NANG lumaon natahimik na sila hanggang sa nakailang bisita na siya sa C.R. na naroroon at hindi na niya kayang paupuin ang sarili. He laid himself down and spread his arms. Ipinikit niya rin ang mga mata. Nakaramdam siya ng kakaibang relief kahit na kung tutuusin, lasing na siya. Inaantok na nga siya.
"That good?" tanong ng dalaga sa mahinang boses.
Tumango siya.
"Hm. Okay, good night, doon na ako sa kabilang kama." Dalawa ang kama sa tinuluyan nila. Magkaharap iyon at hindi katulad ng asa Dagupan na double deck. Hindi niya naman hinayaang umalis ito. He gently took her to him and settled her on his side.
"Stay zere. You can't walk straight as well."
"I'm not drunk. You are."
"You're drunk..."
Inakbayan niya ito para mas mapalapit ito sa kanya. Huminga nang malalim ang dalaga at tumango na lang. She smells like the liquor they just drank and a little like flowers. Marahan niyang hinalikan ang sentido nito. Saka ito binitawan at naunang nahiga.
"Do you think I'd make a good king?" he asks softly. Iminulat niya ang mga mata para tignan ito. Nagtaas ito ng tingin bago nag-iwas.
"Oo naman."
"Really?"
Itinaas ulit nito ang mga mata at kinurot ang tungki ng ilong niya. He groans lightly and touches his nose. "...Schatz."
"Hindi ko alam, Gil," mahinang wika nito. "But I think the fact that you care is already good enough. You don't even assume that you'd be great and all."
"I see."
"Does... Does it bother you?"
Tinanggal na niya ang braso rito at inilagay ang mga kamay sa tiyan. Pumikit. "Yes. I... I'm just an administrator guy for Agriculture and a farmer. I never really pictured myself ever becoming a king. How can a farmer become a king?"
"And the others seem better? Saan ba sila nagspe-specialize?"
Mahina siyang tumawa. Sure, the other Dutchy representatives might have done them wrong. Naiinsulto rin siguro ang mga iyon na siya pa ang napili ng prinsesa kung parang mas kaya naman nila kaysa sa hamak na magsasaka na tulad niya. He enlisted the specialties of the other dutchys.
"Sobra naman silang magselos kung ganoon," sabi ng dalaga. "They left you for death and now... at kung talagang capable sila ay dapat hindi ka nila inatake."
"The princess gave me a hint. She wanted me to be the one who finds her. And well I have the list of places."
"Oh."
"Ve're actually just going to the last three places. I already assumed that they'd ransacked the first ones."
He hears her scratch her arm and even her moving on his side. Parang lahat na ng senses niya ay na-heighten dahil lasing siya. Medyo hindi niya randam na lasing siya dahil parang andami niyang sinasabi. She seems drunk though. More than he is. Mas marami ba naman itong sinasabi kaysa sa kanya.
"Hopeful ka na makita natin siya sa huling dalawang lugar, ano?"
"Ja. It's worth a try."
"Hmm," narandaman niyang kinuha nito ang isang kamay niya at marahang pinisil. "Is that all?'
Idinilat niya na ang mga mata saka hinarap ito. Inayos niya ang sarili at iniunan ang ulo sa braso. He smiled lightly at her. "Do you like me?"
Alam niya nang namumula na ito dahil sa kalasingan pero sa naging tanong niya ay mas namula ang mga pisngi ng dalaga. "A-Anong pinagsasabi mo diyan?"
Umiling siya. "You don't have to answer that... I'm just... drunk..."
Pumikit na siya at pakiramdam niya'y unti-unti na siyang hinihila ng tulog. Nanaginip pa ata siyang narandaman niya ang paghawak ng dalaga sa pisngi niya at ang paglapat ng mga labi nito sa noo niya. "...Yes... I like you..." she whispers. "I do like you, you big dummy. It's not really that impossible."
What a nice dream, naisaisip na lang niya. And some very wrong thoughts to have. Especially, when he's leaving and getting married when they find the princess. Sa panaginip niyang iyon, hiniling niya na sana... kung pwede lang... Hindi na niya makita ang prinsesa. Because maybe, he didn't really love the princess, after all.
::
Naalimpungatan si Marieke. Tanghali na siguro dahil maliwanag na at kung hindi lang dahil sa isang kurtina na sumalo ng sikat ng araw ay nagising pa sila dahil doon. Kinusot niya ang mga mata at huminga nang malalim. Parang ang ganda ng tulog niya.
Ano bang nangyari kagabi?
Bahagya niyang iminulat ang mga mata. Asa tabi niya si Gilbert na mukhang hindi siguro gumalaw kagabi. Nakahiga ito sa tagiliran at nakaunan sa braso. Samantalang siya ay nakahigang bangkay na nagising kahit na tagilid din siyang natulog.
How can he even stay in that position?
Sigurado siyang masakit na ang braso nito dahil sa ginawa. Kumurap siya. Nae-enhance talaga ang hitsura nito sa araw. Dahil asa loob naman sila ay hindi naka-dye ang buhok nito. Kung asa labas sila ay itim ang buhok nito at nakasuot ito ng forest-green rimmed glasses. Kinonceal niya rin ang ilan sa mga nunal nito sa leeg. Pero kung andito sila sa loob, normal ulit ang hitsura nito. Platinum gold locks that seems white in the sunlight. Long lashes. An aristocratic nose. Some moles far apart from each other. Thin and small lips.
Pigil hiningang inabot niya ang pisngi nito. At napangiti sa sarili nang lumapat na ang kamay niya sa balat ng binata. She remembered him asking in a soft voice if she liked him. He looked so sincere. Na parang nakasalalay sa kanya ang susunod na gagawin nito sa buhay. Nakasalalay sa tanong na naglakas-loob lang ata itong itanong dahil lasing.
Naunahan naman siya ng kaba kaya hindi siya nakasagot nang matino. Sinabihan na siya nitong huwag na lang sumagot saka nauna pang nakatulog. Mga ilang minuto niyang pinanood ang pagtaas baba ng dibdib nito at ang marahan nitong paghinga kagabi bago sumusukong napabuntong-hininga. She told him she liked him and kissed his forehead. Niyakap niya rin ito bago nagpatalo na sa antok.
And now, here they are. Nasa pisngi pa rin nito ang kamay niya at titig na titig pa rin siya sa maamong mukha nito. Kahapon... At dahil na rin lasing ay naging open na siya sa kung ano talagang nararandaman niya para rito. She likes him. Nakakagaan sa dibdib. After her stupid child crush, wala na siyang nagustuhan kahit pa may mga mababait at nagpapahangin naman sa kanya nung asa NIIT pa siya. She shut everyone out for her own good. Dahil alam niyang aalis lang naman silang lahat sa oras na malaman nila ang defects niya.
But he didn't, not yet at least. Pero hindi sila maghihiwalay nang dahil sa kanya. Sa katunayan ay ito pa nga ang nagtagal na hindi foster parents sa tabi niya. Alam din nito kung paano i-handle ang mga attacks niya. And he cares. He really cares about her. Kaya imposible namang hindi niya ito magustuhan.
But that's as far as that goes. Dahil hindi naman siya pwedeng ma-inlove rito. Itataas na sana niya ang kamay pero narandaman niya namang pinatong nito ang kamay nito sa kanya. Mainit ang kamay nito.
She watched him. Hindi pa rin nagmumulat ng mata si Gilbert pero ngumiti ito. Kinuha nito ang kamay niya. She flinches as he plants a soft kiss on her knuckles.
"Guten tag, schatz," bati nito sabay dilat. Malapit ang bibig ng binata sa kamao niya at nararandaman niya ang mainit na paghinga nito. Namula siya. She never thought anyone as 'hot' before. But that right now...is hot. Ano pa bang susunod na adjective ang biglang lilitaw sa utak niya dahil dito? Naisip na niya ang attractive, pretty, at ngayon hot. What the hell?
"H-Hand, please..."
Masunuring binitawan nito ang kamay niya. Saka ito gumalaw at sa paggalaw na ito ay marahan itong napaungol.
Nag-alala naman siya kahit may ideya na siya kung anuman ang posibleng rason. Lumapit siya rito. "Ayos ka lang?"
Liningon siya nito at tipid na ngumiti. "I can feel za pins and needles in my arm. How stupid."
"Nae-enjoy mo bang matulog sa side mo?"
"It hurts."
Naupo na siya at kinuha ang braso nito saka marahang pinisil-pisil. Randam niya ang pagtitig nito sa kanya. Alam niya namang may laman ang binata pero mas narandaman niya lang ngayong pinipisil niya. Pakiramdam niya tuloy ay may ginagawa siyang masama pero ibinabalik lang naman niya ang pakiramdam sa nakatulog na braso nito.
"Your hands are really gentle."
Tumango siya at napalunok na lang. Ginawa niya iyon ng ilang minuto bago tinitigan na ito at tinanong kung nakabalik na ba ang pakiramdam sa braso ng binata. Tumango ito bago umupo. Napasuklay ito ng buhok.
"Vhat time is it?"
Liningon niya ang phone niyang asa lamesa saka binuksan. Alas diyes na ng umaga. Siyam na oras na silang tulog. "Ten."
Binalik niya ang tingin sa binatang nakatayo na pala. Nakalahad din ang kamay nito. Kinuha niya iyon at akala niya'y bibitawan siya nito pagkatayo niya pero mabilis muna siya nitong niyakap bago siya pinakawalan.
Kumunot ang noo niya. "What was that about?"
"I just feel like it. Let's call service for something to eat?"
Nakakunot noo pa ring tumango siya. Weird.
::
Nakatitig si Gilbert kay Marieke habang nagsusulat ito ng instructions at kausap ang isang local doon. Alam niya ang address nang susunod nilang pupuntahan. Sadyang hindi lang niya alam kung saan iyon eksakto. Sinundan naman nila ang mga direksyon mula sa Google Maps pero wala silang nadatnan kundi isang daanan lang. Wala pa ngang bahay sa malapit.
Kaya ito sila ngayon, bumalik sila sa siyudad at naghanap nang mapagtatanungan.
And he's watching her. She speaks animatedly to the person she's talking to. Iwawasiwas pa nito ang kamay atsaka tatango. Nakatayo rin ito nang maayos. An improvement from the past few weeks and days of them travelling together. Nang mga unang araw ay laging parang naka-hunch ito.
Iyong tipong kahit hindi naman ito maliit ay nagmumukhang maliit. Pero ngayon, mayroon ng kaunting pahiwatig na may kumpyansa ito sa sarili na parang unti-unti lang na ibinalik rito. The blue highlights helps. At pakiramdam niya ay kaya siguro ito nagpakulay ay dahil doon. Baka nga red pa siguro ang choice nito kaso baka hindi narinig nang nagkukulay kaya napa-settle na lang sa blue hanggang sa nasanay na lang sa kulay at naging komportable doon ang dalaga.
Kung magiging makatotohanan siya, ang rason kung bakit niya naisipang maglasing kahapon ay gusto niya lang namang makalimot saglit. Iyong hindi muna mag-alala at huminga lang muna. After finding a thrashed house in their first destination and very nearly putting her in danger, hindi na niya alam kung ano ba ang iisipin. Kung tama pa ba na magpatuloy... and well he needed a drink to get his priorities straight.
And it puzzles him with the fact that he was more worried of Marieke than he's worried off the princess's welfare. Kung ikukumpara kasi ang dalawa ay may kasama namang bodyguard ang prinsesa. Idagdag pa na ang kasama ng prinsesa ay mula sa Dutchy of Arms. Habang ang kasama naman ng dalaga ay siya... he can fight, sure. Pero at the end of the day, farmer at administrator lang talaga siya. The very thought scared him and he can't help but be anxious last night.
Pero ngayon, simula nang magising siya sa tabi nito ay kanina pa niya hindi mapigilang mapatitig sa dalaga. He knows that what he remembers might be a dream... pero dahil doon ay gumanda ang gising niya. Kapag nagigising siya ay wala siyang nararandaman. Minsan miserable pa siya dahil kulang ang tulog niya at kahit gusto niya pang matulog ay kailangan niya na namang magtrabaho. Minsan... hindi pa nga siya nakakatulog, nagpa-pass out lang siguro siya at magigising na lang nang hindi man lang nalalaman kung kailan siya nakatulog at ilang oras na ang sinayang niya para lang matulog.
Ngayon lang siguro simula nang malulong siya sa trabaho na nakatulog siya nang maayos. Well, it started when he stayed with her. But last night was better. He never woke up next to someone. Hindi naman siya kasal at wala naman siyang nobya. At kaya lang naman ganoon ay dahil pinigilan niya ang dalagang matulog sa kabilang kama.
Parang kung kasama niya ang dalaga ay tama ang lahat sa mundo. He feels his heart skip a beat when she turned and snapped her fingers in front of him.
"J-Ja?" tanong niya saka napasapo sa dibdib. What just happened?
"Aba'y malay ko sa'yo," anito sabay iling. "Ikaw ang nakatulala sa ating dalawa."
Tumikhim siya. "...I'm just doing some thinking. Did you get the instructions?"
Tumango ito pabalik at ngayon naman ay nakatitig na sa papel na pinagsulatan nito ng mga direksyon. Tumango ulit sa sarili bago hinigit ang sleeve ng jacket niya. Hindi niya naman alam kung bakit ayaw niyang palampasin ito ngayon dahil sa halip, kinuha niya ang kamay nito at hinawakan iyon.
Kunot-noong tinignan siya nito. He smiles a little. Nervous. Baka may mapansin itong mali sa kanya. Pero sa ginawa niya naman ay parang mas bumilis lang ang tibok ng puso niya. Pwede ba iyon? Hindi naman siya asa life-and-death situation, bakit ang bilis ng tibok ng puso niya?
"C-Can I hold your hand?" tanong niya. Bakit naman siya nauutal? "I-I... Ve might get separated..."
She snorted. "Humawak na ako sa sleeve mo. Hindi naman kailangang sa kamay..."
"Bitte..."
Is he saying please just so he could hold her hand? What?
Kumunot ang noo nito dahil napa-German lang naman siya pero hindi na lang nagkomento. Hinawakan na lang din nito ang kamay niya saka ibinalik ang atensyon sa papel at hinila siya sa kung saan sila pupunta. At habang nakatitig siya sa likuran ng dalaga ay nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa dibdib niya. It never stopped beating so hard... and he felt this before... but never this intense.