I knew I wasn't a novel type lead character gaya ng parati kong tsine-check everyday. At sawang-sawa na nga ako sa almost perfect characters. Para kasing paulit-ulit na lang. Kulang sa flaws, kulang sa pagiging realistic. As if namang lahat ng nilalang sa mundo, aesthetically pleasing sa mata.
Okay, sige, catchy na dapat si female lead, blonde ang mahabang buhok, matangkad, balingkinitan ang katawan, makinis at maputi, at parating nakasuot ng sexy and alluring dresses. A living Barbie, let's say. That was overdo and cliché, lalo na kung nakatira ka sa Pilipinas na mas madalas pang makita ang mga mukhang troll dolls kaysa Barbie dolls. Or might be, nagpapaka-bitter na naman ako because I was the opposite of that.
Maliban sa height kong five foot flat at maputla kong balat dahil naghalo na ang anemia ko at lahi ni Mommy, brown eyes ko lang ang kadalasang punahin sa akin. Ang ganda nga raw kapag naiilawan. Other than that, wala nang positive. Hindi rin naman ako palaayos. I was a T-shirt girl e. Bahay? T-shirt. Palengke? T-shirt. Outing? T-shirt. Date? T-shirt. Office? T-shirt. Parties? T-shirt. Kasal? T-shirt. Kaya nga napalayas ako ni Boss Steph noong wedding niya kasi nag-T-shirt ako na may statement na Never Do It.
"What the hell is this?"
I did have an issue sa commitment na even sa work, nadadala ko. That was why I didn't want to sign any contract and nag-settle na lang sa part-time jobs. And today was my beta reading day—I needed to read books as per my boss' request.
I was reading a proof copy of a novel and it was fucking bad. So badly written that I needed to stop reading and close the book and type as fast as I could to tell the author how bad the story was.
Ms. KC, a publisher, once said, ang hirap na ng competition ng printed books sa market ng Pilipinas, and I agreed. For all the buyers knew, natatambak lang sa warehouses ang overproduced books dahil hindi sila gaanong bumebenta. Imagine a tons of books na available sa bookstore pero ten lang ang puwedeng pumasok sa bestsellers.
"Hey, love."
I immediately shot a look at the door of my house and saw Justin smiling. Instead of smiling back, I just rolled my eyes and shook my head. Nag-type na lang ulit ako ng feedback ko sa author ng binasa ko.
Natapos na ang lunch, ngayon lang siya nagparamdam. Ano? Di uso ang text? Di uso ang call? Di uso ang chat? E kung isampal ko kaya sa kanya yung phone niya? Tapos sasabihin ni Mommy, magpakasal na kami? Okay lang sila?
"Busy?" tanong pa niya. Dapat nga, ako ang nagtatanong n'on sa kanya. Day off niya kahapon at ngayon pero di nagparamdam. Maayos naman ang usapan namin a. Kapag rest day niya, buong oras niya dapat sa akin. Bakit parang nawawala yata siya sa sistema at nakakalimutang may girlfriend pala siya? Feeling single?
Isinara niya yung pinto ng bahay ko at lumapit sa akin. He bowed down and hugged me from behind. He pecked on my cheeks and asked me again a stupid question.
"How's your day?"
"Sa'n ka galing, hmm?" masungit kong tanong. Pinalo ko pa yung braso niya para bitiwan ako. Bumitiw naman agad siya kaya iniikot ko agad yung swivel chair ko para humarap sa kanya.
"Galing ako sa night out," katwiran pa niya.
"Ah, night out!" I crossed my arms and legs. "Kanino ka nagpaalam?"
Nagkamot agad siya ng ulo at nag-iwas ng tingin.
"Ni hindi ka man lang nag-chat. O nag-text. O tumawag," paisa-isa ko pa. "Wala kang phone, hmm?"
"Hindi mo kasi ako papayagan. Magagalit ka kasi."
"So, tingin mo, hindi ako nagagalit ngayon?"
"Wala na, tapos na. Nakauwi na 'ko."
"Ah! Oo nga! Okay? Puwes, umuwi ka na." Itinuro ko yung pinto. "Uwi!"
"Ba't ka ba ganiyan, ha, Eunice? Nagsasaya lang naman ako."
"Nagsasaya ka?" Itinuro ko ang sarili ko. "E ako? Tingin mo ba, masaya ako kagabi? Di ako nakatulog kahihintay ng text mo! O ng call mo! O ng chat mo! Na malay ko kung patay ka na ba! Na-kidnap! Na-holdap! Or whatever!"
"Bakit ba ang OA mo? Sina Shanaya lang naman yung kasama ko kagabi."
Lalong sumama ang timpla ng mood ko dahil kasama na naman niya yung malanding babaeng palaging nagbibigay sa kanya ng pagkain sa trabaho. Yung "friend" niya raw na di ko kailangang pagselosan kasi nga "friend" lang naman sila. Bullshit!
I looked like a potato mashed in pure anger and that Shanaya was literally a beauty queen na nagko-compete sa national competition. She even got a title of Ms. Tourism Philippines, for fucking sake! Ano'ng laban ko ro'n? Biyas pa lang n'on buong buhay ko na! Tapos magtataka pa 'tong hayop na 'to kung bakit sobrang insecure ko samantalang mas madalas pa niyang kasama yung babaeng 'yon kaysa sa 'kin.
"I love you, okay?" pagsuko niya, nilambingan pa ang tono, akala yata tatablan ako.
"Fuck you. Get out."
"Love naman . . ."
"I said get out!"
"Fine." He nodded and he didn't even beg for forgiveness. He just got out of my house and left me. Hindi na nagpumilit. Hindi na ipinaglaban ang side niya.
Tama ba 'yon? Ni hindi man lang nag-effort mag-explain! Basta na lang umalis?
Fine? Fine! Ganito pala ang gusto niya, then so be it! Letse!
I knew, Justin is a trophy guy. Tall, fair, and handsome guy, actually. Kaya nga botong-boto sa kanya si Daddy. Kamukha raw kasi niya si Wendell Ramos na kinapos sa gluta ang skin tone. Plus, he was earning dollars from his job in Makati. He spoiled himself with everything kasi wala siyang pinagkakagastusan. Only child siya, maliban pa sa ampon nila, and independent din. Kaya naman botong-boto sa kanya si Mommy.
They always said, ako ang may issue sa love life. My boyfriend was so perfect nga raw, hindi ko na dapat pakawalan. But fuck, paano mo hindi pakakawalan yung taong gano'n? Ni hindi nga nagpaalam na may night out sila! Bakit? Kasi alam niyang di ko siya papayagan?
Hindi talaga!
Bahala siya sa buhay niya. Magsama sila ng Shanaya niya.