Chereads / GPS Side Story V - Locked / Chapter 17 - Chapter 14

Chapter 17 - Chapter 14

STARING at Quillon's face while in his deep sleep was the memorable moment for Arvic. Caressing to his alpha's face like there's no tomorrow is something he can't exchange into anything in this world, priceless is the exact word.

"Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha mo na bakas ang kaligayahan na kahit kailan hindi ko pa nakikita. Sana lang magtuloy-tuloy na ang pagbabago mo." napabuntong hininga ito matapos niyang haplusin ang pisngi nito.

Muling bumalik sa alaala ni Arvic ang unang araw na nakita niya si Quillon. Mabagsik at nakakatakot ito na tipong sa konting pagkakamali mo lamang buhay mo ang kapalit. Naalala niya tuloy ang babaeng buntis na tumulong sa kanya sa dulong bahagi ng talon. Kahabag habag ang sinapit nito sa teritoryo ni Quillon dahil lamang sa lumagpas ito sa boundary ng walang paalam.

"Mapalad lamang ako dahil hindi ako napabilang sa kanila." aniya sa sarili habang nilalaro ni Arvic ang dulo ng buhok ni Quillon.

Nakaramdam ng pamimigat ng talukap si Arvic kaya ipinasya na lamang niya na humiga ng payakap kay Quillon hanggang sa gupuin na ito ng  antok.

ISANG KATOK ang nagpatayo kay Arvic upang buksan ang pinto. "Archard? What are you doing here?" bulong ni Arvic.

"You! Why are you here at Quillon's room. You are not supposed to be here Arvic, nililinlang ka lang ng kapatid ko." lumakas na ang boses nito na ikinabahala masyado ni Arvic.

"Shut your mouth Archard! Hintayin mo ako sa labas mag-uusap tayo." nagpupuyos ang damdaming utos niya sa lalaki.

Archard smirk before he left the room.

Dahan-dahang kinuha ni Arvic ang kanyang roba at sa huling pagkakataon banayad niyang hinalikan ang labi ni Quillon bago lumabas ng kwarto.

Maingat na naglakad si Arvic pababa upang puntahan si Quillon sa labas ng mansion. Maingat na binuksan niya ang malaking pinto upang hindi iyon lumikha ng anumang ingay.

"Anong ibig sabihin nito Archard? Alam mo ba ang nangyari sa kapatid mo? Muntikan ka ng mawalan ng kapatid!" gigil na aniya sa lalaki.

"He deserves that! Sa laki ng mga ginawa niya kulang pa ang buhay niya para pagbayaran niya ang nagawa niya sa mga nasasakupan niya." seryosong saad nito kay Arvic.

"Sumama ka na sa akin, ilalayo kita sa kanya." sabay hawak nito sa pisngi ni Arvic.

Galit na tinampal ni Arvic ang kamay nito. "Are you out of your mind?"

"Ikaw ang nawawala sa sarili. Hindi ka dapat nagpapalinlang sa kanya dahil katulad din siya ng ama niya na mapagtanim ng galit at mahilig na gumanti. Kung ayaw mong matulad sa magulang mo iwan mo siya!" sigaw niya kay Arvic.

"A-anong ibig mong sabihin? Diretsohin mo ako Archard!" naguguluhang tanong niya sa lalaki.

"Look eversince i've been true to you. Hindi ako katulad niya na sinungaling at manggagamit. Sa tingin mo mahal ka ni Quillon?" nang-uuyam na tanong niya kay Arvic.

Umiiling si Arvic na tila naguguluhan at isa isa nang lumalandas ang mga luha nito sa kanyang pisngi. "Sinisiraan mo lamang siya sa akin, look he marked me already. Isn't enough proof na mahal namin ang isa't isa?"

"Being marked is not enough para patunayan mo na mahal mo siya. Marking is just a step to owned you not to love you and respect. Tatanungin kita, gaano ba siya katapat saiyo? Nakakasiguro ka ba na wala siyang itinatago saiyo? Bakit hindi ka niya ipinapatay nang ma-recognize ka niya? Pagmamahal nga ba o panlilinlang?" nakangising tanong nito kay Arvic bago niya ito tuluyang talikuran.

"Archard! We're not yet finish!" nagpupuyos ang damdaming awat nito sa lalaki.

"Bakit hindi mo tanungin sa kanya kung ano ang dahilan ng pagkasunog ng mga magulang mo? Or it's better to ask, sino nga ba ang sumunog ng bahay ninyo na ikinamatay ng magulang mo?" sumeryoso ang mukha nito bago ito lumapit kay Arvic.

"No, sinisabi mo lamang iyan para mabuhay muli ang galit ko sa kapatid mo!" iiling-iling na umatras ito palayo kay Archard.

"Arvic, gumising ka nga! Hindi ka mahal ni Quillon! Kung mahal ka niya sasabihin niya saiyo na ang ama namin ang nagpasunog sa bahay ninyo upang mamatay ang magulang mo. At si Quillon ang nautusan ng ama namin na sunugin ang bahay ninyo. Ngayon papaano mo mamahalin ang isang taong sa kamay niya mismo namatay ang magulang mo?" hawak hawak nito ang kanyang balikat habang pinipilit ni Arvic na makaalis.

"No, no! "sigaw ni Arvic.

"Archard, you son of a bitch! " isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Quillon sa mukha ng kapatid at mabilis na kinubabawan niya ito ng bumagsak ang kapatid  sa lupa.

Halos durugin ni Quillon sa suntok ang mukha ni Archard sa sobrang galit.

SAMANTALA si Arvic naman ay nagtatakbo ng mabilis na tila hindi alam kung saan patutungo. Ang alam niya lang sa mga sandaling ito ay lumayo sa lalaking natutunan na niyang mahalin ng lubos.

Habang tumatakbo walang patid ang pagpunas ni Arvic sa kanyang mga luha. "Bakit mo nagawa sa akin ito Quillon? Bakit ninyo nagawang patayin ang walang kalaban laban kong mga magulang? Bakit?"

Hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya na nagpahinto sa kanyang pagtakbo. Iniharang ni Arvic ang kanyang mga kamay upang maprotektahan ang kanyang paningin sa ilaw.

Bumaba ang lulan ng sasakyan at habang papalapit ito ay doon niya lamang napagsino.

"Quillon." kuyom ang mga kamaong nasambit niya ang pangalan ng lalaki.

UMATRAS si Arvic at pilit na inilalayo ang sarili kay Quillon. "Don't come near me!" pumatak ang luhang kanina pa pinipigilan ni Arvic.

"Arvic, please don't do this to me. Kung anuman ang sinabi ng kapatid ko na ikinaganyan mo magpapaliwanag ako." pagmamakaawa ni Quillon sa kanya.

"No! Leave me alone! Kahit anong sabihin mo hinding-hindi na ako maniniwala saiyo! Quillon all my life i was hurt and being judged by the people who surrounds me. Naniwala ako na may lalaking nakatadhana para sa akin, akala ko ikaw iyon, nagkamali pala ako!" isang hakbang paatras ay katapusan na ni Arvic ngunit hindi niya iyon inalintana.

"Please, my love huwag kang gagalaw!" pagmamakaawa niya sa kanyang mahal. Walang pagsidlan ang takot na rumehistro sa mukha ni Quillon nang makita niyang isang hakbang na lamang ay maaari nang mawala ng tuluyan sa kanya ang mahal. Nasa dulo na sila na ang gilid niyon ay malalim na bangin.

"Tell me Quillon sobrang sama ko ba para mangyari sa akin ito? Anong ginawa ko sa inyo para pahirapan ninyo ako ng ganito! Anong ginawa ng magulang ko sa inyo ng ama mo? Mga wala kayong puso!" galit na tanong sa kanya ni Arvic.

"Please, Arvic let's go home." pagmamakaawa niya rito.

"Hayaan mo na ako, kahit man lang sa ganitong paraan matapos na ang kalbaryo ko." sunud-sunod na patak ang dumaloy sa pisngi ni Arvic, bakas na bakas sa kanyang mukha ang sobrang sakit.

"Arvic, please... Wala na ba akong halaga saiyo? Wala ka na bang pagmamahal para sa akin?" mga katanungan na sumasaksak ng husto sa puso ni Quillon dahil ramdam niya kung ano ang kasagutan.

"Tell me, papaano ko mamahalin ang bunga ng isang lalaking nagpasunog, pumatay sa magulang ko at bumaboy sa pagkatao ko? Papaano pa kita mamahalin kung ayaw maalis sa isipan ko na ang ama mo ang sumira ng buhay ko? Papaano kita mamahalin kung sa mga kamay mo namatay ang mga magulang ko. Paano?!!!" nanginginig na tanong niya kay Quillon.

"Patayin mo na lang ako Arvic. Hindi ko makakaya na mawala ka dahil katumbas noon ay unti-unti kong pagkamatay." lumuhod ito at nagmakaawa.

"Too late Quillon, it's over." kasabay noon ang isang hakbang patungong kamatayan ni Arvic. Sa isang kisapmata ay tuluyan ng nahulog si Arvic sa malalim na bangin na kahit munting hayop ay hindi makakaligtas dito.

"Noooo!" sigaw ni Quillon na bumasag sa kailaliman ng gabi. "Arvic!!!!!"

"Quillon!" isang sampal ang nagpagising kay Quillon. "Hey, wake up! You're dreaming." gising sa kanya ni Arvic.

NAGISING mula sa pagkakabangungot si Quillon at tila binabawi nito ang katinuan ng kanyang isip bago ito sumulyap kay Arvic. "You're alive!"

"Of course i'm alive my alpha, ano ba ang napanaginipan mo at umuungol ka at tinawag ang aking pangalan sa bandang huli?" nag-aalalang tanong ni Arvic sa kanya.

"It's not considered as a bad dream kundi babala para sa akin bilang alpha. Mangyari man ito sa darating na panahon tiyak na ikakamatay ko." humihingal na saad nito.

"Archard bakit ka ba talaga bumalik?"

"Enough, mas mainam na matulog ka na lang ulit. Huwag mo ng isipin ang napanaginipan mo." aniya kay Quillon at pagkatapos niyakap niya ito.

"I also had a bad dream Quillon pero mas nanaig ang takot ko ng makita kitang umuungol." mahinang turan niya sa lalaki.

"Huh? A-anong napanaginipan mo?" kinakabahang tanong ni Quillon kay Arvic.

"Sa umpisa, it's a blurry vision. May nasusunog na bahay at may naririnig akong humihingi ng saklolo. Nang tunguhin ko ang pinto may nakita akong binatilyo na nakatayo sa tapat ng pinto, nakangisi ito at pinagmamasdan ang unti-unting pagkatupok ng bahay. Pamilyar ang mukha niya sa akin ngunit hindi ko na binigyang pansin sa panaginip kong iyon dahil nagtangka na akong pasukin ang loob ng bahay ngunit hinila ako ng binatilyo na iyon at inilayo sa lugar. Ang hawak niya, ang pagkakayapos niya sa aking katawan ay pamilyar masyado sa akin hanggang sa---"tumingin siya ng malalim kay Quillon at tila pinipilit ang sariling I-analyze ang lahat ng nangyayari.

"Hanggang sa... Nagising ako pagkatapos niya akong halikan ng madiin." napayuko si Arvic pagkatapos.

"Hmm, it seems that we are connected simula ng markahan kita." hinila niya ang braso ng omega at niyakap niya ito.

"Arvic, promise me one thing." biglang kumalas sa pagkakayakap si Arvic kay Quillon at tumingin siya ng diretso dito.

"What?" tanong ni Arvic kay Quillon.

"No matter what happen, hindi natin hahayaang manipulahin tayo ng ibang tao."

"Tayo? Ang isang alphang katulad mo na kinakatakutan ng lahat maninipula ng iba?" nagtatakang tanong niya kay Quillon.

"Please promise me, na hindi mo hahayaan na manipulahin ka ng iba at basta basta na lamang maniniwala. Alam mo ang kinalakhan ko Arvic gaya ng sabi mo kinatatakutan ako pero simula ng gabing napasabak ako sa engkwentro at mabaril, i. Know... Malaki ang nagbago sa pagkatao ko. Lahat ng nangyayari at nararamdaman ko ay bago sa akin."

Nangingilid ang luhang nakatingin lamang si Arvic kay Quillon.

"I-i know Quillon, ramdam ko ang pagbabago dyan sa puso mo. Napupuno ito ng pagmamahal at pagkatakot." nakaturo ang daliri niya sa puso ni Quillon. "Kung may maitutulong lamang ako."

"Mayroon, malaki Arvic. Pagmamahal mo lamang at pagtitiwala ang kailangan ko para makapagbago ng tuluyan. Huwag mo sana akong iiwan my love, hindi ko kakayanin kahit isang araw lang na masaktan kapag nawala ka." sabay yakap nito ng mahigpit sa kanyang omega.

"Arvic, natatakot ako ngayon ng sobra. Hindi ko alam ang gagawin kung matutuklasan mo ang totoo. Natitiyak kong iyon na ang katapusan ko."