like you
"Di kayo nagpakita kagabi, a." Bungad ni Jaycee sa kanila nang nagkita kita sila sa lobby kinaumagahan. Hindi na natuloy ang usapan nilang magkita kita sa office para sa party.
"Tinamad na rin kaming magpunta, gastos lang sa pamasahe," ani Iris. "Kakain lang din naman tayo doon."
"Nagising na nga lang kami, halos umaga na rin." Sabi naman niya. Nakatambay pa sila sa couch sa lobby. Halos kumpleto na sila nang napansin niyang wala pa rin si Benjie.
Teka, wag niyang sabihin na hindi na naman siya papasok? Bigla namang dumating ang supervisor nila. "Are you guys all here?" tanong nito sa kanila.
"Wala pa po si Benjie, TL." ani Cyril. Napansin naman niyang nakatingin sa kanya ang supervisor nila na tila nagtatanong. "May alam ka ba dito, Louisse? Nagsabi ba sayo ang boyfriend mo kung papasok siya?"
Ang pagkakaalam pala talaga nito ay boyfriend talaga niya ang binata. Ang natatandaan niya ay hindi naman niya kinumpirma na sila nga ni Benjie, ngunit siguro dahil sa panunudyo ng mga kaibigan sa harap nito ay hindi ito naniwala sa kanya. "Wala po, boss."
Halata sa itsura nito na hindi ito naniniwala, ngunit hindi rin nito dinugtungan ang sasabihin. "Let's see kung papasok talaga siya ngayon. Anyways, meet me at the production floor. Calls tayo for the first part of the shift."
Nagtungo na ito sa production floor, habang sila naman ay nagpunta na rin sa locker room para kunin ang headsets nila. Papasok na sila nang hindi pa siya nag badge.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Iris sa kanya.
"CR lang ako. Mauna na kayo."
"Okay," anito at pumasok na sa floor. Patungo na siya sa lobby nang nakasalubong niya si Benjie. Hayun na naman ang tila nagririgodon niyang puso nang panandaling nagtama ang mga mata nila.
Spell awkward.
"N-nasaan-"
"Floor na-"
Nagkasabay pa silang magsalita, dahilan para lalo pang maging awkward ang paligid nila, kahit pa silang dalawa lang ang naroon.
Kroo~~
Tumikhim siya, para basagin ang nakakailang na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Eto pala yung nagagawa ng hindi niyo pag uusap ng dalawang linggo. Sobrang nakaka-ilang.
"Calls tayo for the first part ng shift kaya kunin mo ang headsets mo." Aniya at nilagpasan ang binata habang sinusubukang pakalmahin ang sarili at pilit na itinatago ang reaksyon niya. She looked calm and collected, but on the inside, her heart was beating wildly.
Nakita niya naman kaagad si Iris sa pwesto nito at kaagad niyang nilapitan ang kaibigan. "Dito ka na," anito at itinuro nito ang upuang katabi nito, ngunit napansin niyang nakangiti ito nang nakakaloko habang nakatingin sa likuran niya.
"Ano?"
"Wala." Sagot nito habang nakangisi pa rin. Nang lumingon siya ay nakita niyang nasa likuran niya si Benjie, na naghahanap din ng station malapit sa kanya. Kaya naman pala ang lapad ng ngiti ng bruha dahil nakita niya kaming magkasama ni Benjie.
Naupo na siya sa station niya. Hindi man ito umiimik ay iilang beses niya itong nahuling nakatingin sa kanya. Hindi rin ito nakatakas sa paningin ni Iris kaya kahit wala man itong sinasabi, ngunit naroon naman ang nakakalokong ngiti nito kapag nakikita nito si Benjie na panakaw na sumusulyap sa kanya.
"Hindi na mapakali siguro ang isang iyon," anito nang matapos na ang shift nila sa araw na iyon. "Mukhang gustong gusto ka nang kausapin."
"Sino?" Tanong niya rito, bagamat alam na niyang si Benjie ang tinutukoy nito. Nang narinig ito ng kaibigan ay umikot pa ang mata nito.
"Hay, nako. Louisse Althea. Mag-maang maangan ka pa. Sino bang tinutukoy ko? Wala ka namang hindi pinapansin dito maliban sa iisang taong 'yon."
"Iris, let them work their issues out." Sabad naman ni Russel na nakalapit na sa kanila. Sigurado siyang mag aaya nang umuwi ang mga ito.
"That's what I'm saying, hon." Anito at nilingon si Russel na nakaakbay na rito. Sumasakit man ang mga mata niya sa ipinapakitang kasweetan ng mga ito ay hindi mapigilang kiligin sa dalawa.
"Sige na, lovers. Mauna na kayong umuwi, hindi ako makakasabay sa inyo ngayon."
"O, bakit, saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Russel sa kanya.
"Makikipag ayos."
"Ooohh.." anito na may kasama nang pang aasar. Kita mo 'tong isang 'to, napaka pormal nung una kong nakilala pero tingnan mo naman ngayon kung gaano kalakas nang mang asar nang naging sila ni Iris.
"See you tomorrow, then. We know you'll both sort your issues with your...lover boy."
"Heh! Umuwi na nga kayo!"
Iyon lang at lumabas na ng floor ang dalawa, kasama ang barkada. Siya na lamang ang naiwan sa hilera niya, at mayroon pang mangilan-ngilan pang tao sa paligid nila. Tumayo siya mula sa kinauupuan at nahagip ng paningin si Benjie, halata sa kilos nitong hinihintay siya. Nilagyan niya ng tubig ang tumbler na hawak niya, nang napansin niyang wala nang lumalabas sa gripo ng dispenser.
"Ano ba 'yan, wala namang laman."
Lumapit naman ito at walang sabi sabing binitbit nito ang isang galon ng tubig, at nirefill ang dispenser na nasa harap niya.
"Thanks," usal niya nang nakakuha siya ng tubig. Tipid namang ngiti ang isinukli nito sa kanya, at nang pahakbang na ito palayo ay tinawag niya ito.
"Benjie,"
Humarap ito sa kanya, once again staring at those pitch black eyes. He stared back at her, causing her heart to beat at a frantic pace - na nangyayari kapag nakatitig siya sa mga matang iyon. At habang kumakalabog ang kanyang puso, hindi niya rin alam kung saan niya natagpuan ang boses para magsalita.
"Can we talk?"
He stayed silent for a few seconds before speaking. "No."
Handa na siyang tumalikod nang narinig niya ang sinabi nito. So much for asking him at ito lang pala ang mapapala ko! Sana ay hindi na ako nagtanong!
Naramdaman niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. An apologetic smile brushed past his lips, na kaagad din namang nawala. "I'm sorry, of course I was just kidding when I said that to you. Of course I want us to talk."
May pagtatampo pa rin sa kanya ngunit ngayon ay mas nangibabaw na ang saya sa kaalamang gusto nitong magusap sila. Lumabas na sila ng production floor at nakasabay pa nila si Mommy Jane at Peter na pababa naman ng ground floor. She pushed the number "6" on the elevator button, at hinayaan lang siya ng binata. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa floor na iyon. Taking her lead, she opened the door in front of her, at ang malamig na hangin ang bumungad sa kanila. Walang katao tao roon, maliban sa kanilang dalawa.
"Why did you avoid me?" She said, asking the inevitable.
"I'm sorry kung kinailangan kong iwasan ka. Alam kong nasaktan kita sa ginawa kong iyon."
"You're right. I was hurt. But I really wanted to know the reason why you did that."
"Sinabi ko sayo na ayoko nang maging kaibigan kita, di ba?" Ngayon ay nakita na niya itong nakatingin sa mga mata niya, at nakita niya rin ang paghihirap na dumaan doon. "Akala ko, kaya kong tiisin ka. Pero na realize ko, hindi pala...Hindi ko kayang mawala ka."
Hearing that from him, she grabbed him for a hug. Siguro ay nagulat ito, ngunit nang makabawi ay gumanti ng yakap ang binata, na kasing higpit ng sa kanya. Inihilig niya ang ulo sa malapad na dibdib nito, tahimik na pinakikinggan ang malakas na tibok ng puso nito.
"I like you..." aniya sa katahimikan nilang dalawa. No, I love you, Benjie. "I hope you heard me."
He gently kissed the top of her head, and then her forehead, na dahilan para magsitayuan ang balahibo sa katawan niya. Ito lamang, ang lalaking nakapagparamdam sa kanya ng ganito na lalong tumibay sa paniniwalang hindi niya lamang ito gusto - ngunit mahal na niya ito. Yumuko ito, once again meeting her eyes.
"Sigurado akong narinig kita...Because I think I'm starting to like you, too."
Nagmamadali na siyang pumasok sa production floor para umabot siya sa oras. Sinilip niya ang relo sa palapulsuhan at nakitang tatlong minuto na lang bago ang alas tres.
Patay, di ako pwedeng ma-late.
Nang makarating siya sa loob ng production floor ay inilibot niya ang paningin para makahanap ng bakanteng station na magagamit niya. Nakita naman siya kaagad ni Benjie.
"Loui!"
Lumapit siya kaagad dito. "Ipinagtabi na kita ng station. Dito ka na maupo," anito. Napangiti siya at sa pakiwari niya ay tila natunaw ang puso niya sa simpleng ginawa nito para sa kanya.
"Salamat,"
"Walang anuman." He smiled at her, reaching his eyes had made her heart jump. Oh, boy.
Kung noong nakaraang dalawang linggo ay iniiwasan nila ang isa't-isa, ngayon ay hindi na naman sila mapaghiwalay. Pabalik na sila sa fourth floor nang nagpaalam si Benjie na mag CR kaya naman hinintay niya ito sa labas, nang makita niya si Alain.
"Bakit nandito ka? Sinong hinihintay mo?"
"Hi, Alain. Si Benjie, nasa loob kasi."
Tumango ito. "Mukhang okay na kayo,"
"Oo, nag-usap na kami." Bigla ay may naisip siyang itanong dito. "May ginawa ka ba para makapag usap kami?"
"Wala naman. Sinabi ko lang sa kanya na babawiin kita kapag pinaiyak ka niya uli." Kapagkuwan ay tipid na ngumiti ito. "Does that answer your question?"
"Alain..."
"Don't worry, okay lang ako. Basta ba siguraduhin niya na hindi ka na iiyak uli."
"I'm really sorry."
"Don't be." Anito at ginulo ang buhok niya. "Ang importante, masaya ka. That's what matters."
Napalingon siya sa pinto ng CR at nakitang nakatingin ito sa kanila ni Alain. "Sige na. Pupunta pa ako ng HR para magpa clearance."
Lumapit naman si Benjie sa kanila at tumabi sa kanya. "Kamusta?"
"Ayos naman. Eto, magpapa-clearance lang."
"Ah. Saan ka ngayon?"
"Wala pa, tambay na muna. Sa January ko na balak uli mag-apply. O, paano, I'll go ahead. Tatapusin ko na muna ito."
Ngumiti siya. "Ingat ka."
"Kayo rin," itinaas nito ang kamay nito kay Benjie in a gesture of a mock salute.
"Halika na, akyat na tayo."
"Tara."
Tumango siya at umakyat na sila sa lobby at nakita na naroon na rin ang barkada, at sila na lang dalawa ni Benjie ang kulang.
"Uuy, bati na sila." Ani Jaycee na nagsimula na namang mang asar pagkakita sa kanila ni Benjie ma magkasama. "Magkasama na uli, e."
"Hindi na sila LQ. Sarap picturan, o."
"Oo nga. Kaso wala akong phone na dala rito," ani naman ni Russel na kinapa pa ang bulsa. "Too bad."
Nagkatinginan na lang sila ng binata at parehong natawa, dahilan para lalong umingay ang mga kasama nila.
"Uyy, may sarili na naman silang mundo. E, kung iwan kaya muna natin silang dalawa? Kailangan yata nila ng privacy."
Nakangising lumapit sa kanya si Iris. "Ganda ng mga ngiti, o. We're so happy na bumalik na ang isa pa naming "loveteam."
Nakapasok na sila sa production floor nang dala dala pa rin ang pang aasar sa kanila ng binata. Maingay pa rin ang mga ito, dahilan para lingunin sila ng SME nilang si Euly, na ngayon ay nakangisi na rin.
"Guys, back to your stations." Anito. "And you, two. Mamaya na kayo magligawan."
Pakiramdam niya ay sing pula na ng kamatis ang mukha niya sa pinaghalong kilig at saya na nararamdaman. Ngayong okay na silang dalawa ay ginanahan siyang magtrabaho kaya naman binuksan niya ang pc at nagcheck ng cases nang narinig niya ang boses ni Benjie. Ngayon ay nakasandal na ito sa station niya, kaya napatitig na naman siya sa mukha nito. Ilang segundo sila sa ayos na iyon, na nakatingin sa isa't isa bago ito nagsalita.
"Gisingin mo ako pag may dumaang SME, ha? Matutulog muna ako."
Natatawa siya sa ginagawang pagpapacute nito sa kanya. Ewan ko sayo, Benjie. Sa mga ginagawa mong 'yan, lalo akong nahuhulog sa yo.