NAGISING si Ynna dahil may naririnig siyang ingay mula sa kusina, ilang araw na rin siyang hindi makatulog ng maayos kaya ngayong weekend ay hinayaan niya ang sarili na ma-late ng gising.
Walang pasok ngayon si Van kaya madalas na tanghali sila sabay na nagigising. Pero hindi niya maiwasang magtaka dahil may naririnig siyang tao sa kusina.
INabot niya ang cellphone at nalaman niyang alas-otso pa lang ng umaga. Iinot-inot siyang umangon sa kama saka dumiretso sa banyo ginawa niya ang usual daily routine niya bago niya tinungo ang kusina para lang mapahinto sa bukana nang makita niya si Vincent at Van na nagluluto.
Agad siyang napakunot ng noo. "Anong ginagawa mo ditto?"
Sabay itong napalingon sa kanya at bahagyang nawala ang iritasyon na naramdaman niya nang ngumiti sa kanya ang anak.
"Good Morning Mommy," Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Good morning baby," Saka niya hinarap si Vincent. "Again anong ginagawa mo ditto?"
Bago pa niya ito masagot ay naunahan na ito ng anak niya. "Mommy nakita ko kanina sa baba si Tito Vincent hinatid niya 'yung pamangkin niya sa studio nagugutom na po kasi ako kaya inaya ko na lang siyang magluto ng breakfast."
"Ano ka ba dapat hindi ka na nang-istorbo ng ibang tao dapat ginising mo na lang ako?"
"Eh kasi Mommy pagod ka po eh saka busy si Ate Dara sa baba kaya hindi siya makapanhik ditto sa taas para makapagluto," Katwiran nito.
Minsan talaga hindi niya alam kung papasalamatan o kaiinisan ang anak niyang masyadong pagmamalasakit nito. Pero ganon ang pagpapalaki niya sa anak kaya naging mature na rin ito kung mag isip sa kabila ng edad nito.
"Sorry don't blame him beside nag prisenta rin naman ako kaya sa kabila ng pagaalangan ni Dara. By the way nag grocery ako ng konti at pinakielaman ko na rin ang kusina niyo kaya pasensya na."
Huminga siya ng malalim saka tinitigan si Vincent para kasing wala man lang itong pake sa kabila ng sinabi niya rito noong isang linggo. "Okay, pasensya na and thank you for making breakfast para kay Van."
"Actually it's our breakfast hindi pa rin kasi ako kumakain kaya dinamihan ko na ang servings," He said in a sheepish smile.
Kung siguro na ibang tao lang sila malamang na magugulat ito na ang nagluto at nakasuot ng girlish na apron ay isang lalaking nag mamay-ari ng isa sa pinakamalaking outsourcing company ditto sa bansa.
Ipinilig niya ang ulo kung ano man ang binabalak na 'to ni Vincent? Sigurado siyang magsasawa rin ito katulad noon parang may kung anong mapait siyang nalasahan sa kabila ng wala naman siyang kinakain.
Nang hatakin siya ng anak sa counter top ng kusina ay hinayaan na niya ito saka umupo sa stool sa island style na kitchen nila.
Ilang minuto pa ay hinain na sa kanila ni Vincent ang pagkain. Pancakes and bacon omelet ang ibinigay nito kay Van kasama ang isang baso ng mainit na gatas habang fried rice saka bacon and omelette ang pareho nitong hinain para kanilang dalawa bago nito inabot sa kanya nag paborito niyang café au lat.
Sa kabila ng maraming taon ay alam pa rin nito ang paborito niyang set ng breakfast pero agad niyang nirendahan ang nararamdaman dahil baka kung saan na naman iyon maglagalag.
"Dig in."
"Wow! Thank you po!" nakangiting sabi ni Van palibhasa ay paborito nito ang pancake lalo pa at dinesenyuhan iyon ni Vincent para sa mga bata.
Habang siya? Tahimik na lang na kinain ang pagkain niya mas mabuting tapusin na niya ito may trabaho pa siyang kailangang umpisahan, buhay na kailangang asikasuhin at lalaking patatalsikin niya sa bahay.
Nang matapos ang agahan ay siya na ang naghugas sa kabila ng pag-insist ni Vincent kaya naman niya maiwasan na i-emphasize na bisita ito sa bahay at ito pa ang nagluto kaya siya na ang maghuhugas.
Sa huli ay wala na rin itong nagawa at sinamahan ang anak niya sa panunuod sa may sala. Nang matapos siya sa ginawa ay pinuntahan niya ang mga ito nna parehong busy sa panunuod ng kung ano sa t.v.
"Vince." Tawag niya sa magaling na lalaki nilingon siya nito mula sofa. "Wala ka bang trabaho ngayon?"
"Ah kakatapos ko lang." iwinagayway pa nito sa kanya ang hawak nitong cellphone.
"Don't try to play hooky at your own company."
"It's okay once in a while saka nakapangako na ko kay Van na mamsyal kami ngayon."
Ikiniling niys ang ulo saka tinaasan ng kilay ang kanyang anak wala siyang naalala na bigyan ito ng permiso para mamasyal kasama si Vincent.
"Hindi ba may practice ka pa ngayon?" katulad kasi ng anak niya ay may inclination din ito pagdating sa music at ang paborito nitong tugtugin ay Violin.
"Minsan lang naman Mommy, please?"
"You're also playing hooky," She gave Vincent a scowl. "You're a bad influence for my son."
"Mommy..." Van said with a pouted look.
Bumuntong-hininga siya hindi talaga niya alam kung bakit nawili ang anak niya kay Vincent hangga't maari sana ay ayaw na niyang makipaglapit sa lalaki pero hindi naman niya maiwasan na pagbigyan ang anak niya lalo pa at hindi naman ito madalas na mag-demand sa kanya ng kung ano-ano.
"Fine," Binalingan niya si Vincent. "Ikaw na ang bahala sa anak ko kapag may nangyaring masama sa kanya lagot ka sa'kin."
"Hindi ka ba sasama?" nagtatakang tanong nito.
"May trabaho pa ko unlike you kailangan kong kumita," Ayaw na niyang masyadong makisalamuha ditto saka sino ba nag matigas ang ulo at hindi nakinig sa sinabi niya.
"Mommy 'di ba mamayang gabi pa 'yon?" nasabi kasi niya ditto na may trabaho siya sa Cosmic bar ngayon.
"Sumama ka na saka siguradong mas mage-enjoy si Van kapag kasama ka."
Sa huli ay bantulot siyang pumayag ano nga bang sinabi niya kanina? May patatalsikin siyang lalaki ang ending pala pati siya kasama napabuntong hininga na lang siya sa naisip.