♡ Syden's POV ♡
Bigla na lang akong nagising ng makarinig ako ng mga yabag galing sa labas. Para kasing may nagsisitakbuhan sa hallway kaya dinig na dinig dito sa kwarto ko. Tinignan ko ang bintana at medyo madilim pa, hindi ko nga alam kung ano ng oras eh pero mukha kasing madaling araw pa lang.
Napatingin ako sa ibaba ng pintuan at nakitang may nagsisitakbuhan nga sa labas. Ngayon lang nangyari 'to kaya nakakapagtaka. Bumangon na lang ako para tignan kung ano bang nangyayari dahil baka may kaguluhan. Naglakad ako papalapit sa pintuan at hindi ko na rin binuksan yung ilaw dahil baka may mga pumapatay sa labas tapos makitang gising ako, tapos patayin nila ako. Hindi naman ako makakapayag na gawin nila sa akin 'yon.
Lumabas ako na kinukusot-kusot pa ang mga mata ko dahil kahit sino naman sigurong magising ng ganitong oras, mahapdi sa mata. Pagkalabas ko sa kwarto may lalaking biglang dumaan sa harapan ko kaya nabigla ako at napaatras lalo na't tumatakbo pa ito. Hindi ko siya nakilala dahil madilim at nakita kong lumiko ito sa may dulo ng hallway.
Minabuti kong sundan siya kahit na alam kong delikado. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at gagawin ko 'to? Kapag nakita ako ni muffin ngayon, for sure papatayin ako sa sermon non. Pasaway na bata talaga.
As usual, naglalakad ako sa madilim at tahimik na hallway samantalang kanina, ang ingay dahil sa mga nagsisitakbuhan pero ngayon, parang wala man nangyari.
Pagkaliko ko kung saan pumunta yung lalaki kanina, bigla siyang nawala at kahit saan ako tumingin, hindi ko siya makita. Wala akong makita ni isa. Sobrang tahimik pero kahit ganon, itinuloy ko pa rin ang paglalakad habang hinahanap ang lalaking 'yon. Marami rin akong nadaraanan na mga rooms pero naka-lock lahat at patay ang ilaw.
Hallway 1134 is the most dangerous hallway sa Building 003. Maraming hindi pumupunta sa parteng ito sa kaalamang dito nakatago ang mga members ng council pero base sa obserbasyon ng mga estudyante, wala naman raw silang nakikita na may nakatira kahit na isa sa mga rooms dito at higit sa lahat, mula umaga hanggang gabi, tahimik lang. Later, I found out na nasa mismong hallway 1134 ako dahil nakita ko ang pader na nasa paligid ko at nakasulat ang number ng hallway.
Ginusto kong umatras, pero pagtingin ko sa likuran. Napatingin ako sa isang kakaibang pintuan kaya't nilapitan ko 'yon. Hindi siya isang pangkaraniwan na pintuan dahil gawa ito sa bakal. Ang mas nakakapagtaka pa, may mga numero ito at may sealed ang mismong pintuan. Nalaman ko na lang na baka ang mga numerong 'yon ay password para mabuksan ang pintuan kaya sinubukan ko itong pindutin. Pagkapindot ko sa number 1, naghintay ako ngunit walang nangyari. Napaatras na lang ako ng tumunog ito at umilaw ng kulay pula na parang sinasabing mali ang pinindot ko. Tinignan ko ang buong pintuan dahil sa pagtataka kung anong klasing pintuan 'yon dahil naiiba siya. Higit sa lahat, bakit may password siya. Ano bang posibleng laman nito sa loob?
Napatingin ako hallway ng makarinig ako ng ingay at biglang tumambad sa harapan ko ang isang lalaki na hindi ko namukhaan dahil madilim. Dahil sa pagmamadali nito ay naitulak niya ako sa may pintuan kaya sumakit ang likuran ko. Napayuko na lang ako sa sakit at napatingin sa lalaking tumatakbo na medyo malayo na sa akin. Kasunod non ay may mga dumaan rin sa harapan ko na tatlong lalaki. Tumatakbo rin sila kaya sigurado akong hinahabol nila yung lalaki kanina.
Sinundan ko na lang ang pagtakbo nilang tatlo hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Habang nakatingin pa rin sa direksyon kung saan sila pumunta, nagulat ako ng makarinig ako ng tunog at tila nanggagaling 'yon sa likuran ko kaya muli akong napatingin sa pintuan at lumayo doon. Nakita kong nakailaw ng kulay berde ang dalawang numero. Hindi kagaya kanina, pula ang nakita kong ilaw. Muli itong tumunog at nakita kong biglang bumukas ang sealed ng pintuan. Napag-alaman kong dahil sa pagkakatulak sa akin kanina sa pintuang 'yon, natamaan ko 'yon at saktong natamaan ko ang password nito.
Sa pangatlong beses ay muli itong tumunog at napatingin ako sa pinakataas ng pintuan, lumitaw ang dalawang salita na mas ikinabigla ko pa dahil ito ang nagiging usapan lately, "Game room?" bulong ko habang nakatingin doon.
Ayon sa usapan, may naririnig silang naglalaro sa loob pero wala naman silang nakikita na pumapasok o lumalabas sa kwarto na 'to at hindi ko alam na ito pala ang game room na tinutukoy nila dahil ngayon lang ako pumunta sa hallway na 'to. Hallway 1134 is also known as the black hallway. Mas napaatras na lang ako ng unti-unting bumukas ang pintuan dahilan para makagawa ng ingay.
Nagdalawang-isip ako kung papasok ba ako o hindi lalo na't hindi ko alam kung anong mayroon sa loob ng kwartong 'to. Sinilip ko rin ang loob nito ngunit madilim kaya wala rin akong makita. Pero hindi ba opportunity na 'to para malaman ko kung anong misteryo ang bumabalot sa kwartong 'to? Ito na lang ang tanging pagkakataon ko. Kailangan ko lang maging handa sa kung anong mangyayari.
Tinignan ko muna ang buong paligid para malaman kung may tao ba o wala. Nang masiguro kong walang tao, dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan. Bago ako tuluyang makapasok ay tumigil muna ako dahil sa pag-aalinlangan kung kailangan ko ba talagang gawin 'to pero hindi rin nagtagal ay tuluyan na akong pumasok sa loob.
Medyo madilim pero kahit paano ay sinubukan kong maglakad-lakad. Wala gaanong laman ang buong kwarto at tanging natatanaw ko ay ang mga CD's at video games na nakalagay sa mga mahahabang lamesa kaya't isa-isa kong tinignan ang mga 'yon. Bukod doon ay may nakita akong isang napakalaking istante kaya't nilapitan ko 'yon. Puno ito ng mga manika at iba't-ibang klase ng laruan kaya nakakapagtaka. Mukhang bago lahat ng mga gamit dito pero sino naman ang nagmamay-ari ng mga 'yon?
"Yes, I won again!" bigla akong napatingin sa paligid ng may marinig akong boses. Napansin ko sa may pinakasulok na medyo maliwanag dahil 'yon lang ang tanging maliwanag sa buong kwarto na 'to. Medyo malawak kasi ang kwartong pinasukan ko at hindi siya pangkaraniwan na kwarto lang. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa sulok kung saan maliwanag at habang papalapit ako doon ay natatanaw ko ang isang upuan na nakatalikod sa akin. May nakaupo doon pero hindi ko maaninagan kung sino, "Level 1029. How come you couldn't even defeat me, Hiro?" dinig kong pagsasalita ng isa pero hindi ko pa rin siya makita pero maliit lang ang boses nito.
"We've been playing for almost 2 weeks pero wala pa rin talagang makakatalo sa akin, right kuya Hiro? You should practice more or else you'll die" dagdag pa nito. Bigla na lang akong nakaramdam ng hindi maganda kaya pinili kong lumabas na lang at huwag na silang istorbohin pa kahit na nakakapagtaka ang lugar na 'to.
Mas nagmadali na lang akong lumabas ngunit bago pa man ako makalagpas sa pintuan ay biglang nagsara ito kaya nabigla ako at napahawak doon para subukang pigilan ito, "You didn't tell me na may bisita pala tayo, kuya Hiro?" bigla akong napatingin sa likuran ko ng muli kong marinig ang boses kanina. Maayos ko siyang tinignan at hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan ng makita ko ang isang batang babae sa harapan ko. Ang suot niyang damit ay parang manika, itim na mahaba ang buhok at may bangs, higit sa lahat, kumakain ito ng lollipop.
Nakatingin siya sa akin at parang tuwang-tuwa ito. Sa tabi niya ay isang lalaki na parang halos isang buwan ng walang tulog dahil sa nangingitim ang ilalim ng mata nito at sobrang payat niya, "I'm sorry ate, looks like nagkakaproblema nanaman ang pintuan ng game room kaya biglang bumukas. Don't worry, I'll fix it" saad nito at ngumiti. Hindi ko alam pero biglang nawala ang takot ko ng makita ko ang ngiti niya. Bukod sa cute siya, maganda pa siya. Isang napakagandang bata na parang manika ang mga mata pero paano at bakit nandito siya sa lugar na 'to?
Bigla niya akong tinalikuran at naglakad papalapit sa lugar kung nasaan siya kanina. Sumunod sa kanya ang lalaking kasama niya kaya't ganoon na rin ang ginawa ko, "P-pwede ko bang itanong kung anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya pero tulut-tuloy pa rin siya sa paglalakad.
Pagkarating namin kung nasaan siya nakaupo kanina ay muli siyang umupo doon at humarap sa akin, "I'm Myrtle Naveree. Nice to meet you, ate Syden right?" saad nito na ikinabigla ko.
"Ha? Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
Hinawakan nito ang kinakain niyang lollipop at nagsalita, "Because you are kuya Dean's girlfriend" sagot niya. Bakit niya kami kilala?
"At bakit mo kilala si Dean Carson?" tanong ko ulit.
"Because Vipers are famous here in Curse Academy, sila yung kinakatakutan dito ate dba?"
"P-pero paano ka napunta sa lugar na 'to at bakit ka nandito? Ikaw pa lang ang pinakabatang nakilala ko sa lugar na 'to. Ilang taon ka na ba, Myrtle?"
"I'm only 12 years old, ate Sy. It was the council's decision to place me here as a prisoner" saad pa niya.
"What do you mean prisoner?"
"Sabi kasi nila, dito daw ako sa building titira at hindi raw ako pwedeng lumabas sa kwartong 'to" saad niya na ipinagtaka ko at nakaramdam ako ng galit. Pati ba naman bata, dinadamay pa nila.
"Pero bakit ka nila ikinulong dito?"
"Hindi ko rin po alam, ate. Basta sinunod ko na lang ang gusto nila. Kapag raw kasi lumabas ako sa kwarto na 'to, delikado raw at ayaw kong patayin nila ako kaya mas magandang dito na lang ako hanggang sa may dumating para iligtas tayo" saad niya kaya nakaramdam ako ng awa. Napakabata pa niya para makaranas ng ganito when she was supposed to be enjoying her life.
"Pero paano ka nakakaligtas sa pangaraw-araw kung nakakulong ka dito buong magdamag?"
"Ok lang po ako, ate. Binibigay naman nila ang lahat ng gusto ko at okay na ako kahit nakakulong dito, basta ang mahalaga, ligtas ako. Ganon naman hindi ba ate? Kahit mahirapan tayo, ok lang basta maproteksiyonan ang sarili natin at ang mga taong mahalaga sa atin. Kung ang pagsunod ko sa kanila ang paraan para makaligtas ako, masaya na ako" saad niya sabay ngiti kaya ngumiti na rin ako.
"Sadyang napakabata mo pa para makaranas ng ganito, hayaan mo makakalabas rin tayo" saad ko sa kanya.
"Pero ano nga pa lang nangyari sa kanya?" tanong ko habang nakatingin sa kasama niyang lalaki na halos kasing-edad ko lang kaya napatingin siya doon. Umupo kasi ang lalaking 'yon hindi kalayuan sa upuan ni Myrtle. Humarap ito sa computer at naglaro.
Para siyang walang buhay.
"That's kuya Hiro, siya palagi ang kasama kong naglalaro dito" saad pa niya, "Ganyan lang talaga siya ate, adik sa paglalaro"
Napatingin naman ako sa isa pang computer na nasa tapat ni Myrtle, "Ikaw din ba naglalaro?" tanong ko.
"Oo, ate. 'Yan lang ang ginagawa namin ni kuya Hiro buong araw"
"Hindi ka ba nagsasawa?" saad ko na nilapitan siya dahil humarap na siya sa computer na nasa tapat niya at nag-umpisang maglaro. Mas nilapitan ko pa ito hanggang sa makita ko kung anong nilalaro niya.
Hindi ko rin alam kung may balak pa siyang magsalita dahil halos dalawang minuto kong pinapanood ang nilalaro niya hanggang sa makita kong natalo siya. Halata namang nainis ito dahil inilayo niya sa kamay niya ang hawak niyang mouse ng lumitaw ang salitang 'Game over'. Sa pagkakataong 'yon, iniikot niya ang inuupuan niya para harapan ako, "I thought hindi ko magugustuhan ang lugar na 'to pero masaya na ako dito ngayon" saad niya.
"Ang akala ko ba magkukulong ka dito hanggang sa may dumating na tulong para iligtas tayo?" tanong ko ng may pagtataka. Paano niya nasabing gusto na niya ang lugar na 'to? Ang weird niya.
"Akala ko rin, ate. Pero isipin mo..." bigla nitong inilapit ang upuan niya sa akin kaya bahagya akong napaatras, "Isn't it a lovely place? Curse Academy is just like Heaven's Ward High" saad pa niya na nakapag-pabigla sa akin. Paano niya nasasabi ang mga ganitong bagay?
"No! You're wrong. Sa edad mong 'yan, mas pipiliin mong manatili sa ganitong lugar?"
"Imagine, we were born in a world where rules, laws and policies exist. Hindi katulad dito, we have freedom, you have freedom to do whatever you want to do. Outside this world ate, power controls people. Government officials corrupt from lowly people. Hindi maganda ang pamamalakad sa labas, not like here" pahayag niya kaya't habang sinasabi niya 'yon ay napapailing ako. Anong klasing bata ba siya?
"You're wrong. Lahat ng sinasabi mo ay hindi tama at hindi akmang sabihin ng isang batang katulad mo" pagkatapos kong sabihin 'yon ay dahan-dahan itong tumayo at nag-iba ang mga mata niya. Naging seryoso ang mga mata niya na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. At her age like this, ganito na ang ugaling meron siya?
"Why? Dahil ba bata pa lang ako, the words coming out from my mouth should be limited? Wala ba akong kalayaan na gawin ang gusto ko?" naglakad ito papalapit sa akin kaya't napapaatras ako habang nakatingin kaming dalawa sa isa't-isa.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin pero sa gulang mong 'yan, hindi ka dapat nagsasalita ng mga ganyan dahil wala ka pang kaalaman sa mundong 'to- "
"No, you're wrong. Kayo ang mali! Lahat ng nalalaman niyo, mali. Lahat ng inaakala niyo ay mali!" sigaw nito na ipinagtaka ko.
"What do you mean?" tanong ko kaya't napatigil ako sa pag-atras. Lumapit naman siya sa akin at seryoso akong tinitignan. Nakakatakot ang pagbabanta ng mga mata niya.
"I'm right. Wala nga kayong alam. Aminin niyo man o hindi, pero ang inakala niyong lahat ay masama si Mrs. Lim pero ang totoo, siya ang kauna-unahang tao na gusto kayong tulungan. Many of you wanted to kill her dahil sa maling akala niyo. Later you found out na gusto niya pala kayong tulungan together with Ms. Freud but sadly she died and Ms. Freud is missing until now. Ngayon tatanungin kita ate..." mas lumapit pa ito sa akin, "Sino sa tingin mo ang pumatay kay Mrs. Lim?" saad niya kaya natawa na lang ako.
"Sino pa ba? It was Mr. Wilford, ang owner ng eskwelang 'to" sambit ko.
"Are you sure?" tanong pa nito at napangisi siya kaya natigilan ako.
"Bakit Myrtle? Ano bang alam mo?" tanong ko sa kanya.
"It wasn't him. The one who killed Mrs. Lim isn't part of the school's council"
"Anong ibig mong sabihin?" noong mga oras na 'yon ay nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinasabi niya at parang marami siyang alam na kami mismo, hindi namin alam.
"Isang estudyante ang pumatay kay Mrs. Lim. Do you really think council ang may pakana nito? Mayaman ang mga pamilya natin pero bakit hanggang ngayon wala pa ring tumutulong sa atin knowing that they have enough connections para malaman kung anong lagay natin dito?" dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng takot kaya't muli akong napaatras.
"Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya na nakangiti pa rin ng masama.
"Hindi mo ba naisip na baka kasabwat ni Mr. Wilford ang mga pamilya natin para dalhin tayo dito? Do you really think na biktima rin ang pamilya natin or maybe they knew, but chose to keep quiet? Sa tagal niyong nakatira dito, imposibleng wala pa ring nakakaalam from the outside" sigaw nito na mas lumawak pa ang ngiti.
"No! That's not true! You're lying at hindi ako maniniwala sa isang batang katulad mo!" sigaw ko at tinalikuran ko na siya. Tumakbo na ako papunta sa may pintuan dahil hindi ko na kakayaning marinig pa lahat ng kasinungalingan niya.
Hindi ko alam kung paano ako makakalabas dahil habang papalapit ako sa pinto ay sarado ito kaya ng makarating ako doon ay pilit ko itong binuksan, "Nice to meet you, ate Syden! Better luck disbelieving the truth" saad nito kaya napatingin ako sa kanya kung nasaan siya kanina. Maayos itong nakangiti ngayon hindi tulad ng kanina.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya't napatingin ako doon at agad akong lumabas. Nagmadali akong bumalik sa kwarto ngunit muli akong natigilan ng matanaw ko ang kabilang building sa bintana. Nang makita ko sila, kasabay noon ay unti-unti kong naalala ng paulit-ulit lahat ng sinabi niya,
"Hindi mo ba naisip na baka kasabwat ni Mr. Wilford ang mga pamilya natin para dalhin tayo dito? Do you really think na biktima rin ang pamilya natin or maybe they knew, but chose to keep quiet?"
To be continued...