Tirik ang araw. Napapaso na ang balat ni Aya pero todo tiis pa rin siya maisakatuparan lang ang kanyang plano.
Kalahating oras na siyang nakatayo sa harap ng isang bahay na nalalayo sa karamihan sa subdivision nila kasama ang alagang asong si Betchay.
Mukhang haunted house ang bahay. Luma. Kulang sa maintenance. Nagpadagdag sa eerie looks ng bahay ang naglagas na mga dahon ng malaking puno. Pwedeng pang horror movie.
Kung tutuusin ay dapat siyang matakot. Pero paano niya magagawa iyon kung ang nakatira sa loob ay isang Prince Charming na mailap?
Bakit mailap? Once in a bluemoon lang kasi kung lumabas ng bahay. Tsamba na makikita itong umiikot sa subdivision nila para mag-jogging.
Buong tyaga niya itong ini-stalk. Unti-unti ay alam na niya ang routine ng crush niya.
Mas more on sa gabi ito lumabas. At pagbalik ay mag-uumaga na, gising na siya no'n para maghanda sa pagpasok sa school pero naglilibot muna siya para ma jogging hindi para maging fit kundi pumaparaan lang siya na hindi magmukhang weird na umaaligid sa harap ng isang isolated na bahay.
Madalas siyang manlumo na nakikita niya itong umuuwi na lasing at pasuray-suray at akay na ng maganda at seksing babae. Everyweek iba-ibang babae pa 'yon ha.
Sad to say hindi alam ni crush ang existence niya. Imagine sinadya na niya minsan magpatapilok sa harap nito no'ng matsambahan niya itong napadaan sa harap ng bahay nila naka jogging outfit pero ayun nilagpasan lang siya.
Wrong timing din kasi pagkatapilok niya dahil nakailang hakbang na ito palayo nang bumagsak siya. Umaray siya ng pagkalakas useless din naman dahil may naksalpak pala na earpiece sa tenga nito.
Ngayong araw na ito ang oras para makilala siya nito. Pero bakit kasi ngayon pa nag inarte ang aso niya na gagawin sana niyang props sa plano niya. Ayaw sumunod sa instructions.
Kailangan lang naman nito lumusot sa kalawanging grills para makapasok sa loob at mag do-doorbell siya para kunin ito. Pero ayon ang mataba niyang aso mas feel humiga sa semento at masama pa kung makatingin sa kanya as if inaalila.
"Betchay kasi! Ba't ngayon kapa nag tantrums?" Nagpapadyak siya.
Suko na siya! Bubuhatin na lang sana niya ang alaga ng matigilan nang makita kung ano nakakabit sa hello kitty sling bag niya.
Napangisi siya. Bakit hindi niya naisip ang ideyang iyon kanina pa?
Mabilis niyang tinggal ang maliit na keychain na bola sa bag niya. At inihagis sa loob ng bahay.
"Oppss! Hindi ko sinasadya." Pilya niyang hagikhik.
Nang makita ni Betchay ang inihagis niya ay tila nabuhayan ng dugo ang tamad na aso.
Nagkakawag ang buntot. Mabilis pang lumusot sa grills na bakod.
"Good girl Betchay ko!" Palakpak niya. Pero napawi ang abot tengang ngiti niya nang makitang nahihirapan ang aso niya na pagkasyahin sa sarili niya.
Mamaya-maya'y napalahaw na ang aso. Nag panic niya. Nilapitan ito.
"Betchay!" Oh my God! Natusok ang likod ni Betchay sa grills!
Napalinga-linga siya sa paligid. Tatakbo sana siya para humingi ng tulong pero malayo pa ang bahay nila, paano ang aso niya?
Sising-sisi siya na inuna pa niya ang landi bago ang kapakanan ng aso niya.
Hindi na siya nakapag-isip ng tama at pinindot niya ang doorbell. Sunod-sunod. Dahil mula sa labas ng gate ay kita ang bahay, nakita niyang bumukas ang main door. Iniluwa doon ang ang lalakeng mala- prince charming sa kwentong fairytale.
Habang papalapit ito ay literal na natulala siya. Hindi niya akalain na totoo pala ang dini-describe sa mga romantic na libro na literal na tumitigil ang pag inog ng mundo kapag nakikita ang taong nagugustuhan.
He was simply wearing a gray plain shirt and a black pants yet he looks so dazzling. Kailangan pa niya ito tingalain ng tumapat sa harap niya. His eyes shows no emotion which made him very mysterious. Matangos ang ilong nito. At may labing tila papangarapin mong mahalikan. Very manly. His snobbish appearance fits him right. She will surely ran out of positive adjectives to describe him.
Wait, Ano nga pala iyong rason ba't nag doorbell siya?
O-M-G!
Betchay!