Nagkasundo kasi si Anikka at ang kaibigan niya mula sa University noon na magkikita sa isang restaurant para mag-lunch at magkamustahan na rin. Excited pa siya nang pumasok sa restaurant upang agad ding mapalitan nang pagkagulat na mamataan niya ang isang parehang nakapuwesto sa isa sa mga pandalawahang lamesang naroon. Agad niyang nakilala ang dalawa. It was her fiancé and with him was her stepsister. Agad na naningkit ang mga mata niya sa nakikita. Ngunit pinigilan niya ang sarili at pumuwesto lamang sa lamesang malapit sa mga ito sapat upang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. At dahil na rin engrossed ang dalawa sa isa't isa ay hindi siya napansin ng mga ito.
"You're really beautiful." Narinig niyang sabi ng walanghiyang fiancé niya at umangat ang kamay nito sa pisngi ng pinsan niyang matamis namang nakangiti rito. Pakiramdam niya ay nais lumabas ng almusal niya.
"Even beautiful than Anikka?"
"Even beautiful than her." Sang-ayon naman ng fiance niya. Ngali-ngaling iangat niya ang lamesang nasa harap at ihambalos ito sa pagmumukha ng dalawa. They were even talking about her? Hindi na kinilabutan ang mga ito!
"Then why are you marrying her?" malanding tanong ng stepsister niya.
"I am not marrying her. Na-engage lang naman ako sa kanya nang dahil sa kagustuhan ni Papa. I plan on calling off the wedding kapag okay na ang kalagayan ni Papa. I would find you then. You're the one I love, you know that."
"And I love you too."
Hindi na niya natiis pa nang makita niyang maghalikan ang mga ito. Tumayo siya at hinawakan ang mga balikat ng mga ito bago ubod lakas na pinaghiwalay. Gulat na tumingala ang dalawa sa kanya na wari mong nakakita ng multo.
"A-Anikka..."
"Hi, Andrew." Taas ang kilay na sabi niya.Hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita at pinalipad ang kamao sa mukha ng unggoy na nagpapangap na tao niyang fiancé. Tulog itong naturingan pagkatapos. "Bye, Andrew."
Magmamartsa na lamang siyang paalis nang may pumigil sa braso niya.
"How could you do that! You could have killed him! Wala ka talagang---" pagtatalak ng stepsister niya. At talaga namang ang lakas ng loob nitong pagsabihan siya gayong ito ang nahuling nakikipaglandian sa fiancé ng may fiancé?
Sa inis ay dinampot niya ang juice na nasa lamesa ng mga ito at walang pag-aalinlangang ibinuhos iyon sa mukha ng stepsister. Gulat na nabitawan naman siya nito at nagtitili na doon.
"You bitch! How---"
"No you are! Huwag mo 'kong pagsasabihan at lalong 'wag mo kong hahawakan kung ayaw mong pumareha sa unggoy na 'yan!" sagot niya rito saka itinuro ang tulog na lalaki. "You know what I'm capable of doin, right? Wala sana akong balak na patulan ka dahil unang una wala naman ako talagang pakialam sa existence mo. But don't you dare provoke me or be ready to face the consequences." Banta niya rito bago walang lingon-likod na nilisan ang lugar.