Chereads / The F Buddies / Chapter 4 - The Project

Chapter 4 - The Project

"BAD MOOD ka yata?"

Iyan ang pambungad na pambungad sa 'kin ni Boss Armie pagpasok niya sa cubicle slash mini office ko.

Kung all-black palagi ang theme ko, para naman siyang walking rainbow kasi never ko siyang nakitang nagsuot ng plain-colored theme mula sa buhok hanggang damit at footwear. At mukha siyang colorful marshmallow ngayon.

"I'm not, boss," sabi ko na lang at nagdadabog na ibinaba sa mesa ko yung four-page feedback ko para sa pinatse-checkup niyang published book for almost-near releasing.

"Masakit ba sa ulo yung book?" tanong pa niya habang nakangiwi.

Ang totoo, naiinis ako roon sa new guy na wala akong idea at kay Justin. Pero sige, para valid ang reason dahil masyadong personal ang issue ko, ibunton natin ang sisi sa librong masakit naman talaga sa ulo basahin.

"They're going to release a trash again," sabi ko na lang at halos panggigilan ko yung salita ko. "First chapter pa lang, may plot error na. Romance 'yan, right? Ang simple-simple na nga lang ng story outline, di pa napanindigan! Bakit hinayaan nilang ganiyan na hindi developed ang plot and characters? Nakalagay sa copyright page, si Shiela yung nag-ayos. Alam pa ba ni Shiela ang ginagawa niya?"

Napasandal sa hamba ng glass wall si Boss Armie habang naghihimas ng sentido. "Kailangan nilang umabot sa printing."

"Na naman? Binigyan ng mahabang oras si Christina para ayusin yung novel niya, di ba? Inasa na naman sa editor? Nakita mo yung ginawa ng editor? May ginawa ba ang editor? Ano? Nag-ayos lang ng punctuation marks?"

"Niz, walang puwedeng mag-ghostwrite sa kanila, alam mo naman ang process sa kanila, di ba?"

"E di sana, nag-hire muna ng manuscript critic o kaya beta reader bago ipinasa sa editorial department. Ni hindi man lang nag-provide ng feedback porque exclusive author nila. Sana ginawan din ng paraan ni author. Story niya 'to, dapat alam niya kung ano'ng dapat gawin. Boss, dapat pina-a-attend muna ng workshop 'yang mga 'yan kung di kayang mag-take ng CW. Kahit alamin man lang yung basic!"

"I'll tell Oliver about this," sabi ni Boss Armie at kinuha na yung document sa table ko. "Wala na rin naman na silang choice. Ire-release na."

Di na ako umimik. That was the point e. Ire-release na. For distribution na at ilang araw na lang. Tapos kapag nakita na naman ng mga buyer yung book, sasabihin na naman, low quality. Sila ang sumisira ng pangalan nila.

"Anyway, have you seen Vince? He's our new member and your new editorial associate."

"Vince who? The new guy?"

"Yes. Do you like him? Si Karen ang pumili sa kanya. Galing siya sa kabilang publishing house." May inilapag na bagong folder si boss sa table ko na sinulyapan ko lang.

"Bakit lumipat dito?"

"Ask Karen. Writer naman siya. He knows what he's doing. He's on your level, don't worry." Saka ako kinindatan ni boss.

"What's this?" tanong ko pa habang itinataas yung folder na inilagay niya sa table ko.

"That's our new project."

"Sino'ng author?"

"Ask Vince. He knows."

Tinaasan ko lang ng kilay ang sinabi ni Boss Armie bago siya umalis. At ako pa ang magtatanong sa bagong dating? Ako yung dapat unang nakakaalam ng projects namin tapos wala akong alam? Ibang klase, ha.

Binasa ko pa ang front page para malaman kung tungkol saan ang project.

"The F— Buddies?"

What was this? Erotica? At bakit walang author? Joke ba 'to? Ipinatawag ko sa cubicle ko yung bagong member ng team. Nakangiti lang siya nang dire-diretsong umupo sa upuang katapat ng mesa ko kahit di ko pa inaalok.

May manners ba 'tong taong 'to?

"Hi," he greeted with a smile . . . and oozing with confidence na talo pa ang boss. Hindi ko siya gusto.

"What's this?" I asked, showing him the project Boss Armie gave.

"A folder. Visual test ba 'to?"

Can I slap this guy?

"'Wag kang pilosopo. Tinatanong ko kung ano 'to at para sa'n 'to?"

"Oo nga. That's a folder and was used to keep files. Assessment ba 'to kung may common sense ako o wala?"

Ibinalibag ko sa kanya yung hawak ko. Iniinis talaga 'ko ng baguhang 'to, ha. Napakatino kausap!

"You're fired."

Nagulat siya pero I didn't see any violent reaction. He checked what's inside the folder and made an 'I get it' nod.

"This is our upcoming project. It's a collaborative novel and isa ako sa writer nito." He fixed the folder in my table and smiled back at me. "You can't fire me."

"You're under my team. I can fire you."

"Karen hired me."

"You're under my team."

"You're not my boss."

"You . . . are . . . under . . . my . . . fucking . . . team."

He confidently smiled at me and said, "Sorry, babe. I know this is the first time I met you, but you are not my boss."

Matigas ka, ha.

I stood up and went out of my cubicle. I went straight to Boss Ayen's office para magreklamo.

"Fire him," pambungad na pambungad ko kay boss. I know, nagtse-check siya ng kung anuman sa desktop niya pero mas mahalaga ang ipinunta ko. "That Vincent guy is a headache. I don't need any additional guy in my team."

I saw her sigh and shook her head. "Niz, he's a client. And we need him. Now."

"A what?" Itinuro ko ang labas ng office niya. "Akala ko ba, editor? Bakit ngayon, client na?"

Sumandal lang si boss sa upuan niya at tiningnan ako na parang ang daming nangyari sa office noong wala ako at parang kasalanan ko pang wala akong alam.

"You're not answering our emails. The schedules were adjusted. Hindi mo naaasikaso nang maayos ang team mo. Hindi mo na-e-execute nang maayos ang duties mo dahil di ka naman dumadaan dito sa office nang sobrang dalas. Pinagbigyan ka na namin na mag-home-based ka. Okay, sige, we respect your decision, but we need Vincent. Di namin puwedeng iasa lahat sa 'yo, Niz. Hinihingi na rin ni Mae yung contract mo."

Bumalik na siya sa ginagawa niya. So, what now? Ibig sabihin, final na 'yon?

"Boss, baka puwedeng—?"

"Whether you like it or not, he'll work here. If you don't want to see him, go home na lang, Niz. You have your options."

Fuck that. So, wala na pala akong authority sa sarili kong team. Bakit? Dahil hindi ako palaging present dito sa office? I was doing my job well, as far as I'm aware of. Wala akong karapatang mag-decide?

"Then what's with the collaborative project?" I said, annoyed with the very idea.

"We're still looking for another writer. Si Vince pa lang kasi ang writer n'on. Kailangan niya ng ka-collab. I'm checking the audition for that, wanna take a look?"

"Bakit hindi ko 'to alam, boss?"

"You ask yourself, Niz, bakit hindi mo alam? Lagi kaming nag-a-update sa 'yo. What about you? Ina-update mo ba kami?"

Di ko nagustuhan ang tono ng huling sinabi ni boss. At bago pa magkasumbatan, umalis na 'ko agad sa opisina niya.

Oo na, ako na ang iresponsable. Akala naman nila, napakadali lang mag-manage ng time.

I chose not to commit with this company kahit na passion ko 'to para may time ako for Justin. But that asshole didn't know what I gave up for him. At tine-take for granted lang niya ang lahat ng isinuko ko para sa kanya.

Sinamaan ko na lang ng tingin yung Vincent na 'yon. Nakasandal lang sa glass wall ng cubicle ko at kung makatingin, nag-aabang yata ng sagot na mapapa-yes siya.

Bahala siya sa buhay niya.

I get all my things para makaalis na. Wala na akong authority dito, so bahala na sila. Natapos ko na ang book review ko para sa website namin, bahala na rin sila.

"Hey, babe, what's the verdict?" he said, grinning.

"Go fuck yourself."

At kahit ayoko pang kausapin si Justin, nag-text pa rin ako sa kanya.

Nasa Sun Mall ako. Sunduin mo 'ko. Now.