KANINA pa siya asa gitna ng panic attack at dahil wala masyadong tao ay naroroon siya sa gilid hawak-hawak ang ulo na pakiramdam niya'y sasabog anumang oras. Kung hindi lang may kung sinong marahang hinigit siya at dinala muna sa isang lugar bago niyakap ay hindi pa siguro siya kakalma. Narinig ni Marieke ang boses ni Gilbert at napayakap siya rito, she followed his instructions as he asked her to breathe. Ipinikit niya ang mga mata at nakinig sa nakakalmang pagpintig ng puso nito. She was glad to see him alive.
Kanina pa naglalabas ng worstcase scenario ang utak niya at kinakabahan siyang baka hindi na niya ito makita o kung makita niya man ito ay patay na ito. She wouldn't want that.
"Gilbert," mahinang wika niya nang kumalma na siya. Kumalas siya rito at humawak sa mga pisngi ng binata.
Nagulat naman ito sa ginawa niya at saglit na tumitig lang ito sa kanya bago marahang inilagay ang kamay sa taas ng kamay niya. "Are you okay, schatz?"
"I'm okay," wika niya. "I'm okay now. Ikaw? May nangyari ba sa loob?"
Nagmura ito at napapitlag siya. Hindi makapaniwalang tumitig dito. Mukhang hindi ito takot kanina dahil sa patag at kalmadong ekspresyon nito ngunit ngayon nagsilabasan na ang mga emosyong tinatago ng binata. He's afraid. "I'm scared shitless, Marieke."
Hindi niya alam kung matatawa ba siya dahil parang gusto nitong tumawa siya. She did. Binitawan nito ang kamay niya at tumawa rin. Tumatawa lang sila sa isang sulok. Out of sight but not exactly out of anyone's mind. Hinayaan niya munang mawala ang pagtawa sa kanya bago siya huminga nang malalim. Sumeryoso na ang mukha niya. "Anong gagawin natin? You friend is not exactly going to help us, right?"
Tumango ito at nagpadaan ng kamay sa buhok. He sighed. "Yes." Kinuha nito ang kamay niya saka inilagay ang mga daliri sa libreng espasyo niyon. Napalunok siya. Mukhang wala itong balak na bitawan ang kamay niya. "Ve're in danger, schatz. Ve can't go back to our room at ze moment, for now, we have to run."
"Pero... hindi naman nila malalaman kung saan iyon," wika niya. They used fake names. Even pretended to be married. Bumili pa nga siya ng pekeng singsing para sa kanila. Dala naman ng binata ang passport, ang dogtag nito, at pati na ang suot nitong butterfly brootch.
Umiling ito. "He saw you, Frau. He saw you... If zere's anything impressive about Andreas, it would be the fact zat he has photographic memory." Tinignan ng binata ang suot nitong relong pambisig. "We only have a few minutes but I'm pretty sure someone's looking for us now... It's not even impossible for someone to even be following us at the moment."
"Gilbert..." Nagsimula na naman siyang kabahan. Wala siyang dala ngayon. Kung tatakbo sila ngayon ay asthma na ang susunod na aatake sa kanya. Naiwan niya ang inhaler niya dahil ang akala niya naman ay makakabalik sila kaagad.
For the first time, he looked terribly apologetic. Pero hindi lumabas ang isang apology sa bibig ng binata. Nakatingin lang ito sa kanya, takot pero gustong i-assure siya na walang mangyayari sa kanilang masama.
"Schatz--" May sasabihin pa sana ito nang may marinig silang mga yabag. Parehas silang lumingon walang naroroon pero nakarandam agad siya ng bundol ng kaba.
Napahigpit ang paghawak niya sa kamay ng binata. "Le-Let's run."
Hindi na ito sumagot, ang alam lang niya ay tumatakbo na sila. At hindi naman sila nagkamaling gawin iyon dahil sa pagtakbo pa lang nila ay may sumunod na agad sa kanila. Marieke closed her eyes tight. Iniisip niya na kung gagawin niya iyon ay maaring magising na siya. Na tulog pa rin siya ngayon at magigising lang sa isang bangungot. Na makikita niya si Gilbert na nakadapa sa kama. He sleeps like that sometimes. Ang mukha lang nito ang naka-side pero ang buong harapan nito ay nakadikit sa kama.
Pero pagdilat niya... walang naganap. Tumatakbo pa rin sila. Napahawak siya sa dibdib at inayos ang paghinga. Hoping against hopes na sana hindi siya atakihin.
::
Hindi alam ni Gilbert kung gaano sila katagal umiiwas sa humahabol sa kanila. Halos hindi na nga niya randam ang mga paa niya sa kakatakbo. Basta nagpatuloy lang siya at luminga-linga, sinisigurong hindi sila nasusundan. He's scared, sure. Pero mas natatakot siyang pati ang dalaga ay madawit rito. Ayos lang sa kanya kung siya lang ang mahuhuli pero hindi niya hahayaang mapahamak ang dalaga ng dahil sa kanya. Of all things, that's what he wouldn't want to happen, it's her getting hurt.
Nilingon niya ang dalaga na kanina niya pa hindi nililingon dahil mas tumitingin siya sa paligid. She looks pale. May pawis na lumalandas mula sa noo ng dalaga at parang naliligo na ito doon. Hindi rin maganda sa pandinig niya ang abnormal na paghinga nito.
Binundol ng kaba ang puso niya. Luminga siya sa paligid. Wala na siyang marinig na maaring sumunod sa kanila at hindi niya na rin alam kung asaan ba sila. It should be safe now. Unti-unti niyang pinabagal ang paggalaw hanggang sa tumigil na siya nang tuluyan. Liningon niya ulit ang dalaga. "Schatz? Are you alright?" hinihingal na ring tanong niya. Hinawakan niya ang pisngi nito gamit ang isang kamay at halos mapaso na siya dahil sa init noon. Mukhang hindi ito makahinga at napahawak na lang ito sa braso niya. "I..." she blurted out before her eyes rolled up and she lost consciousness.
Gulat na pinanood niya itong mahulog at kung hindi pa dahil sa reflex ay hindi niya ito susundan at sasaluhin. He was right to be nervous. Gamit ang nanginginig na kamay ay dinama niya ang leeg nito kung saan pwede niyang maramdaman kung may pulso pa ba ang dalaga. Nakahinga siya nang maluwag nang marandamang mayroon pa rin ang pintig ng puso ng dalaga.
He listened to it for a while and breathed along with it. Hanggang sa naging normal na rin ang paghinga niya. "Good, you just passed out..." mahinang wika niya sa sarili. Ang maipapasalamat na lang siguro niya ay ligtas pa rin ito at dahil wala pa namang biglang humuhugot sa kanya ay ayos lang ito.
Inilagay niya ang isang braso ng dalaga sa leeg niya saka ito maingat na kinarga. Pinanood niya ang maamong mukha. Ang umayos na pagtaas at pagbaba ng dibdib nito. For a moment, niyakap niya lang muna ito at pumikit siya.
All this just because he went out to get an ice cream. He just wanted an ice cream. At gusto niya lang sanang i-distract muna ang dalaga dahil mukhang distracted ito pagbalik nila. Mukhang naiisip na nito na malapit na silang maghiwalay. Ayaw niya rin iyong isipin kaya gusto niya sanang lumabas. At kung pumayag ito, aayain niya sana itong maglakad-lakad lang. Alam niyang dapat na matulog na sila dahil kailangan nilang makipagkita nang maaga kay Mang Ilustro. Pero ayaw niya namang sayangin ang oras niya sa pagtulog kung pwede niya naman iyong gugulin sa pagdala sa dalaga sa kung saan. Sa kung saan kunwari may kapayapaan pa. Kunwari, magkaibigan lang silang nage-enjoy sa lakad nila.
And well now, this. She's unconscious in his arms. Hindi niya alam kung asaan siya. Wala siyang pera at hindi niya alam kung may dala ba ang dalaga. Ang mga tao sa kung asaan naman sila ay mukhang nagpapahinga na sa mga bahay-bahay. Huminga siya nang malalim bago inabot ang phone sa bulsa ng pantalon niya. He dialed 911, called for an ambulance.
Nang makumpirmang may darating na para sa kanila ay naupo siya. Niyakap niya muli ang dalaga. Naghintay. Nang dumating na ang ambulansya ay tahimik na lang siyang sumunod. Wala siyang maramdaman. Parang may naglagay ng anesthesia sa puso niya hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili sa waiting area ng ospital. Nakatulala siya sa puting pader ng mga pasilyo. Kanina pa siya nakatitig lang roon. Nag-iisip.
Pumikit siya nang mariin at inabot na ang phone mula sa bulsa. Di-ni-al na niya ang numerong sabi ng dalaga ay huwag na huwag niyang tatawagan. It didn't matter now. After all, they already knew he's alive.
Nakita niya ang oras sa cellphone. Alas dose na ng umaga. How long had he been staring at the walls? Huminga siya nang malalim atsaka hinintay na mag-connect ang tawag. Gabi doon at alam niyang kahit na ganito na ka-late ay hindi siya aabandonahin ng kapatid. He might have disliked how many times everything was given to his brother or the fact that his brother always gets everything, he still trusts him more than anything in the world.
"Gilbert! Vhat happened? Vhere are you? Are you okay?" tanong sa kanya ni Viktor at pakiramdam niya ay may bikig sa lalamunan niya. Marinig lang ang boses ng kapatid ay parang naiiyak na siya. He has been through so much and it was fine. It was always fine. Lagi namang siya ang naagrabyado sa mga ganitong sitwasyon. Laging may mga ibang taong makikinabang sa pagdurusa niya.
At ayos lang iyon. He's still alive. And will continue to live despite how hard it is sometimes. Pero sa ngayon, gusto lang naman niya nang makakapitan. Ayaw na niyang hilahin pa ang dalaga sa mga ganitong sitwasyon. Maybe, he was right the first time that he shouldn't have met her.
"Gilbert?"
"Tulungan mo ako, Kuya... please. Zey found out zat I'm alive. I tried, I really tried not to get caught and now I've even put someone I care about in danger."
Narinig niya ang concern sa boses ng kapatid ng nagsalita ito. Viktor must be surprised as well. Nang malaman ni Gilbert na ito ang nagugustuhan ng prinsesa ay ni minsan hindi na niya ito tinawag na Kuya. He had always addressed him as Viktor and had reasoned out that Viktor was just two years older than he is.
"Asaan ka ngayon? Magpapadala ako ng panibagong envoy. I'll get zem to you as early as zomorrow. Money, do you need money? Anything else you need?" mabilis na wika nito. His brother sounded frantic and he feels a little better for the concern.
"That's good... thank you."
Mukhang magsasalita pa ang kapatid niya pero may umagaw na sa telepono. "Gilbert, anak? Ikaw ba iyan?"
Nanlamig ang kalamnan niya. Ang ama na niya ang nasa kabilang linya at hindi niya alam ang sasabihin o gagawin. Lumunok muna siya. He can feel the fear rise up on his throat. The fear that being here, instead of going to the princess, is him being a failure to his Father.
"J-Ja. It is me, Vater."
"Vhere have you been! Ve're vorried about you! Nahanap mo na ba ang prinsesa?"
Huminga siya nang malalim. Three statements in one. At isa lang roon ang nagkansela sa kung anumang sinseridad ang narandaman niya sa mga sinabi ng ama. "I found her."
"Vell, are you vith her now? Viktor, send for transportation immediately."
Narinig niya naman ang sagot ni Viktor mula sa kabilang linya. Magkaiba sila ng tono ng Ama. Kung ang Ama niya ay mukhang mas worried kung nahanap na ba niya ang prinsesa ay si Viktor naman ay nag-aalala sa kanya.
"Yes, I'm sending him a new envoy, right now. But, he doesn't seem alright, pwede ho bang kausapin niyo muna si Gilbert, Ama? He's been through a lot already."
"Ja, ja. Make sure that the envoy is ready as soon as possible, okay?" Narinig niya ang pinaghalong excitement at kaba sa tono ng ama. His father didn't care about him, huh? Kapag ba dinala niya ang prinsesa ngayon din ay magiging proud ang ama niya sa kanya? Sasabihin na ba nito na masaya itong naging anak nito siya?
Or will it just be a nasty cycle of him doing things and waiting for his Father to be impressed and he still wouldn't? Na kulang pa rin ang ginagawa niya kahit na ginagawa na niya ang lahat nang makakaya niya?
"Listen, Gilbert. Kapag nandyan na ang envoy mo ay umalis kayo agad ng prinsesa. You wouldn't want those bastards getting zer hands on her and attacking you again."
Huminga siya nang malalim at saka umayos ng upo. "No."
"Vhat?"
"You know, the princess has someone with her," wika niya. "Buhay pa ang prinsesa ngayon at alam kong walang gagawing masama sa kanya ang ibang representatives. Dadaan muna sila kay Keeno."
Narinig niya ang marahang pagtawa ng ama niya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya at mas lalong hindi nito nagustuhan ang biglang inaakto niya.
"Vhat are you trying to say? You already know where she is. All you just have to do is get her as soon as possible."
"No," pag-uulit niya. Gusto niyang magmura. Hindi niya alam na nakakagaan pala sa dibdib ang pagtanggi. For him, No had always been a luxury. Somebody else's privilege. He doesn't get to say that in his twenty six years of existence. Laging Yes kahit hindi niya gusto. Laging Yes kahit alam niyang masasaktan siya sa huli. Laging Yes kahit alam niyang siya lang ang tinatapakan. Laging Yes. Bulag na Yes dahil akala niya magiging sapat na siya kung iyon ang sasabihin niya.
His Father would be proud of him. His Father would say, It's okay, you did your best, you had been doing your best for long now. Pero ngayon pa lang na nakumpirma nitong buhay pa siya ay mas interasado pa itong malaman kung nahanap ba niya ang prinsesa.
"Vhere is this coming from?"
And he realized, it will never be enough. He has to draw a line now. May makakasisi ba sa kanya kung masaya siya sa ginagawa niya ngayon? In fact, pansin nga niyang nakangiti siya ngayon. "It's a long time coming. I'm sorry, Vater. I'm sorry but for now, I won't do as you please anymore. I won't move here even if Viktor's envoy arrives. Not until she wakes up."
Mukhang wala namang masabi ang ama niya sa sinabi niya. Sa halip, narinig niya lang ang hindi makapaniwalang paghinga nito. "She?" Iyon lang ang nag-stand out sa ama niya. Funny. Hindi ba nito napansin ang matagal na niyang kinikimkim?
Tumango siya. "Ja. Her. I'm in love with someone else, Vater," sinserong wika niya. "And well, she's in the hospital and I'm with her. I can't possibly live her here. I have to make sure she's okay before I go and find the princess."
"Gilbert, you can't possibly be in love with someone else..." hindi makapaniwalang wika ng Ama niya.
Pwede ba iyon? Pwede bang hindi niya mahal si Marieke? Napailing siya sa sariling tanong. He can not love her. Not when he doesn't move from there until he knows she's okay. Hindi din kung ang bawat pintig ng puso niya ay si Marieke ang tinatawag. At mas lalong hindi pwede kung mas gugustuhin na ata niyang huwag na lang umuwi.
And he was right anyway, kahit hindi siya magmadali ay may kasama si Wilhemene. But Marieke? If he goes, she would wake up alone and she'd probably feel betrayed. And would blame herself for why she was even left alone when it wasn't her fault in the first place. Hindi niya magagawa iyon sa taong mahal niya.
"Vell, I am. Mahal ko siya, Vater. I know... I know, I'd still have to go back with the Princess. I vill do zat, I promise. I just hope you understand zat I won't go rushing to go zere. I have to be here. I vant to be here."
Hindi niya narinig na nagsalita ang ama niya sa kabilang linya. Naririnig lang niya ang paghinga nito. At nagulat pa siya nang marinig itong humikbi. "...I see. I'm sorry, Gilbert. I'm sorry for everything... Ve have a lot to talk about vhen you get back. For now... please stay safe, okay?"
Narandaman niya rin ang pagtulo ng mga luha sa pisngi niya. He didn't expect that. He was expecting him to shout at him, berate him. Laging ganoon. Magagalit ito kung magsasabi siya ng kung ano ang gusto niya. Magsasabi itong hindi pwede, na hindi siya risonable. Na matuto nga siya sa kapatid niya. Everything he ever wanted he has to give up because his father told him so, because his father told him he didn't need those.
And now... "Thank you, Vater... Thank you so much."
Saglit na nagkamustahan na lang sila bago ito na mismo ang pumutol ng tawag. Tinitigan niya ang phone niya at parang hindi pa rin makapaniwala sa naging takbo ng usapan nila. But it's good, he feel lighter than he has ever felt before.
"Well, zat's a long time coming, isn't it?" wika ng isang pamilyar na boses.
Lumingon siya at nagulat sa nakita. It was a guy wearing hospital scrubs. He has the same platinum blond hair but in comparison to him, has brown chocolate eyes. "Gerhard?" tanong niya sabay tayo.
Gerhard von Beckenbauer. It was his cousin.