Chapter 18 - Chapter Sixteen

Thankful

"Bye, guys." Paalam niya sa mga kasama nang nakalabas na sila sa production floor pagkatapos ng shift nila sa araw na iyon.

"Hindi ka sasabay pauwi sa amin?" tanong ni Peter sa kanya. "Saan ka pupunta?"

"Magisisimba ako." Sagot niya rito.

"Teka..wala si Benjie, a. Hindi pumasok?"

"Absent," ani Jaycee na ngayon ay nakangiti na naman ng nakakaloko sa kanya na waring may naiisip. Parang alam ko na ang kasunod na sasabihin nito. "Huhulaan ko kung saan ka magsisimba. Doon kina Benjie no?"

Sinasabi ko na nga ba. Ramdam niya ang pang iinit ng mukha niya sa sinabi nito. Hindi naman nakaligtas ito sa paningin ng ibang kaibigan, kaya nagsimula na na siyang asarin patungkol sa kanila ng binata.

Ang mga ito talaga, walang pinagkaiba kung nandito si Benjie o wala kung makapang – asar. Wagas, e.

Echusera! Kunyaring hihindi ka, e gustong – gusto mo naman kapag tinutukso ka doon!

"Magkikita kayo, 'no?" sabi na naman ni Jaycee. "Ano ba talaga kayo?"

That question caught her off-guard. Ano nga ba talaga kami?

Natigilan siya sa tanong na iyon ng kaibigan – bagama't inamin na rin sa kanya ng binata na nagugustuhan na siya nito ay wala naman itong sinabi kung ano talaga sila.

Ayokong magtanong at masaya ako sa kung anong meron kami ngayon. "Friends."

"Wag nyo nang intrigahin si Loui," saway ni Russel. "O, paano. We'll go ahead."

Pagkarating niya ng simbahan ay hindi na muna siya pumasok sa loob, ngunit inilibot niya ang tingin sa paligid. Nagtungo siya sa bandang likuran niyon, sa playground. Maliban sa kanya ay wala nang ibang tao siyang nakikita - at ang tanging naririnig niya lamang ay ang huni ng mga ibon. Sinilip niya ang relong nasa palapulsuhan at nakitang ilang minuto na lang bago ang alas dose y media.

Bakit wala pa siya? Sabi niya, dito kami magkikita. Aniya sa sarili nang hindi niya pa rin nagpapakita si Benjie. Nag-usap silang dalawa ng binata na sabay silang magsisimba ng araw na iyon. "Wala pa naman akong dalang cellphone ngayon."

She was to enter the church when she felt a warm hand clutch hers, sending electricity through her veins. Immediately she knew who it was, because she felt that familiar spark to only one person. Immediately, Benjie's smiling face came into her view – smiling at her and meeting her eyes, and time had momentarily stopped for her.

"Nag-antay ka ba? Sorry, natagalan ako." Nakangiti pa rin sa kanya ito at hindi rin binibitawan ang kamay niya. "Halika na, magsisimula na ang misa."

Nanatili ang pagkakatitig niya rito at hindi siya nakaimik kaya nagsalita itong muli. "Uy, Loui. Matunaw ako niyan."

Ramdam niya ang pang-iinit ng mukha niya sa sinabi ng binata, at alam niya sa sandaling iyon na pwede nang ipalit ang mukha niya sa stoplight sa sobrang pula.

Nakakahiya! Ang tagal kong nakatitig sa mukha niya!

Yumuko siya sa pagtatangkang itago ito ngunit itinaas nito ang mukha niya – at muli na naman siyang napatingin sa mga mata nito. His pitch black irises were twinkling with mirth and adoration - and the way he looked at her seemed like he is the only one woman that he sees.

Naman, Benjie, e!

Tila ba nagririgodon na naman sa bilis ang tibok ng puso niya dahil sa magkakahalo-halong emosyong pinararamdam nito. Pakiramdam niya ay hindi lamang siya ang nakakarinig dito, ngunit maging ang binata.

"Ang ganda mo kapag nagblush ka ng ganyan." Tinanggal na nito ang pagkakahawak sa mukha niya at tumingin sa relo sa palapulsuhan nito. "Lika na, late na tayo."

Pumasok sila sa loob ng simbahan, at naupo sila sa bandang likod. Ngayon lang binitawan nito ang kamay niya, kaya ngayon ay napatingin siya sa imahe sa harap.

Sorry, Lord, magco-concentrate muna ako sa'yo at hindi rito sa lalaking katabi ko, aniya sa sarili. Pero pwede po ba akong mag-wish? Medyo alam ko pong sobra yung hihilingin ko at baka hindi nyo 'ko pagbigyan, pero susubukan ko pa rin.

Gusto kong ikasal sa lugar na 'to, at dito sa lalaking kasama ko.

Natapos ang misa at pinahupa muna ang mga tao bago sila lumabas ng simbahan. Nasa gilid sila ng simbahan at nasa gawi ng garden nang ginagap nitong muli ang kamay niya. Hayun na naman ang mumunting kuryenteng dumaloy sa katawan niya ng magdaiti ang mga balat nila.

"Sandali lang," anito at may dinukot sa bulsa ng pantalon nito. A simple beaded bracelet came into view, and she immediately recognized it as the one that Benjie's seminarian friend gave to him almost two months ago. She then wondered why he was giving it to her right now – kaya nagtatakang tumingin siya rito. "Bakit...bakit binibigay mo sa akin ito? Hindi ba bigay sa yo ito ng kaibigan mo?"

He didn't answer her question, instead slid the bracelet down her arm. "Wala naman. Nagpapasalamat lang ako na kasama kita. Alam mo ba," he suddenly looked thoughtful, and it seemed like he was composing himself.

"I'm thankful that God gave me a special gift and that was you. You inspired me to be a better person."

Nangilid ang mga luha niya pagkarinig sa mga sinabi sa kanya ng binata. Simply hearing that she was God's special gift for him and he was thankful that he met her was way more than telling her that he loves her. Ang marinig na importante siya sa binata ay lalong nagpahulog sa kanya rito – at lumalim ang nararamdaman niya. "Didn't you know you were the same for me, too?"

"Uy, wag ka nang umiyak." His smile were back in his lips – and wiped those tears that fell from her eyes.

"Wala ito," umiiling. "Masaya lang ako."

"Thank you for making me happy, too."

He leaned close and kissed the top of her head and hugged her. As she leaned on his chest, she can feel the beating of his heart – mirroring hers. They stood there for a couple more minutes, arms around each other and listening to their heartbeats.

Dear God, thank you for giving me this man. Thank you for giving me the chance to love him.

"Tara, kain tayo,"

Oh you mean like a date? I'd love to. "Saan?"

"Saan mo gusto?"

"Ikaw, ba? Bahala ka na."

"Hindi, ikaw na."

Natawa naman siya sa pagpapasahan ng tanong kung saan sila kakain. Para naman kaming mag-jowa kung mag away kung saan kami kakain.

"Sige na. Ikaw na mamili. Ayaw kong lagi akong nasusunod."

"Sige na nga. Chowking na lang. Ay wait! Jollibee na lang."

"Sabi mo, e." Pumasok na sila sa loob ng fastfood at nakasunod ito sa tabi niya. "Anong oorderin mo?" tanong nito habang nakatingin sila sa menu.

"Ano ba sa'yo?"

"Chicken. Tapos spaghetti."

Napangiti siya. His favorite.

"Ano kayang masarap? Hmmm. Chicken and rice na lang kaya?"

"Sige, pila na tayo." Anito at pumila na sa counter. Kasunod na siya para umorder na rin nang inorder na pala nito ang pagkain nilang dalawa. "Teka, hiwalay tayo ng bayad."

Umiling ito at ngumiti. "Nope, my treat. Ako na nagbayad."

"Ha? Pero-"

"Wag ka nang tumanggi." Kumindat pa ito kaya lalong hindi siya nakatanggi. Hindi siya sanay na nililibre at naalala niya ring pangatlong beses na itong ginawa ng binata sa kanya.

"Bakit nga pala hindi ka pumasok kanina?" tanong niya habang kumakain sila.

"May church event kasi at ako yung host, kaya hindi ako pwedeng mawala."

Napatango siya. "Pero papasok ka ba bukas?"

"Yon nga ang hindi ko alam e. Kasi mamaya pagkatapos nito, may meeting pa kami sa church ng 3pm at 8."

Tumaas ang kilay niya sa narinig. "Pinapagod mo ba ang sarili mo? May meeting ka ng 3, tapos may meeting ka ng 8. Aba, magpahinga ka naman. Baka magkasakit ka niyan."

"Ano sa tingin mo?"

"Mamili ka kung anong meeting ang pupuntahan mo. Kung pareho kasi, malamang na antukin ka na doon sa pangalawa. And please, magpahinga ka, okay?"

"Sige. Yung 3pm na lang ang pupuntahan ko." Anito at nagsimula nang magtipa ng message sa cellphone nito. Parang girlfriend naman ako sa lagay na to kung sundin ako ng lalaking 'to.

"Ayan. Naitext ko na sila na hindi na lang ako pupunta sa 8pm. Yung 3pm na lang, tapos uuwi na ako."

Tumango siya. "Good."

Ngumiti ito pabalik. Hanggang sa matapos silang kumain ay sinabihan niya itong pabalik na siya sa opisina nila, para doon matulog.

"Hatid na kita?"

"Sige."

Naglalakad na sila papunta sa sakayan ng jeep pabalik sa opisina nila ay may itinuro sa kanya ito. "Nakikita mo ba yon?" Anito na may itinurong parte ng mga dating kabahayan na giniba. Ang dating mga haligi na lang ng mga bahay ang naroon, senyales na sinadya talagang gibain ang mga dating bahay na nakatayo roon.

"Anong meron sa mga yon?"

"Diyan yung dati naming bahay, bago kami napalipat sa Cavite." Yon ba yong bahay kung saan sila ipinanganak na magkakapatid at doon na rin lumaki?

Tila naman nabasa nito ang iniisip niya. "Sa lugar na yan kami ipinanganak na magkakapatid at diyan na rin kami lumaki. Hindi ko makakalimutan ang lugar na yan dahil diyan na rin kami nagkaisip." Tumigil lang ito panandali at tumingin sa kanya, tila inaalam kung nakikinig siya sa mga ikinukwento nito o hindi.

Tumango siyang muli, para iparating sa binata na handa siyang makinig. Kaya naman, nagpatuloy muli ito sa pagsasalita.

"Naalala ko, kapag naglalaro kami, nandyan lang kami sa dating kalsada na iyan. Tapos noong elementary, hanggang sa maghigh school ay nilalakad lang namin magmula sa bahay. Noong nag OJT ako, malapit lang din dito, kaya nilalakad ko rin, at kapag tanghalian, umuuwi lang ako sa bahay. Ang sabi nga ng mga kasama ko, ang swerte ko kasi ang lapit ko lang kaya hindi mahirap magbiyahe. Kaya alam mo, ang hirap sa amin noon nung giniba yung bahay namin kasi pakiramdam ko, ang laki nung nawala. Pati yung parte ng kabataan ko, nawala dahil nawala rin ang lugar na 'to."

"Pero natanggap ko rin na ganoon talaga, walang permanente sa mundong to. Magbabago at magbabago ang lahat."

"Yes, Benjie. Things are bound to change. Pero alam mo kung anong importante? It's being true to yourself when everything is changing around you."