Chapter 19 - Chapter Seventeen

Resign

2:45am

Fifteen minutes pa, hindi pa ako malalate nito.

Sinilip niyang muli ang oras sa relong pambisig, at pumasok na sa loob ng production floor. Mangilan ngilan pa lang silang naroon at wala pa rin ang iba sa mga kaibigan. Naupo na siya sa station niya at napansing wala pa rin si Benjie. Late kaya siya? Nagkibit siya ng balikat. Hayaan mo, Loui. Papasok yon. Hindi naman nagtext sayo na aabsent siya e.

Nang matapos siyang mag setup ay napalingon siyang muli sa upuang nasa tabi niya. Ilang minuto na lang at mag aalas tres na, at wala pa rin ang binata. Ano naman kayang nangyari sa lalaking yon at bakit hindi pa dumadating? Hindi naman siya nag text sa akin kung sakaling hindi siya papasok. Tatayo na sana siya sa kinauupuan para lumabas at icheck ang phone niya nang narinig niya ang boses ni Mommy Jane.

"Loui!"

"Po? Bakit po, My?"

"Hinahanap ka ni Benjie sa labas. Magreresign na raw kasi siya."

"Ano po?" Magreresign na siya? Akala ko...

"Lumabas ka na-"

Hindi na niya hinintay ang kasunod na sinabi nito at tumakbo na siya palabas ng production floor. Tila may sariling isip ang mga paa niya at dinala siya nito sa locker room, at doon niya rin nakita ang binata na naghihintay sa kanya. Walang taong naroon, at rinig sa sahig ang yabag ng kanyang mga paa kaya naman napalingon si Benjie sa direksyon niya. Their eyes met when he smiled at her, causing her world stop.

As if nothing else matters, but just the two of them.

"Loui,"

"Benjie,"

Lumapit ito sa kanya - dahilan para maging rigodon sa bilis ang tibok ng puso niya.

"Magreresign na ako."

Totoo pala talaga ang sinabi ni Mommy na aalis na siya, nasabi niya sa sarili. Halo-halong emosyon ang naramdaman niya, dahilan para mangilid ang mga luha niya. Yumuko siya kaagad dahil ayaw niyang makita ito ni Benjie.

Wag ganyan, Loui. Alam mo namang hindi rin naman tatagal si Benjie dito, hindi ba? Napaaga nga lang, pero eventually, mahihiwalay kayo sa isa't isa sa trabaho. Pero doon din naman ang bagsak nyo kaya maigi na rin na ngayon na lang mangyari yan, kaysa magtagal pa.

"I-I know...Sinabi na ni Mommy sa akin kanina noong nasa loob ako kaya kita pinuntahan dito. She said you're waiting for me here."

Nakayuko pa rin siya nang kinuha ng binata ang mga kamay niya, at inilagay ang isang papel, na sa palagay niya ay ang resignation letter nito. Binuklat niya ito at tumambad sa kanyang paningin ang nakasulat sa papel. She was right, it really is his resignation letter and it was effective immediately.

This soon? I thought he was still going to stay for another two weeks. Benjie naman, masyado ka nambibigla. Lalong bumigat ang pakiramdam niya sa nabasa. Nanatili siyang tahimik at napansin ito ng binata kaya naman kinuha nito ang sulat mula sa mga kamay niya, at hinawakan nito niyon. Ang init na nangagaling sa mga kamay na iyon - ang naging hudyat para sa mga emosyong kanina pa niya pinipigil na kumawala, at dahilan para lumandas ang luha at pumatak sa kamay nito.

"I'm sorry...Hindi ko natupad iyong pangako ko sayo."

"I...I know. Pero alam naman nating ginagawa mo 'to dahil ito ang pangarap mo di ba? Eventually, Benjie, maghihiwalay din tayo. Napaaga lang iyong dapat mangyari. Kaya okay na rin siguro ito." Isa pa, wala akong karapatang pigilan ka dahil yan ang gusto mong gawin.

"Salamat, naiintindihan mo ako. Pero hindi ibig sabihin na mawawala ang communication natin dahil aalis ako, ha? Now he intertwined his fingers with hers, feeling the warmth of his hands seeping through her heart. "Ngayon, pwede bang ikaw naman ang mangako sa akin? Na hindi mapuputol ang communication natin kahit hindi na tayo magkasama. Can you keep this promise?"

Tila may mainit na kamay na humaplos sa puso niya nang marinig niya mula dito na ayaw nitong mawala ang communication nila. Gumaan ang loob niya at nagawa na niyang tingalain ito at tingnan ito sa mga mata na wala na ang mga luha. Tinanaw niya ang mga mata nito at nakita niya roon na sinisikap nitong magpaalam ng maayos sa kanya. Nakita niya rin ang saglit na pagdaan ng lungkot roon, ngunit mabilis din namang nawala iyon. He's sad too, I know. But I I know what he's doing is for the best.

"I promise...I will do my best to keep it, Benjie. Hinding hindi mawawala yon sa atin."

"Good."

Binitawan na niya ang pagkakahawak niya sa mga kamay nito at nagsimula nang maglakad patungo sa production floor. "Tara sa loob, para maibigay mo na 'yan."

Sumunod ito sa kanya, at hinanap nila kaagad ang kanilang supervisor. Nakita naman kaagad sila nito.

"Mr. Gonzales, you were out for two days already. Why are you absent?" anito. Nang hindi kaagad ito nakasagot ay sa kanya ito tumingin. "And you, why are you here? You're supposed to taking in calls right now."

"He's resigning na po."

"Since when did you became his spokesperson, Miss Arevalo?" medyo pataray na tanong nito. "Go back to your station and I'll speak to him alone."

Muli ay tumingin siya sa binata, at nag thumbs up naman ito sa kanya, na nagsasabing ayos lang ito. Siya naman ay bumalik na sa station niya at nagsimula na sa trabaho. Nakakadalawang calls na siya nang bumalik sa tabi niya si Benjie.

"Loui, hindi nila ako pinapayagan magresign, mag calls daw ako. Ayoko na talaga." Tila batang nagsusumbong na sabi nito sa kanya.

"E, di huwag na at mag iimediate resignation ka naman." Siya naman ang umabot sa kamay nito at marahang pinisil iyon. "Hintayin mo na lang ako at sasamahan kita kay SOM mamaya."

Hindi ito sumagot, ngunit tumango ito at nanatiling nakatingin sa kanya. At habang lumilipas ang oras ay naisip niya ang pinag-usapan nila.

[Flashback]

"Ikaw ba, naisip mo bang magtagal dito sa work na 'to?" Pauwi na sila at gaya ng nakagawian ay hinatid siya nito sa sakayan ng bus pauwi ng Cavite.

"Hindi, siguro. Ayoko na rin magcalls talaga." Napalingon siya rito. "Bakit mo naitanong?"

"Wala naman, curious lang ako." Ngayon naman ay ito ang nakatingin sa kanya. "Naisip mo na bang lumipat?"

"Oo naman. Ilang beses nang pumasok sa isip ko yan, ano ka ba?" Pagak na tumawa siya. "Sa katunayan nga, unang araw pa lang ng training natin, sabi ko sa sarili ko, "bakit ako nandito?"

"Talaga? Naisip mo nang umalis, first day pa lang?"

"Oo. Pero hindi ko rin alam kung bakit hindi ko pa nagawa talagang umalis ng tuluyan. Siguro kasi ang dami kong dapat i-consider kung aalis man ako."

Ang sabihin mo, kasama si Benjie sa mga dahilan kaya hindi ka makaalis. Malanding nilalang! Ani ng kontrabidang parte ng isip niya.

"Bakit mo pala naitanong?"

Sandaling tumahimik ito at tumingin ito sa kanya na waring tinitimbang ang kasunod na sasabihin. "Kasi...nakatanggap na ako ng text mula sa Bank na pinagpplyan ko noon bago ako napunta rito." Tumingin muli ito sa kanya at nakitang interesado siyang makinig ay itinuloy nito ang sasabihin. "Yong position na gusto kong apply-an, may vacancy na. Naisip ko na, chance ko na 'to. Pag hindi ko pa 'iga-grab 'to, baka matagalan na naman bago ko masubukang makapasok doon."

"Talaga? That's great news, Benjie! I'm happy for you! I-grab mo na!"

Mula sa nagaalalang hitsura nito kanina ay nagawa na nitong ngumiti. "Sa tingin mo, tama yung gagawin ko?"

"Of course, silly. Sayang yung opportunity."

"Pero...Medyo maliit kasi yung offer, kumpara naman sa natatanggap natin dito, kaya medyo nag aalangan din ako. Isa pa, gusto ko may mapatunayan muna."

"Ikaw ang bahala. Naiintindihan ko rin naman kung ano ang punto mo. Pero, tingnan mo kung saan ka mas makakabuti. Kung sa tingin mo ayos pa rin dito, then stay. But if you really wanted that job, then go for it. No pressure, but think about it clearly and weigh your options."

"Why do you always know what to say or do?" Nakangiting tanong nito sa kanya at tila namamanghang tinitigan siya nito.

"Siguro kasi napagdaanan ko na?" sagot niya at ngumiti pabalik sa binata. "Maybe not the exact scenario as you but I think about it clearly before deciding for anything."

"Ah." Tumango-tango naman ito. "Tama nga ako ng pinagtanungan. Nga pala, kailan mo balak umalis, if ever?"

"February na lang, para may tax refund. Sayang, e. Magagamit ko rin yung perang iyon pang apply."

"E di, February na lang din ako."

Ang bilis namang magdecide ng lalaking 'to. "Teka.. Sigurado ka ba?"

"Oo."

"Promise?"

"Promise."

[End of Flashback]

"Loui, pwede mo ba akong samahan kay SOM? Nandyan na siya, e." Anito habang nakatingin sa opisina ng Senior Operations Manager na ngayon ay may ilaw na, hudyat na naroon na nga ito."

"Oo, tara na."

Tumayo siya at kasunod ang binata na nagpunta sila sa opisina nito. Kinatok niya ang pinto.

"Come in."

Pumasok silang dalawa sa loob, at ngayon ay nasa harap na nila ang Senior Operations Manager nila.

"Yes, Miss...Arevalo, right?"

Tumango siya bilang sagot. "He wants to talk to you, po."

Now he was looking at her, and a few moments later, he looked at Benjie that was standing beside her. "About what?"

"I am formally submitting my resignation letter, Sir." he answered, and now it was her turn to look at him and whispered. "Will you be okay?"

He answered her with a nod.

"I see. Miss Arevalo, you can leave now so I can talk to Mr. Gonzales."

"Yes, boss."

Lumabas na siya ng opisina at bumalik na sa station niya. Taking a deep breath, she began to take in calls again. After what it seemed like eternity, Benjie was back and again sat beside her. He didn't talk to her right away and patiently waited to finish what she's doing. As she closed her call and notes, she looked at the time and saw that it was lunch time already. She locked her pc, and stood up from her chair. Benjie took it as a cue and started talking when they were walking to go out of the production floor.

"Boss JM already signed my resignation letter. Effective immediately."

Oh. The twinge in her heart was back with a vengenance but she hid her reaction and kept acting normal. "Mabuti kung ganoon. Halika na, sa pantry na lang tayo," pagiiba niya ng usapan.

"Nandyan na pala kayong dalawa," ani Mommy Jane nang makarating sila sa pantry. "Kanina pa namin kayo hinahanap."

"Kinausap lang po si SOM, My," sagot naman niya at naupo silang dalawa, kasama ng mga kaibigan.

"Totoo ba, Benjie? Magreresign ka na nga talaga?"

"Opo, My, e. Kailangan na kasi, napapabayaan ko na yung responsibilities ko sa church."

"Nako," ngayon ay nakatingin na ito sa kanila ni Benjie na waring nang-aasar. "Iiwan mo pala si Loui."

Ngayon ay sumulyap ito sa kanya, pagkatapos ay kay Mommy Jane. "Hindi ko naman po siya iiwan. Pupunta pa rin naman ako dito, at hindi rin naman po mawawala ang communication naming dalawa. Di ba, Loui?"

"Ay..May pangako naman pala." ani naman nito na halatang halata na inaasar na naman sila sa isa't isa ng binata. Hanggang sa matapos ang lunch nila ay umani na naman sila ng pangagantiyaw sa mga kasama.

"Benjie, pababa kami, sasabay ka ba?" narinig niyang tanong rito ni Mommy Jane.

"Opo, kailangan ko kasing umuwi na rin."

Sumama siya rito hanggang sa lobby. Lumapit ito kay Benjie at niyakap. "Mamimiss ka naming bata ka."

"Kayo rin, po."

Hindi siya lumapit sa dalawa at nanatili siya sa kinatatayuan. Tila hinihila siya ng kanyang mga paa para yumakap rin sa binata ngunit pinigil niya ang sarili. Nang papasok na ito sa elevator ay lumingon ito at hinanap siya - dahilan para magtama ang mga mata nila. Nakita na naman niya ang saglit na pagdaan ng lungkot sa mga mata nito ngunit kaagad ring nawala.

She didn't know where she got the courage to smile and wave goodbye at him. He waved back, just as the elevator door closed at them. But as Benjie faded from her view, her tears fell.