Pagkaalis ni Quillon sa kanyang Mansion ay dumiretso na siya patungo sa Casa de Omega kung saan naghihintay sa kanya ang buong Pack of Luna Sangrienta kasama si Amoz na kapapanalo lamang sa kanyang laban kay Abhinu.
Nang marating nila ang kanilang destinasyon ay inihinto ni Gethro ang sasakyan sa likod mismo ng Casa at pinagbuksan ng pinto ang kanyang Alphang si Quillon.
"Are they complete?" tanong ni Quillon matapos niyang bumaba ng sasakyan.
"Opo Kamahalan." sagot ni Gethro
"Okay let's go inside."
Pagpasok nila sa Casa napupuno ito ng mga omegang nagkakasiyahan, ang ilan naman ay may mga pares na nasa isang sulok at gumagawa ng milagro.
Hindi na bago ito sa mata ni Quillon, the more na active ang mga omega niya sa mga parokyano nito mas lalo siyang natutuwa. Dito sa casa maaari kang kumuha o bumili ng omegang iyong matitipuhan.
Paakyat na sila ng may ibulong si Gethro sa kanya.
"Kamahalan, nasa VIP na po ang buong pack ng Luna Sangrienta. Kausap po ni Tryston Flother ang isang dayuhan dito sa Tierra Del Fuego at napag alaman na kasama siya ni Archard na umuwi dito." yumukod ito matapos ipagbigay alam sa kanyang alpha ang tagpong iyon.
Nagtagis ang kanyang mga ngipin at diretsong tinalunton ang loob ng VIP room.
Pagpasok ni Quillon nagsipagtayuan ang lahat pwera na lang sa dayuhang katabi ni Tryston Flother.
Tryston Flother ay isa sa deltang kasapi ng Pack of Luna Sangrienta na pinamumunuan ni Quillon.
Isang malalim na tingin ang ipinukol ni Quillon sa dayuhan at maging ang kulay ng mata nito ay nagbabago na.
"Tumayo ka, dayuhan! Magpakilala ka at magbigay pugay sa aming alpha na si Quillon Demetre." utos ni Gethro dito.
Alam niyang ang mga titig na ibinibigay ng kanyang alpha sa dayuhan ay nangangahulugan ng kamatayan.
Imbes na tumayo ay dumikwatro pa ito at ngumisi.
"Walang sinuman ang pwedeng mambastos sa akin. Ang sinumang magtangka sa isang pitik ko lamang ay mawawalan ng buhay. Amoz!!!" tawag ni Quillon sa kanya.
At sa isang kisap mata sakal na ni Amoz ang leeg ng dayuhan. Itinayo ito ni Amoz at itinaas.
Imbes na makabasan ng pagkatakot nagawa pa nitong ngumisi at nagsalita.
"Ganito ba ang trato ninyo sa isang dayuhan na kasama pa ng iyong kapatid patungo rito sa Tierra Del Fuego? Go ahead, kill me!" at nagkulay ginto na ang mga mata nito habang nakikipagtagisan ng tingin kay Quillon.
"Kamahalan, may 5 omega na po ang nakatakdang bilhin ng dayuhan sa atin dito sa casa." bulong ni Tryston Flother kay Quillon.
Muling sinulyapan ni Quillon si Gethro.
"Amoz, ibaba mo na siya." utos ni Gethro sa half blooded na si Amoz.
"Magpakilala ka!" utos ni Quillon
"Nyxus Yutangco." walang emosyong sagot nito sa Alphang si Quillon.
"Wala akong planong magtagal sa lugar na ito. Matapos ninyo lang maibigay ang kailangan ko ay agad kaming aalis dito." dagdag pa nito.
"Ipahanda ang mga omega sa waiting area kay Xyrix Zubien!"
Xyrix Zubien, ang gammang namamahala sa mga omegang nagtatrabaho sa loob ng casa.
"Masusunod po Kamahalan." yukod ni Gethro bilang tugon.
"Maupo na kayo!" utos ni Quillon
Umupo si Quillon sa paborito nitong upuan at makaraay tinawag na ang kanyang pambatong half blooded... "Amoz!"
"Kamahalan." pagkalapit nito kay Quillon.
"Kamusta, nakuha mo na ba ang iyong premyo?"
"Oo, kamahalan." sagot nito
"Bilang dagdag na bonus puwede mong makasama ang pamilya mo sa loob ng 3 araw. Pagkatapos noon ipapasundo kita at mag-uumpisa ka na ulit sa training. May laban ka sa susunod na buwan at daang million ang pustahan dito." seryosong saad nito kay Amoz.
Tumango lamang ito bilang tugon at lumagok sa cognac na hawak.
"Kamahalan, narito na po si Xyrix." si Gethro.
"Kamahalan." matamis na ngiti ang ibinungad nito kay Quillon.
Pailalim naman tiningnan ni Quillon ang kanyang Gamma at pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa.
"Nakahanda na ang mga omega sa waiting area at pwede nang mamili ang bisita ng kanyang matitipuhan doon. Bayad na rin niya kanina pa ang mga ito in a double price." malambing na saad nito, na ngayon ay halos isang dangkal lamang ang layo ng mukha nito kay Quillon.
"Really? Good job." habang tinititigan ang labi ng kanyang Gamma.
"How about my price, huh?" bulong nito kay Quillon.
"Be prepared in my room." sagot nito kay Xyrix.
"Okay, i'll wait for you there." bulong nito bago lumabas ng VIP room.
Kasunod ng paglabas ni Xyrix ay paglabas din ng dayuhang si Nyxus Yutangco.
Itinuro ng Gamma kung saan ang waiting area...
Pagdating nila doon, pinaupo ni Xyrix sa isang upuan at limang omega kaagad ang pinaharap nito sa dayuhan.
"Mamili ka na kung sino ang matipuhan mo sa kanila. Mayroon pang 5 ang kasunod niyan."
"Okay, i think pwede mo na silang papasukin para mabilis na akong makapamili." sagot ni Nyxus.
"Okay, papasukin pa ang limang omega." utos ni Xyrix sa kasama niya.
Pumasok na ang 5 omega na bubuo sa 10.
Muling pinasadahan ni Nyxus ang 10 omegang nasa harapan niya at tumikhim ito.
"I need to choose those who are need to be away from this place. According to Archard these ten are the most helpless omega. Hmm, i should pick them all rather to choose five." anito sa sarili
Lahat ng omegang nasa kanyang harapan ay tila nagmamakaawa ang mga mata na kunin na sila. Kaya hindi na nagdalawang isip pa si Nyxus at kinuha na nito ang atensyon ng Gamma.
"Alright, i will choose them all." anito kay Xyrix.
"Lahat sila?" hindi makapaniwalang tanong nito kay Nyxus.
"Why? Kahit sampu pa sila sobra pa ang binayad ko saiyo hindi pa? Or you want me to back out?" panghahamon nito kay Xyrix.
"No, nabigla lang ako dahil sa lahat sila ay binili mo na taga aliw mo lang habang nasa bakasyon ka." sagot nito sa dayuhan.
"Binili ko sila, once they step out of here wala na silang kaugnayan sa inyo kaya it's none of your business kung ano ang gagawin nila sa akin! Baka gusto mo pati ikaw bilhin ko?!" iritableng sagot nito sa gamma.
Tumayo na ito at hinarap ang mga omegang kanyang binili at nagbilin.
"Prepare all your things and i will wait outside this casa."
"Yes, boss." halos sabay nilang sagot dito.
Kababakasan ng tuwa ang mga mata nito nang malaman nila na walang sinuman sa kanila ang maiiwan.
Nagmamadali silang pumunta sa loob ng kanilang quarters para kunin na ang kanilang mga damit na nakahanda kanina pa.
Maya-maya lamang ay pumasok sa loob si Xyrix at isa-isang tiningnan ang dalahin ng mga ito.
"Alam ninyo ang patakaran kapag may umaalis dito, lahat ng gamit ay otomatikong iniinspeksiyon." anito
Isa-isang humilera ang mga ito sa tapat ni Xyrix at binuksan ang kanilang gamit.
"Okay, pwede na kayong lumabas ng casa. Huwag na kayong babalik dito."
At isa isang lumabas ang mga ito.
Isang Van na kulay puti ang naghihintay sa sampung omegang lumabas.
Sa likuran ng Van ay may isang itim na kotse ang nakaparada at lumabas ang laman nito. Walang iba kundi si Nyxus.
Lumapit ang 10 omega sa kanya at yumukod ang mga ito sa kanya.
"Maraming salamat. Mula ngayon ay malaya na kayo mula sa mga kamay ni Quillon." isa - isang tiningnan niya ang mga omegang nakatayo sa kanyang harapan.
"Maraming salamat Boss sa pagpapalaya sa amin." sabi ng isa sa mga omega.
"Hindi ako ang dapat ninyong pasalamatan kundi si Archad Demetre. Sumakay na kayo sa Van at ipapakilala ko muna kayo sa kanya at sa kanya kayo magpasalamat." utos niya sa mga ito.
Lingid sa kanilang kaalaman palihim na sinundan sila ni Gethro at narinig lahat ng kanilang pinag-usapan.
Halos kalahating oras ng baybayin nila ang mansion ni Archad, sa dulong bahagi ito ng Tierra Del Fuego.
Pagpasok nila sa gate, kapayapaan ang naramdaman ng mga omegang nakatanaw mula sa bintana ng sasakyan.
Huminto ito mismo sa tapat ng entrada ng Mansion at tanging dalawang delta lamang ang nakabantay roon.
"Nandito na tayo, humanda na kayo at magsipagbabaan." utos ni Nyxus
Agad namang bumaba ang mga ito at sumunod sa pagpasok na pinangungunahan ni Nyxus.
"Nyxus." bungad ng Lota na si Gabe
"Nasaan si Lord Archad?" tanong nito sa Lota.
"Nasa kanyang kwarto, Nyxus." sagot ni Gabe.
"Okay aakyatin ko muna saglit, ikaw na munang bahala sa kanila." bilin nito.
Pagtapat sa pintuan kumatok muna ito ng 3 beses bago niya binuksan ang pinto.
"Lord Archard, nandito na po ang mga omegang nanggaling sa Casa." pagbibigay alam nito sa kanya.
"Okay, susunod na ako sa baba." sagot nito habang nakadungaw sa kanyang bintana.
Pagbaba ni Nyxus ay agad niyang hinarap ang kasama na ngayon ay kasalukuyang umiinom ng juice.
Maya maya lamang bumababa na ng hagdan si Archad. Seryoso ang mukha nito habang papalapit ito sa kanila.
"My lord, sila po ang mga nabili mula sa Casa." pagpapakilala ni Nyxus.
Isa isang tiningnan ni Archad ang mga omegang nasa kanyang harapan.
Humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita.
"All of you are now free. You can start a new life outside his territory. Promise me one thing, hinding hindi ninyo na babalikan ang pinagmulan ninyo." anito sa kanila at aktong tatalikod na ito ng may magsalita.
"My Lord, maraming salamat sa pagtulong ng iyong ginawa para sa amin. Lahat kami ay wala nang pamilyang babalikan pa dahil na rin sa kagagawan ni Quillon. Sa paglabas po namin napagpasiyahan naming lahat... Kung hindi naman po kalabisan pero nais naming manilbihan po sa inyo." sabi ng isang omega na siyang pinakabata sa lahat.
Hindi sumagot si Archad bagkus nagpatuloy ito sa pagtalikod ngunit bago pa man humakbang ito papaakyat muli ng hagdan sinulyapan niya ang kanyang beta na si Nyxus. And he give him a smirk.
Sa ganoong gesture ay nagkaintindihan na sila ng kanyang beta.
Sa kabilang banda...
"Gethro!" tawag ni Quillon
"Kamahalan, napag alaman ko po na ang mga omegang nabili ay hindi gagamitin para maging tagapag-aliw. At sa dulong bahagi nito ng Tierra Del Fuego sila dadalhin." pagbabalita nito.
"Sa dulong bahagi na kung nasaan ang mansion ni Archad." ang humugot ito ng malalim na hininga at tiim bagang sumulyap kay Gethro.
"Kamahalan may ipag-uutos pa po ba kayo para makabalik na po ako sa mansion at magawa na po ang inyong ipinag-uutos." tanong nito.
"Nothing, you can go now."
Ilang minuto rin ang nakakalipas nanatili pa rin tahimik si Quillon na tila nahuhulog sa malalim na pag-iisip ng biglang may pumasok.
Bigla siyang napasinghap ng maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran.
"I missed you so much my Alpha." bulong nito sa kanya.
Napapikit siya ng mariin ng dahan-dahang umakyat ang mga kamay nito sa loob ng kanyang longsleeve. At may halong panggigil na hinimas ang kanyang tiyan pababa sa kanyang puson habang dinidilaan nito ang kanyang punong tainga.
"Hmm..." ungol nito ng dumako ang mga kamay nito sa loob ng kanyang slacks.
"I missed this monster inside me my alpha." buong pananabik na hinarap siya nito habang kagat labing nakatitig sa mga labi ni Quillon.
"Own me tonight my alpha just like before." sabay halik nito sa mga labi ni Quillon.
Sa una'y tila banayad lang ang mga halik ngunit ng si Quillon na ang tumugon naging mapusok na ito.
Tinulak niya sa ibabaw ng lamesa si Xyrix, ang gammang kanyang natagpuan sa bukana ng Tierra Del Fuego noong ito ay tao pa lamang 5 years ago.
Sa unang pagtatama pa lamang ng kanilang mga mata may kakaibang init siyang naramdaman para dito ngunit ang pagiging tao nito ang naging sagabal sa kanila noong una.
Sa kasabikan niya dito dahil sa tawag ng laman lahat ginawa niya para mahulog ang loob ni Xyrix sa kanya.
Hanggang isang araw, kusang ibinigay ni Xyrix ang kanyang sarili para kay Quillon at sa gabi ring iyon ay nangyari ang matagal na nais ni Quillon na maging Gamma si Xyrix.
Simula ng maging Gamma si Xyrix naging mainit ito at agresibo sa pakikipagtalik na na-eenjoy ng husto ni Quillon.
Kahit anong gawin ni Quillon sa kanya ay malaya niyang pinagbibigyan ito.
"Ahh, fuck me now Quillon. Fuck me!!!" anito sa alpha.
Sa unang pagkakataon tila tahimik ito at halos walang gana ang alpha sa pakikipagtalik gayong nasa kalagitnaan ito ng paghi-heat.
"Tell me, did you take your birth control pills?" habang nakapikit nitong tanong.
"Ahh yeah, i'll always do ahh." sagot nito "Faster Quillon, faster!"
"What did you say?" tila puputok na ang ugat nito sa noo ng marinig ang pagtawag sa kanya sa kanyang pangalan.
Binayo niya ito ng todo habang halos mabalian ng leeg ang gamma sa tindi ng pagkakasabunot ni Quillon sa kanyang buhok habang ang mga daliri nito ay halos bumaon sa puwetan ng gamma.
"Ahh please, my alpha make it faster. I'm cumming!" she beg.
Imbes tugunin ni Quillon ang pakiusap ni Xyrix, bigla niyang hininto ang paglabasmasok dito. At iniwan sa ganoong ayos ang gamma pagkatapos nitong ayusin ang sarili.
Natigalgal ang gamma sa ginawang iyon ni Quillon dahil sa unang pagkakataon tila may nagbago sa alpha.
Kuyom ang mga palad ni Xyrix na lumabas ng kwarto matapos nitong ayusin ang sarili at nagmamadali na lumabas patungong parking area.
Saktong pasakay na si Quillon ng mahawakan ni Xyrix ang kamay nito.
"What's wrong my alpha? All of a sudden nagbago ka? Eversince ako ang paborito mo and you never failed to satisfy me when it comes to sex. Who is he?!!!" sigaw nito kay Quillon
Pikong sinakal ni Quillon si Xyrix at galit itong nagsalita.
"Don't you dare yell at me again Xyrix, you're just my favorite toy not my mate!!! So don't ask as if i'm yours!" at walang pakundangan hinagis siya nito palayo sa kanya.
"Saktan mo man ako hinding-hindi ako makakapayag na maagaw ka ng iba sa akin, tandaan mo iyan. Sa akin pa rin ang bagsak mo at hindi ka makakatanggi!" sigaw ni Xyrix sa kanya.
Quillon smirk...