ay magkasama din. Parang may gumawa lang ng engrandeng prank sa kanilang dalawa. At sabi nga nito dahil walang ibang magkaka-relate ay sila na lang ang magdadamayan.

Tumayo na siya mula sa kama at nag-inat bago dumiretso sa kusina. Nakita niyang may nakalagay na pagkain doon at napailing na lang. Mukhang pumasok na naman dito si Keeno. Minsan na nga niya itong sinabihan na tumira na lang sa apartment niya dahil mas makakatipid sila gayong lagi pa naman itong tumatambay dito. Inaasahan niya ngang makikita niya si Keeno dito pero wala ang binata nang nilinga niya ang sala.

Napailing siya at saglit na nagmumog na lang ng Mouth Wash na binili ng binata. Hindi niya nga alam kung inaasar ba siya nito dahil pinaalalahan pa siya nitong gamitin iyon bago siya gumawa nang kahit ano sa umaga. Gayong ito naman lagi ang masangsang sa tuwing nakikita niya agad ito sa sala pagkagising niya.

Pero, sumakay na lang siya at dahil nasanay ay iyon nga ang una niyang ginawa. Inilagay niya naman ang mga pagkain na iniwan nito sa microwave matapos basahin ang isinulat nitong note para sa kanya. Binati siya nito ng maligayang kaarawan saka dadalhin raw siya nito sa SM mamaya at ililibre ng ice cream.

Napapailing siya sa nakita. Pwede namang sa baba na lang ng apartment kasi may 7-Eleven doon pero kailangan pa talagang sa SM. Hindi na lang siya nagkomento. Sa halip, dumiretso na lang siya sa sala at nagbukas ng TV. Tutal naman at nagpaalam na siyang kakain muna ay hindi niya muna kailangan magtrabaho. Naging strikto sa kanya si Keeno doon. Napansin kasi nito na halos wala na siyang mapansin kung nagtratrabaho siya. At ayaw nitong magpakalunod siya sa trabaho ng dahil lang gusto niyang makalimot.

Para nga siyang nagkaroon ng Tatay, este, mas accurate na sabihing Nanay. Andami kasi nitong paalala sa kanya at marami rin itong habilin bago ito umalis papunta sa sariling trabaho. Kung late naman siyang magigising ay may makikita siyang pagkain sa kusina at mga listahan ng habilin. Kung makakalimutan niya naman ay may alarm siyang hindi mahanap na mamatay lang kung nagawa na niya ang pinapagawa nito.

It was controlling... a bit. Pero hindi sa masamang paraan dahil parang mas nagkakulay at mas naging healthy siya sa ginagawa nitong pagmo-monitor sa oras ng pagkain niya. Araw-araw nga ay lagi siyang pinapa-take nito ng multivitamins at sinasamahang mag-exercise. Tinutukso na tuloy sila ng ibang kapitbahay nila dahil para na raw silang mag-asawa sa mga nakikita ng mga iyon habang kada tanggi lang naman sila.

Although, Keeno had specifically asked to marry her once she reached 30. Basta ba raw wala pa siyang boyfriend ng mga oras na iyon at wala rin itong girlfriend. Hindi naman siya tumanggi. Siguro naman matutunan niya ring mahalin ito at matutunan din ng binatang mahalin siya. Ng higit pa sa kaibigan.

Napabuntong hininga siya. Iba talaga ang iniisip niya ngayon. Dahil ba sa birthday niya ngayon? Bumaling siya sa TV at parang may gusto ngang gawan siya ng prank dahil ang nakita niya naman ngayon ay ang prinsesa. Asa breaking news ito at kino-cover ng ABS-CBN ang pagdating nito sa bansa. Kumakaway ito ngayon sa camera at nag-iwas agad siya ng tingin. Hinanap agad ng mga mata niya kung asaan ang remote. Nang makita ay agad niyang pinatay ang TV.

Halos mahigit na niya ang hininga nang namatay na iyon. At napakagat na naman siya sa mga kuko. Iniwasan niyang malaman ang kahit anong nangyari sa Valwick makalipas ang dalawang taon. Ayaw niyang mabasa ang kahit ano tungkol sa naganap na kasal at mas lalong ayaw niyang makasagap ng kahit anong balita tungkol sa magiging anak.

People take royal marriages seriously, apparently. Tulad na lang ng laging may balita sa tuwing buntis o nanganak si Kate Middleton, ang asawa ng isang prinsipe mula sa Inglatera. At ayaw niyang makita ang kahit ano roon.

It will only hurt. Ipapakita lang noon na may ibang nakakatamasa ng nais niya sanang matamasa kasama si Gilbert. Pati si Keeno ay umiiwas sa balita kaya hindi siya aksidenteng nakaririnig o nakakita ng kahit ano, which is a good thing.

Kaya nga siguro ipapasalamat pa niyang hindi siya masyadong lumalabas at kung magpapabili man siya ng dyaryo kay Keeno ay Midland lang ang bibilhin nito, which is a local newspaper. At kung pupunta sila sa St. Luke's Orphanage ay wala silang nakikitang balita sa mga dyaryong nandoon.

Mas naiisip niya si Gilbert sa kaarawan niya. Doon niya ito unang nakilala, kaya siguro ganoon. Naalala niya pa nang nagtama ang mga mata nila noon sa airport at tinanguan siya nito. Hindi pa siya sigurado noon kung siya ba ang tinatanguan nito.

Mapait siyang ngumiti. Masakit pa rin kahit dalawang taon na ang nakakalipas. Idagdag pang nasa cabinet pa rin niya ang mga damit nito na sa pagdating ng panahon ay nawala na ang amoy ng binata. Pati sa jacket na hiniram niya rito.

Wala. Wala na. Suot niya nga ngayon iyon dahil naisip niyang isuot kagabi at ang sarili lang niya ang naamoy niya mula sa jacket nito at hindi ito.

Mababaliw na nga ata siya simula nang hindi na niya maamoy ang binata sa mga damit nito. Nilubayan na niya ang mga kuko at tumayo. Dumiretso siya sa kusina at kinuha ang pinainit na pagkain. Inilagay niya iyon sa lamesa at plano na sana niyang kumain kung hindi lang may biglang kumatok sa pinto niya. Halos mapatalon pa siya sa narinig.

Laging ganoon noon kaya minabuti na ni Keeno na tawagin na lang siya mula sa labas ng apartment niya kaysa kumatok para lang hindi siya laging parang aatakihin sa puso dahil doon. At kung hindi siya tinatawag nito ay imposibleng si Keeno ang asa kabila.

Still, lumapit pa rin siya sa pinto at kahit nakakarandam ng takot ay dahan-dahang binuksan iyon. Baka delivery guy. Ang natatandaan niya ay nag-order si Keeno at hinabilin sa kanya dahil lagi naman siyang asa bahay. Tama, baka iyon nga.

Pagkabukas niya ay may isang matangkad na lalaki sa harap niya. Nakasuot ito ng plain black na T-shirt at jacket na katulad ng suot ni Gilbert nang una niya itong nakita. May brooch ng silver butterfly na naka-pin sa jacket nito. Unti-unting tumaas ang tingin niya pero bago pa siya makapagsalita ay narandaman na lang niya ang mainit na yakap ng binata at ang mga labi nitong nakalapat sa kanya.

Napapikit siya at agad na ipinilupot ang mga braso sa leeg ng binata. Wala nang nagrehistro sa utak niya kundi ang halik nito. Nagulat pa nga siya nang bigla siya nitong buhatin. Sinara nito ang pinto at kahit asa kanya pa rin ang mga labi nito ay dinala siya nito sa malapit na cabinet at iniusog na lang ang lahat ng mga naroroon saka siya ipinatong.

At nalulunod pa rin siya sa halik nito. Inalis niya muna ang pagkakayakap sa leeg nito at inilagay ang mga kamay sa pisngi ni Gilbert. Dinama. Firm. His jaw had always been firm. Tumaas naman ang mga kamay niya sa buhok nito at marahan niyang sinuklay iyon.

Malambot din ang buhok ng binata.

At ang mga labi nito ang pinakamalambot sa lahat. Halos wala na nga siyang marinig sa lakas ng tibok ng kanyang puso. Bumaba na ang mga kamay niya sa leeg nito hanggang sa tumigil sa mga balikat ng binata. Tinugon niya ang halik nito. With longing, love, and desperation. Matagal na niyang napapanaginipan ang mga halik nito hanggang sa makalimutan niya kung ano ang pakiramdam niyon. At ngayon... Ngayon...

"Gil--" wika niya ngunit sa ginawa niyang iyon ay nakakita lang ng oportunidad ang binata. Napapikit siya nang mariin nang marandaman ang dila nitong pumasok. Mas bumilis ang tibok ng puso niya nang marandaman niya iyong gumalaw. Inilagay naman ng binata ang kamay sa batok niya at marahang inangat ang kanyang ulo para mas maayos ang ginagawa nito.

Pakiramdam naman niya ay nasusunog na ata ang kanyang mukha. Hindi lang iyon ang nilukob ng init dahil bumaba pa iyon sa kanyang katawan hanggang sa kanyang mga paa.

Hindi na siya makatugon. Randam niya rin ang pag-init ng katawan nitong nakalapat sa kanya at ang malakas na pintig ng puso nito sa palad niyang nakadikit sa balikat nito.

Iba ang pakiramdam ng bago nitong paghalik sa mga dati. Mas buhay iyon. Lumalaban at in-charge. He was being greedy but it felt like it was because he wanted to do it for so long. Parang kung binigyan man ito ng tsansa na sa ganoong paraan siya mahahalikan noon ay ginawa nito.

Pero dahil doon ay halos hindi na rin siya makahinga. Bukod sa kaba at sa kakaibang init na dala niyon ay kanina pa magkalapat ang mga labi nila.

"Gil..." pag-uulit niya sa mga tsansang medyo lumuwag ang halik nito. "Can't breathe."

Parang doon lang naman nito napagtanto ang ginagawa kaya unti-unti ay pinakawalan na siya nito. Ngunit, hindi ito lumayo, idinikit lang nito ang noo sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Ngumiti. Habang siya naman ay huminga nang malalim. Humigit ng ilang hangin hanggang sa makapagsalita na siya.

"Gilbert..." hinaplos niya ang pisngi nito. "Ikaw ba talaga 'yan?"

Sinagot siya nito ng halik. "Yes, schatz. It's me." Isa pang halik. "I'm here."

"How?"

Hinalikan na naman siya nito bago sumagot. "I came vith the Princess."

Parang binuhusan naman siya nang malalmig na tubig sa narinig. Kaya bago pa ito makahalik ulit ay pinigilan na niya ito sa pamamagitan ng pagtakip ng bibig nito. Napalunok siya at puno ng hinanakit na nagsalita. "Ayokong maging kabit mo, Marquis... or should I say Prince Beckenbauer?"

Matalim niya itong tinignan. Oo nga, nagpadala siya. Paanong hindi kung iniisip lang niya ito at ang una pa nitong ginawa nang magpakita sa kanya ay yakapin at halikan siya? Dalawang bagay na matagal na niyang gustong madama ulit.

Pero, hanggang doon lang iyon. Bugso ng damdamin. Ayaw niyang maging kabit.

Maingat nitong tinanggal ang kamay niya mula sa bibig nito at hinalikan ang palad niya. Saka tahimik na itinaas ang dalawang kamay. "See any wedding ring on both hands?"

"Malay ko ba kung tinatago mo lang?"

Itinaas nito ang mga kamay. "Okay, you can search me."

Napapiksi siya pero sumunod pa rin sa sinabi nito. Inilagay niya ang kamay sa mga bulsa nito at ang tanging nakuha lang niya mula roon ay isang kahita at ang tali ng buhok niya. Pinandilatan niya ito.

"Tinago mo naman sa box, e."

"Seriously?"

Mukhang gusto nitong matawa sa sinabi niya. Kukunin niya sana ang kahita pero pinigilan siya nito. Kinuha nito ang kamay niya at inilapat sa puso nito. Narandaman niya ang pagtibok niyon.

"Hindi pa ako tapos na kapkapan ka."

"I'm not married. I swear to God, Marieke. He can strike me now if He thinks I'm lying."

Nanahimik siya at hinintay na may kulog na dumating o umugong ang ulan. Pero walang nangyari. Parang nang-aasar pa nga ang araw dahil pumasok na ang ilang hibla noon sa silid. "Looks like He's not angry."

"Vell, I'm telling za truth," parang naiinsulto pang sabi nito. "How dare you not believe me?"

"Pero, hindi ba iniwan mo ako para magpakasal sa Prinsesa? Paanong hindi kayo kasal?"

"She didn't vant me."

"Huh? Hindi ba kaya kayo nagpunta dito ay dahil--"

"Can I kiss you first before ve argue again? I really miss you, schatz."

Natigalgal siya sa sinabi nito pero may sariling utak ang marupok niyang puso dahil tumango siya at narandaman niya ulit ang mga labi nito sa kanya. Gusto na niyang mainis sa sarili dahil tinugon niya pa rin iyon.

Humiwalay na ito makalipas ang ilang minuto. "Vell, you see. Vhen ve got home... I vas acknowledged and the vedding preparations came right away... but before zat, the Princess arranged a meeting vith all the representatives, even Rize vho vas supposed to be in jail... and she asked us to help her pull something on the vedding. And on our vedding, she announced zat she didn't vant me. Zat she's in love vith someone else."

Marahan itong natawa na parang may inaalala. "And vell, it caused an uproar, but in ze end... the King stood vith her. Zere's a lot of things that changed in the country after zat... and now ve're here... I'm finally able to see you again."

Hinalikan na naman siya nito bago pa siya makasagot. "Marieke?" tanong nito nang humiwalay na sa kanya.

Natatawang pinalo niya ang balikat nito. "Paano raw ako sasagot kung kanina ka pa humahalik diyan?"

Natawa naman ito sa ginawa niya at nahihiyang ngumiti. Namula pa ang mga pisngi nito. And goodness, looking at him now, na-miss talaga niya ito. Hindi nagbago ang hitsura ng binata. His face is still a friendly face despite his ice blue eyes. Maayos pa rin ang platinum blond nitong buhok na kung itatapat sa liwanag ay mukha nang puti.

Medyo mukha lang itong pagod at mukhang hindi pa nakatulog nang maayos.

"Sorry, please say something zen."

Inabot niya ang kamay nito at inilagay sa pisngi. "I love you," wika niya. "Kahit pa sinabihan mo akong mag-move on sa'yo, hindi ko magawa. Nakakainis ka kasi, magsasabi ka ng ganun tapos iiwan mo mga gamit mo. Ayos ka lang?"

"Vell..." he smiled softly. Parang kumislap pa ang mga mata nito. "Maybe, I didn't really vant you to forget me. Selfish, I know. I even took your phone and my gift... And not even contacted you for two years."

"Yep."

"But I do love you too, more than anything in za world," ipinulupot nito ang mga braso sa bewang niya. "Forever and always."

Hindi niya maiwasang mapangiti. Na-miss niya pati ang boses nito at ang mga ngiti nito. At kung paano siya titigan ng binata. Iyong tipong parang sa kanya nakasalalay ang pag-ikot ng mundo. Gusto na nga niyang kurutin ang sarili dahil baka nanaginip lang pala siya at wala talaga ito sa harap niya. Doon siya nagsimulang kabahan sa naisip. Kumapit siya rito. "You're not leaving again?"

"Sometimes." Humigpit ang kapit niya rito. Pero ngumiti lang ang binata sa kanya na parang walang ibig sabihin ang sinabi nito. "Don't vorry, meine leibe. If I go back, I'll be taking you vith me." Kinuha na nito ang kahita mula sa bulsa bago lumuhod sa harap niya. Nahigit niya ang hininga dahil alam na niya ang gagawin nito.

At kung hindi siguro siya nakaupo sa taas ng cabinet ay baka nabuwal na siya dahil sa gulat. "Gilbert!"

Ngumiti lang ito na parang hindi siya nito binabagsakan ng maraming pasabog sa isang araw lang. Gayong mag-iisang oras lang siguro bago pa ito bumalik. "You don't vant to?" tanong nito na parang tutang hindi mo binigyan ng atensyon gayong kanina ka pa hinihingan niyon. Nakalagay na ang kamay nito sa taas ng kahita. At alam naman nilang pareha kung ano ang naroroon.

"You just came back after two years. Show up. Kiss me. Surprise me. And now..." natatawang mahina siyang sumipa sa hangin. "What the hell?"

"Right," parang napahiya pa ito dahil tatayo na sana ito pero sinabihan niya itong manatili sa ganoong posisyon. Hindi ito umangal at lumuhod lang ulit.

"Bakit ka andito, Gilbert?" tanong niya. Nanatili siyang nakangiti pero walang mababasang kahit anong ekspresyon sa mukha niya.

Tumikhim ito at pinaseryoso ang tinig. "I vant to see you. I miss you so much, meine leibe. In fact... I had accidentally signed your name in some of the administrative documents I have to take care off...

"And I even named a new plant discovery after you vithout meaning to. The past two years were painful and I really vanted to just talk to you but... I'm afraid, I vould end up flying here if I did zat and I can't just yet... so I didn't.

"I know, you're angry. And vell, you can hit me to your heart's content... later, please. You can shout or anything. I vill understand.... Just... vhen I see you here so physical, so real, and the fact zat I can touch you... I just can't bear to be apart again... I vant to be by your side alvays if you'll have me... Zat's vhy I'd like to ask you to marry me..."

Ngumiti ito at bilang pagtatapos sa sinabi ay nagwikang: "Ich liebe dich so sehr, Marieke."

Hindi nito binuksan ang kahita at pakiramdam naman niya ay nahilom ng mga salitang iyon ang sugat na ito rin mismo ang nag-iwan. Gusto na niyang maluha pero ayaw niya namang isipin nitong malungkot siya. Masaya siya. At mahal niya ito. Mas mahal pa ata niya ito sa pagmamahal. Higit pa siguro sa sarili. At higit pa sa lahat.

And she will accept him again and again... as long as she can without breaking anything else.

Kaya sa halip na sumagot ng verbal, itinaas lang niya ang kamay niya at ngumiti dito. Lumuwag naman ang ngiti ng binata saka nito tuluyang binuksan ang kahita. Simple lang ang singsing. Isang silver ring na mukhang maliit na flower crown. Kinuha nito iyon mula sa kahita at maingat na isinilid sa daliri niya. Pinanood niya itong gawin iyon at napansing parehas niyang nagpipigil din ito ng hininga. Natawa pa nga ito nang tuluyan nang matapos ang paglalagay nito ng singsing.

Tumayo ito saka kinuha ang mga kamay niya at marahan siyang hinalikan ulit. "I promise you von't regret zis."

"Syempre," natatawang wika niya. "Subukan mo at hindi na kita pagbibigyan pa."

"I vouldn't!" mariing wika nito at nang napansing inaasar niya ito ay napalabi ang binata. Napapailing na lang na pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Do you still hate your birthday now?"

Nagulat siya sa sinabi nito. "Ha? Saan mo nakuha 'yan?"

"...Let's just say a little bird told me zat a certain someone hated her birthdays."

Ngumiti siya at niyakap ito. Then, she sighed in relief and looked at her ring. Kumislap iyon sa ilaw. "Hindi na, Gilbert. I don't think I'm going to hate it anymore after this. You're the greatest birthday gift I've ever received."

Alam niyang ngumiti ito. Base din sa pagbalik nito sa yakap niya at sa paghalik nito sa tuktok ng ulo niya ay iyon rin ang iniisip nito. And this wasn't so bad. Not at all.