Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 8 - Her Name Is.......

Chapter 8 - Her Name Is.......

CHAPTER 8

-=Ram's POV=-

"Damn it!" I muttered sabay bato nang papeles na pilit kong binabasa ngunit kahit anong gawin ko ay parang walang nagreregister sa isipan ko, tanging siya lang ang tumatakbo sa isipan ko.

It still confuses me how can a mere prostitute affect me so much, I mean come on yes she's pretty  and all pero mas madami pang mas magandang mga babae akong nakasex bago siya bakit siya lang ang nakagawang gumulo sa buong sistema ko, kahit nga si Janine na kalive in ko nang isang taon ay hindi ako naapektuhan nang ganito, anong meron ang babaeng iyon at ginigulo nito nang sobra ang buong pagkatao ko.

It's been three days since the last time we talked at hanggang ngayon ay wala pa din akong natatanggap na tawag mula dito and the thought of her being with Henry drives me crazy.

"What the hell is wrong with me?" sa loob loob ko habang nakatingin sa salamin nang office looking outside of my office, at dahil nasa pinakatuktok ang opisina ko ay tanaw ko ang mga nagtataasang building na nakapalibot, hindi ko na tinuloy ang pagbabasa sa mga papeles na dapat kong bigyan nang atensyon dahil alam kong malabong may pumasok pa sa isip ko sa ngayon.

Matapos ang ilang minutong pagtitig sa kawalan ay naisipan ko na munang lumabas nang opisina at maglakad lakad , hoping that it take my mind away from her but I guess I was wrong dahil katulad dati ay kahit saan ako tumingin ay mukha niya ang nakikita ko, minsan nga naisipan kong magpatingin sa psychiatrist baka kasi may hindi na tama sa akin pero hindi ko na tinuloy dahil alam ko naman na walang mali sa akin.

I decided to go to the mall kaysa naman patuloy lang ako sa paglalakad nang walang matinong destinasyon na pupuntahan, habang naglalakad ako ay nararamdaman ko ang patuloy na pagtingin sa akin nang mga kababaihan na nadadaanan ko na hindi ko na pinansin dahil sanay na akong nagiging center of attention hindi lang sa mga babae kung hindi pati na din sa mga lalaki, some people told me that I have a striking personality na hindi ka maiiwasang tignan nang mahigit isang beses and women will want to get my attention na tinawanan ko lang, because for me I'm just being me.

Minabuti kong pumasok sa Lacoste store nang may makita akong bagong sapatos, at pagkapasok ko ay agad naman akong inasikaso nang babaeng panay ang pagpapacute na nginitian ko lang.

Hindi ako madalas nagpupunta nang Mall para magshopping dahil may sarili akong stylist na siyang responsable sa kung ano man ang susuotin ko and to be honest nag enjoy naman ako sa pamimili, no wonder women enjoys shopping so much. Maliban sa pares nang sapatos na nabili ko ay bumili din ako nang mga pang ilang pares nang casual wear na gagamitin ko kung wala naman akong kailangan puntahan na meeting or appointment or kung wala naman akong pasok sa opisina.

Matapos mapagod sa paglilibot ay naisipan kong kumain na din nang makaramdam ako nang pagkalam nang sikmura, naisipan kong sa Friday's na lang kumain at pagkapasok na pagkapasok ay agad naman akong inasikaso nang waiter na naghatid sa akin sa table na nasa bandang pinakasulo nang restaurant.

"I will have Jack Daniel's Salmon and a glass of ice tea." I ordered at matapos ulitin ang order ko ay agad nang pinasa nito ang order sa counter.

Habang naghihintay nang order ko ay inikot ko naman ang mga mata ko sa paligid, medyo madami nang tao sa naturang restaurant dahil lunch hour na din naman, sa paglibot nang tingin ko ay bigla naman nahagip nang tingin ko ang isang babae na kakadaan lang, I was about to get up ngunit mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko dahil alam kong namamalikmata lang ako, ayoko nang mapahiya kapag nilapitan ko ang babaeng iyon tapos hindi naman pala iyon ang babaeng gusto kong makita.

Finally after thirty minutes ay naserve na sa akin  ang inorder ko at dahil wala naman akong meeting ay hindi ako kailangan magmadala kaya naman naenjoy ko ang order ko, I think I made the right decision to step out of my office to clear my mind off.

Matapos  kumain ay naglakad lakad pa din ako hanggang magsawa na ako at bumalik sa opisina ko, mga aalas kuwatro na din naman kaya naman hindi ko na kailangan maghintay mag five para umuwi, still thinking kung uuwi ba ako sa bahay namin o sa condo unit ko.

"Welcome back Sir Ram, how was your lunch?" nakangiting tanong sa akin ni Tricia nang maabutan ko ito sa opisina.

"Not bad, anything good happened while I was away?" tanong ko dito habang ang atensyon ko ay nakafocus sa pag-aayos nang gamit ko.

"Wala naman... pero uhmmm may tumawag sa private line mo kanina... Atilla ata ang name niya kaso nung sinabi ko na wala ka ay basta na lang niya binaba ang phone." sagot nito.

I tried to think kung may kakilala ba akong Atilla ngunit kahit anong isip ko ay wala akong maalala pero baka naman some girls that I hooked up with nang hindi pa kami ni Janine kaya naman nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pag-aayos nang gamit ko, naisip ko din na baka siya iyon ngunit agad kong binura sa isip ko ang bagay na iyon dahil ang sabi nang bugaw na nakausap ko ay Jocelyn ang pangalan niya.

Napagdesisyunan ko na umuwi na lang muna sa bahay namin lalo na't para macheck ko ang Dad ko at pagkarating sa bahay ay agad naman kinuha nang isang kasambahay namin ang mga dala dala ko.

"Salamat Amella nasa study room ba si Dad?" tanong ko dito ngunit nagtaka ako nang bigla itong umiling.

"Umalis po si Señor." sagot nito na lalong pinagtaka ko dahil mahigpit na pinagbilin nang doctor na kailangan niyang magpahinga.

"Umalis saan naman siya pumunta?" nakakunot noong tanong ko dito at kita ko ang biglang pamumutla sa mukha nito.

"Sa...US po." mas lalo akong nagulat nang malaman kong pumunta ito sa US, damn the old man dahil talaga tiniyempo pang wala ako sa bahay nang umalis ito.

Matapos kong pabalikin si Amella ay agad kong kinuha ang phone ko na nasa bulsa nang pantalon at dinial ang number ng phone nito, ilang ring din bago nito sinagot ang tawag ko.

"Dad what the hell are you thinking, going to the US with your condition?" nag-aalalang tanong ko dito pagkasagot na pagkasagot nito nang phone.

"Relax Ram nakausap ko na ang doctor bago pa ako umalis at sabi niya ay maayos na naman daw ang kalagayan ko so you don't have to panic and besides one week lang naman ako mawawala dahil may kailangan akong asikasuhin sa US." paliwanag nito pero kahit na nga ba may go signal na sa doctor ay hindi ko pa din maiwasang hindi mag-alala sa kalagayan nito, ngunit wala na naman akong magagawa lalo na't pasakay na pala ito nang eroplano kahit magdamali ako ay hindi ko na siya maabutan kaya naman pinaalalahanan ko na lang siya.

"What now?" bulong ko sa sarili ko dahil ngayong wala naman pala sa bahay ang Dad ko ay parang naging useless lang ang pagpunta ko kaya naman kahit past eight na ay minabuti ko na lang umuwi sa condo unit ko lalo na't sa hindi ko mawari ay parang hinahatak ang paa ko na umuwi.

Matapos bilininan si Agnes ay agad akong sumakay nang kotse ko at nagdrive papunta sa condo ko, sobrang lakas nang kabog nang dibdib ko sa mga oras na iyon sa hindi ko maipaliwanag na dahilan kaya naman mas binilisan ko pag ang pagpapaktabo nang kotse ko.

"Sir may naghihintay po sa inyo sa taas." nakangiting bati sa akin nang guard na naabutan ko nang oras na iyon, bigla naman kumabog nang mabilis ang dibdib ko sa excitement dahil isa lang ang maaring pumunta sa akin nang ganitong oras kaya naman dali dali akong sumakay nang elevator at pinindot ang floor kung saan ang unit ko.

Bahagya akong nagtaka nang mapansin nakabukas ang pinto nang unit ko ngunit pinagkibit balikat ko na lang iyon masyado na akong excited na malaman ang sagot ni Jocelyn ngunit agad nawala ang ngiting iyon nang makita ko ang taong naghihintay sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong tanong dito dahil akala ko huling pagkikita na namin ang naging pagkikita namin sa opisina pero sa totoo lang dapat ko pa nga siyang pasalamatan dahil kung hindi sa kanya ay hindi ko makikita muli ang babaeng iyon.

"Ram....I miss you." nangungusap ang mga mata nitong habang sinasabi ang bagay na iyon ngunit ngayon ay para walang dating sa kin ang sinabi nito.

"It's over between us." malamig ko pa din sinabi dito at kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata nito nang marinig ang bagay na iyon.

"Please handa na akong ipaglaban ang relasyon natin sa Dad ko mas ngayon ko napatunayan na mas mahalaga ka kaysa sa manang makukuha ko. Kaya please give me another chance Ram. I love you." she said habang papalapit sa akin hanggang isang  dipa na lang ang layo niya sa akin, unti unting lumapit ang mukha niya sa mukha and then she captured my lips, teasing me to response ngunit kahit anong gawin nito ay wala akong nararamdaman na kahit ano.

"Please Ram give me another chance, I promise you hindi ka magsisisi." pagsusumamo nito nang hindi pa din ako nagreact mula sa mga halik nito.

"Sorry Janine, but for me it's over, so please leave." I said, hindi agad ito umalis at tinignan ako sa mukha as if trying to read my expression ngunit laylay ang balikat na umalis na din ito.

Pagkasaradong pagkasarado nang pinto ay nanghihina naman akong napaupo sa sofa na nasa living room nang unit ko sobrang disappointment ang naramdaman ko dahil akala ko talaga si Jocelyn ang naghihintay sa akin iyon pala ay mali ako.

I was about to get inside my room nang makarinig ako nang mahihinang katok sa pinto nang unit ko, I felt irritated thinking na si Janine na naman iyon marahil ay magmakaawa sa akin na balikan ko, one rule na natutunan ko kapag tapos na tapos na, no more second chances.

"What do you want this..." ngunit parang nalulon ko ang dila ko nang makita ko kung sino ang taong kumatok.

"Puwede bang pumasok?" nag-aalangan nitong tanong at para naman akong sira na hindi makapagsalita kaya naman hinawakan ko siya sa braso ay ginaya siya sa loob.

Hindi pa din ako makapaniwala na nasa loob siya nang unit ko nakaupo sa katapat na sofa sa harap, kung ang huling kita ko sa kanya ay sobra siyang sophisticaed ngayon naman ay simple lang ang suot nito, just a white tee and a pair or blue jeens and a pair of chuck taylor shoes.

"Would you like anything to drink or to eat maybe?" gusto kong sipain ang sarili ko dahil sa pagkakataranta ko habang kaharap ko ang naturang babae.

"Bukas pa ba ang offer mo sa akin?" seryoso nitong tanong sa akin na talaga naman nakapagbigla sa akin.

"Yes bukas pa din ang offer ko sayo Jocelyn." seryoso kong sinabi dito hindi ko maiwasang hindi kabahan kahit sigurado na ako sa magiging sagot nito, mahirap na dahil puwede pa din nitong baguhin ang desisyon nito, ngunit medyo nagtataka lang ako kung bakit nagbago ang isip nito at pumayag sa gusto ko.

"Gusto kong magbukas ka nang bank account sa akin na may five million pesos." diretso nitong sinabi sa akin sa nanghahamon na boses na kinataas nang dalawang kilay.

I don't know kung sinusubukan niya ako or what pero I'm not Ram Santiago kung magpapatalo lang ako kaya naman sandali akong pumasok sa loob ng kuwarto ko at kinuha ang isang papel at nagsulat doon.

"Ito ang cheke , five million kung gusto mo ay puwede mo nang iwithdraw yan bukas na bukas din." I said looking straight to her face ngunit kahit inabot na nito ang cheke ay hindi man lang nagbago ang expression nang mukha nito, expected ko pa naman na biglang liliwanag ang mukha nito lalo na't five million ang nakalagay sa chekeng iyon.

"Kelan ako lilipat?" nakayuko ito kaya naman hindi ko na nakita ang expression nito, hindi ako makapaniwala sa sinabi nito kaya naman hindi agad ako nakapagreact.

"Ram?" for some reason hearing her say my name gave me a weird feeling, something light.

"I want you to move in my condo as soon as possible Jocelyn." seryoso kong sinabi dito after clearing my throat.

"Give me five days para maasikaso ko ang kailangan kong asikasuhin." she said at matapos non ay nagpaalam na din itong aalis na, hindi naman ako natatakot na itatakbo lang niya ang pera dahil malakas ang tiwalang nararamdaman ko para dito.

She was about to close the door nang biglang lumitaw ang ulo nito sa pintuan.

"And by the way my name is not Jocelyn, my name is Atilla Salvador." and with that she left and then I remember the call that my secretary mentioned earlier.

"Atilla." I muttered playing her name in my tounge.