Naalimpungatan si Yuan nang maramdaman na may humahalik sa kanyang balikat. Nainis siya. Si Maxine nakapatong sa likod niya at walang saplot.
Tinakpan niya ng unan ang mukha ng magtangka itong halikan siya. Alam niya ang gustong mangyari ng babae. Pero pinakaayaw niya ay iniistorbo ang tulog niya.
Hindi nga ba't nalinaw na niya iyon kay Maxine bago nagsimula ang walang label nilang relasyon?
Narinig niyang napabuntong-hininga si Maxine. Pagkaraa'y umalis ito mula sa pagkakapatong sa kanya. Kaluskos na ang mga sumunod na sandali.
"I have to go. Babalik ako dito mamayang gabi." sabi ni Maxine na muling sumampa sa kama upang mahalikan siya sa labi. Nakabihis na ito.
"No! Don't do that."
"Why?"
"I'll just call you." Sa halip ay sabi niya. Na hindi man lang ito tinapunan ng tingin.
"Okay, I get it." Maxine replied sarcastically.
"Bye, Sandra!"
"Who's Sandra?" Napataas ang boses nito. Binato siya ng unan. "You're bullshit Yuan!" Iyon lang padabog na itong lumbas.
Inis na napabangon sa kama si Yuan.
Nahilamos ang kamay sa mukha. Damn! Nawala ang pagkaantok niya. Mas lalo siyang napamura nang tingnan niya ang relo ay mag-a-alas onse na ng tanghali. May kailangan pa siyang tapusin.
At mamayang hapon na ang deadline ng pagpasa niya hero character para sa isang online game. Makakaabot pa ba siya?
Mabilis pa sa alas kuwatrong bumaba siya sa kama at agad na hinarap ang kanyang computer.
Isa siyang freelance animator. At kinukuha siya ng malalaking kompanya para sa mga likha niya.
Maraming nag-o-offer sa kanya na mag-sign ng contract na agad naman niyang tinatanggihan dahil ayaw niyang hawak siya sa leeg.
So far so good hindi naman siya nagugutom sa klase ng trabaho. Sa katunayan ay malaki ang kinikita niya. Pero nauubos lang ang sa barkada, inom at babae ang pera niya. It was his was to escaped to his complex life. It was his way to forget how tita Melina died in his hand.
Bangungot para sa kanya ang pangyayari. Nakaukit na sa utak niya ang buong pamgyayari.
Nakatatlong oras na siya sa harap ng computer nang makaramdam ng gutom. Sa labas siya kumain dahil may Restuarant 'di-kalayuan sa labas ng subdivision. Na calculate naman niya na makaabot siya bago ang deadline.
Magpapalit na lang sana siya ng damit ng matigilan sa nakitang bagay na nagkalat sa sahig.
Bakit may picture ng batang babae siya sa bahay?
Hindi niya matandaan na sa kanya 'yon.
Pinulot niya ang picture. Hindi naman pala paslit kundi teenager na babae. At 'di kalayuan ay nakita niya ang yellow folder kasama pa ang ilang pictures.
Naalala na niya kung kanino galing iyon. Simula kasi ng ibigay iyon ng ate Yoana niya ay basta na lang niya nilagay sa side table niya.
Nahulog siguro hanggang sa hinayaan na lang niya magpakalat-kalat since sanay siya sa mga nagkalat na papel dahil sa uri ng trabaho niya.
Hindi alam kung ano'ng nagtulak sa'kanya para ngumiti habang nakatingin sa nasabing teenager sa picture.
He must agree that the girl looks so charming, so innocent in her school uniform. Kung hindi pa niya alam na umarkila lang ng private detective ang ate niya ay aakalain niyang pictorial ng isang teen show kahit pa nga stolen shot ang kuha.
The picture was so magical. Pinilig niya ang ulo, masyado naman niyang kino-compliment ang paslit na nasa larawan.
Baka dala lang ng hang over kaya hindi pa puma-function ng tama ang utak niya at may pa magical pa siyang nalalaman.
Or maybe because of her sweetest smile that makes the picture looks enchanting.
Or maybe because of her beautiful round eyes.
Or maybe - wait! What is happening to him?
Damn! Para siyang temang. Gutom lang siguro ang lahat.
Nagkibit balikat siya at pinulot na rin ang folder pati ang ibang laman. And then he paused for a moment as he saw a picture of man who lovingly looking at the teenage girl sitting right next to him.
Iyon ba si Isaac? Ganoon pala ang taste ng kapatid, mga mukhang pastor o attorney. At makatitig sa teenager ay aakalain mo nasa pictorial rin ng isang romantic film.
"Blueland subdivision." Basa niya sa nakasulat na impormasyon sa papel kung saan nakatira ang nasabing teenager. "What a luck!" Palatak niya. They live in the same subdivision.
Titingnan pa sana niya ang ibang pang nilalaman yellow envelope nang magulat siya sa sunod-sunod na doorbell. Tila urgent ang kailangan ng nasa labas. Animo'y may lindol o sunog.
Mabilis ang kilos na tinungo niya ng gate. At mas higit siyang nagulat ng makita kung sino ang tumambad sa harap niya.
The girl in the magical picture!