Chereads / our sort off fairytale / Chapter 14 - fourteen } a wedding, a dance, and a premonition

Chapter 14 - fourteen } a wedding, a dance, and a premonition

PAGDATING nila doon ay napakurap-kurap na lang si Marieke sa nakita. May kasal. Hindi niya napansin iyon. Kung mayroon man kasing kasal at ganito kaloob sa isang lugar gaganapin ay laging may signboard para sa mga dadalo. Kumunot ang noo niya. Bakit walang signboard ito?

Or... baka second day ng kasal. Tinitigan niya si Gilbert na nakahawak pa rin ngayon sa kamay niya, he looked at the ceremony with a slight smile on his face. Asa reception na ang mga tao pagdating nilang iyon. May mga nakaupo sa mga mahabang upuan na gawa sa kawayan at umaawit saka pumapalakpak sabay sa tunog ng gansa.

Sa gitna naman ay may mga nakabahag na grupo ng mga lalaki na may hawak hawak din ng gansa. Nakalinya ang mga iyon at habang pinapalo ang gansa ay may footdance silang ginagawa. Sampu ang mga lalaki at sinusundan sila ng sampu pang mga babae na nakatapis naman at sumasayaw, may footdance at hand gestures.

Kumakanta rin ang grupo, ang usual na wedding song para sa okasyong ito. Sa harap ng mga sumasayaw ay may isa pang lamesa at naroroon naman ang bride at groom. Naka-traditional clothing din ang dalawa at nakangiti sa mga sumasayaw.

"Vhat have we stumbled upon now?" tanong ng binata na lumapit pa sa tainga niya dahil hindi niya ito maririnig sa dami ng mga taong naroroon at sa ingay ng gansa.

Tumaas ang mga balahibo niya sa leeg at bahagyang lumayo siya rito. Naka-conscious ang binata kanina pa kaya hindi niya alam kung paano ba mag-react dito. Inilabas na lang niya ang phone at plano niya sanang mag-reply doon pero wala siyang load. Hindi niya naman na-disenyo ang app niyang gumana kung offline.

Liningon niya ito. "Kasal. May kinasal kanina. Asa reception tayo ngayon."

"Kasal?"

"It's a wedding."

"Oh." Nakita niya na naman ang pagkislap ng mga mata nito. "Zey looked like zey loved each other very much, don't zey?" tanong nito sa kanya. Nakatingin ang binata sa magpares.

Tumango siya, "Hindi naman siguro sila ikakasal kung hindi nila mahal ang isa't isa... And well, ikakasal ka rin naman, di'ba? 'Pag nahanap na natin ang prinsesa?" Pagkasabing-pagkasabi niya noon ay parang may narandaman siyang kirot sa puso niya. Bakit parang nasaktan siya bigla?

Tumingin ito sa kanya at narandaman niya ang marahang pagpisil nito sa kamay niya. Magsasalita sana ito pero naunahan ito ng isang lalaking asa likod pala nila. "Agdalo ba da kayo?"

Lumingon siya sa lalaking nagsalita. It was a man in his forties. Mas kayumanggi sa kanya ang balat nito na maaring bunga ng palaging pananatili nito sa araw. Mainit sa Tabuk kung ikukumpara sa Baguio pero hindi kasing init ng Manila. Ngumiti sa kanila ang lalaki at bahagyang sumingkit ang mga mata nito sa ginawa.

Tumango na lang siya at mabilis na binitawan ang kamay ni Gilbert. Hindi siya nakatingin dito pero narandaman niya naman ang surot ng konsensya. Hindi niya alam kung bakit siya nakonsensya, wala naman siyang obligasyon na hawakan ang kamay nito. "Pasensya ah ta naladaw da kami," sagot niya. "Narigat nga mapan ditoy."

Lininga ng matanda si Gilbert at nginitian din ito. "Nabisin kayun? Mangan kayo diyay," wika nito sabay turo sa linya ng mga kubo sa kaliwa ng ginaganapan ng reception. "Adda ti watwat."

Tumango naman siya at ngumiti. They're standing out too much. Medyo na-weirduhan pa nga siya at basta lang silang pinapunta ng matanda sa kainan. Alam niyang may dugo siyang pagka-Igorot pero as far as she's concerned, hindi siya ganoon ka-mukhang Igorot kaya nga hindi niya alam kung bakit naisip nitong kasama sila sa mga naimbitahan. Pero, hindi na lang siya nagreklamo. Hinigit na lang niya ang sleeve ni Gilbert saka nagpasalamat sa lalaki.

"Tara," sabi niya sa Valwickan na kumurap-kurap sa kanya na parang dapat isalin muna niya ang sinabi ng lalaki sa kanila. Nginuso niya ang mga kubo. "Sabi niya kain daw tayo, may pagkain doon."

"I see. Zat's nice of him... Now zat I zhink about it... I'm hungry."

Tumango siya saka iginaya ang binata roon. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ng binata ang pagkain kung sakali. She hopes he does though. Liningon niya ulit ang bagong kasal at tama si Gilbert... they really looked like they love each other very much. Wala sa sariling inilipat niya ang kamay niya sa kamay ng binata bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Bahala na sila kung anuman ang isipin nilang relasyon nilang dalawa. For now... she didn't feel like letting his hand go just yet, just like how he had been holding hers for some time now.

::

"Agsala kayo," pag-iimbita ng isang matandang babae sa kanila. Kanina pa sila nakaupo lang doon dahil pagkatapos nilang kumain ay iginaya sila sa upuang kawayan. Marami ng sayawan ang naganap at most sa kanila ay traditional dances.

At sa bawat sayaw ang ginagawa ni Marieke ay i-explain kay Gilbert kung ano ang sayaw na iyon at para saan. Half ng kanta na tinugtog saliw sa mga sayaw ay puro mula sa gansa. Ang ilan naman ay mula sa speakers pero asa wikang Iloko. Kaya most of the time, nakakunot-noo lang ang binata.

Nawala lang ang kunot ng noo nito dahil di-ni-stract niya ito sa pamamagitan ng pagsasabi kung ano na lang ang purpose ng mga naturang sayaw. She's surprised that he's even interested in what she has to say about it. Nagulat din siyang kahit na mukhang pinagdududahan nito ang pagkain kanina ay kumain pa rin ito. In fact, he even tried eating with his hand!

Ngiting-ngiti pa sa kanya ang binata ng successful itong magaya siya sa pagkain gamit ang kamay. At natatawang napailing na lang siya dahil sa ginawa nito.

He stuck with her for the whole duration hanggang sa andito na nga sila, hinila na siya patayo ng isang matandang babae para sumayaw. Lahat naman ng mga magkapareha ay nauna na sa gitna. May sinalaw na isang kanta. It was an English song and needless to say romantic, the kind people would dance to on a prom or on a wedding.

"Ah, ano po... Uupo na lang po kami rito," sabi niya naman dahil hindi naman talaga niya planong sumama sa reception na ito. Ang plano niya nga sana pagkatapos nilang kumain ay hanapin na nila kung sinuman ang pwedeng matanong kung dumaan ba dito ang prinsesa at si Keeno.

"Sus," natatawang wika ng matanda. "Agsala kayo kitdin."

"Is she asking us to dance?" tanong ng binata sa kanya at nang liningon niya ito ay nakatayo na rin ito sa tabi niya.

Tumango siya. "Well, kahit hindi na--" Namatay agad ang mga salita sa dila niya nang maramdaman niya ang pagdikit ng kamay nito sa likod niya. Napalunok siya. His hand was gentle and warm on her back.

"Ve shouldn't really decline, you know?"

"H-Hindi naman kailangan..."

Pinaharap siya nito at napalunok na lang ulit siya nang ilagay ng binata ang kamay niya sa balikat nito. Hindi pa nga umabot doon dahil matangkad ito kaya s-in-ettle na lang nito ang kamay niya sa braso nito. Kinuha naman nito ang isa niya pang kamay at hinalikan ang likod niyon bago hinawakan. "Shall we?" he asked in a low voice. He smiled. Pati ang mga mata nito ay parang nakangiti pa sa kanya. It's like he saw her for the first time and she seemed to be the most beautiful thing he had ever seen in his whole life.

Wala sa sariling napatango siya. Iginaya na siya nito sa sayawan at nakatingin lang ito sa kanya. Nakatingin lang rin naman siya rito. Parang gusto niyang tanggalin ang suot nitong contact lenses. Dahil kung titigan niya ito nang matagal, she'd rather look at his ice blue irises. Nakaka-amuse nga na ice blue ang kulay ng mga mata nito. Ice blue pertains to coldness and yet Gilbert is the warmest person she had ever known in her life.

Dahil siguro sa nakapokus sila sa isa't isa ay may nakabangga sa kanya na naging dahilan para mas magdikit ang mga katawan nila. May distansya pa rin kasi sila habang sumasayaw kaya libre niya lang na tinitignan ito nang hindi masyadong itinataas ang leeg. He's still taller than her after all.

Napalingon naman siya sa bumangga sa kanya at mabilis na humingi ng tawad ang dalagang bumangga sa kanya saka siya kininditan. Kunot-noong binalik niya ang tingin sa binata at hihingi sana ng tawad pero natameme siya nang makatingin rito. Namumula ang mga pinsgi ng binata. Narandaman niya naman ang paglipat nito ng isa pa niyang kamay sa braso nito at ang paglagay nito ng libreng kamay sa likod niya. By doing so, he had put her securely closed to him.

At nadagdagan niyon ang init ng paligid. Tumikhim siya. "Gilbert... ang lapit natin..."

"D-Does it bother you?" mahina at may bahid ng takot na tanong ito. "I... I kind off liked it zis way..."

"Why?" It was a stupid question but she asked it anyways. Marami na ring 'Why' na namumuo sa utak niya. Bakit nga ba?

"I... I don't vant to answer zat, schatz," nahihiyang wika nito. "But if you really vant me to let you go zhen I vill."

Umiling siya. Inayos na lang niya ang mga kamay sa braso nito. "There's no harm..." Really now? Pakiramdam niya naman ay bumibilis ang tibok ng puso niya. Nanatili siyang nakatingin sa binata at hindi rin nito inalis ang tingin sa kanya. Himala na siguro ang nagga-guide sa kanila para makasayaw nang walang binabangga.

Pakiramdam niya naman kung mag-iiwas siya ng tingin ay may mapuputol na koneksyon sa kanilang dalawa at magiging awkward. Kaya hindi siya nag-iwas ng tingin. Randam naman niyang parang umaawit ang puso niya ng mga awit ng pag-ibig habang sinisita iyon ng utak niya. Wala siyang pinakinggan sa kanila. She just focused on him. Parang silang dalawa lang ang naroroon, wala ng iba. And it didn't feel bad, not at all.

In fact, nadismaya pa siya nang matapos ang kanta. At habang pabalik na ang ilan sa mga magkakapareha ginamit niya ang mga braso nito para hilain ito pababa saka ito hinalikan sa pisngi. Pinatagal niya ang mga labi sa balat nito at bago pa ito makahuma ay humiwalay na siya. Mabilis niyang inalis ang katawan rito at tipid na ngumiti. "Thank you for the dance... and well, for everything."

Ngumiti ito at pansin niya ang pag-pink ng pisngi nito saka nito kinuha ang kamay niya. He kissed her knuckles gently. And somehow... she thought she was a princess of some faraway country and that she, for some universal conspiracy found her prince in the funniest of circumstances.

Nang binitawan na nito ang kamay niya ay bumalik na sa normal ang ekspresyon niya. "...Let's find someone who can tell us where the princess is, shall we?"

Hindi niya alam kung matatawa ba siya dahil saglit na lumungkot ang ekspresyon nito bago mabilis itong ngumiti at tumango. Nang tumalikod siya ay narandaman na naman niya ang surot ng konsensya at ang sakit sa dibdib. Hindi na niya pinansin iyon. Naglakad na lang siya at nagsimula nang maghanap. Sumunod naman sa kanya si Gilbert.

::

"Sigurado po ba kayong wala kayong kilalang Wilhemene o Keeno?" tanong ni Marieke sa si Mang Ilustro, ang may-ari ng bahay. Ito lang ang taong mas makakausap nila sa kung sino-sino ba ang dumalo doon. Medyo nagulat nga ang matanda nang makita sila na parang alam nito na darating sila. Or to be more specific, na darating si Gilbert. Parang na-recognize nga ito ni Mang Ilustro kahit na nakasuot pa rin ng disguise ang binata.

"Pasensya na," pag-iling ulit ng matanda. "Wala talaga kaming kilalang ganoon."

"Can you understand English, Sir?" tanong ng Valwickan na katabi niya. Pinili na niyang mag-Tagalog at nakakapagsalita at nakakaintindi naman ang may-ari ng bahay kaya sumagot din ito sa Tagalog. Kung mag-i-Iloko kasi sila ay mahihirapan pa ang binatang maintindihan ang usapan.

Kumunot ang noo ng matanda. She sighed. "I'll translate for you, Gil."

He clears his throat. Excited na siguro itong makita ang prinsesa at excited na siguro itong... hindi niya tinapos ang iniisip, hinintay na lang niyang may sabihin ang binata.

"Did the prin-- I mean, did Wilhemene mention me? Zey would have not used zer names for protection but she'd mention me, I zhink."

Tr-in-anslate niya iyon kay Mang Ilustro at tumango-tango ito bago napahilot ng sentido. "...Dumaan nga sila." Luminga linga ito saka siya hinigit sa braso. "Sundan niyo ako."

Binitawan siya ni Mang Ilustro saka naunang maglakad. Napalunok naman siya at randam niya agad ang pag-akyat ng panic sa kanyang dibdib. Inabot niya ang kamay ni Gilbert saka hinila ito pasunod sa matanda. Hindi naman umangal ang binata. Sumunod sila at iginaya sila ng matanda malayo sa nagaganap na selebrasyon.

Hindi naglaon ay nakita nila ang mga sarili sa isang daan pababa. Walang taong makikita sa pinuntahan nila. Isang hindi sementadong daan lang na kasya pang dalawang tao. Kung tatlo pa ay mahuhulog na ang pangatlong sasabay kung makikidikit siya sa dalawa. Mukhang hindi rin ligtas doon kung magmamadali kang maglakad. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Gilbert.

"...It's okay," wika nito sa kanya. He squeezed her hand back. "Calm down, schatz. Breathe deeply."

Sinunod niya ito. At doon naman humarap sa kanila si Mang Ilustro.

"May dumating dalawang araw na ang nakakaraan... mga kasing tangkad at kasing laki ng kasama mo, iha... Kasal ng anak ko bukas pero bigla silang nagsidatingan. May mga sinaktan sila at dahil hindi kami magkaintindihan, hindi namin maintindihan kung sino ba ang hinahanap nila..."

She felt her heart lodge on her throat. Mas lalo na siyang kinabahan sa narinig at hindi na niya naisip na mag-translate para sa binata. "A-Ano pong nangyari pagkatapos?"

"Yung anak ko... nakakaintindi ng Ingles kaya siya ang kumausap," sabi ni Mang Ilustro. "Kararating lang nila ng magiging asawa niya noon." Nakita niya ang pagpiksi ng matanda. Halatang hindi ito komportableng ikwento iyon sa kanila. "Nang makumbinsi na naming wala sila roon ay umalis na ang mga dayuhang iyon... pero nagbanta silang kung nagsisinungaling kami ay babalik sila." Lumunok ang matanda.

"Dalawang araw pagkatapos noon ay dumating ang dalawang dayuhan. Mukhang Pilipino ang isa pero asul ang mga mata niya... at may kasama siyang babae na marunong mag-Tagalog. Sila ang tumulong sa amin..." Marahan itong ngumiti kahit mukha pa ring kinakabahan. "Sila ang tumulong sa mga sinaktan ng mga dumating at kung hindi nga sila dumating ay hindi matutuloy ang kasal."

Tinignan niya si Gilbert kung nakakasunod ba ito. By the look on his face and how hopeful he seems to be, mukhang nakakasunod nga ito sa sinabi ng matanda. Hopeful, huh.

Nilipat na ng matanda ang tingin sa kanya kay Gilbert. "Binaggit ka ng babae, iho. At sabi niya kung dumating ka na ay dalhin kita sa kanila... pero sa ngayon," bumalik ulit ang takot at kaba sa mukha ng matanda. "Kailangan niyo munang umalis. Hindi tayo pwedeng pumunta doon ngayon."

Kumunot ang noo niya. "Bakit ho?"

"Hindi ligtas..." wika ng matanda. Nagpunas ito ng pawis na tumagatak sa noo nito. Nanginginig ang kamay ng matanda. "...Baka may makakita sa inyo. Mas magandang alas kwatro na lang ng umaga. Magkita tayo muli dito. Sa ngayon, ihahatid ko na muna kayo pabalik sa highway."

Binalingan niya muna ang binata. "Did you get all that?"

Sumeryoso na ang mukha nito saka ito tumango. "Thank you, Mr. Ilustro."

Sinalin niya ang sinabi ni Gilbert at ngumiti lang ang matanda bago sila parehas na tinanguan. "Ay siya, halina kayo."

Tumalikod na ito at nauna na sa kanila. Sumunod naman siya at nanatiling nakahawak ang kamay niya sa binata. She swallowed. Takot siya. Dahil hindi niya alam kung anuman ang kakaharapin nila. Hindi niya alam kung makakaya niya bang sumama dito hanggang sa huli. At mas lalong hindi niya alam kung bakit parang kumikirot ang puso niya sa kaalalamang ilang araw na lang ay maghihiwalay na sila ni Gilbert. May isa pa, pero sa ngayon, ayaw niya muna iyong pangalanan.