After I typed my notes for this author, I had to go to our site in Manila to hand it to Boss Armie, our project manager.
As usual, plain black T-shirt, pedal pusher, and brown sandals lang ang suot ko. My things were packed inside a purple floral eco bag along with the documents I printed. I went to my parents' house para magpaalam kay Mommy.
"Saan ka na naman mamamasyal? Kasama mo si Justin?" she said in her usual shouting tone.
My gosh, pakialam ko sa Justin na 'yon? Ni hindi na nga nag-text. Balak na yatang kalimutang may girlfriend siya.
Kung alam lang nila kung gaano na 'ko katagal ginaganito ni Justin, ewan ko na lang kung matuwa pa sila.
"Punta lang ako sa Luneta, Mom," I said in my fed-up voice.
"Nando'n si Justin? Pumunta 'yon dito kanina, bakit di ka na isinama pag-alis?"
Nanlaki lang ang ilong ko kasi pinipilit ni Mommy yung Justin niya. Ayoko namang sabihing may problema kami ni Justin kasi ako na naman ang pagagalitan niya. Kesyo maldita raw ako at inaaway ko ang boyfriend ko or whatever negative. Palagi namang kasalanan ko kahit hindi naman. Ni hindi nga ako sinuyo! Umalis na lang porque sinabihan kong umalis! Tama ba 'yon?
"Yeah, yeah. Bye, Mom."
Ayoko nang marinig ang kahit ano pang sasabihin niya kaya umalis na 'ko agad. Parati akong namamasyal para sa kanila without them knowing na may opisina talaga akong pinupuntahan. Parang ritual ko na sa kanila ang minsanang paglabas kasi nga buong araw akong nagkukulong sa bahay. Kahit sino sa kanila, hindi talaga kahit kailan nalamang umaalis ako para magtrabaho—kung trabaho man para sa kanila ang ginagawa ko.
Our subdivision in Quezon City was so far from our office in Manila. Mas mabilis sana kung gagamitin ko ang motor ni Kuya Pat kaso sesermunan ako ni Daddy pag-uwi. Ayaw niya kasing nagmo-motor ako dahil kaskasera ako. I had no choice but to commute kaya pumara ako ng UV bound to Manila pagtawid ko sa Brittany na katapat ng entrance ng subdivision namin.
I paid for my fare na pandalawang tao dahil ayokong may katabi sa upuan at komportableng sumandal sa front seat na katabi ng driver. I took my phone and check all my messages.
Puro email from travel agency, Twitter, bank, and my projects. And no goddamn message from Justin.
I checked his last chat and that was the day before yesterday. He said "ILY n IMY" and I didn't respond. Habang tumatagal, tinatamad na akong sumagot sa kanya. I spent my four freaking years kahahabol sa kanya at dine-drain ako ng ganoong setup. Wala siyang text kahapon o kahit ngayon. Naiinis ako kasi nauubusan na siya ng time sa 'kin. Kahit man lang sa hindi pagsagot, makaganti ako sa emotional pain. Kaso, mukhang walang pain sa side niya, mukha pang pabor na hindi ko siya sinasagot.
Nag-check ako ng IG. Marami-raming nag-like sa recent uploaded photo ko na kayakap ako ni Justin at pareho kaming nakangiti. I took that photo last month na uploaded lang yesterday dahil kahit naiinis ako sa kanya, mahal ko pa rin naman siya. Gusto ko pa ring ipakita sa lahat na okay kami. Na walang problema sa amin. Na kahit naghihingalo na yung relasyon namin, gusto kong parang walang bahid ng anumang pagkukulang sa pagitan naming dalawa.
After that, I scrolled my newsfeed sa Facebook and saw his recent uploads: five photos, it was a party. Malamang na night out nila 'to. A three group photos, a photo of him smiling and offering a drink to somebody holding the camera, and the last one was Shanaya hugging him while they were holding a beer.
I shut my eyes and keep myself from shouting. Baka kapag nagwala ako rito sa van, ipakulong ako ng driver dahil eskandalosa ako.
I liked all the photo. Para malaman niyang nakita ko ang kabulastugan niya. Tapos sasabihin niyang kasi magagalit ako? The hell, of course! Sino ba'ng matinong girlfriend ang hindi, ha? I even posted a comment on that photo of him with Shanaya.
Bagay kayo, boi.
Wala siyang time sa 'kin pero may time siya sa iba? Iba rin talaga! Kung unang beses 'to, maiintindihan ko pa e. Pero hindi. Dalawang taon na! Dalawang taon ko nang tinitiis. Sige, we'll see.
Ibinato ko sa loob ng eco bag ang phone ko at sinamaan ng tingin ang labas ng bintana ng UV. It was almost four in the afternoon at bahagyang bumigat ang traffic pagdating sa Doña Carmen.
I felt the chill at naninindig ang balahibo ko dahil sa inis.
Wala siyang time, and he didn't even said he was sorry for not letting me know na nag-night out pala sila kagabi.
Okay. I didn't want to breakup with him dahil iniisip kong sayang yung four years namin but this was too much to handle.
I waited for a day for a single message kahit 'K' lang o like o wave pero wala! He had fun with that night out! And I spent the whole night thinking what happened to him! Parang weekly na lang parating ganito.
Ano ba niya 'ko? Girlfriend niya 'ko, di ba?
Gusto ko sanang itulog sa biyahe ang init ng ulo ko pero hindi ko magawa. Binabagabag ako ng ginagawa niya. At ang nakakainis, kapag nagloko siya, baka ako pa ang sisihin ni Mommy. Sasabihin pa n'on, pinagmamalditahan ko kasi.
Paano bang hindi?
Ako, kinukulong ko ang sarili ko sa bahay para sa kanya tapos siya, ine-enjoy ang company ng iba?
Naging magaan na rin ang traffic ng southbound. Yung palaging three-hour travel, naging one and a half na lang. At wala akong ibang inisip sa biyahe kundi ang kagaguhan ng Justin na 'yon.
The van dropped me sa harap ng mall sa may Welcome Rotonda at nilakad ko na lang ang papunta sa office namin.
"Good afternoon, Ma'am Niz," bati sa 'kin ni Kuya Buds. Nag-surrender ako sa kanya ng ibang ID dahil nakalimutan ko yung company ID ko. "Bad mood ka yata?"
"Di naman masyado, Kuya Buds. Parang gusto ko lang mamaril ng tao ngayon. Nagpalit kayo ng shift ni Matt? Akala ko, rest day ka ngayon sa security?"
"Wala e, naka-sick leave si Mat-mat. Hayae na, bayad naman ang OT." Inabutan niya ako ng temporary employee's badge bago ako dumiretso sa elevator area sa kaliwa lang ng front desk.
I pushed the going up button and waited for the elevator to open.
And while waiting, may tumabi sa 'king lalaki. Pagtingin ko sa gilid, braso ang bumungad sa akin. Napatingala tuloy ako kasi matangkad pala yung katabi ko at hanggang ilalim ng balikat lang niya ako.
He was staring at the elevator's floor signal while holding a bottle of red C2.
Eight-storey building ang location ng office namin at kami ang nasa eight floor along with the view deck. It was a nice office kasi home-y ang feeling. Para lang kaming nakibahay sa trabaho. Hindi klase ng office na mapi-feel mong nasa office ka.
The elevator bell dinged and opened. I entered inside along with the guy and he pushed the floor button 8.
Okay! I wasn't familiar with his face. Wala akong natatandaang nag-hire ang team ng bagong empleyado. Wala siyang ID, baka bisita. O baka tagakabilang opisina sa travel agency.
I stared at him in the elevator door's reflection. He was tall. Maganda ang katawan. Fair complexion. He looked like Tyler Mata mixed with Daniel Matsunaga's facial feature. Depende sa anggulo. Ang ganda rin ng angle niya sa view ko, mukhang pang-magazine. Ang casual ng damit, isa ring T-shirt person. The elevator opened again and we both stepped out on the gray-tiled hallway. Nauna na siyang naglakad sa kanang direction—at nasa left side ang travel agency.
Visitor.
Sinundan ko siya. Right turn left at pagbukas ng isang glass door, nandoon na ang opisina naming hindi ko alam kung youth camp, kung secret dating area, kung rooftop garden, o tambayan ng mga sawing-palad na hopeless romantic.
Maraming halaman sa office. Para kaming nagtatrabaho sa garden sa dami ng bulaklak at cactus sa paligid. Open din ang bandang dulo ng floor at ibinababa lang ang convertible glass cover kapag umuulan. Hindi magastos sa ilaw kasi fiber glass ang bubong na light blue ang shade. Gaya sa tipikal na office, may mga office table din at may sari-sariling "personal" cubicle sa mga executive people—and surprise! Isa ako sa may "personal cubicle" sa floor na 'to. Kahit pa wala akong pinirmahang contract, isa naman ang trabaho ko sa pinakaimportante sa company. Para nga lang kaming nasa opisina na nakihati ng space sa mga halaman. I wasn't ranting about it. Actually, refreshing nga. Nakakabawas ng stress. Kaya nga dito ang punta ko palagi kapag bad mood ako sa bahay. At kapag nandito ako, alam na agad ni boss na nagpapalamig ako.
"Eunice!" bati agad ni Boss Ayen pagkakita sa 'kin. She was our CEO, pero nandito siya to do her "all-around" job. Marketing, pitching, managing, financing, lahat na yata ng position sa organizational chart namin, ginagawa niya. Kulang na lang, pati housekeeping, kunin na rin niya. She was a one-woman team—the ultimate boss of all time. Sinundan ko lang ng tingin ang hawak niyang mug na may design na panda.
"That's coffee, boss," sabi ko pa. "Di ba, you're not allowed to drink coffee kasi ina-acid reflux ka?"
"We're gonna die pa rin naman, Niz." Nginitian lang niya ako tapos tumalikod na para tingnan ang ginagawa ng lahat.
"May bago ba tayong employee?" pahabol kong tanong.
Lumingon naman siya tapos tumango.
"Bakit hindi ako na-inform?" tanong ko pa at medyo disappointed ako.
"We informed you first," sabi pa ni boss habang tumatango. "You said, bahala na kami."
I gaped at her. When did I say that?
Alalahanin, Eunice, alalahanin mo.
Wait nga.
"We need another hand." Oh . . . kay? Boss Armie said that pero hindi naman niya sinabing magha-hire. Ang alam ko, kukuha lang sa ibang team—yung team na alam ko kasi nga, dapat daw active sa office.
Huminto sa aisle si Boss Ayen tapos hinatak mula sa upuan yung tinutukoy niya. "This is Vincent. Under siya ng team mo." Pinagpag niya ang likod ng lalaking nakasabay ko sa elevator tapos bumalik na agad siya sa "personal cubicle" niya.
Mukhang wala namang idea yung Vincent dahil yung kilos niya, takang-taka pa kung bakit siya ipinakilala ng boss namin.
And what the fuck did she say?
Under ng team ko?
Nag-hire sila ng team member ko na hindi ko kilala nang di ko alam?
Seriously?
Tiningnan naman ako ng Vincent na 'yon. Nginitian lang niya 'ko tapos bumalik na rin sa desk niya. Hmm . . .
So, ano'ng gusto nilang palabasin?