Let's Talk
Me :
Can we talk?
She hit "send" and closed her eyes after she turned off her screen. Hindi na niya inaasahan pang magrereply ito, when her phone's screen lit up - tanda na may message siya. Since alcohol took over her system, she grogilly looked at the message she recieved.
Benjie G. :
Lahat ng antok niya sa katawan ay nawala nang nakita niya na galing pala ito kay Benjie. With trembling fingers, she opened his message.
Benjie G:
No. Joke lang. Hahaha
Kita mo 'tong isang ito, nagawa pang magbiro. Kumunot ang noo niya nang mabasa ang reply nito sa kanya. Ambot sa imo, Benjie. Kitang seryoso, e.
Me :
Seriously?
Benjie G:
Peace. Go, let's chat.
Me :
I want to talk to you in person.
Ilang minuto din ang lumipas bago siya nakatanggap ng reply mula dito.
Benjie G:
Ganun ba? Sige, sa sunday shift na lang natin.
Me :
All right. I just wanted to clear things before I leave.
Benjie G:
Aalis ka? Bakit? Hindi mo na ba kaya yung job?
Me :
I shouldn't have stayed here in the first place...ngayon, mas dumami lang ang reasons why should I leave.
Matagal-tagal ding sandali ang lumipas, bago ito nagreply. Akala pa nga niya ay hindi na ito muli pang sasagot ngunit nakita niyang umilaw ang screen ng phone niya.
Benjie G:
Hindi na ba magbabago ang isip mo? O, baka naman naninibago ka lang. Kung may dapat unang paghinaan, it's me ako yung may pinakaonting experience sa ating lahat.
Ayaw niyang umalis ako. He's convincing me to stay.
Ay, nako, Louisse Althea. Sige, paniwalain mo ang sarili mo na gusto ka rin ni Benjie kaya ayaw niyang umalis ka. Kaya ka nasasaktan e.
Me :
Hindi siguro about the experience, but it feels like I'm drained. If I could turn back time, then I shouldn't have accepted this.
Benjie G:
Kaya mo pa yan. Baka magbago pa ang isip mo.
Me :
I really don't know, Benjie.
Benjie G:
This is unsolicited advice, but thought you might need it. Think things over, weigh your decisions, kung saan mas makakabuti ang lahat ng bagay. Minsan kasi, yung emotions natin, mas nanaig sa dapat nating gawin.
He hit the bulls eye. Alam naman natin na kaya ka nagkakaganyan dahil hindi kayo okay. E kung hindi kayo nag-iwasan, malamang naman na hindi mo maiisip ang ganyan. Again, she heard the "kontrabida" voice inside her head speak, na lalong nagpagulo sa damdamin niya. She typed again, now determined to tell what she really feels about him.
Me :
I like...
Sa sobrang kalasingan ay hindi niya namalayang napindot na niya ang "send." She also didn't bother to check if it has been sent because the next thing she knew, darkness had already consumed her.
Nagising siya na madilim ang paligid. Asan ako?
She squinted her eyes, slowly adjusting her eyes inside the darkened living room. The whole house is all quiet, tanda na tulog na ang lahat sa loob ng kabahayang iyon. Inilibot niya ang paningin sa buong sala at nakitang natutulog si Alain sa katabing sofa. Hindi pa siya bumabangon ngunit naramdaman na niya ang pagsakit ng kanyang ulo, marahil sa dami ng kanyang nainom. Hangover.
Sapo ang ulo, unti unti siyang bumangon hanggang sa makaupo siya sa sofa. Kasabay ng tuluyang paggising niya ay bumalik sa kanya ang huling alaala bago siya nakatulog. Ang natatandaan ko lang, pinag uusapan namin ni Daddy Robert si Benjie, na tutulungan niya kami para magbati. At...
She darted her eyes on her phone, which is on the center table in front of her. A faint memory started to come back, when she reached out for her phone, opened messenger and sent a message to Benjie. Her heart started to beat faster, and her cheeks heated realizing that she chatted him when she was drunk!
Dali-dali niyang binuksan ang messenger at nakita niya ang palitan ng messages nila ni Benjie.
Oh you! Nasabunutan niya ang sarili nang halos sabihin na niya sa binata kung ano talaga ang nararamdaman niya para rito. She was to delete the words "I like" ngunit hindi niya ito itinuloy.
Too late, he already seen it. Scrolling down, she saw a couple more messages coming from him.
Benjie G.:
You like what?
Loui.
Nandyan ka pa ba?
Hindi ka na nagreply.
Alam kong nandyan ka kina Russel. Dahan dahan lang sa alak, please?
Nag aalala din ako para sayo.
Kung hindi ka na makakapagreply, ibig sabihin, tulog ka na. And yes, magusap tayo sa Sunday.
Nagaalala siya para sa akin?
Ang kaninang bilis ng tibok ng puso niya ay napalitan ng pagdaan ng kirot dito. Pero bakit ganito siya sa akin?
Bakit kailangan niya akong iwasan? Ang mga isiping iyon ang naging hudyat para tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Umiiyak ka na naman," ani Alain na gumulat sa kanya. Mabilis niyang pinahid ang mga luhang iyon, para hindi siya makita nito ngunit huli na. "Huwag mo nang itanggi, nakita na kita."
Mula sa sofang hinihigaan nito ay bumangon ito at niyakap siya. His warm embrace stirred mixed feelings inside her, causing for more tears to fall from her eyes. For a moment, he let her cry on to his chest and his silence had comforted her.
"That boy has a bad habit of making you cry." Anito nang tumahan siya. "I don't want to see you like this..."
She stared at him, and she can see pain in his eyes. "If I can only make those tears stop, I would. If I can replace him in your heart...I would." Tumigil ito panandali na parang hirap sa sasabihin, ngunit tila inipon nito ang lakas ng loob para sabihin sa kanya ang mga katagang iyon.
"Mahal kita."
Hindi niya inaasahan na maririnig niya ito mula sa kaibigan. "Alain-"
"It's always been you, Loui. Hindi si Nikka." He leaned closer and almost touched her lips, ngunit umiwas siya kaagad.
"I'm sorry, Alain. Pasensya ka na, hindi ko kaya na maibalik ang pagtingin mo."
Yumuko ito. "I know. Alam kong si Benjie lang ang nandyan. Naiintindihan ko." Tumingin ito muli sa kanya. "Hindi ko ipipilit na magustuhan mo ako, pero sa sandaling paiyakin ka niya uli, babawiin kita sa kanya."
Napatingin siya rito. "Hahayaan ko siyang makipagusap sa'yo dahil alam kong doon ka magiging masaya."
"I'm sorry..."
"Don't be." Anito at bumuntong hininga, saka tumayo at bumalik uli sa hinihigaang couch nito. Muli ay tumingin ito sa kanya. "Matulog ka na uli. Wag mo na munang isipin yon dahil malapit na kayong magkaayos."
Paalis na siya sa bahay nang nakita niya ang isang message sa phone niya.
Unknown number:
loui di ako makakapasok mamayang shift host kasi ako sw church event namin bukas. pakisabi nalang kay TL. salamat po..
Sino naman kaya 'to?
Church event?
Hindi kaya...si Benjie to?
Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya sa posibilidad na si Benjie nga ang nagtext na iyon. Pero imposible. Active din naman sa church si Anne, kaya baka siya 'to.
Sus, asa ka namang si Benjie 'yan, sabi ng kontrabidang parte ng isip niya. Ni hindi pa nga kayo nag uusap e. Bakit naman itetext ka niya kung alam niya namang hindi mo siya kakausapin?
Negatron! Maybe that's his way of trying to get to you, Loui. Hindi siya mapakali at gusto niyang malaman kung sino ang nagtext, kaya naman nagtipa siya ng reply.
Me :
Sino po ito?
She hit "send."
Sending failed. Check operator services.
Ano ba 'yan! Ngayon pa talaga! Hindi na siya makapaghanap ng loading station dahil sarado pa ang lahat ng tindahan. Kung sino man ang nagtext sa akin kanina, pasensya ka na. Pero ibibilin ko na lang kay TL, wag kang mag alala. Isinulat niya ang text message sa isang papel, pati ang number na ginamit nito.
Pagpasok niya sa lobby ay nakita na niya ang mga kasama na halos kumpleto na, maliban kina Iris at Benjie. Mas lalo siyang naniwala na si Iris nga ang nagtext sa kanya kanina. Ngunit ilang minuto na lang bago ang alas tres ay nakita niya ang kaibigan na nagmamadaling pumasok sa lobby.
Ibig sabihin...
Si Benjie yon?
Imposible!
Hindi man mapakali ay pinilit niyang ibaling ang atensyon sa trabaho sa buong maghapon. Pagkatapos ng shift ay napagusapan nilang magbabarkada ang pagpunta sa Christmas Party, na gaganapin sa SMX Convention Center.
"Saan ba tayo magkikita kita?"
"Dadaan na lang daw dito yung mga boys," ani Iris nang naghiwa-hiwalay sila. Nagpaiwan na lang sila sa opisina dahil dito rin naman sila magkikita kita bago dumiretso sa SMX para sa party. "Kung tumambay o kaya matulog muna tayo sa sleeping quarters dahil mahaba pa naman ang oras? At saka need ko rin mag charge ng phone. Deadbat na ako, e."
Tumango siya. "Tara, deadbat na rin ako."
They've plugged their phones into the wall, and her phone has turned on. Her screen lit up, and showed that there was an unread message. Her heart had begun to beat faster when she saw that it was from the same unknown number!
Unknown number:
loui punta ka today?
Unable to contain her curiosity, she decided to show the text message to Iris, who was busy texting Russel.
"Girl...kilala mo ba kung sino ang may ari ng number na 'to?" Aniya sabay pakita ng number na kagabi pang nagtetext sa kanya. Kagabi pa siya naghihinala na kay Benjie nga galing ang text na iyon, ngunit hinihintay niya itong makumpirma ni Iris. Kumunot ang noo nito pagkakita sa number na nasa phone niya, at nagsimula ding maghanap sa cellphone na hawak nito.
"Parang kilala ko yan, a." Nagpipindot pa rin ito at tumigil ito matapos ang ilang segundo. "There you go...kay Benjie ang number na 'yan." Nakangiti na ito sa kanya. "Tinext ka pala niya, ha? Bati na kayo?"
"Kaya pala ang lakas ng pakiramdam kong siya 'yan." Sagot niya. "At hindi pa kami nag uusap talaga, bukas pa."
"Pansinin mo na kasi, ang tagal na ng issue nyong dalawa. Kita mo nga, nag eeffort siyang kausapin ka."
"Kahit ako naman, e. Gustong gusto ko nang kausapin siya. Ang hirap pala ng tinitiis mo yung isang taong gustong gusto mong kausapin no?"
"Kaya nga..mag usap kayo bukas."
"Oo, pumayag na siya." Ngayon ay napabuntong hininga siya. "Sana maging okay na kami."
Heart still racing, she then began typing a reply for him.
Me :
Oo, pupunta kami mamaya. See u.