Nagtatakbo si Arvic na halos ayaw niyang huminto. Wala siyang gustong gawin kundi ang tumakbo ng tumakbo palayo sa lugar na matagal na niyang gustong kalimutan.
Hindi siya makapaniwala at ayaw niyang tanggapin na mayroong koneksyon si Quillon sa Casa De Omega na siyang nagpabago sa kanya.
Pero ang kutob o hinala niya kanina ay tila tama, lalo pa nang makita niya si Xyrix kasama si Quillon. Hindi niya lubos akalain na magkakilala ang dalawa.
Bakit doon sila nagpunta?
Bakit magkasama sina Quillon at Xyrix na tila matagal na silang magkakilala?
Ano ba ang koneksyon ni Quillon sa lugar na 'yun? Sino ba talaga ito?
Mga katanungan na hindi niya mabigyan ng kasagutan, na tanging ang alphang si Quillon lamang ang makakasagot ng mga ito.
Mariin niyang kinuyom ang kamao.
"Hindi... Hindi ako handa... Hindi ko kakayaning tanggapin ang katotohanang unti-unting sumasampal sa akin!" aniya sa hangin.
"Arvic." tinig ni Quillon na nagpatigil sa kanyang pagtakbo.
Taas-baba ang dibdib na nilingon niya ito.
Bumaba si Quillon sa kanyang sasakyan at hinarap si Arvic.
"S-sino ka ba talaga? B-bakit mo ako dinala sa Casa De Omega? A-at anong koneksyon mo sa lugar na 'yun?" sunud-sunod na mga katanungang pumapatay sa puso ni Arvic sa mga oras na iyon.
Ang mga luha niya ay kusang lumandas pababa sa kanyang pisngi.
Nakita ni Arvic ang paggalaw ng panga ni Quillon. "Arvic, baka nakakalimutan mo kung sino at ano ka dito sa teritoryo ko." mariin nitong sabi.
Ngunit sa kabila ng matigas na salita na naririnig mula kay Quillon ay kabaligtaran naman ang nakikita sa mga mata nito.
Sakit...
Panibugho...
Pagsisisi...
Mapait na tumawa ng pagak si Arvic.
"Oo nga pala, pasensya ka na. Nakalimutan ko na isa lamang pala akong alipin at laruan sa paningin mo. Kaya wala akong karapatan na magtanong sa iyo." aniya na sunud-sunod pa rin ang pagpatak ng mga luha niya.
Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Si Quillon ay tila naumid ang dila ng makita niya ang paghihirap ng kalooban ni Arvic.
Mariing ipinikit ni Quillon ang kanyang mga mata at muling ipinaalala sa kanyang sarili kung sino si Arvic sa buhay niya.
Sa muling pagmulat ng mga mata ni Quillon ay nasa kanya pa rin ang mga mata ni Arvic na puno pa rin ng kalungkutan.
Nabasag lang ang katahimikan sa pagitan nila nang biglang dumating si Xyrix. Sumunod pala ito sa kanila.
Humakbang ito palapit kay Arvic at tipid itong ngumiti sa omega.
"Ang laki ng pinagbago mo, Arvic. Hindi ka na katulad ng dati na—"
"Tell me, Xyrix. Ano ang koneksyon mo kay Quillon?" putol ni Arvic sa iba pang sasabihin ng gamma.
Sumilay ang pagkamangha sa mukha ni Xyrix.
"Wow! You just called him by his name? Siya ang anak ng dating may-ari ng Casa De Omega na si Alpha Bracken, siya ang nagmana ng—"
"Enough!" Sigaw ni Quillon na siyang pumutol sa muling pagsasalita ni Xyrix.
Mapait na tumawa si Arvic.
"Wow! Just wow!" anito na may pandidiring umiling. "Now it's clear. Siya ang anak ng Alpha na sumira sa buhay ko. At ikaw." tinuro siya nito.
"Ikaw ang nagmana sa trono ng walang hiyang 'yun? Malinaw na sakin ang lahat. Mula sa ama, sa anak rin pala ang bagsak ko." May pait sa bawat salitang binitawan ni Arvic.
"I said enough!" muling sigaw ni Quillon. Kinuyom niya ang kamao para pigilan ang nararamdamang galit para kay Arvic.
Tumaas ang sulok ng labi ni Arvic na tila 'yun nangunguyam.
"Huwag kang mag-alala, kamahalan. Simula ngayon wala ka ng maririnig na kahit anong salita na makapagpapainit ng iyong ulo." yumukod si Arvic at isang tingin ang binigay nito sa kanya bago siya nito talikuran.
"Arvic, come back here!" tawag niya rito.
"Fuck!" Aniya na akma itong susundan nang pigilan siya ni Xyrix sa braso.
"Let him go, Quillon! Bakit ba apektado ka sa omegang 'yun?" iritableng tanong nito sa kanya.
Matalim niya itong binalingan ng tingin. "Shut the fuck up! It's none of your fucking business!" aniya na galit na binawi ang braso mula rito.
Nagmamadali itong bumalik sa kanyang sasakyan at paharurot na pinaandar iyon patungo sa daan na tinahak ni Arvic
Hininto ni Quillon ang sasakyan ng iharang niya ito kay Arvic.
Huminto si Arvic sa paglalakad ng makita niyang lumabas si Quillon at diretso ang mga matang nakatitig ito at papalapit sa kanya.
Hinablot nito ang braso ni Arvic at hinila ito palalapit sa sasakyan. "Get in the car! We will go back to Casa De Omega. There is no room for your dramas!" utos niya kay Arvic.
Walang kibong sumunod ito kay Quillon at sumakay na sa kotse.
Habang nasa daan sila. Hindi maiwasan na hindi tingnan ni Quillon si Arvic habang himas nito ang brasong nasaktan kanina nang hilahin siya ng alpha.
Biglang hininto ni Quillon ang kotse at sinuntok ang manibela.
"Fuck!"
Ngunit si Arvic naman ay tila hindi nabakasan ng anumang pagkagulat. Patuloy pa rin ito sa paghilot sa kanyang braso.
Kinuha ni Quillon ang kanyang cellphone at tinipa nito ang numero ni Gethro.
"Gethro, ikaw na ang bahala sa bagong pasok na mga omega. Sa mansion na ang tuloy namin." at in-end na niya ang call kay Gethro.
Pagkababa pa lang ng sasakyan dire-diretso si Arvic sa pagpasok sa loob ng mansion.
Sa dining area siya tumuloy.
Kumuha ito ng maliit na towel at tinungo ang ref. Kumuha siya ng ilang icecube at inilagay iyon sa maliit na lalagyan. Saka ito diretsong umakyat patungo sa Agony room kung saan may sarili siyang room sa loob doon.
Nagmamadali na sinundan ni Quillon si Arvic ngunit tila ginamit nito ang kakayahan para biglang maglaho at matagpuang nasa itaas na ito papasok ng Agony.
Huminto si Quillon sa kanyang paglalakad at galit na pinagsisipa ang mga bagay na malapit sa kanya.
"Fuck, Arvic!" sabay sapo nito sa kanyang dibdib. "Bakit ganito ang epekto mo sa akin? Haahh ang sakit!" napaluhod siya sa sahig.
Isang palakpak ang kanyang narinig upang mapatingala si Quillon.
"Isang walang puso ang nakakaramdam na ngayon ng sakit." ani ni Archard sa kapatid na ngayon ay nakapwesto sa tapat ng pintuan ni Arvic.
"Archard"
"Mukhang ikaw nga ang susunod sa yapak ng ating ama. Nabaliw ng dahil sa isang omega." patuyang saad niya sa kapatid.
"Tumigil ka!" at biglang nagbago ang kulay ng mata ni Quillon sa sobrang galit na tila nais lumabas ang inner wolf nito.
"Nahihirapan ka na ba sa mga pinakikita ni Arvic saiyo? Nasaan ang pagiging malupit mo? Tsk, tsk!" sabay ngisi nito.
"Huwag mo akong sagarin Archard!"
"Whoa! Dapat na ba akong matakot saiyo? Ngayon pa lang nagkakaganyan ka na? Alam na ba ni Arvic na ang ama mo ang siyang sumunog sa bahay nila kasama ang magulang?" lumuhod ito upang magpantay ang kanilang paningin.
Sa isang iglap biglang sinunggaban ni Quillon ang kapatid at pinagsusuntok ang mukha nito.
"Don't dare to tell that again or else i will kill you!" nagpupuyos sa galit na binitawan niya si Archard .
Tinalikuran niya ang kapatid at diretso itong nagtungo sa sarili niyang silid.
At dooy hindi mapakali si Quillon.
Maging sa kanyang sarili ay hindi rin niya maintindihan kung bakit nawawala siya sa sarili sa tuwing nakakasama si Arvic.
Sa bar counter, doon niya ibinuhos ang lahat sa pamamagitan ng pag-inom ng alak.
Nang makabawi si Quillon, lakas loob na tinungo niya ang Agony room kung saan naroon si Arvic.
Pagtapat niya sa pinto nagpakawala kaagad siya ng pheromones upang makasiguro na hindi na magagawa pang makaiwas ni Arvic sa gagawin niya.
Pagpasok niya, hinanda na muna ni Quillon ang rope at handcuffs na gagamitin bago niya pinasok si Arvic sa room nito.
Nadatnan niya na nakaupo si Arvic sa kama. Tila galing ito sa pagligo. Gayunpaman ng lumingon ito nagtama ang kanilang mga mata.
Lumapit si Quillon sa kanya at hinila siya sa braso.
"Halika dito!"
"Saan mo ako dadalhin, parang awa mo na. Kahit ngayon lang Kamahalan, ibalato mo muna sa akin ang araw na ito." pagmamakaawa ni Arvic kay Quillon habang hila siya nito.
Pagdating sa kabilang kwarto. Isinalya ni Quillon si Arvic sa tila pader na kahoy na nakalatag sa sahig.
Buong lakas na hinila nito ang kamay ni Arvic at tinali iyon ng rope, gayundin ang ginawa niya sa kabilang kamay nito at mga paa.
Nang naitali niya si Arvic buong lakas na pinunit niya ang damit nito at pinindot ang botton sa gilid ng kahoy at kusa itong itinayo si Arvic.
Ngayong kaharap na ni Arvic si Quillon patuya siyang nginitian ni Quillon.
Nanghihina man si Arvic sa mga oras na iyon, nagawa pa rin niyang magsalita kay Quillon.
"Kung anuman ang binabalak mo ay gawin mo na. Tutal diyan ka lang magaling." nang uuyam na anito sa lalaki.
Lumapit sa kanya si Quillon at isang sampal ang pinakawalan niya para kay Arvic.
Tila nasaktan si Quillon sa sinabing iyon ni Arvic at napalayo siya ng bigla.
Emosyonal na sinumbatan ni Quillon si Arvic at sa kauna-unahang pagkakataon tumulo ang masaganang luha nito.
"Ikaw lang ba ang may karaparan magalit? Ang ina mo ang dahilan kung bakit nabigo sa pag-ibig ang ama ko. Naging bato ito at malupit. Hindi niya nagawang mahalin ang kawawa kong ina dahil ang mahal niya ay ang iyong ina!" gigil na lahad ni Quillon habang papalapit siya ng papalapit kay Arvic.
"Hindi totoo iyan!" sigaw ni Arvic.
"Alam mo kung ano ang masakit? Ginamit lang ng ama ko ang aking ina para anakan ito. Namatay sa sama ng loob at paghihirap ang ina ko dahil doon. Hindi lingid sa amin ang katotohanang iyan dahil sa tuwing pahihirapan ng ama ko ang aking ina lagi niyang binabanggit ang iyong ina! " sabay pisil ng mariin sa pisngi ni Arvic.
Umiiling si Arvic na tila hindi tanggap ang lahat ng mga sinabi ni Quillon sa kanya.
"Kahit alam kong may sapat akong dahilan para pahirapan o patayin ka pero putang ina, kahit ako sa sarili ko naguguluhan na rin!" kasabay ng pagpatak ng luha ang pagkalugmok niya sa harap ni Arvic.
Patuloy pa rin ang pagluha ni Arvic at hindi magawang makapagsalita sa mga narinig mula kay Quillon.
"Hindi ko alam kung anong meron sayo na hindi lang isip ko ang naguguluhan kundi pati ito!" tinuro niya ang kaliwa niyang dibdib.
"Dapat pinapahirapan kita ngayon at sinasaktan, kasi yun ako! Pero tang'na! Nang dahil saiyo, nagkaleche-leche na lahat!"
Sinabunutan niya ang sariling buhok kasabay nang pagkawala ng malulutong na mga mura.
"I hate this! I fucking hate this." Umiling-iling siya. "This is not me. But look at me now, Arvic. You fucking change me."
Tumayo siya at nilapitan niya si Arvic. Hinawakan niya ito sa pisngi para sana aluin ngunit iniwas lamang ni Arvic ang sarili kay Quillon.
Tumango lamang si Quillon at maya maya'y kinalagan ang mga kamay at paa ni Arvic.
"I am sorry." dahan-dahang umatras si Quillon at muling sinulyapan si Arvic bago ito tumalikod at lumabas ng kwarto. Kasabay ng paghakbang niya palabas ng Agony room ay ang pagbawi niya ng pheromones.