Years ago
KINAKABAHAN si Gilbert. Ngayon lang siguro siya nakarandam nang matinding kaba sa kanyang puso. Next to technically being pushed to boot camp. Every able-bodied man in Valwick goes to a military bootcamp at age 15. Trine-training sila sa Dutchy of Arms intensely. Attendance required.
At dahil ablebodied naman siya kaya wala siyang choice kundi pumunta. Ngayon, nakabalik na siya. Just in time for the Princess's birthday. Plano na rin niyang sabihin rito kung ano ang nararandaman. Matapos ng intense na training nila ay napagtanto niyang wala siyang mapapala kung maghihintay lang siya sa isang sulok. There are some things that he had to take on his own hands.
Handa pa siya. May dala-dala pa siyang Nigella Flowers, the fluffy purple flowers look nice in his hands. Sabi ni Viktor iyon raw ang paboritong bulaklak ng Prinsesa. She liked its fluffiness and how it lightly looks like it has green snowflake arms on the side.
Tumikhim siya saka naglakas loob nang pumasok sa loob ng palasyo. Marami nang taong naroroon at sa may pinto ay may nag-offer ng kunin ang coat niya. A little distracted, he gave it to the valet.
"Pwede ko rin ho bang kunin ang boquet na dala niyo po?" tanong ng valet sa kanya.
"N-Nein," ngayon lang niya nahanap ang boses. Umiling siya. Kanina pa siya lunok ng lunok ng laway at paulit-ulit na prina-practice sa utak ang sasabihin sa prinsesa. He's confessing. He has to make it perfect. He can't mess this up.
He held the boquet to him protectively even though the valet is not going to take it from him. The valet nodded and assisted the next visitor. Naglakad na siya at nagsimulang hanapin ang prinsesa. Almost everyone in the Dutchys are around. At ang dapat niyang gawin ay batiin ang mga Duke na dumalo at kausapin muna ang Ama. Pero ngayon hahayaan niya muna ang sariling huwag sumunod sa common etiquette. Wala naman sigurong mamatay o masasaktan kung gagawin niya iyon.
Inayos na naman niya ang kwelyo at ang suot niyang cravat. Hindi na ata tumigil ang malakas na pagtibok ng puso niya habang naglilibot siya. Parang buhay iyon, sa bawat pagyapak ng kanyang paa, sa simpleng paggalaw ng mga iyon, at sa bawat pagkurap. Isa. Dalawa. Tatlo.
Parang hindi na siya kakalma.
Baka nga kung may tumapik sa kanya ay bigla siyang mapatalon sa kung saan. Mabuti na lang at hindi naglaon ay nakita niya ang dalaga. She was pretty in her blossom pink halter dress. Niyakap ng damit niyang iyon ang balingkinitan nitong katawan na parang custom-made para sa prinsesa. May suot itong maliit na korona sa ulo. Nakatirintas ang mahaba nitong kulay mais na buhok sa paraang parang buntot ng isang isda.
At kasama nito ang kapatid niyang si Viktor.
Asa loob ang dalawa ng isang kwarto na bahagyang nakabukas ang pinto. Lumapit siya at dumikit muna sa tabi ng pinto. Maghihintay dahil hindi naman magandang basta-bastang pumasok siya para lang kausapin ang prinsesa.
Pumikit siya. Bumagal ang tibok ng puso niya. And now there's a sinking feeling on his stomach. He shouldn't be here, should he? Bakit pa mag-uusap ang dalawa sa isang kwarto na malayo sa pagdiriwang? Malamang gusto nila iyong maging pribado. Ano pang ginagawa niya dito?
He should go.
Tumango siya sa sarili at hahakbang na sana paalis nang marinig niya ang boses ng dalaga. "Ich liebe dich, Viktor," wika nito.
Natigil na siya sa paggalaw at nabitawan pa niya ang dala-dalang boquet. Pinanood niya iyong mahulog sa sahig. Purple petals scattering on the floor. Pinandilatan niya iyon. Kanina lang ay protektadong-protektado niya ang balumbon ng Nigella pero ngayon...
"V-Vhat?" hindi makapaniwalang tanong ng kapatid niya. Narinig niya ang pagtataka sa boses nito at ang sobrang pagkagulat. "Nagbibiro ka ba?"
Gusto niyang matawa. Kung siya ang naroroon ay magagalak pa siya. Yayakapin niya ang prinsesa... Hahalikan. At ibabalik ang tatlong mga salitang lakas loob nitong sinabi sa kapatid niya, iaanusyo niya pa na nobya na niya ang dalaga. Pero... Hindi siya ang nasa loob ng kwartong iyon.
"I'm not joking. Mahal talaga kita, Viktor. Ever since."
Sa bawat katagang iyon ay parang sinasaksak naman ang puso ni Gilbert. Kailangan niyang umalis pero parang sukong-suko na ang katawan niya kaya nanatili na lang siya. Diretso siyang nakatingin sa pader. It was maroon with swirls. Very intricate swirls. Hindi na niya pinulot ang boquet at bumalik na sa normal ang pagtibok ng puso niya. Parang hindi na nga niya iyon maramdaman.
He should have known. It was a truth that had been staring him in the face ever since he first met Wilhemene. At bago pa man niya napagtantong may nararandaman siya para rito. Siguro kailangan niya lang marinig. Iyong tipong kung hindi mismo lalabas mula sa bibig ng source ay hindi ka maniniwala kahit na ipinapakita na nito kung ano talaga ang nararandaman nito.
He closed his eyes and willed himself to not listen. Itinuro sa kanila iyon sa Dutchy of Arms. Huminga siya nang malalim ng tatlong beses hanggang sa unti-unting na-tune out na niya ang paligid.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon nang may kung sinong tumapik sa balikat niya. "Gilbert?"
Liningon niya ang dalaga. Mukhang umiyak ito pero mabilisan nitong tinakpan ng concealer bago lumabas. Ngumiti siya. Walang emosyong ngiti. "Princess Wilhemene."
"Kelan ka pa nakabalik?" tanong nito sa kanya at sasagot na sana siya nang lumipat naman ang mga mata nito sa Nigella flowers na malapit pa rin sa paanan niya. Pinandilatan siya nito at pinanatili lang niya ang ngiti saka lumuhod saglit para kunin ang balumbon ng bulaklak. Pero bago pa siya makatayo ay niyakap siya ng dalaga.
Inayos niya ang sarili para mas makayakap ito sa kanya. She released her tears. He sighs and gently patted her head. Laging ganito siguro. Basta nauna ang Kuya niya ay ang kuya niya pa rin ang makakuha. Kahit pa tinaggihan nito ang dalaga ay hindi niya naman pwedeng sabihing siya na lang. Ang ilan man sa mga gamit niya ay hands down lang mula sa Kuya niya pero ito... Ito ang ayaw niyang kunin na hand me down. Not because he can't, but because he would just feel bitter if he did.
And so... in that solemn night with his crying beloved in his arms, Gilbert accepted the end of his first love.
Present
NGAYON naman ay tinignan niya si Marieke. Nakapokus lang naman ito sa paglalakad. Pwedeng hindi nito pinapansin na kanina pa siya sulyap ng sulyap rito o ayaw lang nitong magtanong kahit posibleng naalibadbaran na ito sa kanya. Tinignan niya ang magkasalikop nilang mga kamay. Kanina niya pa hawak iyon. May oras pa ngang kailangan niyang bitawan pero sa halip na bumitaw ay nag-adjust na lang siya.
Kung nagtaka man ang dalaga ay hindi na ito nagsalita. He squeezes her hand lightly and she glances at him. Ngumiti siya. Light. Gentle. Sincere.
He's screwed now. Maybe. But the heartbeats he hears that calmed down earlier on felt nice. In fact, he even felt more alive than he did when he first attempted to confess.
::
"Sa tingin mo ba, okay lang ang prinsesa?" tanong ni Marieke sa binata. Nahanap na nila ang susunod nilang destinasyon. The problem is to get there, they need to go down a slope of stairs. Iyong hindi pa sementado at basta mga batong ginawa lang na hagdan. Kaya bukod sa hindi na nga siya pantay pantay ay hindi pa mabait sa sapatos niya.
Nagsisi na tuloy siyang nagsuot siya ng hindi ganoon kakapal na sapatos. At ngayon nga ay tinutulungan siya ng binatang bumaba. Nauuna ito at hawak hawak ang kamay niya ay igagaya siya pababa.
Tinitigan niya ang binata na hindi na binitawan ang kamay niya hanggang sa nakarating sila sa pupuntahan. Surprisingly, she didn't really mind. If anything, holding his hand had helped calm her down the whole way. Pakiramdam niya kasi ay aatakihin na siya anumang oras dahil hindi nila mahanap ang pupuntahan kahit na may dala-dala naman na siyang listahan.
At kung hindi man nito hawak ang kamay niya ay baka nagsimula na naman siyang kukutuin ang mga kuko. Kaya kung sinasadya man iyon ng binata o hindi ay wala siyang pakialam.
Hindi ito sumagot sa tanong niya at maingat lang siyang ginabayan pababa muli ng isa pang bato. "Erm, did you hear me?" tanong niya. Tetexan niya sana ito pero mukhang hindi niya magagawa iyon dahil na rin sa pagtawid nila sa mga bato at baka aksidente niya pang mahulog ang cellphone.
Kunot noong binalingan siya nito kaya inulit niya para sa binata ang sinabi niya kanina. "I mean, ano ngay kasi... parang natatagalan na tayo sa paghahanap sa kanya. "At dahil sa nangyari sa Dagupan ay baka ano... paano kung natunton na siya?" Ibinuka ng binata ang bibig at maagap naman siyang nagsalita ulit. "Ayokong maging downer, okay? Naisip ko lang na baka, ano..."
"It's okay," wika nito saka naunang bumaba ulit. Ibinigay nito ang dalawang kamay sa kanya at kunot noong tinaggap niya naman. Kanina kasi ay isang kamay lang ang binibigay nito sa kanya. He helped her down and that's when she noticed it. Masyadong malayo ang gap ng unang bato at ng susunod kaya kung hindi siya tinulungan nito ay baka nadulas siya at dumausdos pa siya pababa. Agad siyang napakapit sa binata at napadikit sa katawan nito. Hindi niya kasi makita ang susunod na tatapakan kaya hindi niya inaasahan iyon.
Napahinga siya nang malalim. Mabuti na lang talaga at tinutulungan siya nito. "T-Thank you, Gil..." marahan siyang natawa. "Mukhang nakakatakot bumaba dito pa lang... ang galing pumili ng prinsesa ng lokasyon, ah," wika niya sabay harap dito pero agad lang din siyang napalunok sa ginawa. Nakatitig sa kanya ang binata at malapit ang mukha nito. Randam na randam niya ang mainit na paghinga nito sa kanyang mga pisngi. And he's close enough that she can describe his features if asked. Naka-contacts ulit ito ngayon, gray, kaya natatakpan ang magandang ice blue na mga mata nito. She cleared her throat. "Gilbert?"
Napapiksi ang binata at nag-iwas ng tingin. Hawak ngayon ang isang kamay niya ay nauna ulit itong bumaba. Tumikhim ang binata. Kanina pa ito tumitig sa kanya at hindi niya naman kwinekwestyon. Pero randam niyang may nagbago na doon. Simula nang magising sila kanina ay parang iba na ang pakikitungo ng binata sa kanya. Hindi naman masama iyon... it's good. Hindi niya lang ma-pinpoint kung ano ba talaga ang nagbago.
"Za princess is safe," sagot na ng binata matapos siyang tulungan sa isa pang bato. "She's with a knight and he's capable. I met him once and he almost always gets to keep me down even though I'm taller and well, larger than he is."
"Oh?"
Tumango si Gilbert. "Be careful," banta nito sa kanya saka siya maingat na iginaya ulit pababa. "He also knows za Philippines better than ve representatives do. In fact, he lived here before he was even taken to Valwick. But if you'd ask me, I think Keeno's a little scheming."
"Keeno?" Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya. Ngayon lang niya narinig ulit ang pangalan na iyon at kung tutuusin ay marami naman talagang Keeno sa mundo. He couldn't have been talking about the Keeno she knows. Pero, naisip niya pa ring itanong. "Keeno Maglaya? I mean... Ano ulit iyon..." Inalala niya kung ano ang narinig niyang huling pangalan na binaggit noon ni Keeno bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya.
"Alwardt. Keeno von Alwardt," sagot ng binata. "Vhy? Do you know him?"
Tumango siya. So, it was the same Keeno. Nakakatawang hindi siya naniniwala kay Keeno noong sinabi nito na kaya ito aalis ay dahil "apparently" nahanap na siya ng ama at gusto na nitong kunin siya. Keeno... had always looked different despite all of them being Filipino. First, masyado siyang matangkad kung ikukumpara sa kanilang lahat sa orpahanage. Second, kayumanggi ang balat niya at itim naman ang buhok. At pangatlo, blue ang mga mata ng kaibigan. Midnight blue to be more specific. But still blue. At iyon lang naman ang nag-set apart dito at sa ibang mga bata sa orphanage.
All of them had wondered why a blue-eyed Filipino was in the orphanage and where he came from. Basta noong una niya itong nakilala ay nakabenda ang isang mata nito at may square na band-aid sa tabi ng mga labi. Naka-arm sling din ang kaliwang braso nito. At nagtagal ng ilang linggo bago pa ito kumausap ng kung sino. Siya lang nga ata ang na-curious at palaging sinusubukang kausapin ang lalaki.
"We're friends," sabi niya. "Kasama ko siya sa orphanage dati... kaya pala umalis siya..."
She smiled lightly, remembering Keeno. Nagsimula siyang magkwento kay Gilbert.
Si Keeno ang masasabi niyang matalik na kaibigan. Ito lang naman ang laging naroroon sa tuwing ibinabalik siya ng mga magulang na kukupkop sana sa kanya. Hahanapin siya nito at kung nakita siya nitong nagmumukmok ay bibigyan siya nito ng chocolate. Na itinabi nito ng mga araw na asa ibang bahay siya. He said he saved even his share so he could give it to her and that he knew she'd be back and that she won't be happy when she did.
Nakatulong ang presensya ni Keeno para gumanda ang tingin niya sa paligid ng mga oras na makikita na naman niya ang sarili sa orpahanage kahit na dapat ay na-adopt na siya. He would be there, smiling. His hand larger than hers, handing her two chocolate bars. Laging ganoon. Hanggang sa... pati ito ay umalis na rin.
::
Gilbert watched her as she relayed her story of Keeno von Alwardt. Nakita niya ang pagkinang ng mga mata ng dalaga at hindi niya mapigilan ang biglang pagkirot ng puso niya. Is this how it is? Right, when he starts to acknowledge something, it just ends with it being taken from him so quickly?
Lagi ba siyang wrong timing? Ano ba ang gagawin kung sakaling dumating ka at magkagusto ka sa isang taong may gusto na palang iba? He narrowed his eyes at the stone step. Malayo ang gap. Walang sabi-sabing niligay niya ang mga kamay sa bewang ng dalaga. Napasinghap ito nang parang wala lang sa kanyang iangat ito at inilagay sa susunod na baitang.
"Gilbert..." mahinang wika nito sabay hawak sa kanyang mga braso. Mukhang natakot ito sa biglang ginawa niya. Napakurap-kurap siya.
"I-I'm sorry, it's just too narrow so..." huminga siya nang malalim at nagpatong ng kamay sa kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya. "Do you love him?"
"Ha?" nakakunot-noong nagtaas ng tingin ang dalaga sa kanya.
Pigil ang hiningang klinaro niya ang tanong. "Keeno, I mean. Do you love von Alwardt?"
In-expect na niyang tatango ito at mas lalo lang siyang masasaktan pero sa halip, tumawa lang ang dalaga at hindi makapaniwalang pinalo pa siya sa balikat. He liked hearing her laugh... but right now, he hates it a little.
Ibinuka niya ang bibig at akmang magsasalita pero kinurot lang ng dalaga ang tungki ng ilong niya. Maagap na napahawak siya doon at napasimangot. "Frau Marieke..."
"Crush ko siya dati. Siya ngay yung sinasabi kong crush ko," wika nito. "Atsaka, sabi ko naman sa'yo di'ba? I've never been in love and this is a weird subject."
Hindi na siya nito hinayaang sumagot, sa halip, nauna na itong sumunod sa susunod na hakbang. Napapiksi naman siya at mabilis na hinawakan ito sa braso para gabayan sa pagbaba. Ngiting-ngiti na lang siya ngayon at lihim na lang niyang ipinasalamat na hindi na siya nilingon ng dalaga.
"Why the sudden interest though?" tanong sa kanya nito pero nauna na namang nagsalita bago pa siya sumagot. "Ah, kasi kasama niya ang prinsesa, ano? You're jealous?"
"M-Maybe," nag-iwas siya ng tingin nang binalingan siya nito. Dapat ba siyang matuwa na wala itong na-pick up na kahit anong vibe sa tanong niya?
Napailing lang ito at marahan siyang pinalo sa balikat. "Don't worry. Alam kong may charisma si Keeno pero hindi ka naman siguro pipiliin ng prinsesa kung ayaw ka niya, di'ba?"
"Yea..." he said rather unenthusiastically. And apparently, you think he's charismatic too.