Chereads / our sort off fairytale / Chapter 19 - nineteen } found, the representative of Arms, and gut feeling

Chapter 19 - nineteen } found, the representative of Arms, and gut feeling

GILBERT prayed for the last time as the engine finally stopped. Binitawan na niya ang hawak na dog tag saka bumaba mula sa helicopter kasabay ng kasamang mga envoy.

At ang nadatnan nila doon ay si Rize at ang mga envoy nito. Lahat ng mga dalang envoy ni Rize ay may hawak-hawak na mga baril at mukhang may kinakausap sa harap ng isang bahay. Sadyang tumigil lang at hinarap sila.

"Junker, pinapayagan mo ba kaming maglabas na rin ng mga armas?" tanong sa kanya ni Friedrich. Sinabi niya kasi bago sila makarating doon na walang maglalabas ng baril sa kanila hanggang sa sabihin niya. May mga nagreklamo pero dahil seryoso siya ay sumunod na lamang. Binalingan niya si Friedrich saka tumango. At doon isa-isang nagsilabasan ng baril ang mga envoy niya. Pinanatili niya ang sariling baril sa lalagyan nito.

Ngumiti si Rize habang pinapanood ang mga envoy niya na magtutok ng baril sa direksyon nito at ng mga kasamang envoy.

"So glad to see you here, Beckenbauer. Alam kong buhay ka. Magiging boring ang lahat ng ito kung patay ka na." Ibinulsa nito ang mga kamay saka ngumisi. Hindi niya ito pinansin. Tinignan lang niya ang paligid. Walang taong asa labas. Ni bata o matanda ay walang naroroon. May mga aso, manok, at mga sisiw lang na makikita. Tumingin siya sa bahay na kaharap nila Rize, may sumilip na bata mula sa bintana na mabilis ring nagtago pagkatapos. Tumingin siya pabalik sa grupo ni Rize. Ito lang at ang envoy nito ang naroroon. Ni isa sa ibang mga representatives maski na mga envoy nila ay wala.

Pumait ang lasa ng tubig na ininom niya kanina sa kanyang dila. Even though it was supposed to be tasteless. "Asaan ang iba, Rize? Anong ginawa mo sa kanila?" Sure, they hurt him. Alam niyang pinagtulungan siya ng lahat ng mga representatives. Pero hindi ibig sabihing gusto niyang may mangyaring masama sa kanila.

Natawa naman si Rize sa naging sagot niya saka hinimas ang semikalbo nitong buhok. "Wag kang mag-alala. Alam ko kung papaano magtanaw ng utang na loob." Itinaas nito ang baril at tinututok sa direksyon niya. "Ikaw dapat ang mag-alala sa sarili mo, Beckenbauer. Dahil wala akong utang sa'yo. Sa katunayan, pwede kitang patayin rito at walang magtataka."

Hindi niya hinayaang makita nito ang takot na nararandaman kaya pinatigas lang niya ang ekspresyon. He made sure that he looked as uninterested as possible. Hindi niya kilalang-kilala si Rize pero alam niya na ine-enjoy nitong makakita ng taong takot rito.

Nang makita ngang wala siyang ekspresyon ay itinaas ni Rize ang baril. Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "How boring."

"Vhat are you doing to the people here, Junker Aldwardt?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ito at hinarap ulit ang bahay. "Bago pa ako nakarating ay nagtipon silang lahat diyan sa isang bahay. Andyan din ang prinsesa at ang walang kwenta kong pinsan. Kanina ko pa sila binabantaan na ilabas ang prinsesa pero walang sumasagot."

Kumunot ang noo niya. Anong ginagawa nito? Naghihintay na magbukas ang pinto? This was the man who ordered his demise. Hindi rin siya magugulat kung ito rin ang rason kung bakit na-ransack ang mga lugar na pinuntahan nila ng dalaga.

"You didn't kill the old man vho led you here, did you?" tanong niya rito. Ngayon lang niya napansin na walang kasamang Pilipino ang grupo nito.

Rize sighed. "Asa loob."

Tumikhim siya. "So, are you just going to stand zere?"

Binalingan siya nito bago napabunghalit ng tawa. Sa sobrang amusement ay napatiklop pa ang katawan nito at napahawak pa ito sa kalamnan. "Quatsch! I said I'd vait for you to come before I do anything. You sure took your time."

Ibinalik nito ang pagtutok ng baril sa kanya. "Come on, princess," wika nito sa pinalakas na boses. "Come on out. You need to see me drill a hole on zis lover boy's head." Tumingin ito sa bintana at ngumisi.

Tumitig rin siya roon at nakita ang prinsesa kasama ng knight nito na si Keeno. Wilhemene looked displeased. Nakakunot-noo ito at halatang nagpipigil na bulyawan si Rize. Keeno just stood in attention. Emotionless. Kung tutuusin hindi niya palaging nakikita itong magpakita ng emosyon. Minsan nga ay naisip niyang baka wala na itong puso.

"You lowly scum," mapait na wika ng dalaga bago tumalikod. Sumunod si Keeno dito at matapos ang ilang minuto ay asa labas na ito. Wilhemene stood rigid. Halata rito na kahit anong mangyari ay hindi mauubos ang kumpyansa nito sa sarili. Kahit nga nakikita nitong lahat na sila roon ay nagtutukan ng baril ay hindi man lang ito nag-react.

And at the sight of her, all envoys dropped to one knee. Pati siya ay lumuhod. Tanging si Rize lang ang mukhang natutuwa sa sarili at hindi gumalaw sa kinatatayuan.

"Stand," malamig na wika ni Wilhemene at isa-isa silang nagsitayuan. "You're not kneeling now, Rize?"

Lumapit ang lalaki pero bago pa ito makahakbang ay tinutukan ito ng baril ni Keeno. Nagtaas ng kilay si Rize. "Really now. I just vant to kiss za hand of my future wife. After all, the rule here is who finds her first gets to marry her," mayabang na turan nito. "And vell, zat can only mean zat I don't need to kneel to someone vho's going to be kneeling before me soon enough."

Tumalim ang tingin ni Wilhemene sa lalaki at dahil kilala niya ito ay alam niyang sasampalin nito si Rize kung sakali.

Sa halip, nag-iwas na lang ito ng tingin at hinarap ang ibang mga tao. Nang mag-landing na ang mga mata nito sa kanya ay ngumiti ito. Full of regret. Full of sadness.

Lumapit ito sa kanya at nang akmang aangal si Rize ngunit nagpaputok si Keeno malapit sa paanan nito.

Napapiksi siya sa tunog at distracted na hinarap ang prinsesa. "Mahal na prinsesa," bati niya saka makumbabang ngumiti. Ibinuka nito ang bibig at mukhang may sasabihin pero itinikom na lang ang bibig. Niyakap siya nito.

"Gilbert, you're alive," sambit nito. She's only a head smaller than he is as to compared to Marieke who is seven heads smaller than him. Kung dati siguro ay mabilis siyang mamumula at agad niyang ilalayo ang prinsesa sa sarili dahil hindi kakayanin ng puso niya. Pero ngayong may iba ng laman iyon ay maluwag lang sa kalooban na niyakap niya ito pabalik.

"I am. How have you been?"

Itinaas nito ang ulo at hinawakan ang pisngi niya bago ngumiti. "Sobra mo akong pinag-alala."

"Vell... Getting attacked is not part of my plan..." sagot niya. "Ngunit alam mo naman kung gaano ka-competetive ang ibang representatives."

Binitawan na siya nito at umiling. "Nein. I know it's Rize. His paws are all over zese. I just didn't expect him to do some killing."

Nakangisi lang naman si Rize at kasalukuyang bored na nakatitig sa kanila. "Ze only people ve killed are our countrymen. I didn't touch your beloved Filipinos. Although, I might have bruised some."

Doon na bumuhos ang galit sa hitsura ng dalaga. Mas tumalim ang tingin nito at nanginig ang mga kamay nito. It looks like she wants to strangle Rize. "Vhat part of no hurting anyone did you not understand?" tanong nito. "And you murdered people from the Beckenbauer Dutchy! People!" Nanginginig pati ang boses ni Wilhemene.

Anger... and tinged with regret. Natahimik siya. Kung tutuusin gusto niya ring sumbatan si Rize. If he wasn't levelheaded right now then he might have just shot him. Pero kalmado pa lang siya at ang nais niya lang gawin ngayon ay ma-ensure na walang magpapaputok ng baril bukod sa pinakawalang putok ni Keeno kanina para pigilan si Rize sa paggalaw.

Sa halip na maapektuhan ay natawa lang ito. "And zat matters, really? Ve all know here zat someone's going to be hurt or dead. Zat's why ze others sided vith me. Zey don't want to die," napailing ito at pinandilatan sila. "At sa tingin mo ba hindi ito mangyayari kung hindi mo pinaburan si Mr. Goody Two Shoes? Pinaglalaruan mo lang kami, mahal na prinsesa."

Pinadilatan niya si Rize. Tumawa ulit ito at napansin niya ang saglit na pagdaan ng pait sa ekspresyon nito. Mabilis namang tinakpan iyon ng lalaki ng isang nakakalokong ngiti. "Hindi mo ba alam na bago kami pinadala rito ay binantaan ako? Na kailangan kong gawin ang lahat para mahanap kita o mamatay ako pagbalik ko sa Valwick," siya naman ang binalingan ni Rize.

"At sigurado akong pr-in-essure din si Lover Boy kaya siya nandito. Kaya kung ganun din lang ay bakit hindi ko gagawin ang kailangan kong gawin para mabuhay pa ako?" He waved his hands without a care in the world. "Kaya, bakit hindi ka maging masunurin at sumama na sa akin, mahal na prinsesa?"

Mukhang nagulat ang prinsesa sa narinig. Maski siya ay hindi makapaniwala. Alam niyang kung ikukumpara sa ibang Dutchy ay masyadong strikto sa Dutchy of Arms. Sa katunayan, para iyong military camp nang pumunta siya roon para sa bootcamp.

Binalingan siya ng prinsesa at hindi niya naiwasang mag-iwas ng tingin.

"You... Vhat did your Vater say?"

Tumikhim siya. "...To find you so I can bring glory to his name..." Pakiramdam niya ay nahihiya na siya sa sarili. "Because of how ze others view our Dutchy..."

Huminga nang malalim ang prinsesa at malungkot na ngumiti. Pagbalik ng tingin nito kay Rize ay masama pa rin ang tingin nito sa Arms representative. "You would have played well instead of cheating even if your life is on za line."

"Now, now," nawala ang ngiti sa mukha ni Rize. "Parehas din naman ang gagawin niyo kapag kayo ang nasa posisyon ko." Rize sideglances Keeno and smiles lightly. "Keeno, I'm getting tired of zese. Kindly drop the act and bring za Princess to me, vill you?"

Nagulat siya sa narinig. Alam niyang pinsan ni Keeno si Rize pero... Well, it wasn't impossible. Pero, hindi gumalaw si Keeno. Steady lang itong nakahawak ng baril na nakatutok sa sariling kadugo.

Pinaningkitan ng mga mata ni Rize ang kapatid at binalik ang tingin sa kanila. Wilhemene stepped forward, "Alam ko ang inutos mo sa kanya. Pero hindi mo na mapapasunod si Keeno. At kung nakakalimutan mo bago ang dutchy ay mauuna ang Royal Family."

Rize snorted. Kanina pa ito mukhang amused sa sitwasyon. At parang alam nito kung ano ang mangyayari pero kailangan pa rin nitong may gawin. Unti-unti nagsimula itong tumawa. Iyong tipong mapapatiklop muli ito. Sa lugar na iyon ay iyon lang ang namutawi sa paligid. Nakarandam naman ng kaba si Gilbert.

Mukhang susuko na si Rize sa kanila pero hindi niya mapigilang maisip na parang may mali. Na parang may gagawin pa ito. Mukhang iyon din naman ang iniisip ng prinsesa at ni Keeno. The latter kept his hand on the gun's trigger while the former stood straighter, alert.

Saglit na walang gumalaw sa bawat kampo pero randam sa hangin ang tensyon at ang nagbabadyang maaring mangyari kapag natapos na ang pagtawa ni Rize. Lumunok si Gilbert.

At unti-unti, nalusaw na ang pagtawa ni Rize at itinaas nito ang baril at walang sabi-sabing pinutukan si Keeno. Hindi agad naka-react ang huli kaya nadaplisan ng bala ang braso nito. The man yelped and the princess moved in worry. Pero ang sumunod naman doon ay nagpaputok na si Rize sa direksyon ng dalaga.

Mabilis namang hinarang ni Gilbert ang sarili at itinulak ang dalaga para hindi ito matira. Hindi niya agad narandaman ang pagtira ng bala. It just felt like something came through him and he didn't know where it came from. Pinaningkitan lang siya ng mata ni Rize bago papatukan sana muli kung hindi ito binaril sa braso ni Friedrich.

Napaluhod naman si Gilbert at napatitig sa nagsisimulang kumulay sa suot niya. It was red. So red. Mali talagang pinili niya pang magsuot ng puti sa araw na ito.

Bumagsak siya sa lupa at pakiramdam niya ay may yumuyugyog sa balikat niya pero hindi niya alam kung sino. Lumalabo lang ang mata niya at nahihirapan siyang huminga. Alam niyang mangyayari ito.

Nang pinutol niya ang komunikasyon nila ni Marieke kanina ay nararandaman na niyang maaring hindi na siya makabalik sa dalaga. Parang hindi niya naman pinagsisisihan ang mga bagay-bagay kung sakaling mamatay man siya.

He had told his Father what he really felt and there is hope for reconciliation. He had thanked Philip for everything he has done for him. And most importantly, he told the woman he loved that he loved her.

He tried to smile as the darkness finally engulfed him.

::

HINDI iniwan ni Philip si Marieke. Kung tutuusin nga, kahit sinabi ni Gilbert dito na ihatid siya pagkatapos na makarating ang binata sa Saclit, kung asaan ang prinsesa, ay uuwi na siya. Pero, ang ginawa lang ni Philip para kay Marieke ay tanungin siya kung gutom na siya.

Nakakunot-noong tinignan lang naman niya ito. Kanina pa siya umiiyak at kahit hindi naman siya humihingi ng comfort sa kasama ay hindi niya inaasahang iyon pa ang tatanungin nito sa kanya. Tumango naman siya at pagbalik nito ay may dala-dala na itong spaghetti mula sa Jollibee. Bago naman siya kumain ay tinanong pa nito kung okay lang ba sa kanyang sabay itong kumain. Ibinilin kasi ni Gilbert rito na hindi nito pwedeng hayaang kumain siya nang mag-isa.

Hindi niya naman mapigilang mapangiti. Philip had seemed stiff. At parang ayaw rin nito talagang ma-stuck kasama niya. Pero ngayong kasama niya ito sa kama na kumakain ay hindi niya maiwasang maisip na mabait naman ito. Mukha ngang hindi pa nito sinunod ang utos ni Gilbert na iuwi siya.

"...Why aren't you asking me to go home yet?" naitanong na lang niya dahil kanina pa sila nawawalan ng topic para pag-usapan. Gilbert was always trying to get her to speak about something. While Philip on the other hand, didn't want to intrude much.

Lumunok muna si Philip at nagpunas ng mga labi gamit ang panyo. Nahiya naman siya sa sarili kaya umabot din siya ng tissue at nagpunas.

"Vell, I figured za Junker vould really prefer to see you after he's done vith vhat's he's taking care off," sinserong wika nito saka tipid na ngumiti. "You know, I haven't seen the Junker look like zat. I know he likes the Princess... but he never looked the same way as he looked like vhen it comes to you."

Nag-init naman ang pisngi niya sa sinabi nito. "You're just imagining things."

"No, I'm just the same age as the Junker, Frau Marieke. I'm proud to admit zat I can tell vhat he's thinking at most times."

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ang pinapalabas kasi nito ay may gusto sa kanya ang binata. Which is giving so much hope in her heart. Sa puso niyang desperado na may magmahal at mahalin na sa simpleng ganito ay hindi niya mapigilang makarandam ng saya. Pinipigilan lang niya dahil ayaw niya pa ring maniwala.

Dahil... wala naman ang binata sa tabi niya ngayon. Naroroon ito sa Saclit kung saan nito makikita ang prinsesa.

She shouldn't assume anything.

"Although, I could bring you home if zat's vhat you vant."

Mabilis naman siyang umiling. "I will wait... Kahit makailang... I mean, even if it will take days. I'll wait for him..."