Chereads / My Schoolgirl, Aya (Tagalog) / Chapter 4 - Lucky Betchay

Chapter 4 - Lucky Betchay

Napalitan ng pagkainggit ang pag-aalala ni Aya para sa aso niyang si Betchay. Ang swerte ng matabang aso na feel na feel pagkakahilata sa kandungan ng prince charming niya.

Tila nang i-inggit pa na mas lalo pang sinisik ang sarili do'n. Kung sa bagay pabor din naman iyon sa kanya dahil mas makakasama niya ng matagal ang ang tinuturing niyang Prince Charming na hindi pa niya nakukuha ang pangalan. At nagka chance siya na makunan ito ng stolen shot sa cellphone niya habang ginagamot nito si Betchay kanina. At nakapasok pa siya sa loob ng bahay nito

Infairness, medyo na disappoint siya pagkapasok sa bahay nito. Nagkalat ang mga damit, pati na mga papel at gadgets. Maraming basyo ng alak at yosi. Wala pa sa tamang ayos ang mga gamit. Hindi mapagkakailang lalake nga ang nakatira.

Kinalakihan na kasi niya ang istriktong pamilya na kahit alikabok ay bawal sa tahanan nila.

Pinilaki siya na kontrolado at limitado ang kilos. Bata pa lang siya ay natutunan na niyang maging maingat sa pagkilos dahil sa loob ng bahay nila ay mananagot talaga ang sino mang makabasag ng gamit.

Kailangan pino sa pagkilos at pananlita. Kailangan laging maayos ang postura. Kailangan perpekto! Black sheep nga ang tawag sa kanya dahil sa tatlo silang magkakapatid na babae ay siya pinakapasaway.

Tawag nga sa kanya ay walking disaster. Siya lang talag ang may lakas ng loob na suwayin ang magulang nila dahil may tagapagtanggol siya, ang kanyang lola Mildred na very vocal pagpapahayag na siya ang pinakapaboritong nitong apo.

Likas kasi siyang malambing kumpara sa mga ate niya na sa career lang naka-focus. Tatlo silang magkakapatid. Pawang mga babae at siya ang bunso.

Sa paningin niya ay wala ng mas gaganda pa sa dalawa niyang kapatid. Parang buhay na mga maynika. Paano naman kasi may lahi silang chinese kaya likas na sa kanila ang may balingkinitan na pangangatawan pero siya lang 'di na biyayaan ng height at sophistication. Very sucessful na ang dalawa niyang kapatid. Si ate Ariane niya ay nagkakapangalan na bilang international model.

Samantalang ang kanyang ate Atasha niya na iniidolo niya dahil sa kanilang tatlo ay ito ang pinakamaganda at pinakamatalino - ay isa ng Pediatrician.

Turing niya sa ate Atasha niya ay isang anghel dahil ni minsan ay hindi ito pumalag sa pagiging istrikto ng magulang nila. Likas kasi itong mabait at tahimik.

"Ano ba ginagawa niyo ng aso mo sa labas ng bahay?"

Napakislot si Aya sa tanong na iyon ng Prince Charming niya. Ano nga ba? Napakamot siya sa ulo. Hindi naman niya pwedeng aminin na gumagawa siya ng paraan para mapansin nito.

"Kasi...namasyal kami ng aso ko, t-then I accidentally throw the ball inside your yard kaya lumusot si Betchay, then 'yon na nga."

"So her name is Betchay, cute dog." Hinimas nito ang balahibo ng aso.

"Thank you nga pala sa pagtulong mo sa kanya. By the way I'm Aya, I live nearby. And you are Mr.?" Nilahad niya ang kamay.

"Yuan, Call me Kuya Yuan." Nakangiting sagot nito na sa halip natanggapin ang pakikipagkamay niya ay ginulo nito buhok niya. "You're too cute for being formal young Miss."

Lihim siyang napasimangot. The way nitong guluhin ang buhok niya ay parang isa lang siyang tuta. 'Di bale naka first base naman siya dahil nakuha na niya ang pangalan nito.

Ngayon pa lang kailangan na niyang mag-isip sa second step niya. She will make him fall for her, 'di naman siya siguro masyado ambisyosa no'n? Baka lang naman.

"Sige Aya, marami pa kasi akong gagawin eh."

Tumango siya. Alam na niya ibig nitong tukuyin gusto na nitong umalis siya.

"Sige, maraming salamat talaga." Aniyang kinuha na si Betchay nang i-abot sa kanya. Hindi pa man siya nakakailang hakbang ay naramdaman niyang may dumikit sa kanyang rubber shoes. Isang yellow folder na pinulot niya.

Nagulat niya ay bigla iyon hinablot sa kanya ni Yuan.

"It's confidential." Paliwanag nito.

"Ganoon ba, sige alis na ako." Hindi niya alam kung bakas ba sa mukha niya ang disappoinment. Parang ayaw pa kasi niyang umalis. Gusto pa niya itong makausap ng matagal. Gusto pa niya matitigan pa ng husto ang gwapo nitong mukha.

"Aya..."

Mabilis siyang lumingon.

"Nothing..."

Another disappointment. Pero ganoon na lang ba 'yon. Aalis siya na mabigat ang loob? So, pagkalabas niya ng gate back to zero na naman siya? This is her once in a lifetime chance kaya dapat na niyang sulitin.

"Kuya, pwede bang humingi ng cellphone number mo?" Mabilis niyang tanong. Namumula. Lihim na naka crossed finger. Kinapalan na talaga niya ang mukha.

"Sure."