"FOLLOW them!" sigaw ni Gethro nang mabilis tumakas ang mga kalaban.
Mabilis naman niyang nilapitan si Alpha Quillon na walang malay na naka handusay sa lupa, una niyang ginawa ay siniguro muna niya na humihinga pa ito. Kinapa niya ang pulso nito sa leeg at nang maramdaman niyang humihinga pa ang kanyang alpha ay agad niya itong binuhat at isinakay sa sasakyan.
Bago pinaandar ni Gethro ang sasakyan ay tinawagan na muna niya ang mga salutary ng pack at binilinan na pumunta kaagad sa mansion. Maging ang lota ng mansion ay agad din niyang tinawagan para ihanda ang silid kung saan gagamutin ang kanilang alpha.
Mabilis na pinaandar ni Gethro ang sasakyan pabalik sa mansion. Nang makarating na sila sa mansion ay agad nakaabang ang mga salutary at nakahanda na kaagad ang stretcher.
"Bilisan ninyo! May tama si Alpha sa dibdib!" sigaw ni Gethro.
Agad namang kumilos ang mga salutary para alalayan palabas ng kotse si Quillon at maingat na inihiga sa stretcher pagkakuway ay ipinasok na ito sa mansion.
NAGPALAKAD-LAKAD sa loob ng kwarto si Arvic habang hindi pa rin makuhang kumalma ng kanyang puso. Pakiramdam talaga niya ay mayroong hindi magandang nangyayari.
Dinama niya ang kanyang dibdib habang agaw niya ang kanyang hininga. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit pakiramdam niya nasa panganib si Quillon?
Nakakailang paroot-parito ang ginawa niya bago kusang kumilos ang katawan niya, kinuha ang roba at agad na sinuot. Pakakuway ay tila may sariling pag-iisip ang mga paa niya na humakbang palabas ng kwarto.
Paglabas ni Arvic sa kanyang kwarto ay nadatnan niya si Gethro na kalalabas lamang ng master bedroom ni Quillon.
"Arvic, saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya na bahagyang natigilan.
Nakagat niya ang ibabang labi. "Ahm, balak ko kasing bumaba d-dahil kanina pa a-ako... kanina pa ako nagugutom. O-oo tama kanina pa ako nagugutom kaya hihingi sana ako ng makakain." pagsisinungaling niya kay Gethro.
Pagod itong nagbuga ng hangin. Bakas sa mukha nito ang matinding pagod. "You should go back to your room, Arvic. Padadalhan na lang kita ng makakain at maiinom mo." anito na ikinataka niya.
"S-si Quillon? Umalis ba siya kanina?" hindi niya maiwasang itanong.
"Kanina pa siya nagpapahinga sa kwarto niya. Kung ako saiyo bumalik ka na sa kwarto at huwag ng lumabas." anito na tumalikod na. Pero bakit pakiramdam niya hindi ito nagsasabi ng totoo?
Hindi pa ito tuluyang nakakalayo ay napansin niya ang bahid ng dugo sa suot nitong damit na agad siyang inatake ng kaba.
"B-bakit ganyan ang hitsura mo? B-bakit puno ng dugo ang katawan mo?" tanong niya na pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa.
"Wala ito, dugo lang ito ng isang hayop nang mangaso kami kanina." sagot nito na hindi siya magawang kumbinsihin.
Marahan siyang napapikit nang malanghap niya ang dugo mula sa katawan ni Gethro. Kilala niya ang amoy na 'yun, hindi siya pwedeng magkamali. Alam niya kung kaninong dugo iyon nagmula.
"Kung wala ka ng kailangan aalis na ak—"
"N-nagsisinungaling ka..." nanginginig ang boses na sabi niya.
"Arvic—"
"Where is he? I want to see him." giit niya. Ewan ba niya, pero hindi siya mapapanatag hanggat hindi niya ito nakikita at nasisigurong maayos ang lagay nito.
"Sinabi ko na sayo, nagpapahinga na si Alpha—"
"Sinungaling! Where is he?!" Arvic snapped.
Muling nagbuga ng hangin si Gethro. "He's in critical." pagod na pag-amin nito.
Doon lalong kumabog ang puso niya sa sinabi nito. "C-critical? Anong ibig mong sabihin?"
"May tama ng baril si Alpha sa kaliwang dibdib niya at kasalukuyan siyang ginagamot ng mga salutary." pagbibigay inpormasyon nito. "Mauna na ako." anito na humakbang na palayo.
Nakuyom niya ang kamao. Kaya ba ganito na lang ang sakit sa puso at kabang nararamdaman niya, dahil nasa panganib ang buhay ni Quillon? Pero bakit?
Hindi kaya... Mabilis siyang bumaling ng tingin kung nasaan ang master's bedroom ni Quillon.
Quillon is his mate?
ALOG sa balikat ang gumising kay Arvic. Mula sa pagkakasubsob ng ulo niya sa kanyang mga braso ay nag-angat siya ng tingin kay Gethro.
"Gethro." mabilis siyang tumayo at agad na nawala ang antok niya. "Kumusta si Quillon? Succesful ba ang operasyon? Nagising na ba siya?" sunod-sunod niyang tanong.
Napagdesisyunan kasi niya kanina na maghintay sa labas ng kwarto nito. Hindi kasi niya magawang huminahon at maghintay sa kwarto. Mas panatag siyang maghintay at magbantay sa labas ng kwarto ni Quillon.
"Successful ang operasyon, pero hindi pa siya nagigising. Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya mahihirapan siyang makabawi ng lakas." anito.
"P-pwede ko ba siyang makita kahit sandali?"
Marahan itong umiling. "Mabuti pang magpahinga ka na rin."
"P-pero..."
"Wala ka rin naman maitutulong. Isa pa hindi ikaw ang kailangan ni Alpha. Hindi ikaw ang mate niya." mariin itong sabi na nagpakirot sa puso niya.
"Gethro!" nabaling ang tingin nila kay Xyrix na agaw ang hininga na dumating.
"Where's Quillon?" rumehistro sa mukha nito ang buong pag-aalala para kay Quillon.
"He's inside." sagot ni Gethro.
Saglit siyang tiningnan ni Xyrix bago ito tumakbo papasok sa loob ng kwarto ni Quillon. Gusto niyang magwala dahil hinayaan itong makapasok ni Gethro at siya hindi.
"Bumalik ka na sa kwarto mo." utos sa kanya ni Gethro bago ito humakbang paalis.
Nanlulumong tinitigan niya ang pintuan ng kwarto ni Quillon bago siya humakbang pabalik sa kwarto niya.
ALAS-TRES ng madaling araw ay gising na gising pa ang diwa ni Arvic. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapalagay hanggat hindi niya nakikita si Quillon.
Nakaramdam na naman kasi siya ng pagkirot sa dibdib kaya hindi siya mapakali. Hinintay lang niyang makaalis si Xyrix bago siya pupuslit papunta sa kwarto ni Quillon.
Pinihit niya pabukas ang seradura at marahan na hinila pabukas ang pinto. Sinigurado niyang walang ingay na humakbang siya papunta sa kwarto ni Quillon. Mabilis siyang nagtago sa malaking vase nang mamataan niya ang dalawang delta na papunta sa gawi niya. Nang masigurong nakalayo na ang mga ito ay tsaka siya lumabas at pinagpatuloy ang pagpunta sa kwarto ni Quillon.
Maingat niyang pinihit pabukas ang seradura at walang ingay na pumasok sa kwarto nito pagkakuway ay kinandado niya 'yun.
Pagkaharap sa king size bed ay natigilan pa siya nang makita ang malubhang itsura ni Quillon. May swero sa kamay nito at may tubo ng oxygen na nakapasok sa bibig nito. Ang benda na nasa kaliwang dibdib nito ay may bahid ng dugo na siyang nagpapalambot sa kanyang katawan.
Higit ang hiningang humakbang siya palapit dito. Habang palapit siya ng palapit ay bumibigat din ang pakiramdam niya. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ito sa kamay. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito sa ganitong sitwasyon.
Naupo siya sa upuang katabi ng kama nito at pinagmasdan itong maigi. "W-what happened to you Quillon?" aniya na hindi mapigilang pumatak ang mga luha niya.
"I-idilat mo ang iyong mga mata, gumising ka dyan! H-hindi ako sanay na makita na ang isang matapang at walang pusong Quillon ay sa ganyan ko lamang makikita, nakaratay!" nanginginig ang mga labing anito sa lalaki.
Ilang segundo ang pinalipas ni Arvic upang papanatagin ang loob bago ito humugot ng malalim na hininga. "D-dapat akong magalit sayo, pero hindi ko magawa. D-dapat maging masaya ako dahil n-nahihirapan ka ngayon, pero mas nahihirapan akong m-makita kang ganyan. D-dapat galit ako eh. Pero hindi ko maintindihan s-sarili ko, ang sakit-sakit d-dito." sabi niya na tinuro ang dibdib niya.
Mapait siyang ngumiti kasabay ng paghaplos niya sa buhok nito. "Please get well soon... my mate."
Tumayo si Arvic at inilapit niya ang kanyang labi sa noo ng lalaki. Kinintalan niya ito ng halik kasabay ang pagtulo ng kanyang luha. "I'll be back soon, my alpha. I want you to come in my room to wake me up by your kiss, so please help yourself to gain your strength." muli'y tinitigan niya ang kahabaghabag na hitsura ng kanyang alpha bago niya itong tuluyang talikuran.
SA PAGSARA ng pintuan kasabay noon ang pagtulo ng luha na nanggaling sa mga mata ni Quillon.
"Arvic, my love, my mate."