NAPANGITI si Ynna kay Bella ang seven year old na tinuturuan niya ng piano nang matapos nitong matutog ang simpleng piyesang nagawa niya
"Very good Bella, you've already improve very well next time naman I'll teach you a little complicated piece in our next lesson okay?" aniya sa pagtatapos ng lesson nila ngayong araw.
"Yes teacher." Nakangiting sagot nito.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang tatay nito para sunduin ito nakangiting kumaway ito sa kanya mula sa glass door bago ito pumasok sa kotse.
"Ah, Ma'am Ynna, eto nga po pala 'yung mga nag listahan ng mga naginquire about sa one month free session promo natin ditto." Ibinigay sa kanya ng assistant niyang si Dara ang papel na kanina pa nito sinusulatan.
Hindi niya maiwasang masopresa sa nakitang mga interesado pero limitadong slots lang ang pwede niyang maibigay at ang mapipili nila ang magkakaroon ng isang buwan na free trial sa Harmony Studio ang pangalan ng business niya na bukod sa music lesson ay buy and repair shop din ng mga musical instruments.
Skeleton system ang meron sila pero so far ay maganda naman ang cash flow lalo pa at unti-unti na rin silang nakikilala.
Isang malaking gamble ang ginawa niya nang makapagtapos siya sa kolehiyo at mag loan sa bangko sa tulong ng mga kaibigan. Ngayon ay unti-unti na niyang nababayaran ang utang at dahil na rin sa online promotion ay marami ang dumadayo sa shop.
Gusto rin niya ang ganitong format dahil hawak niya ang sariling oras na niya ma talaga namang convenient kaya pwede siyang mag part time tuwing gabi.
Nabalik lang siya sa kasalukuyan nang marinig niya ang pagtunog ng chime sa may glass door.
Agad niyang ipinaskil ang kanyang business smile para lang mawala nang makilala niya ang pumasok.
Ang akala pa man din niya kagabi ang huling beses na makikita siya nito pero hindi siya tinatantanan ng pagkakataon daig pa si Mike Enriquez ang kulit.
Sandaling tumutok ang mata nito sa kanya bago ito lumapit para lang dumiretso kay Dara.
Alam niyang mas mabuti na siguro ang ganito hindi na siya nito nakikilala baka nga nakalimutan na siya nito, ang daya lang kasi kahit na gusto niyang kalimutan o ibaon niya sa limo tang pangalan at mukha nito hindi niya magawa.
Nilunok niya ang kung ano man ang bumara sa lalamunan bago siya lumapit.
"Hi, I would just like to inquire about sa free one month session niyo for teaching musical instruments?" tanong nito sa pamilyar na baritonong boses.
Nakita niyang napatanga ditto si Dara kahit sino ay maapatanga sa sa lalaki with his, squared jaws, chiseled face and cupid bow lips he was ang epitome of mascunility kaya hindi na ssiya nagtataka kung ganoon na lang ang epekto nito sa ibang tao.
Tumikhim siya para mahamig ni Dara ang sarili mukha namang epekttibo dahil agad itong nag bigay ng form sa lalaki.
"Yes Sir, paki sign na lang po 'tong form if interested po kayo for the free trial sa anak niyo," Napailing na lang siya nang pasimpleng magusyoso ang assistant niya.
"Ah no it's for my niece."
"Okay Sir ganito po kasi 'yan we only have limited slots for the free trial at through some process pipili po kami ng mga batang tuturuan. We just need informations about sa bata from the guardians then tatawagan po naming kayo if ever na kayo ang nakakuha."
Tumango-tango bago pinirmahan ang form. "Here just give a ring for the result." Pagkatapos ay tumingin ito sa writwatch na suot.
"Okay, Sir Vincent," Nakangiting sabi ni Dara
"I'm sorry I need to go, thank you." Iyon lang at dire-diretso itong lumabas at katulad nung una ay hindi man lang siya nito napansin.
Nakita niya na kaya pala ito nagmamadali dahil may isang babae na nagaantay ditto. Napangiti siya nang mapait lalo na nang makilala ang kasama nito. Mas lalo lang na ipinapakita nito na tama lang ang desisyon na ginawa niya.
HABANG nasa sasakyan ay hindi maintindihan ni Vincent ang sarili kung bakit hindi mawala sa isip niya ang mukha ng babaeng nakasalubong niya sa Harmony studio. Pakiramdam niya kasi ay pamilyar sa kanya ang babae pero dahil nga nagbabadali siya ay hindi na niya masyado itong inintindi.
Kay ngayon para siyang tanga na hidni mapakali dahil hindi man lang siya nagpakilala sa babae.
"Hey Babe, anong iniisip mo?" hindi niya maiwasang makaramdam ng iritasyon nang marinig niya ang matinis na boses ng katabing babae.
"First of all Kara we're already through saka hindi ako nagsabing sumama sa'kin."
Hinawakan nito ang braso niya kung noon gusto niya ang simpleng paghaplos nito sa kanya ngayon hindi niya maiwasang maalibadbaran lalo pa at masydaong matapang ang suot nitong pabango.
Napakunot siya ng noo nang may isang pamilyar na boses siyang naalala sa nakaraan. Pagkatapos sa mga sumunod na sandali ay sumagi sa isip niya ang isang babaeng nagtataglay ng pinaka paborito niyang amoy sa buong mundo. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng biglang pag preno sa kotse.
"Vince ano ba?" galit na tanong sa kanya ni Kara.
Sandali siyang natigilan at nabalik lang siguro siya sa kasalukuyan nang marinig niya ang malakas na busina ng mga kotse na kasunod niya.
Huminga siya ng malalim tama baka mali lang siya sa hinala niya mas mabuti pang kalimutan na lang niya ang mga 'yon.