NAHUGOT ang hininga ni Ynna nang makita niya ang isang pamilyar na mukha ang nakita niyang pumasok sa Bar.
Sa totoo lang ang akala niya ay namali lang siya ng tingin noong isang gabi dahil na rin sa dami ng ginagawa niya kaya naman hindi na niya 'yon masyadong pinansin pa.
Pero ngayon mukhang sinasampal na siya ng katotohanan na magku-krus ang landas na naman nila ng lalaking 'to.
Hangga't maari lang ayaw na sana niya itong makita, napahugot siya ng hininga nang makit niyang nagtama ang mata nilang dalawa.
Sandali lang 'yon pero pakiramdam niya biglang naulit 'yung sakit, biglang bumaha sa kanya ang mga alaala na pilit niyang ibinabaon at ang puso na bigla na lang tumibok sa isang ritmo na kinaiinisan niya.
Ang kaso lahat ng 'yon ay biglang na lang naglaho nang nag-iwas ito ng tingin, hindi siya sigurado kung dahil ba 'yon nakilala siya nito o hindi.
Alam niyang dapat na nakahinga siya ng maluwag pero sa kabila 'non ay hindi niya maiwasang makaramdam ng dismaya. Gusto niyang ipamukha ditto kung anong klaseng babae na ngayon ang dati ay tinapon at binalewala lang nito sa kabila ng lahat na ibinigay niyang pagmamahal para sa lalaki.
Siguro nga tama lang na nangyari ang mga 'to ibig sabihin lang 'non ay wala na itong pakialam sa kanya. Hindi na dapat niya itong problemahin pa, bakit parang siya pa ang hindi naka-move on sa inaasal niyang 'to?
Pareho na silang may ibang buhay kaya makit ganito? Bakit nasasaktan pa rin siya?
"Ynna!" napakurap siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Renz. "May problema ba? Kanina pa ko tawag ng tawag sa pangalan mo."
"Pasensya na may iniisip lang ako."
"Wag kang mag-alala mahal ka 'non."
"Sira-ulo," Natawa siya pero hindi pa rin talaga maalis sa kanya itong bigay ng nararamdaman niya. "Excuse muna CR lang ako."
Hindi na niya narinig pa ang sagot ng mga ito pero imbes sa CR ay sa may tagong dressing room siya pumunta at doon inilabas ang lahat ng luha na ikimkim niya sa loob ng maraming taon.
Ang akala niya malakas na siya, ang akala niya kaya na niya pero eto parang bumalik na naman siya sa nakaraan na ayaw na niyang balikan pa.
"Ynna?" napaayos siya ng upo at agad pinahid ang luha niya pero huli na at nakita na nang kakarating na si Rizza ang itsura niya.
Agad na bumalatay sa mukha nito ang pagkataranta, siguro nga simula nang panindigan niya ang mga naging desisyon niya noon ay hindi na niya hinayaan pa ang sarili na magpakita ng kahinaan lalo pa at nandyan ang mga kaibigan niya na laging sumusuporta sa kanya.
"What happened?" agad nitong inabot ang isang tissue box sa kanya.
"It's..." tumikhim siya parang may kung anong bumara sa lalamunan niya dhail hindi man lang niya masabi ang pangalan ng lalaking 'yon. "It's him."
Sandaling prinoseso nito ang ibig niyang sabihin saka nalukot bumalatay ang galit sa mukha nito. "Nasaan ang tarantadong 'yon? Andito siya 'no?" bago pa ito tuluyang sumugod agad na niyang napigilan ang braso nito.
"Riz, please ayoko na ng gulo," pakiusap niya mukha naman kasing hindi na siya nito kilala kaya mas mabuti na rin siguro ang ganito.
Pilit nitong pinakalma ang sarili saka umupo sa tabi niya, Oo sa dami ngmga taon na lumipas ang laki ng pasasalamat niya sa bestfriend niyang si Rizza. Ito ang naging sandalan niya nang akala niya ay wala na siyang pwedeng puntahan ito rin ang siyang nagsabi sa mga kaibigan niya ang nangyari sa kanya para bigyan siya ng suporta sa panahon na ang akala niya ay wala na siyang kakampi.
Ito rin ang tanging tao na may alam kung gaano siya nahirapan sa nangyaring pagbabago sa buhay niya.
Kaya siguro kahit na sa mga taon na lumipas kahit na ba palagi na lang itong busy sa trabaho alam niyang ito pa rin ang unang-unang tao na magiging kakampi at karamay niya tuwing nalulungkot siya.
"Sige, para sa'yo hindi ko muna bubugbugin ang tarantadong 'yon."
"Salamat."
"Pero anong balak mob a?"
"Wala, isa pa mukhang hindi na rin naman niya ako naalala bakit ko pa siya pagaaksayahan ng panahon 'di ba?"
"'Yan, alaam ko namang fighter ka, basta kung kailangan mo lang ng resbak alam mo namang ready ang mga kakosa ko."
Sa kabila ng pamumula ng mga matta niya ay natawa siya sa kalokohan ng kaibigan. "Sa'yo pa lang pakiramdam ko solve na agad mga problema ko."
"Why thank you, and nnow tutal ayaw mong mabangasan ng mukha ang Ex mo na kahit pangalan niya naririmarim ako. Kailangan ko munang puntahan si Renz dahil may atraso sa'kin ang sira-ulong 'yon."
"Kailan ba hindi nagkaroon ng atraso ang isang 'yon sa'yo?"
"Kapag tulog, o kaya may busal ang bibig 'non ang hirap pa naman makagat ng isang 'yon may rabies."
"Ewan ko sa'yo, sige na gawin mo muna ang balak mo kay Rez, mag hilamos lang ako."
"Sige pero sumunod ka, okay?"
Tumango siya at nang makaalis ito pakiramdam niya ay kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Agad siyang dumiretso sa CR at naghilamos, pinagmasdan niya ang sarili sa salamin, gone are her nerdy glasses, manang looks and long hair. Ito na ang bagong Ynna ang nasa harapan niya, kung hindi man siya nakilala nito dhail sa itsura niya malamang nga siguro hindi na dapat niyang pagaksayahan ito ng panahon dahil ngayon maayos na siya.
Kompleto na ang buhay niya kaya bakit pa niya 'yon gaggawing komplikado dahil lang sa isang lalaki?
She's been a fighter hindi na siya ang mahinang si Ynna ngayon siya na ang magdidikta sa mangyayari sa buhay niya.
Huminga siya nang malalim saka pumunta sa may VIP lounge ng Cosmic Bar. Tama ito na ang mundo niya, masaya at kontento na siya sa kung anoman na meron na siya ngayon.
Because when life brings you down all you need to do is to stand up and fight.