Chereads / our sort off fairytale / Chapter 22 - twenty two } a week, goodbyes, and breakdowns

Chapter 22 - twenty two } a week, goodbyes, and breakdowns

"You don't vant to sleep?" napapailing na tanong niya sa dalagang nakaupo sa may kama at kasalukuyang hawak ang braso niya. May isinusulat ito doon.

Umiling ito. "Hindi ka rin pwedeng matulog."

"Hmm," naupo na siya at tinignan kung anuman ang isinusulat nito sa braso niya. Hindi niya maiwasang mapangiti nang makita iyon. Nililista nito kung ano ang nagustuhan nito sa kanya. "Schatz."

"Hmm?"

Lumapit siya at hinalikan ito sa pisngi. "Aren't you hungry?" tanong niya rito.

"Hindi. Late ang lunch natin kaya busog pa ako, ikaw?" tanong nito at ibinalik ulit ang atensyon sa pagsusulat sa braso niya. The ink was so dark in his alabaster skin.

"No, I just vant to say something."

Ngumiti ito saka ibinalik siya sa pagkakahiga. Tumabi na ito sa kanya at itinaas ang braso niya at nagpatuloy sa pagsusulat. Hindi na kasi ito masyadong nagsalita nang pakawalan na niya ito sa pagkakayakap sa may pasilyo. When he found her there, his heart ached. Iyong tipong hindi lang niya sa dibdib nararandaman. Iyong tipong halos nilukob na ang buong katawan.

Masakit nang iangat niya ito at yakapin. Masakit nang nanatili siyang nakayakap dito. Masakit nang hindi siya makapagsalita habang paulit-ulit nitong sinasabing mahal siya nito. Masakit dahil hanggang ngayon, nagpipigil siyang umiyak. Ayaw niyang kalungkutan ang huling maalala ng dalaga. Gusto nitong kung nagising na sila sa anumang dreamlike na sitwasyong ito ay ang babaunin ng dalaga ay masasayang alaala. Kahit pa sabihing hindi siya nagiging patas.

Pero kahit tinitignan niya ito ngayon ay wala talaga siyang makapang pagsisi na sabihing mahal niya ito. Ito ang pinakaunang babaeng minahal niya. Ito lang. Ang akala niyang pagmamahal na narandaman niya para kay Wilhemene ay wala pa sa kalingkingan nang nararandaman niya para sa dalaga. At masakit... Kanina pa masakit magkunwaring parang masaya pa siyang aalis siya. He hoped she didn't think he was. Because if he's being honest, he wanted to stay in this dreamlike state, this sort-off fairytale.

"Gil," wika ng dalaga matapos nitong magsulat sa braso niya. Tinakpan na nito ang ballpen na ginamit saka siya nilingon. Itinaas nito ang braso niya para makita niya kung anuman ang isinulat nito. "Here you go. Sabi sa ballpen, magste-stay raw 'yan ng 24 hours. I-memorize mo o picture-an mo na lang para makita mo pa rin."

Binasa niya ang nakasulat at marahang sinundan ang mga linya gamit ang mga daliri. Base sa nakasulat doon, nagustuhan niya ang lahat ng mga bagay na mayroon siya. The good and the few bad ones he had shown her. Sinulat rin nito na gusto rin nito kahit ano pa man ang mga hindi pa nito alam tungkol sa kanya. Dahil kung gusto na siya nito ay gugustuhin niya ang buong package. Ang lahat, ang lahat lahat.

Ngumiti siya at naisip kung bakit nga ba ngayon lang niya ito nakilala? Bakit nga ba sa tagal niyang nage-exist sa mundo ay hindi niya agad nakilala ang isang Marieke Madrigal? Maybe because he preferred staying on bounds? Baka kasi sinayang niya ang oras niya sa paghihingi ng validation sa iba na doon lang natuon ang pansin niya? Baka kasi hindi siya kasing adventurous ng Prinsesa? Nag-offer ito noon kung gusto niya bang sumama sa Pilipinas. Tumanggi siya dahil ng mga oras na iyon ay isinalang na siya ng Ama sa administrative work. Pero bago pa iyon ay isa siya sa mga tumutulong sa mga magsasaka.

All his life had been dedicated to something else or someone else. Ngayon lang niya masasabing kahit papaano ay namuhay siya sa sariling mga desisyon. Ang nakakatuwa lang siguro doon ay ang katotohanang kahit ganoon ay babalik at babalik na naman siya sa buhay kung saan iba na naman ang magdidikta sa kanya. Huminga siya nang malalim at kinuha naman ang braso ng dalaga. Hiniram niya ang ballpen nito at isa lang ang sinulat roon: You're the one who taught me to live and the one who I will treasure while I'm still alive. Forever and Always.

Hindi siya romantiko. Nasabi na iyon sa kanya ni Wilhemene noon. Alam nito ang nararandaman niya para rito pero kulang daw siya sa pagpapakita na may gusto siya sa isang tao. At kung gawin niya man ay parang nag-search lang raw siya sa internet at hindi nag-isip ng mas magandang pwedeng gawin.

Pero dahil kay Marieke ay parang may natutulog na pagkaromatiko sa kanya ang nagising. Hindi man ganoon ka-romantiko gaya ng gusto niya sanang ipakita rito. But if there's any consolation, she's as inexperienced in a relationship as he is.

"Ang corny mo," natatawang wika nito.

Ngumiti siya saka hinalikan niya ang kamay nito bago iyon inilagay sa gilid my dalaga. Inakbayan niya ito para mas mapalapit ito sa kanya.

"Schatz," wika niya. "I had a dream yesterday."

Inilagay nito ang braso sa bandang tiyan niya at umusog pa palapit sa kanya. She was warm and soft against his body. And it was comforting his broken heart. "Yea?" tanong nito. "Anong meron?"

Nagsimula siyang haplusin ang buhok nito. "I think ve're married in my dream. And ve live in a homely house. It's not wide but not small either. Just enough for the both of us. It's blue because you love blue..."

Ngumiti siya sa naalalang panaginip.

"I'm going home then and you were watering the plants. A small dog at your feet is running around... I sneaked up from behind and kissed your cheek. You smiled and lightly leaned on me before giving me a kiss too."

Tinignan niya ito at nakatingin rin ito sa kanya. Tipid ang ngiti ng dalaga ngunit hindi naman mukhang ayaw nito ang sinasabi niya.

"And you could have kissed me on the lips if ve didn't see someone come out of the house. A little boy... our kid. The boy has a fair skin, a balance from yours and mine. He has the shape of your eyes but took my eye color. His hair is yours, dark but thinner. His brows are yours. And he has moles here like you do," tinuro niya ang balat sa tabi ng kalawang kilay niya kung saan may nunal ang dalaga. "He's a nice-looking kid."

Tumango ito at napapailing na kinurot ang pisngi niya. "He's a dream, isn't he?"

Hinarap niya ito at inilipat ang kamay nito sa pisngi niya. Huminga nang malalim. "I vant to vake up beside you everyday. I vant to... just be with you. You know zat, right?"

"Oo..."

"You believe me?"

"Uh huh."

"Ich liebe dich so herr, Frau Marieke. You believe zis too?"

"Yep."

Bahagya niyang iminulat ang mga mata at sinilip ito mula sa takip ng kanyang mahabang mga talukap. Seryoso lang itong nakatingin sa kanya. Na kahit anong tanungin niya ay hindi ito magsisinungaling sa kanya. "You're really amazing, Marieke."

"Nambobola ka na lang ba ngayon?"

"No, I mean it. You are za most amazing zing zat ever happened to me."

"Ano bang kailangan mo, pera?"

Natatawang inilagay na niya ang kamay at braso nito sa bewang niya saka niya inilagay ang sarili ring braso sa bewang nito. "I really hoped I met you earlier. I... I vouldn't have been zis late."

"Hindi mo ako mame-meet kung sakali... At hindi ako lumalabas ng bahay."

"Hmm..."

Niyakap na niya ito ng tuluyan at nais niya sanang may lumabas na luha sa mga mata niya. Pero dahil pinigil na niya iyon ng buong linggo ay parang may mekanismo na iyong huwag siyang pagbigyan. "Go to sleep, schatz."

"Ayoko."

Hinalikan niya ang sentido nito. "...Schatz, I'm letting you keep my jacket. Just zat. All ze other zings I have on your place, you have to sell zem, okay?"

Hindi ito sumagot at makalipas ng ilang minuto ay narinig na lang niya ang munting hikbi mula rito. Nakakatawang ayaw niya sana itong paiyakin. Pero lahat ng mga luhang tumulo sa mga mata nito sa linggong iyon ay dahil sa kanya. Funny, how you can hurt someone you love so much.

"Bakit naman?" pilit nitong itinanong.

"You have to move on..." narandaman na niya ang sakit na gumuhit sa dibdib sa sinabi at napahigpit nang kaunti ang pagkakayakap niya sa dalaga. "You have to let me go since I can't even stay."

Narinig na naman niya ang paghikbi nito. Ibinaon nito ang ulo sa leeg niya at narandaman niya ang mainit na likidong bumasa sa balat niya. Mas lumakas ang pagnanais niyang lumuha pero malupit ang mga mata niya dahil wala pa ring lumabas mula roon.

"I-Iyon ba talaga ang gusto mo?" tanong nito makalipas ang ilang minuto.

"J-Ja..." labag sa sariling wika niya. Lumunok ulit siya pero parang lumulunok lang siya ng mga pako dahil pasakit lang ng pasakit ang lalamunan niya sa bawat lunok. "And if..." damn it. "If you're ready... Don't hesitate to love someone else. I vouldn't, couldn't, fault you for zat. You deserve all the love in the world, schatz. Even if it's not from me anymore."

Mas lumala ang pag-iyak nito at mas nauna pa itong maghigpit ng yakap. Umiling. Patuloy na umiling.

"Schatz, please?" nahihirapang wika niya. "Please do it for me. I need you to promise zat you will pick your life up and be happy once I leave. I can't... I don't want you to be unhappy, okay?"

Umiiling lang ito at gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil napakasakit na. Linukob na ng sakit ang buong katawan niya na kung patatayuin man siya ay mabilis siyang mabubuwal. Pero wala. Wala pa ring lumalabas na mga luha.

"Please promise me."

Saglit na humiwalay ito sa kanya at tinignan siya. Hindi niya alam kung ano ang nakikita nito sa kanya. Basta ngumiti na lang siya. The smile people give when they completely give up. One of resignation.

Hindi ito nagsalita. Ibinalik lang nito ang ulo sa dibdib niya at tahimik na umiyak. Niyakap lang naman niya ito at kahit gusto niya ng sagot mula rito ay itinikom na lang niya ang bibig. Hindi rin naman madali ang pinapagawa niya. At kung madali lang naman talaga ang lahat ay sana masaya siya sa gagawin.

Kaya yumakap na lang siya rito at nakinig sa pintig ng puso ng dalaga. Marahan. Kalmado. Taliwas sa kung ano ang nararandaman nito sa ngayon.

He kissed her temple and waited.

::

Hindi na namalayan ni Gilbert na nakatulog siya. Nagising na lang siya nang alas dos ng umaga dahil sa maraming missed calls sa cellphone niya. Napapiksi siya at nahihirapang inalis ang mga braso ng dalagang nakapulupot sa kanya. Marahan siyang lumapit at nais niya sanang halikan ito pero pinigilan niya ang sarili.

Sa halip, inilapat na lang niya ang mga labi sa noo nito at saglit na pinatagal roon. Saka siya unti-unting lumayo. Tinitigan niya ito sa huling pagkakataon. Inuukit niya sa utak ang payapang hitsura nito habang natutulog. Funny how your world can be locked in a small and fragile human being.

Mabuti na lang at hindi ito nagising dahil kung sakali ay baka hindi na niya kayaning umalis. Ibinulsa na niya ang phone niya saka maingat na lumakad papunta sa pinto. Nilingon niya ito. Hindi pa rin ito gumagalaw sa higaan bukod sa paghinga nito. Tipid siyang ngumiti bago tuluyang lumabas. Andoon na si Philipp sa pinto at pabulong siyang binati.

"Tayo po ba ay aalis na?" tanong ng butler niya. Nalalasahan niya ang biglang pagpait ng mga salitang lumabas sa bibig niya.

"Ja. Aalis na tayo."

Tumango ito at nauna nang maglakad sa kanya. Hindi na siya nagsalita at tumango na lang sa iba pang mga envoy na naroroon. At nang nakasakay at magsimulang gumalaw ang sasakyan ay nagising ulit ang sakit na nararandaman niya. Habang palayo siya ng palayo sa dalaga ay mas lalong lumalala ang sakit sa dibdib niya.

"You can cry, you know?" mahinang wika sa kanya ni Philip. "You've always adjusted for everyone and always bottled everything in. I know you don't want zis to happen and you'd rather be vith za person you love..."

Binalingan niya ito at napapiksi pa ang butler niya. Nag-iwas ito ng tingin. "Pagpasensyahan niyo po ako, Junker Beckenbauer. Hindi ko po sina--"

"Ayos lang... At tama ka naman." Ngumiti siya at parang iyon ang kailangan ng mga mata niya para buksan na ang balde-baldeng pinigil nitong tumulo ng isang linggo. Isa isa at malabutil ang paglabas ng mga luha niya. Hindi niya pinunasan ang mga iyon, marahan lang siyang natawa at huminga nang maluwag.

Mukhang nagulat naman ang mga envoy niya pero ni isa ay walang ginawa. At lihim na lang siyang nagpasalamat sa konsiderasyon nila. Hindi naglaon ay tinakpan na niya ang bibig para walang lumabas na hikbi mula roon. At tahimik siyang lumuluha hanggang sa makarating na sila sa meeting place niya at ng prinsesa.

Parang hindi naman siya naubusan ng mga luha hanggang sa makalabas na siya. Mabilis at natatawa sa sariling nagpunas siya ng mga luha. Narinig niya namang papalapit sa kanya ang prinsesa. Hindi niya ito makita dahil nagpupunas pa rin siya ng mga luhang parang ayaw pa ring tumigil na lumabas mula sa mga mata niya.

"I'm sorry, your Highness. Give me a sec... ond."

Niyakap siya ng prinsesa at mabilis ring pinakawalan. Ibinaba niya ang mga kamay sa mga mata at nakitang mugto rin ang mga mata nito. "Did you cry too?" tanong niya at pinahiran na ang huling luhang lumabas mula sa mga mata niya.

"Vell, you're not the only one vho has to let go of za one zey love," sagot nito saka siya marahang pinalo sa balikat. "You're not ze only one vho loves someone else."

"Vho?" napatingin siya sa paligid at may hinanap. Puro mga envoy lang niya at ng prinsesa ang nakikita niya. Wala ni anino ni Keeno sa mga naroroon. "Oh."

Mapait na tumawa ang dalaga at nakasimangot na sumipa. "He vished to stay... Vhen I asked him vhat he vanted as reward. He loathes Valwick, Gil. He loathes it a lot."

Tumango siya. Hindi niya kilala si Keeno at wala naman siyang alam para husgahan ang nararandaman nito.

Huminga nang malalim ang prinsesa saka inilagay ang kamay sa braso niya. "Let's go home, shall ve? It's been long and tiring."

Marahan siyang ngumiti. One month of that was the best thing that ever happened to his life. "Alright, your Highness."

::

Naalimpungatan si Marieke nang marandaman na niya ang init ng araw sa kanyang mga paa. Kahit na may kurtina doon ay hindi iyon nakatakip nang maayos kaya ang init ng araw pa ang gumising sa kanya. Kakaibang init kasi iyon kung ikukumpara sa init sa Baguio.

Naupo siya at nanatiling nakapikit. Humikab at kinamot ang tiyan. Saglit na nanatili siya sa ganoong posisyon na parang kung pipikit lang siya ay makikita niya pa rin ang nais niyang makita pagkamulat niya. Pero...

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata saka bumaling sa espasyo sa tabi niya. Walang naroroon pero pansin pa rin ang medyo gulo sa parteng iyon. Inabot niya ang espasyo na kagabi lang ay may lulan na tao. Kaya pala lumamig bigla ang silid at kaya pala nagising siya nang saglit ng mga alas dos ng umaga. Napasapo siya ng noo, ang huling hinalikan ng binata bago ito tuluyang umalis. Wala na ito.

Iginaya niya ang tingin sa silid. Andoon pa rin ang bag ng binata at nakasampay pa rin sa monobloc ang jacket na hiniram niya mula rito. Mapait siyang tumawa. "Nakakainis talaga ang isang iyon."

Tumayo na siya at akma sanang gagalaw pero bumagsak lang rin siya sa sahig. Nakatulalang napapunas siya ng mga pisngi dahil isa-isa nang nagsibabaan ang mga luha niya. Akala niya pa naman sa dami nang iniiyak niya kahapon ay wala nang mapipiga ang tearducts niya pero ito siya ngayon... puno ng mga luhang nakatitig sa jacket ng binata. Ang sabi nito mag-move on siya, na makalimot siya pagkatapos nitong umalis.

Pero tama bang kung sasabihin mo iyon sa isang tao ay iiwan mo pa rin ang mga bagay na magpapaalala sa iyo sa taong iyon? Tama bang aalis ka at magmamarka ka pa rin? Ano ba talagang gusto nitong mangyari?

At kung ganito, ni isa ba ay may kinuha sa kanya ang binata? Binalingan niya ang upuan sa tabi ng side nito sa kama. Wala ang phone na pinahiram niya rito at wala rin ang binigay nitong pantali ng buhok sa kanya.

Umalingawngaw sa kwarto ang tawa niya at sumusukong niyakap niya ang mga tuhod. Itinago niya ang mukha doon at nagpatuloy sa impit na pag-iyak. Wala na nga siyang narinig bukod doon.

Kaya nagulat pa siya nang biglang may yumakap sa kanya at akala niya pa ay si Gilbert iyon pero nang nag-angat siya ng tingin ay iba ang nakita niya: si Keeno.

Niyakap siya nito gamit ang libreng braso nito at mukhang hindi pa rin naalis ang benda nito sa kabila. "...Keeno," mahinang wika niya sabay yakap na rin sa binata.

It was hard being alone in this state. At kahit si Gilbert lang ang gusto niyang yakapin ngayon ay gusto niya ring humingi ng comfort. Kahit pa mula sa ibang tao.

Hindi naman masamang yumakap lang. "W-Wala na siya... Umalis siya nang hindi man lang nagpaalam nang matino... ang bwisit na iyon..."

Marahan itong natawa. "Ayos lang. Bayaan mo sila... Andito lang ako."

Nakitawa na rin siya. "Hindi ka aalis?"

"Hindi na."

Hindi na siya nagsalita, kumapit na lang siya rito. At inilabas na lang ang lahat ng hinanakit niya sa buhay. Hindi fair. Ngunit, wala na siyang magagawa kaya naisaisip na lang niyang baka hindi niya kasi deserve ang isang fairytale na ending.