Chereads / our sort off fairytale / Chapter 15 - fifteen } laidback, you for the third time, and a warning

Chapter 15 - fifteen } laidback, you for the third time, and a warning

"LET'S go out," anunsyo ng binata pagkalabas nito mula sa C.R. na naroroon, nakapalit na ito. Wala na rin ang dye sa buhok nito at kitang-kita niya ulit ang ice blue na mga mata nito. Ikiniling ni Marieke ang ulo at ibinalik na lang ang atensyon sa laptop. Nakapatong ang mga paa niya sa isang unan at kanina pa iyon masakit sa paglalakad na ginawa nila.

"You don't vant to?" tanong naman ni Gilbert. Narinig niya itong lumakad papunta sa kanya at naupo sa gilid ng kama. "Even for a simple ice cream? It's hot in here."

Tinignan niya ang linya ng code na kanina niya pa tinitigan simula nang pumasok ito sa CR para maligo. For the first time, she can't make heads or tails of what she's doing. Simula nang natuto siyang mag-code ay madali na lang sa kanyang solusyonan ang mga bagay bagay. Coding is easier than understanding another human being. Kung nagco-code siya ay kaunting tests lang at ilang trial at error bago niya makukuha kung ano ang gusto niya. In fact, it's not really complicated as long as you understand the logic behind it.

And well, human emotions are the very complicated thing she didn't want to deal with. Not right now.

Kung pwede naman niyang pigilan ay gagawin niya. Lininga na niya ang binata. Nakangiti ito sa kanya. Hopeful. Para itong aso na kapag nagtapon siguro siya ng buto at sinabi niyang 'Fetch' ay tatakbo ito para kunin ang buto.

Inabot niya ang phone niya at nag-reply mula roon. Sa tinutuluyan lang nila may wifi apparently.

Tumayo naman ang binata at kinuha ang phone nito mula sa kabilang kama. Huminga ito nang malalim. "Yes, I am tired. But a trip to a Seven Eleven for some ice cream vouldn't hurt."

Hindi na siya tumingin ulit. Nag-reply lang siya sa phone.

"Yes, I can go on my own. But I really vouldn't vant to leave you alone."

Gusto niyang matawa sa sarili dahil unang-una ang ganda lang naman ng pakikitungo niya rito hanggang sa makabalik sila sa tinutuluyan. Hapon na iyon. She collapsed on her bed and just woke up an hour later. Doon naman nagpaalam ang binata sa kanyang maligo dahil nakatulog rin ito.

At habang naghihintay siya rito ay unti-unting nagsi-sink in na naman sa kanya na kapag nahanap na nila ang prinsesa ay aalis na ito. Parang may switch naman sa utak niya na nag-open ng 'cold' mode kaya heto siya ngayon, parang may distansya na naman sila kahit close naman na sila ng binata.

She had considered him a friend, after all.

"You insist?"

Hindi na siya nag-reply o sumagot. Tumipa-tipa na lang siya sa laptop. At least, madi-distract siya ng ginagawa at hindi niya rin kayang mag-iwan ng code na hindi niya naso-solve. It was a pet peeve.

Randam naman niyang nakatingin ito sa kanya at narinig niya itong napabuntong hininga bago sumusukong tumayo. Lumakad na ito sa pinto at narinig niya itong nagsara. Akala niya naman ay kaya niyang huwag iyong pansinin pero parang may sariling utak ang mga paa niya dahil natagpuan na lang niya ang sariling asa labas.

Hawak-hawak niya ang sleeve ng jacket ng binata na naging rason para mapigilan niya itong umalis. She didn't look at him, refused to. "Huwag... Huwag mo akong iwan... Please," mahinang wika niya. Damn it. How pathetic am I?

Narinig niya ang marahang pagtawa nito bago ito nag-squat sa harap niya. Kinuha nito ang mga kamay niya at tiningala siya. "Vhat is it that you want me to do?" tanong nito. "Please be honest, Marieke."

Stay. "Bakit ba kasi kailangan mong lumabas para lang sa ice cream?" naiinis na tanong niya rito.

"Vell, I just wanted to... go out," sabi nito saka nahihiyang napahimas ng batok. "I don't really know vhy I vant to."

Stay. Huminga siya nang malalim saka ito tinulungang tumayo. "Fine." Kinuha na niya ang mga kamay mula rito saka ini-lock ang kwarto nila. Ibinulsa niya ang susi saka nginuso ritong mas maunang maglakad sa kanya. Sumunod naman ito at saka humawak ulit siya sa sleeve ng binata. In-offer nito ang kamay pero umiling siya kaya ganoon na ang ayos nila.

She watched his back as they walked. She always thought that they were wide. Niyakap na siya nito noon at napayakap na rin siya rito. Hindi niya kayang ikulong ang buong likuran nito gamit ang mga bisig niya. Pero kahit na ganoon, maganda sa pakiramdam ang yakap nito. She felt safe.

Tinitigan niya naman ang kamay nito. Mas malaki kaysa sa kanya kaya kung hawak nito ang kamay niya ay natatakpan na nito. Pero kung ilalagay nito ang mga daliri sa mga espasyo ng sa kanya, it would fit just right.

"Alam mo... kung nakilala siguro kita nung mga bata pa tayo ay magiging best friend kita agad," nakangiting wika niya. Nilingon siya ng binata na halatang hindi inaasahan ang biglang pagsasalita niya.

"Oh?"

Nagkibit balikat siya. "I was nicer back then, not... not like this," linunok niya ang namumuong bigik sa lalamunan niya. Palangiti siya dati at palakaibigan. Hindi siya ganitong parang kaunting pakiramdam niya lang na aalis na ito ay bigla pang lumalamig ang pakikitungo niya. Naisip na niya dati na dapat ayusin niya ang pakikitungo rito dahil hindi naman ito magtatagal.

Pero parang may protective mechanism ata siya na umaakto na naman kanina. Sadyang mas malakas lang ang kagustuhan niyang manatili sa tabi ng binata kaya nagawa niyang lumabas kahit gusto niyang magmatigas at huwag itong samahan para lang bumili ng ice cream.

"Zere's nothing wrong with you, schatz," sagot ng Valwickan. Nakangiti ito sa kanya. He used to smile politely, gently, para lang magtiwala siya rito. Pero ngayon, bukas lang ang pagngiti nito. Sincere. At ayaw niya mang isipin ay parang para sa kanya lang ang ngiting iyon. "And if we met vhen ve vere younger, I vouldn't have been friends with you."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman?"

"Vell, I liked someone else."

Natawa siya sa gustong iparating nito at hindi pinansin ang konotasyon na gusto nitong iparating. "Bakit friends lang naman, ah? At promise, mas mabait ako nun."

Umiling lang ito at marahang pinisil ang tungki ng ilong niya. "You're still alright to me right now," sinserong anito.

"Bolero ba kayong mga Valwickan?"

"Bolero?"

"I mean... smooth talker."

Napabunghalit ito ng tawa at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Parang ina-assess pa nito kung seryoso ba siya o hindi sa sinabi niya. "What? Inosenteng tanong lang naman bakit tawang-tawa ka diyan?"

"I just..." pinahid nito ang mumunting luhang lumabas mula sa gilid ng mga mata nito. "I just didn't zink zat you'll say zat. I'm not a smooth talker. I've only liked a person once... twice... but I don't really know how to sweet talk anyone."

Tinaasan niya ito ng kilay at natatawa lang naman ito sa reaksyon niya. Sumimangot siya at nagpasyang unahan ito papunta sa 7-Eleven. Sumunod lang naman ang binata at parang amused na amused pa rin sa sinabi niya. Binuksan na niya ang pinto at naunang pumasok.

At dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan ay may nakabangga siya. "Sorry," mahinang wika niya saka nilinga ang nabangga. Mas matangkad kasi iyon sa kanya pero habang unti-unting tumataas ang tingin niya ay hindi niya napigilan ang mabilis na pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib.

The guy was wearing a necklace with a dogtag as a pendant. The same necklace as what Gil wore before. Blond rin ang kulot na buhok ng binatang asa harapan niya. Mas malaki ng konti ang katawan nito kay Gilbert ngunit mas matangkad ang huli rito. He had an oblong-ish face and looks to be fatter than Gilbert is. Parehas na aristokratikong ilong. May perpektong kurba ng mga kilay. Full lips. And an overall regal aura on him.

Walang kasama ang lalaki pero pansin niyang sa pantalon nito ay may holster ng baril. Napalunok siya.

"Fraulein Ma--" narinig niya ang boses ni Gilbert at lumingon siya rito. Pinandilatan niya ito. Hindi siya naka-disguise. Napatigil naman ang binata at pinandilatan ang asa harap niyang lalaki. Liningon niya naman iyon.

The guy was smiling. Walang threat ang ngiting iyon pero intense na ang kabang nararandaman niya. Humawak siya sa gilid ng jacket at hinigpitan niya iyon.

"Ah," wika ng lalaki. "You're alive, huh?"

::

It was Andreas von Sommer. Iyon ang lalaking nakita nila sa 7-eleven kanina. At dahil sabi nitong hindi sila pwedeng mag-usap o gumawa ng eksena roon ay dinala sila nito sa Mcdo establishment na kaharap lang ng 7-Eleven. Wala masyadong taong naroroon.

Walang nagsasalita at kahit binilhan na sila ni Andreas ng sundae ay hindi pa rin nila ginalaw iyon. Lininga ni Gilbert ang dalaga. Kanina pa nito sinasaksak ang sundae pero hindi pa ito sumusubo. Walang emosyon sa mukha nito or so she wants the others to think. Pero ang isang kamay nito ay kanina pa nakahawak sa dulo ng suot niyang sweatshirt. He had abandoned his jacket in favor of this because of the heat.

Idagdag pa na sa ginagawa nito ay medyo tumataas ang suot niya nang bahagya. Kinakabahan ito at halatang natatakot. And she didn't want to bite her nails so she settled on squeezing the fabric of his sweatshirt.

He transferred his gaze to the other Valwickan in the table. Taliwas sa kawalan nila ng interes sa sundae ay gustong-gusto nito ang kinakain nitong cheeseburger. In fact, nag-order ito ng tatlo. Probably, because the portion was too small. Parang siya lang noong una pero dahil sa dalaga ay natuto siyang kumain ng ilan lang.

Kaibigan niya ito. Kung mas ispe-specify niya ang relasyon niya sa Valwickan ay masasabi niya pang matalik niya itong kaibigan. Naging kaibigan niya ito sa Arms Bootcamp noon. He had helped Andreas because no one wanted to. The poor guy threw up on their first day. Kahit pa kasi ablebodied ito ay hindi ganoon kalakas ang immune system nito. Ang Sommer Dutchy pa naman ay para sa turismo at hindi naman sila ine-expect na gumawa ng intense na mga bagay. But since it was a rule that no one can change or plans to change, Andreas he had to go.

Pero, sa pagtagal ay kinaya naman ng kaibigan ang naging bootcamp. They all survived that, whether they wanted to or not. Ang mga pinapauwi lang talaga sa kanila ay ang mga taong hindi talaga kakayanin ang bootcamp at nagsinungaling lang sa pagiging ablebodied. But those ones suffer from mockery once those who survived came back.

And Andreas despite being anemic and practically weak, pushed through. He was too prideful to be a laughingstock. Nagtagumpay naman ang kaibigan. Napatunayan niya na iyon nang isa pa ito sa mga bumugbog sa kanya. At kung tama ang pagkakaalala niya, it was Andreas who had driven the knife in his stomach. Pinigil niya ang sariling hawakan ang sugat na kahit na naghilom naman na at natahi ay biglang kumati.

"You know," simula ni Andreas na kanina pa nakatitig sa kanila at hindi rin nagsasalita. Umayos siya ng upo at ibinalik ang pagtitig nito sa kanya. Nakatingin lang kasi siya sa dalaga kanina na hanggang ngayon ay pinagdidiskitahan pa rin ang sundae. "I feel a little sorry for you, I didn't expect to find you with a maid around."

Mukhang nagpanting naman ang tenga ng dalaga sa narinig. Itinaas nito ang tingin kay Andreas at masama iyon. "Excuse me?"

"Vell, I'm not vrong, am I?" amused na tanong ni Andreas. Nakita niya naman ang pagkuyom ng libreng kamao ng dalaga at ang paghigpit ng paghawak nito sa damit niya.

"Hindi ko siya katulong. She's a friend," kalmadong wika niya. Kailangan niyang kumalma sa sitwasyong iyon. If anything, he wanted to just punch the guy out. Hindi fair ang naganap sa airport dahil marami siyang kalaban noon. He couldn't have been able to fight back. It was a planned massacre. Pero sa loob ng Mcdo na iyon, mag-isa lang si Andreas. At kahit pa sabihin na nating ito ang sumaksak sa kanya, mas malakas pa rin siya rito. Sila ang sparring partners sa bootcamp noon at ilan lang ang mga wins nito sa kanya.

"Kaibigan mo? Interesado ka na sa mga Pilipino ngayon? O sinusubukan mong gumaya sa prinsesa?" mapangkutsang wika nito sabay ngisi sa wika nila. Kumagat muli ito sa pagkain. "Ang pangit ng pagkain nila. Sa fastfood lang maayos at kung hindi lang naman ako ine-expect na maging parte nito ay matagal na akong bumalik."

"Then, vhy are you here?" tanong niya sabay taas ng mga kilay. Hindi niya gusto ang tono nito at pati na ang pang-iinsulto nito sa mga Pilipino. At first, he found Wilhemene's fascination weird. But after spending a few days here, he knew it wasn't bad. And well, Marieke lived here. "Vy didn't you go already?"

"Can you guys not talk in German with me here?" tanong ng dalaga. "I'd badly want to understand every word you guys are spouting. It helps me judge the situation."

"Halt deinen mund, maid," wika naman ni Andreas na nagpakuyom naman sa kamao niya. He didn't just tell Marieke to shut up, did he?

Tumayo ang dalaga. "Let's go."

"Alright. You can go, Frau. Just wait for me outside."

Tinitigan siya ng dalaga at tumango lang siya.

"Gilbert, you can't possibly ask me to--"

"Please."

Mataman siyang tinignan nito at nang mukhang hindi siya matitinag ay sumusukong tumayo ang dalaga. Matalim na tingin ang ipinukol nito sa Valwickan na nakaupo sa kabilang table. Andreas just waved her off. Kumuyom ang mga kamao ng dalaga at walang sabi-sabing umalis.

Pinanood niya ito at sinigurong wala na ito bago niya hinarap si Andreas. Pinagsalikop niya ang mga kamay at kalmado pa ring tumingin sa kasama. The guy still looked amused. Na para bang walang magagawa si Gilbert sa kanya. Gilbert is irritated to say the least. He's just not letting it show.

"Vhat exactly are you doing? Nakita mo namang hindi pa ako patay. Hindi mo ba ire-report ito kay Rize?" diretsang tanong niya, ang tinutukoy ay si Rize, ang representative na pinadala ng Dutchy of Aldwardt. The head of arms. And the one he can't possibly mistake, headed the operation of ambushing him. Marunong magmanipula ng mga tao si Rize. Sa una ay dadaanin ka niyon sa magagandang salita at kung alam mo naman iyon ay banta na ang susunod.

In the bootcamp, they all feared Rize.

Tumikhim lang si Andreas at inubos ang kinakain. Saglit na hinawakan nito ang isang strand ng kulot nitong buhok at pinaningkitan siya ng mga mata. "Magkaibigan pa rin tayo, Gil. At kung tutuusin, hindi ko ginustong gawin iyon sa'yo gayong marami na akong utang sa'yo," wika ni Andreas. Bahagya naman siyang nagulat sa sinabi nito. "Kaya natutuwa talaga akong malaman na nakaligtas ka. I vouldn't have been able to live with myself if you really died."

"You don't really expect me to believe zat, do you?" tanong niya. Gusto niyang magtiwala sa sinasabi nito pero hindi niya rin makalimutan ang walang emosyong mukha nito nang sinaksak siya ng kaibigan. He felt the itch again. Kinamot na niya iyon.

Ngumiti lang si Andreas. "I don't," sinserong wika nito saka ipinatong ang phone sa lamesa. "Hindi ako mag-isa. Sinabihan ko lang ang envoy ko na huwag akong buntutan dahil magmumukha akong ewan sa bansang ito. Some even thought I was a celebrity!" Marahan itong natawa saka kinuha ang isa pang burger. Iyon at isa na lang ang natitira sa kinakain nito. Inabot na rin nito ang sundae na hindi niya ginagalaw. "You understand me, though? You know why I had to do what I did."

Marahan siyang tumango. If Andreas feared something or someone, it would be Rize.

"Alam mo kung gaano ako kabilis kumain," wika nito habang binabalatan ang burger na hawak-hawak. "I vant to apologize in advance and I hope you understand, friend."

Tumayo siya at hindi makapaniwalang tinignan ito. Dapat ba siyang matuwa dahil bibigyan lang siya nito ng ilang minuto para makatakbo? "You can't possibly..."

"Yes, I vould. You know, I vould. You said so yourself," mapait na ngumiti ito.