NASA MCDO ako naabutan ni Justin. May pasok na siya bukas at masyado nang late ang seven ng gabi para sa kanya—o baka ako na lang ang nag-iisip n'on dahil ayoko siyang napupuyat pero willing pala siyang mag-night out kasama ang iba.
Ang guwapo ni Justin ngayon. Naka-casual formal, parang may iba pang pinanggalingan bago ako sunduin. Naaamoy ko yung body spray niya. Ang bango, kulang na lang humalo yung amoy sa kinakain ko.
"Ano'ng ginagawa mo rito, love?" tanong niya pag-upo niya sa kaharap na upuan ko.
Justin had no idea about my "real" job. Hindi ko ma-share sa kanya kasi iisipin niya, may iba akong pinagkakaabalahan maliban sa freelance works ko sa bahay. Ang alam lang niya, nagbe-beta read lang ako. Madaldal pa naman siya. Baka madulas kay Mommy at masabi pa ang posisyon ko sa office.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kumakain na 'ko no'ng dumating siya—patapos na nga halos—kaya sabi ko, um-order na lang siya ng kanya. He refused, nag-dinner naman na raw kasi siya. At kung saan man siya kumain, di ko na lang din itinanong dahil wala ako sa mood.
Galit pa rin ako sa kanya kaya di na 'ko nagtaka sa mga dead air. Di ko siya matingnan nang matagal. Siya naman, tinititigan lang ako habang nakangiti.
Madalas naman kaming ganito. After these tantrums, he knew I still love him no matter what. At masyado niyang sinasamantala kasi alam niyang di ko siya matitiis.
"Mukhang masaya yung night out," malungkot kong sinabi. "Saw your FB posts."
"I removed your comment pala," sabi niya. "Stop being so immature, love. Night out lang 'yon."
Agad ang tapon ko ng masamang titig sa kanya kahit gusto ko nang itaob yung mesang kinakainan ko.
Night out lang? Tapos ni-remove niya yung comment ko? Bakit, ha?
Sinimot ko yung sundae na kinakain ko at saka naiinis na nagpunas ng labi.
"You spent a night with her," I said in conviction.
"Love . . ."
Dinuro ko yung mesa habang pinipigil kong sumigaw. "I waited for the whole day, Jus. Tuwing day off mo lang kita nakakausap nang matagal."
"I literally spent a night with them. Umuwi rin ako pagdating ng twelve."
"Pero kasama mo yung Shanaya na 'yon."
Sinusubukan kong 'wag magtaas ng boses. Pero kasi, nakakainis na talaga e.
"She's just a friend, love."
"Friend?" Padabog akong sumandal sa upuan ko. "Umiinom ka kasama niya? Friend. Niyayakap ka niya? Friend. Yung laman ng FB mo, puro pictures na kasama siya, friend. E ni hindi mo nga ako ma-flex sa FB mo!"
"Real account ko 'yon, love."
"Kaya nga! E halos siya na ang kasama mo araw-araw, di ka ba nagsasawa? Sino ba'ng girlfriend mo? Ako o siya?"
"Love, di mo naiintindihan." Sinubukan niya akong abutin pero hinampas ko lang yung kamay niya saka ako humalukipkip.
"Kaya kong ibigay yung twenty four hours ko sa 'yo pero two hours lang ng araw mo ang hinihingi ko, Jus, kasi alam kong di lang sa 'kin umiikot ang buhay mo. Pero bakit parang ako pa yung nanlilimos ng oras? Di ba, dapat alam mo yung responsibilidad mo? Boyfriend ba talaga kita?"
"Hindi mo 'ko naiintindihan, Eunice, kasi wala ka namang mga kaibigan. Wala kang trabaho. Di mo alam ang peer pressure kasi introvert ka. Pakikisama ko na sa kanila yung night out na 'yon. They're always there for me 'pag may problema ako. And you wouldn't know that."
Tinitigan ko siya nang mabuti. Lalong bumigat ang paghinga ko. Hinintay ko kung babawiin ba niya lahat ng sinabi niya, kaso hindi e. Mukhang naghintay pa siya ng rebuttal ko.
"Alam mo kung bakit wala akong kaibigan, hmm?" sabi ko pa, mahinahon pero ipagduduldulan ko talaga sa kanya. "Kasi pinili kita."
"Eunice . . ."
"Alam mo kung bakit sa bahay ako nagtatrabaho, hmm? Kasi pinili kita."
"Hindi 'yon yung ibig kong sabihin . . ."
"Gusto kong ibigay lahat ng time ko sa 'yo . . . kasi nga pinili kita."
Napahimas na lang siya ng noo.
"They're always there for you kapag may problema ka? Ano'ng tingin mo sa 'kin? Damo? And yes! I wouldn't understand kasi wala kang time sa 'kin pero sa kanila meron! Sila na kasama mo more than ten hours a day! Ako, two hours lang ang hinihingi ko, kailangan ko pang magmakaawa?"
Padabog akong tumayo at kinuha ang gamit ko.
"Love . . ."
"Break na tayo." Itinuro ko yung labas. "Masaya ka sa kanila, di ba? E di sila syotain mo."
Sinubukan niya 'kong hatakin pero tinabig ko lang yung kamay niya. Tuloy-tuloy akong lumabas ng McDo at dumiretso sa kabilang kalsada para tumawid sa footbridge na katapat ng Jollibee.
It was so fucking unfair! Wala akong friend? Wala akong trabaho? Bakit? Alam ba niya yung nangyayari sa 'kin? Alam ba niya yung ginagawa ko? Ni hindi nga niya alam kung ano'ng tunay kong trabaho! Nag-usisa ba siya? Nag-investigate ba siya? Did he even asked the real reason why I was here? Kung boyfriend ko siya, kahit anong tago ko, dapat malalaman niya! But no! Hindi niya alam kasi wala siyang pakialam! Inuuna niya yung mga "friend" niya kasi sila lang "daw" ang nandoon for him!
So, all this time pala, never akong nag-stay para sa kanya.
Hindi ako hinihingal sa pag-akyat pero hiningal ako dahil nahihirapan akong huminga habang nagpipigil umiyak.
I squandered my opportunities para lang sa letseng love life na 'to tapos sasabihin niyang I wouldn't understand? Halos isinuko ko lahat ng advantages ko para sa kanya tapos siya, hindi niya pala kayang tumbasan lahat ng ginagawa ko? Na parang ako pa ang nagkukulang? Na parang mas masaya pa siya sa kanila? Do'n sa "friends" niya!
Madaling-madali akong humabol sa UV na huminto sa tapat ng KTV bar na nasa ibaba lang ng footbridge.
At ang tarantado, hindi man lang ako hinabol o pinigilan!
Pag-upo ko sa siksikang backseat ng van, kinuha ko agad ang phone ko at nakita kong may text si Justin.
Justin:
Sana bukas ok kna. Ingat pag uwi. love u
Fuck you.
Nagpunas ako ng mata para unahan na yung luhang balak pang tumulo. May iba pang notification na lumabas pagbukas ko ng mobile data.
Ang daming nag-like ng photo namin ni Justin sa IG. Nag-check din ako ng FB. Ang daming chat na wala akong balak buksan. May mga email ding ayoko munang silipin dahil baka di ko ma-digest.
Naiinis ako sa sarili ko. Sobrang tanga ng choices ko sa buhay.
Saglit kong ibinaba yung phone ko at huminga nang malalim.
Eunice, kaya mo 'yan. Kakayanin mo 'yan.
Nag-vibrate ang phone ko at nakitang nag-chat si Boss Ayen.
"Check your email, Niz. Thanks."
Sorry, boss, later na lang. Masyado akong broken ngayon para unahin ang trabaho.