Chereads / GPS Side Story V - Locked / Chapter 10 - Chapter 7

Chapter 10 - Chapter 7

Pagdating ni Quillon sa kanyang mansion, kaagad siyang dumiretso sa kanyang kwarto pero ang kanyang inaasahan na daratnan ay wala doon.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Gethro.

"Gethro, find Arvic right now and bring him to me."

"Masusunod po Kamahalan" sagot nito sa kabilang linya.

Halos mag-iisang oras nang naghihintay si Quillon ngunit walang Arvic ang pumapasok sa kanyang silid.

Lumabas ito at nagpunta sa Agony room ngunit wala ito rito. Maging ang mga kasama niya sa mansion ay natanong na niya ngunit iisa ang kanilang sagot.

Hindi na mapakali si Quillon hanggang sa biglang may pumasok sa kanyang isipan.

Dali dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Archad, where is Arvic?" tanong agad niya sa kapatid.

"Wow, my twin brother is now changing." tumawa ito ng pagak sa kabilang linya.

"I don't have enough time para makipaglokohan saiyo." iritableng sagot niya.

"So now tell me, bakit mo hinahanap si Arvic?" seryoso na niyang tanong kay Quillon

"Don't answer me with a question! Where is he?" sigaw niya kay Archad.

"Hmm, honestly i don't want to tell where is he. Give him some fresh air. Actually, i'm giving you a big favor. Kung ikukulong mo lang siya sa mansion mo maaga siyang mamamatay at hindi mo mapapakinabangan." tila may himig  sarkastikong salita para sa kapatid.

"Huwag mo akong pilitin na gawin ang isang bagay na ayaw mong mangyari Archad dahil alam mo kung ano ang kaya kong gawin!" banta niya sa kapatid.

"I'm not scared. Actually he seems happy the last time i saw his face 1 hour ago. Mag-iingat ka rin dahil kabaligtaran ng ginagawa mo ang kaya kong gawin." banta rin nito kay Quillon.

"Sa gagawin ko sisiguraduhin ko na nananaisin mo nang bumalik sa Italy kung saan ka nanggaling." seryosong sagot ni Quillon.

"Tierra Del Fuego is my home." seryosong sagot nito sa kabilang linya.

"Really, let us see!"

Quillon pressed the end call button and take a deep breathe bago nito hinagis ang phone sa ibabaw ng kama.

Sa kabilang banda.

Sa bukana ng Tierra Del Fuego kung saan matatagpuan ang falls na naghihiwalay sa Tierra De Lobo.

"Pagabi na marahil ay pwede na akong lumabas dito gaya ng sinabi ni Archad sa akin." bulong ni Arvic.

Inilapag niya ang pagkaing kanyang hawak sa basket na kanyang dala at maayos niya itong inilagay sa gilid ng tent na kanilang itinayo kasama ng beta ni Archad upang magsilbing kanlungan niya habang naghihintay ng oras na pwede na siyang umalis.

Naglakad siya ng maingat at palinga-linga sa paligid upang masiguro na walang makakakita sa kanya. Sa ganitong oras ang mga tao ay abala na sa kanilang mga illegal na gawain sa loob ng Tierra Del Fuego at wala ni isang taga Del Fuego ang gumagawi na rito pwera na lang kung may intruder na magagawi o magmamanman.

Sa likod ng waterfall ay tila may malalaking bato na maaaring gawing upuan o pahingahan.

Lumapit si Arvic sa bumabagsak na tubig at dinama ito ng kanyang kamay.

"Ang sarap sa pakiramdam ng malaya kahit ito ay panandalian lamang. Salamat kay Archad na tumulong sa akin upang makalabas ng mansion." anito sa sarili.

Umupo ito saglit at napayuko.

"Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, mula sa Casa na aking pinanggalingan hanggang sa makilala si Maximus ay hindi biro. Nawala ako sa direksiyon sa buhay. At ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga ang kasasapitan ko sa piling ni Quillon. Diyos ko, sa una pong pagkakataon. Gaya po ng normal na mga tao, ako po ay magbabakasakali na lalapit sa inyo upang hingin ang inyong patawad at nagmamakaawa na gabayan ninyo ako sa landas na aking tinahak." lumandas ang masaganang luha sa kanyang pisngi at hindi napigilan na yakapin ang sarili.

"Kayo na lamang po ang pwede ko ngayon sandigan. Pagod na po ang aking katawan. Maging ang aking pag-iisip at puso ay pagal na rin." kasunod noon ay tahimik siyang tumangis.

Kasabay ng rumaragasang tubig na nanggagaling sa itaas ay ibinuhos na rin lahat ni Arvic ang kanyang nararamdaman hanggang sa makaramdam na siya ng kagaanan ng loob.

Tumayo ito at tinanggal ang kanyang suot, kahit isa ay wala siyang itinira at nagpasyang tumalon mula sa kanyang kinatatayuan pababa ng talon.

Pagbagsak sa tubig na hanggang dibdib ang lalim umahon ito at tinanaw ang liwanag ng buwan na siyang nagsisilbing ilaw nito sa gabi.

Ilang minuto rin siyang napatitig rito at tila may larawan siyang nakikita mula roon. Mukha ni Maximus ang kanyang nakikita. Muli, mariing ipinikit ni Arvic ang kanyang mga mata at pilit na iwinawaksi sa kanyang isipan ang imahe ni Maximus.

"Pinapatawad na kita Max. Kaya hangad ko na tuluyan mo ng makita ang kaligayahang inaasam mo noon pa man." humugot ito ng isang malalim na paghinga at nagpasyang sumisid muli.

Lingid sa kanyang kaalaman may isang bulto ang  nakamasid sa kanya kanina pa.

"Kamahalan, natagpuan ko na po si Arvic. Nandito po siya ngayon sa Falls at kasalukuyang naglulunoy sa paglangoy. Tila siya lamang ang nandito at wala akong nakikitang bakas na siya ay may kasama." pagbibigay inpormasyon sa kanyang Alpha na si Quillon.

"Alright, i will be there in a minute. Huwag mong hahayaan na makita ka niya na siyang maging dahilan para  makagawa ng maling hakbang." bilin nito sa kanyang beta na si Gethro.

Binaba ni Quillon ang kanyang cellphone.

"Arvic..." bulong nito.

Maya maya lamang dala na ni Quillon ang ipinahanda niyang gamit sa kanyang Lota at inihagis ang mga iyon sa backseat ng kanyang sasakyan at pumasok na sa loob nito.

Bago paandarin ang sasakyan muli niyang kinuha  ang kanyang cellphone at tinawagang muli si Gethro.

"Gethro i'm on my way na what is he doing right now? Okay keep your eyes on him." at tuluyan ng pinaandar ni Quillon ang kanyang sasakyan.

10 minutes later inihinto na ni Quillon ang sasakyan at ibinigay sa deltang kasama ni Gethro ang susi ng sasakyan. Napagpasiyahan niyang lakarin na lamang patungong talon at nang hindi makalikha na anumang ingay na makakabulabog sa payapang gabi ni Arvic.

Sa kanyang paglalakad rinig na ni Quillon ang ingay ng rumaragasang tubig sa talon. Tanaw na niya si Gethro na palinga linga sa paligid sa tabi ng tent.

"Kamahalan." yukod nito.

Pinagmasdan ni Quillon ang paligid. Maging ang tent at loob nito ay kanya ring tiningnan.

"Maaari ka nang umalis Gethro at hintayin mo na lamang ako sa loob ng sasakyan." utos nito sa kanyang beta.

"Masusunod po kamahalan." naglakad na ito palayo.

Samantala si Quillon naman ay inilapag niya ang kanyang dala sa loob ng tent.

Nang makita niya na umahon si Arvic mula sa pagsisid. Nakaramdam ito ng kakaiba. Muli ay nakaramdam siyang pag-iinit sa kanyang katawan lalo na't nang makita niya ang kalahating katawan nito na naiilawan ng liwanag mula sa buwan.

Hinubad ni Quillon ang kanyang damit maging ang saplot ng kanyang mga paa.

Maingat siyang naglakad at ginamit ang kakayahan niyang upang agad siyang makarating malapit sa tubig ng hindi kariringgan ng anumang ingay.

Pag-apak niya sa tubig nakita niyang gumawi si Arvic sa tubig na nanggagaling sa itaas at dooy malaya sinasalo ng kanyang mukha ang tubig. Tila nae-enjoy nito ang tubig na bumabagsak sa kanyang katawan.

Halos isang metro na lamang ang layo ni Quillon kay Arvic ng magpakawala ito ng pheromone sapat upang mawalan ng lakas ito na makalayo kaagad sa kanya.

Isang dangkal na lamang ang layo niya kay Arvic ng makaramdam ito ng kakaiba. Paglingon nito mukha ni Quillon ang kanyang nakikita.

Ang mga mata ni Quillon na nagbabago ang kulay sa mga sandaling iyon ang kanyang unang napansin.

"Kamahalan" he whisper. Tila binayo ang kanyang dibdib ng makita niya ang kabuoan ng mukha ni Quillon .

"At last i found you." sa labi ni Arvic ito nakatingin.

"You don't know what your doing Arvic, ang pagsuway sa aking inuutos ay kalapastangan sa akin because of this you need to be punish." tila pigil ang hiningang sabi nito sa lalaki.

Sa isang iglap, napasinghap si Arvic ng tabigin ni Quillon ito at hinalikan ang kanyang mga labi.

Mapusok at mapaghanap ang mga labing kanyang naramdaman mula kay Quillon at mas lalo pa nitong idinikit ang katawan nito sa kanya ng lumalim ang halik nito.

Ayaw man ni Arvic na tugunin ang halik tila may humihila sa kanya upang balewalain ang dinidikta ng kanyang isip.

"Huwag kang magkakamali Arvic na mahulog sa patibong ni Quillon. Matuto ka na sa nagdaan." aniya sa kanyang sarili na naging dahilan upang mailayo niya ang kanyang labi kay Quillon.

"What the hell are you doing?" mahina ngunit may gigil na tanong nito kay Arvic.

Samantala nanatili lamang na nakapilig ang mukha ni Arvic at iniiwasan ang tingin ng alpha.

Pinilit ni Quillon na iharap ang mukha ni Arvic sa kanya ngunit tila nagmatigas ito sa kanya.

"Kiss me back Arvic." tila nagbago ang tono ng pananalita ni Quillon sa kanya.

Pagbabago na mas lalong nagpakaba sa puso ni Arvic.

"No, huwag kang bibigay Arvic!" anito sa sarili.

"Kiss me as you own me." bulong ni Quillon kay Arvic.

Ngunit wala pa ring katinag tinag ang lalaki halos ayaw ni Arvic na ikilos ang kanyang katawan.

Tila nauubos na ang pasensya ni Quillon kaya muli itong nagsalita.

"Ano ang pinagkaiba namin ni Maximus kung kaya't ayaw mong tugunin ang halik ko?" tila kidlat na gumuhit sa puso ni Arvic nang marinig niya ang tinig ni Quillon.

Tinig na nagpapahiwatig ng kapahamakan para kay Arvic.

"Mahal ko siya Quillon." kusang lumabas sa bibig ni Arvic ang katagang iyon.

Pagsisihan man niya tila huli na nang makita niyang nagbago ang kulay ng mata ni Quillon.

"Quillon."

Napaatras siya ng makita niya ang galit sa mga mata nito.

"Maximus never loved you... He used you just to forget Aaric na sinamantala mo naman Arvic." papalapit ng papalapit ito sa kanya.

Sa kaatras ni Arvic humanggana na ito dulong bahagi ng talon.

"Ano sa palagay mo kung bakit binuhay ka pa nila at hinayaang makatakas huh? Dahil alam ni Aaric na sa akin ka babagsak!!!" nagngangalit ang mga ngipin nitong turan kay Arvic.

"Alam nila na wala akong puso Arvic! Wala!" biglang hinawakan ni Quillon ang batok ni Arvic at inilapit niya ang mukha nito sa kanya sabay bulong ng...

"Anuman ang mangyari saiyo ngayon, mamatay ka man o hindi ay wala na silang pakialam saiyo lalo na ang pinakamamahal mong Maximus."

Muli'y naramdaman ni Arvic ang kirot sa puso nito ng sabihin iyon ni Quillon sa kanya.

"Gayunpaman, hindi man ako minahal ni Maximus gaya ng sinasabi mo pero never, never niya akong sinaktan gaya ng ginagawa mo sa akin Quillon!" galit niyang sagot kay Quillon.

"Tumigil ka!!!" utos ni Quillon

"Kahit patayin mo ako o babuyin. Makuha mo man ang katawan ko at pagsawaan kahit kailan hindi mo makukuha ang loob ko dahil para sa akin ang katulad ninyong walang puso walang karapatan na mahalin!!!" galit na dagdag pa nito kay Quillon.

"I said stop it!!!" sabay sampal ng malakas ang pinakawalan ni Quillon para kay Arvic.

Hinawakan ni Arvic ang pisnging nasaktan at pagtingin niya sa kanyang kamay ay may dugo siyang nakita na senyales na pumutok ang labi ni Arvic sa pagkakasampal nito.

"I hate you!"

Tinulak niya ng ubod lakas si Quillon ngunit sadya talagang malakas ang alpha at hindi man lang napaatras o nabaling man lang kahit kaunti.

Agad nahawakan ni Quillon ang balikat ni Arvic at malakas na sinalya ito sa malapad na bato at doon ay marahas na pinaghahalikan ni Quillon si Arvic.

Nagpupumiglas ito ngunit ng muling magpakawala ng pheromones si Quillon nagawa ni Quillon ang nais niya kay Arvic.

"Always remember this Arvic kapag nasa aking territory walang sinuman ang pwedeng kumalaban sa akin dahil oras na naging sakit ng ulo ko pinadidispatya ko ito." anito kay Arvic na ngayon ay tila nanghihina na dahil sa pheromones.

"Kung gayon, patayin mo na lamang ako!" sagot niya kay Quillon.

"Nagmamatigas ka talaga huh? Gusto mo talaga akong subukan?!" kasunod nooy malakas na suntok sa sikmura ang ibinigay niya kay Arvic na naging dahilan upang manlupaypay ito.

Nang matumba si Arvic ay agad namang binuhat ito ni Quillon at naglakad ito patungong tent.

Pagpasok sa tent ay agad naman hiniga ni Quillon si Arvic at pinunasan ng tuwalya ang buo nitong katawan. Mula sa dala ni Quillon na bag naglabas ito ng damit na maisusuot ni Arvic at isinuot ito sa lalaki.

"I told you Arvic walang magagawa ang pagmamatigas mo sa akin." sabi nito habang pinagmamasdan lamang niya ang mukha ni Arvic na ngayon ay nakabaling sa gilid na tila ayaw siyang tingnan.

Kasunod noon ay si Quillon naman ang nagbihis at kinuha ang kanyang cellphone sa kanyang pocket at agad namang tinawagan si Gethro.

"Gethro dalhin mo rito ang kotse ngayon din." utos ni Quillon.

"Masusunod po kamahalan." sagot sa kabilang linya.

Maya maya lamang ay dumating na si Gethro dala ang sasakyan ni Quillon. Agad naman itong bumaba at nilapitan ni Gethro ang kanyang alpha.

"Kunin mo ang lahat ng kagamitan at isakay sa isang kotse. Ako na ang bahalang magmaneho ng kotse ko at iuuwi ko na si Arvic sa mansion."

"Masusunod po Kamahalan."

Agad naman binuhat ni Quillon si Arvic at isinakay sa kanyang kotse. Pagkaraa'y agad naman itong sumakay na at umalis sa lugar.

Pagdating sa Mansion, agad namang inalalayan ni Quillon si Arvic patungo sa kwarto ni Quillon.

"Kung magiging masunurin ka lamang hindi ka masasaktan ng ganito Arvic." anito bago pumasok sa loob ng bathroom.

Paglabas ay nakaligo na ito at nakapantulog na si Quillon. Tanging boxer shorts at plain white t-shirt lamang ang suot nito.

Tumabi ito kay Arvic na kasalukuyan itong nakaupo at tila nanghihina pa rin.

Matapos na matitigan ang mukha ni Arvic. Tinanggal na ni Quillon ang pheromones na pinakawalan niya kanina.

"Matulog ka na, simula bukas isasama na kita sa bawat lakad ko." utos nito kay Arvic bago niya tabigin ito pahiga sa kanyang tabi.

Gulat at pagtataka ang rumehistro sa mukha ni Arvic nang tingnan niya ang alpha na ngayon ay nakapikit.

"Huwag kang magtaka naniniguro lamang ako na hindi ka na makakatakas sa aking paningin." sabay sulyap nito kay Arvic na ngayo'y nakatunghay sa kanyang mukha.