Nakita ni Ynna ang pagliliwanang ng mukha ni Kara nanag dumating si Vincent, kung sino man ang kakampihan nito wala na siyang pakialam mas mabuti ngang pareho na lang itong mawala sa paningin niya.
"Vince this... this woman ako na nga 'tong naagrabyado ako pa ang pinagsasabihan." Akala mo parang aping-api ito ang sarap tagpasin ang retokada nitong mukha.
Hindi ito pinakinggan ni Vincent habang titig na titig sa kanya, naasiwa na siya sa totoo lang pero hindi naman siya makaalis dahil una sa lahat inagrabyado ng mukhang plastic na si Kara ang anak niya.
Huminga siya ng malalim saka hinarap ulit si Ms. Plastic este si Kara. "Excuse me? We already apologize about your dress ikaw lang naman tong nagpapalaki ng issue kahit na handa naman kaming bayaran ang cleaning ng..." she looked at her dress with disdain. "damit mo."
"See Vincent? She's mocking me!" she screeched. Masakit sa tenga naiirita na talaga siya sa babae.
"Kara, wag kang mag eskandalo ditto beside they already apologize ano pa ba ang problema?" kunot-noong tanong nito.
Nakahinga siya nang maluwag nang mukhang hindi ito nandoon para gatungan ang kasama. "That woman is the problem! She's such a bi—"
"Subukan mong ituloy 'yan sasabihin mo may kalalagyan ka sa'kin." Naramdaman na kasi niyang nanginginig na ang anak niya sa takot habang mahigpit na nakahawak sa damit niya. Sa totoo lang hindi naman siya bayolente sa kanila ngang magkakaibigan siya ay may pinakamahabang pasensya pero pagdating talaga sa anak kung gusto nito ng away, gyera ang ibibigay niya.
"Kara can we just get over this? Don't make a scene here."
"So ano sila pa kakampihan mo? Sila na nga 'tong may kasalanan! Look at my dress! Ang tagal kong nagayos para lang sa date natin tapos sisirain lang ng batang 'yan!"
"You know what you're being immature besides bata 'yan bakit mo sinisigawan?"
"I can't believe it! Magsama-sama kayong lahat." Anito saka nag walk out sa kanila.
She just rolled her eyes irritably. "Such a drama queen." Huminga siya ng malalim saka binalingan ang anak.
"Are you okay Baby?"
"Yes, Mommy, I'm sorry po napaaway ka pa."
Hinaplos niya ang buhok nito. "It's okay no harm done, let's go?"
Aalis na sana sila nang tawagin sila ni Vincent napapikit na lang siya ng mariin saka huminga ng malalim bago lumingon sa gawi nito.
"Are you, Ynna Jacinto?"
Why? Gusto niyang itanong sa tadhana pero as usual ay pinagti-tripan na naman siya nito.
"Yes, it's a surprise na kilala mo pa rin ako Vincent." Lihim niyang naikuyom ang kamay niya.
"Yeah, hindi kita nakilala 'nung una remember nagkita tayo sa Harmony Music Studio." Binigyan siya nito ng ngiti, ano pagkatapos siya nitong itapon noon sa isang bintang na hindi totoo may gana pa itong magpa-cute sa kanya noon? Sorry hindi na 'yon uubra sa kanya.
"Ah yes, akala ko nga hindi mo na ko naalala kaya hindi na rin ako nagabala na tawagin ka." Gusto na niyang umalis mas maikling paguusap nila mas mabuti besides ano pang kailangan sa isang ex-girlfriend nito?
"No , it's just that and laki ng pinagbago nito kaya hindi kita nakilala." Nakatingin ito particular sa swallowed tail butterfly na pinatattoo niya sa kanyang leeg. Sabagay totoo naman ang sinabi nito malaki na ang ipinagbago niya hindi na kasi siya 'yung naïve na babaeng basta na lang nitong itinapon noon.
"Maraming nangyari nitong mga nakaraang taon I've mature I guess." Binigyan niya ito ng isang kiming ngiti napakurap pa siya nang maramdaman niya ang paghatak sa damit niya. Tinignan niya ang anak na nakatingala sa kanya at nagtatanong ang mga mata.
Napaluok siya na parang may kung ano ang bumara sa lalamunan niya pero mas mabutign tapusin na ang usapan na 'to.
"Tama ka." Sabay bumaba ang tingin nito sa anak niya. "Pamangkin mo?"
Parang gusto niyang matawa para kasing iba ang ipinapahiwatig nito sa pandinig niya. Usually kasi kapag kasama niya ang anak niya tinatanong ng lahat kung anak niya ito hindi pamangkin.
"No it's my son." Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang anak. "Van meet Vincent an old friend mine."
Napakunot siya ng noo nang makita ang biglang pagdaan ng disappointment sa mga mata nito pero sa huli ay ipinagkibit balikat na lang niya 'yon baka namalikmata lang siya o ano.
"Hello po." Bati ditto ni Van.
"Hey Kid, pasensya na kanina ha? I really don't know kung bakit ganon na lang ang reaksyon ni Kara kanina."
"Hindi mo ba siya susundan? Baka inaantay naniya." Remembering that tramp mas magandang wag na siyang masyadong ma involve pa kay Vincent.
"Don't worry about her, pinilit lang naman niya akong samahan siya she can go home by herself." Saka nito binaligan si Van. "Do you want to eat? My treat."
Talagang ang anak niya ang tinanong nito ano wala siyang opinion sa mga ganon na pagkakataon?
"Talaga po?" binaligan siya ni Van. "Mommy, can we eat?"
Napabuntong-hininga siya, ayaw niyang pumayag pero knowing her son siguradong katakot-takot na tanong ang ibabato nito sa kanya kapag tumanggi siya. "Okay, pero bayaran muna natin ang toy mo "
Saka lang nito naalala na may gusto nga pala itong bilhin nakangiting sinundan niya ito ng tingin. Nakita niya ang kakaibang tingin sa kanya ni Vincent kaya naman sumunod na siya sa anak.
Gusto niyang magalit kung bakit ganoon ang trato nito sa kanya pero ayaw na niyang magtanong, ayaw na niyang umasa at lalo hindi siya tanga para masaktan pa ng pangalawang beses dahil ditto.
Pumikit siya ng mariin saka pinatibay ang dibdib para hindi na ulit matibag ang mga pader na ipinalibot niya sa kanyang puso.