Chapter 15 - Chapter Thirteen

Drunk chat

She avoided his gaze quickly, dahil alam niya sa sariling hindi kaya ng loob niyang tagalan pa ang pagtitig sa mga mata nito. Meeting his eyes made her heart beat in a frantic pace. Hindi pa niya halos napapakalma ang sarili nang narinig niya ang tanong ng supervisor nila.

"Boyfriend mo si Benjie, Louise?"

Kung maingay na kanina ang mga kasama nila ay mas lalo pang umingay ang mga ito. Sa gitna ng ingay ng mga ito patungkol sa pang aasar sa kanilang dalawa ni Benjie, hindi rin niya alam kung saan niya nahanap ang boses para magsalita. "Hindi po..."

Nahuli siyang lumabas ng production floor dahil napahaba ang call niya at hindi na nakasabay sa grupo nila para maglunch. Lumingon lingon siya sa paligid, ngunit hindi na niya nakita ang mga ito. Nasaan kaya sila? Kung puntahan ko kaya sa Pantry? Doon lang naman lagi kami kumakain. Palabas na siya ng lobby para sundan ang barkada nang may tumawag sa kanya. 

"Loui,"

Si Daddy Robert pala ito, kasama ni Benjie.

"Po? Ano 'yon, dad?"

"Sabay ka samin mag-lunch," pang-aaya sa kanya nito. Napaisip siya dahil makakasabay niyang kumain ang binata, gayong hindi pa rin sila nagpapansinan. She stealthily glanced at Benjie, and it seemed like he was waiting for her to answer.

Sasama ba ako sa kanila?

Sumama ka na. Malay mo naman, makipagbati na siya.

Asa ka naman na papansinin ka nya. Pinapaasa mo lang ang sarili mo.

Bahala na nga. "Sige po, dad."

Bumaba sila ng building at humanap ng makakainan.  Habang naglalakad sila ay tahimik din itong sumasabay sa kanya, na tila ba naghihintay ng pagkakataong magsalita siya. Ngunit siguro sa takot niyang mapahiya kung hindi siya pansinin nito, ay nanatili siyang tahimik. Hindi nagtagal ay narating nila ang carinderiang favorite nilang kainan, at nang nakahanap sila kaagad ng upuan. Nang nakaupo ay hindi sinasadyang nagtama ang paningin nila, at tipid na ngumiti sa kanya ang binata. Dahilan para humataw na naman sa bilis ang tibok ng puso niya. She can't explain why his simple smile made her heart race - like she just ran a marathon.

Can you please stay still, heart?

She smiled back - to hide what she's feeling at the moment. She's trying to feel normal, gaya ng dati kapag kasama niya ito. But perhaps it's all too different - because she had already admitted to herself that she likes him. No - she loves him.

He also stayed silent, ngunit halata sa kilos nito na tila gusto siyang kausapin ng binata. Kahit paano ay may katiting na pag asa ang sumilay sa puso niya para magbati sila, at nararamdaman niyang ito mismo ang nakiusap kay Daddy na ayain siya para sumabay na maglunch.

Napangiti siya sa isiping iyon. Kahit paano, nakikita ko ang effort niyang magkaayos kami.

Nakaakyat na sila sa fourth floor nang nakita na niya ang grupo nina Russel. Alam niyang hinahanap siya ng mga ito dahil hindi siya sumunod sa pantry ng lunch nila.

Sigurado akong magtatanong ang mga ito, aniya sa sarili. Papalapit pa lang siya kay Jaycee ay nakatingin na ito sa kanya, at kay Benjie at Daddy Robert na nasa bandang likod niya. Wala itong sinabi ngunit alam niyang may idea na ito sa kung anong nangyayari sa kanila ni Benjie.

"Saan ka galing?" tanong sa kanya ni Jaycee nang magkita sila sa lobby matapos ang lunch, dahil hindi siya nakasabay sa mga ito. "Kanina ka pa hinahanap ni Iris at ni Russell."

"Sorry na. Eh, kasi nag aya si Daddy Robert na sumabay ako sa kanila kanina, kaya hindi na ako nakatanggi." Paliwanag niya rito.

"Sus. Ang sabihin mo, nakipagbati ka na." anito sabay ngisi pagkarinig sa dahilan niya. "Doon ka magpaliwanag sa kina Russell at Iris."

Lumapit naman siya sa dalawa. "Guys. Sorry kanina. Inaya ako ni Daddy Robert kasi."

"Mukhang alam kung bakit hindi ka sumunod sa amin kanina sa pantry," ani Iris. Tulad ni Jaycee ay nakangiti rin ito. Tumingin ito sa kanya, matapos ay kay Benjie na nasa likod niya. She felt that there was like a silent message pass between the two - and that involves her. Mas pinili niyang magpatay malisya at hindi na pansinin ang pagsisinyasan ng dalawa.

"Wag mong isipin masyado 'yon. Mahal ka no'n." Sabi ni Cy at umupo sa tabi niya. Nakapangalumbaba kasi siya habang nakatunganga sa harap ng pc niya. "Bakit di kasi kayo magusap?"

"Ayokong parang naghahabol sa atensyon niya."

"Ah," ngumiti ito. "Pride. Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa at nagkaganyan kayo?"

Umiling siya bilang sagot. "Hindi ko rin alam, Cy. Basta bigla na lang siyang umiwas. I know we're fine, but the next thing I knew, we're not."

"Bakit hindi mo siya tanungin?"

"Believe me, I really wanted to. Pero ayokong maunang magtanong, baka hindi niya lang pansinin at magmukha na naman akong tanga."

Saglit itong natahimik, at pagkatapos ay ngumiti habang ginugulo nito ang buhok niya. "Wag kang mag alalala. Magiging okay din ang lahat."

Napangiti na rin siya sa sinabi nito. "Salamat, Cy."

Sa kina Russel nila napagpasyahang umuwi muna, dahil siya ang nakatokang mag edit ng video presentation nila. She was busy sifting through videos and pictures na gagamitin niya para sa pageedit, when she came across a folder. Binuksan niya iyon at sunod sunod na naglipat ng mga files nang nahagip ng paningin niya ang isang picture nilang anim.

She, Russel and Iris were seated on the couch, meanwhile Peter, Daddy Robert and Benjie were seated across them. Silang lima ay nakatingin sa camera maliban kay Benjie na, imbes sa camera ay sa kanya nakatingin. The way he smiled and looked at her was like everything else in the room doesn't matter – but only her.

Nangilid ang luha niya nang nakita niya ang picture na iyon. Halo halo na ang nararamdaman niya, magmula sa inis, lungkot at panghihinayang. Nanlalabo man ang paningin dahil sa mga luhang iyon ay pinindot niya ang mouse para mailipat sa ibang file nang aksidente niyang maclick ang isang video. Nagsimula itong magplay, at huli na nang napagtanto niya kung sino ang nasa mga iyon. It was her and Benjie!

They were standing at the Gazebo's balcony, and was pointed at their direction. They were both smiling at the person that was taking the video, and happened to look at each other. The look on their eyes when their gazes met was contentment and adoration – and was simply happy that they're together. One by one, their memories came back and was a gateway for her tears. Walang tigil sa pagpatak ang luha niya – kasabay sa pagdaan ng sakit sa puso niya. Hindi niya akalaing sa simpleng pagiwas ng binata sa kanya ay masasaktan siya.

Hinayaan niya ang sariling umiyak, hanggang sa makatulog siya sa ganoong ayos. Isang tapik sa balikat ang nagpagising sa kanya.

"Girl, gising na. May pasok tayo ngayon."

"Anong oras na ba?" napasilip siya sa digital clock na malapit sa kanya.

1:30.

"Natapos mo yung video kanina?" tanong ni Iris sa kanya. Ngayon ay mataman na itong nakatingin, na tila ba sinusubukang basahin ang nasa isip niya. Itinatanong nito ang video, ngunit alam niya ring may iba pa itong gustong malaman.

"Halos patapos na," paos na sagot niya. Ayaw niyang salubungin ang tingin nito dahil ramdam niyang magtatanong na ito. Sana hindi niya napansin ang mga mata ko na paniguradong namamaga dahil sa kaiiyak ko kagabi.

"Sige, mamaya mo na tapusin," anito, hindi siya nilulubayan ng tingin. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

"O-oo..." tumango siya. "Ayos naman..."

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang kuryosidad, ngunit pinipigilan lang nito ang sarili. Ilang segundo rin ang dumaan bago niya narinig muli ang boses nito. "Gumayak ka na rin para hindi tayo ma-late."

"Sige."

Nag ipon-ipon sila sa ibaba ng building para tumambay, at dahil nga off na nila ay nagkayayaan na naman silang mag-inuman. Dating gawi.

"Since off na, alam n'yo na. Dating gawi." Ani Alain.

"Saan tayo?" tanong ni Russel.

"Sa inyo na lang," si Cyril.

"Sure. Let's go." Pag sang ayon ni Russel.

"Susunod na lang ako," sabi naman ni Iris. "May pupuntahan lang ako sa Ayala." Kumunot naman ang noo ni Russel, pagkarinig sa sinabi ng dalaga. "Are you sure? What are you doing there? Tumingin ito sa wristwatch nito, "By the time that you're on your way, traffic will be horrible."

Tila naman hindi naapektuhan sa sinabi ng nobyo si Iris. "It's just that I need to go to the Head Office to drop some documents. Susunod ako, Russel. Don't worry."

Hindi nagtagal ay narating nila ang bahay ni Russel, at inilapag nito kaagad ang isang bote ng Jack Daniels sa mesa nito. Sa pagod ay madaling tumalab sa kanya ang alak na nainom, dahilan para maikwento niya kay Daddy Robert ang nangyayari sa kanila ni Benjie.

"Pwede po ba akong magpatulong sa inyo?"

Mula sa iniinom ay napatingin ito sa kanya. "Ano 'yon, Loui?"

"Gusto ko kasing....magkaayos kami ni Benjie."

Nakakaunawang tumango ito sa kanya. "Alam ko, Loui. Ramdam kong gano'n din si Benjie, kaya wag kang mag alala."

Nabuhay ang pag asa niya sa sinabi nito. "Talaga po?"

"Oo. Maniwala ka sakin. Alam kong gusto rin niyang magkaayos kayo." Tinapik siya nito sa balikat. "Ako na ang bahala."

"Salamat po, Daddy."

Ayan, may tutulong na sa inyong dalawa ni Benjie. At least may paraan na kayong magkaayos kahit paano.

Naubos na nila ang isang bote ng Jack Daniels nang lalo nang pumasok ang alak sa kanyang sistema. She suddenly felt brave, so she grabbed her phone on the table and logged on to her Facebook account. She clicked messenger, and saw that the green circle beside Benjie's name was lighted, meaning that he's online.

She then began to type a message for him, and didn't think twice if he's going to reply or not.

Here goes nothing.