L.Q
Ilang minuto pa ang lumipas bago niya matapos pakalmahin ang sarili. Lumabas siya ng cubicle at naghilamos dahil ayaw niyang mahalata ng lahat ang pamumugto ng kanyang mga mata. Ayaw niya rin na may makaalam pa sa nangyayari maliban kay Iris. Bumalik siya sa training room at naupo sa upuan niya nang napansin siya ni Daddy Robert.
"Saan ka galing, Loui?"
Pilit man ay ngumiti siya rito. "Wala dad, nag CR lang po."
"Ah, ganoon ba. Hindi ka ba sasabay sa amin pumunta ng pantry? Break na raw, sabi ni Alex."
Umiling siya. "Hindi na po muna, dito na lang muna ako. Hindi naman po kasi ako nagugutom."
"Sige, maiwan ka na muna namin dito."
"Sige po," sagot niya sabay baling sa computer niya na nasa harap. Inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa at pagtingin ng kung ano-ano para lamang maibaling ang atensyon niya. Tahimik ang paligid nang narinig niya ang boses nito.
"Kapag ikaw ay nakatawa, ako pa ba ay nakikita?"
Magkahalong inis at lungkot ang bumalot sa kanyang sistema nang narinig niya ito. Ramdam niya rin na nakatingin sa kanya ito, at naghihintay ng reaksyon niya ngunit hindi niya ito pinansin. Nanatili ang blankong reaksyon niya hanggang sa matapos ang shift nila.
"Pababa na kami, hindi ka ba sasabay bumaba sa amin sa ground floor para makaakyat sa kabilang tower?"
"Hindi na po muna, dad. Ingat po kayo pauwi."
Tumango ito at lumabas na ng locker area habang siya naman ay nagliligpit ng gamit. May tumapik sa balikat niya at lumingon siya. Si Iris iyon, na nakangiti sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Dahilan para maging gatilyo iyon para tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Okay lang yan. Magiging maayos din ang lahat." Pang aalo nito sa kanya, habang siya ay tahimik na umiiyak. Hindi siya binitawan ng kaibigan hanggang sa kumalma siya matapos ang ilan pang sandali.
"Ayos ka na?"
Marahang tumango siya. "Sorry."
"Don't be." Pinagmasdan nito ang mukha niya at nagsalitang muli. "Halika na muna sa baba. Tumambay ka na muna doon kasama namin para mawala muna yan sa isip mo."
Bitbit ang gamit na dadalhin niya, nagpatianod muna siya sa kaibigan na pumunta sa labas ng building, kung saan naman nakatambay ang iba pa nilang kaibigan. Gaya ng dati ay nagyoyosi ang mga ito, at napansin kaagad ni Russel si Iris. Nang nakalapit sila ay nagkatinginan ang dalawa, as if there was a silent message pass between them, even if there was not a single word uttered.
"Guys, hug nyo si Loui," ani Russel. Walang tanong tanong ay isa isang naglapitan ang barkada sa kanya at niyakap siya ng mga ito. They had never asked and she was thankful that they were for her.
9:15
Tunog ng alarm ang nagpagising sa kanya at napabalikwas siya sa higaan nang nakita kung anong oras na. Nagmamadaling dinampot niya ang mga gamit, at nagtungo na sa CR para makaligo.
Hindi ako pwedeng ma late, nakakahiya naman kay Alex.
Sa dami ng tao ay mahaba din ang pila sa shower room, kaya inabot pa siya ng mahigit trenta minutos para maligo at mag ayos. Parang ipu-ipo siyang bumalik na sa kabilang tower para sa training room nila nang makitang ilang minuto na lang bago mag alas diyez.
Umupo na siya sa station niya nang narinig niya ang pagkalam ng kanyang tiyan. Hindi na pala ako nakadaan man lang sa pantry sa baba para lang bumili ng makakain. Di bale na, mamaya na lang pag pinalabas ni Alex, saka na lang ako bibili.
Kroo...tunog ng tiyan niya uli. Gutom much.
"Kain tayo," alok sa kanya ni Alain, habang nasa harap nito ang isang box ng Chao Fan.
"Ano yan?"
Ipinakita nito sa kanya ang box na halos puno pa. "Gusto mo ba? Maanghang lang to, ha?"
"Perfect. Gusto ko nyan."
Mula sa gilid ng mga mata niya ay ramdam niyang pinagmamasdan siya ni Benjie. Kahit gustong gusto niyang lingunin ito at kausapin ay pinigil niya ang sarili.
"Kumain na ba yan?" Narinig niya pang tanong nito kay Mommy Jane, habang kumakain siya.
"Ikaw ang magtanong sa kanya," dinig niyang sagot ni Mommy Jane sa binata. Alam niyang siya ang pinaguusapan ng dalawang ito, ngunit pinili niyang magpatay malisya at magkunwaring walang naririnig. Hindi na rin ito muling sumagot pa at nanahimik na lang sa upuan nito.
Still, she felt his gaze on her, but she fought the urge to look at him. Dahil kapag tumingin siya rito ay alam niyang hindi niya ito matitiis.
Ibinaling niya ang paningin sa katabing si Alain, na nakangiting iniabot sa kanya ang box na hawak nito. "Magkakasundo pala tayo sa pagkain, e."
Ngumiti naman siya pabalik dito, habang iniaabot ang isa pang kutsara sa kanya. "Salamat, ha. Gutom na ko, e. Hindi pa ako nakakabili ng pagkain kasi nagmamadali na ako kanina."
"Tinanghali ka ng gising?"
"Oo, e. Tapos ang dami pang tao sa CR. Box office ang pila."
Habang nakikipagkuwentuhan siya kay Alain ay ramdam niya na nakatingin sa kanya si Benjie, na tila nag aantay na pansinin niya ito. Ngunit hinayaan niya lang ito at lumipas ang maghapon na hindi niya ito kinibo. Alam niyang napapansin na rin ng mga kaibigan nila ang hindi nila pagkikibuan ng binata, ngunit mas pinili niyang hindi na magsalita tungkol dito.
Lumipas pa ang ilang araw, at dumating na rin ang call certification day nila. Umakyat na sila sa production floor at naupo na sa mga stations na inassign sa kanila. Bawat isa sa kanila ay tatlong calls ang makukuha at ito ang magiging batayan para pumasa sila. Hindi rin naman nagtagal at natapos na rin siya. Alex told her that she passed, kaya naman napahinga na rin siya ng maluwag.
Ngayon ay tumambay siya sa floor para antayin ang ibang kasama na hindi pa tapos sa certification. Napadako ang mga mata niya sa direksyon ni Benjie, na ngayon ay nakaheadset na. Sa tabi nito ay naroon na rin ang QA na may hawak na clipboard, hudyat na magsisimula na ang certification nito.
I hope he passes...Sana ma-endorse din siya.
Nanatili siyang nanonood dito hanggang sa matapos ang tatlong call nito. Maya maya ay nakita niya rin na nakangiting lumapit dito si Alex, tanda na pumasa ito.
Yes! He passed! Good job, Benjie. Sabi na, kaya mo yan, e. Hindi man niya ito malapitan ay totoong masaya siya para rito.
"Sinong tinitingnan mo?" Ani Iris sa kanya habang nakangiti ito sa kanya. Tila ba nababasa nito nang nasa isip niya nang nagsalita itong muli. "Tinitingnan mo kung papasa si Benjie ano?"
Hindi siya nakasagot at alam niyang uminit ang pisngi niya sa sinabi nito. "Kaya nya yan. Matalino at focused din sa trabaho si Benjie, kagaya mo. Kaya wag kang magalala sa kanya."
"Hindi naman siya ang sinisilip ko, a." Tanggi pa niya sakali pang mabago ang iniisip nito sa kung sino ang pinapanood niya ilang minuto ang nakakaraan.
"Wag mo nang itanggi, kilalang kilala kita."
Muli ay hindi na siya nakasagot pa dahil alam na niyang napaamin na siya nito. "Tara na sa baba, nagaantay na si Russel."
2:55.
Sinilip niya ang relo sa palapulsuhan at ilang minuto na lang bago ang alas tres ng umaga. Kung bakit naman kasi napasarap na naman ang tulog ko sa sleeping quarters. Ayan tuloy, naghahabol na naman ako ng oras para di ako ma late.
Sana umabot. Hindi ko pa naman alam kung saan sila pupuntahan.
She had reached the lobby in time, and looked again at her wristwatch. It was a minute before three.
Yes! Buzzer beater.
She looked around at saw that her the whole group was there and was waiting. She was to approach them when a short haired woman approached their group. Siya yata yung magiging TL namin.
Sumunod na rin siya sa mga ito patungo sa production floor.
"Let's have a huddle before you guys start taking in calls," ani ng supervisor na maghahandle sa kanila, nang makahanap na sila ng kanya kanyang mapupwestuhan. "Follow me to the huddle room."
Lumabas sila ng production floor at dumiretso sa huddle room. Dala ang tumbler na may laman pang mainit na tubig at sa bigat ng pinto ay nahirapan siyang hilain ito, ngunit bigla itong gumaan nang may isa pang kamay ang humawak sa steel handle upang mabuksan ito. Nilingon niya ang likod para mapasalamatan man kung sino man ang tumulong sa kanya para mabuksan ang pinto. But then, she met those familiar pitch black eyes - that was also staring back at her.
She stared back at him, as if trying to read what he exactly think at that moment. It's as if the time had stopped momentarily and what she can only hear is the frantic beating of her heart.
"Tara na,"
Hindi siya nakasagot at iniwas niya ang tingin sa binata. Hindi na rin niya nahanap ang boses para sagutin pa ito, kaya naman dali dali na niyang hinanap ang mga kasama. Tila nagririgodon pa rin sa bilis ng tibok ng puso niya nang nakarating sila sa huddle room. Naghanap siya ng mauupuan sa sulok ng kwarto iyon para makalma ang sarili. Halos lahat sila ay naroon na, at swerte na lang siya na hindi napansin ng mga iyon na sila ni Benjie ang pinakahuling mga dumating. Dahil paniguradong magiging tampulan na naman sila ng tuksuhan. And that's the last thing she wanted to happen.
"Are we all here?" Panimulang tanong ng magiging supervisor nila. "Let's start by introducing yourselves."
Isa isang nagpakilala ang mga kasama nila, at nagdiscuss na rin ang supervisor nila sa mga "House Rules" nito.
"By the way, may mga couples ba dito?" Tanong nito sa kanila nang matapos na itong magdiscuss sa kanila ng mga house rules. "Ayokong may aabsent ng sabay dito ha?"
"Oy, yung mga loveteam dyan, umamin na." Pang aasar ni Jaycee. Ngayon ay nakakalokong nakatingin ito sa kanila, at ramdam na niyang anumang sandali ay magsisimula na itong mang asar patungkol sa kanila ni Benjie. Please no, I just don't have the patience to deal with this today.
"Oy, Russel at Iris, ano na? Di pa ba kayo aamin?" Sabat naman ni Cyril na nakangisi na rin. I'd bet, iisa lang ang takbo ng utak ng mga ito. Juicecolored, hindi matatapos ang huddle na ito nang hindi kami mababanggit. Gustong gusto mo namang inaasar ka nila kay Benjie, kunyari ka pang ayaw mo. Charotera!
Nakangisi lang si Iris habang si Russel ay nanatiling tahimik na nakangiti. Hindi man magsalita ang dalawa ay alam niyang tuwang tuwa pa ang mga ito habang inaasar sila sa isa't isa. Nananahimik siya at hindi na rin umimik kahit maingay na ang loob ng huddle room sa pangangantiyaw ng mga kasama kina Russel at Iris. Ayaw niyang makisali pa sa pangangantiyaw para hindi siya mapansin ng mga ito.
Ngunit pansamantala yatang nabingi ang langit nang bumaling sa kanya si Jaycee. Hindi yata narinig iyong dasal ko!
"E yung mga LQ dyan? Loui? Benjie?"
Sinasabi ko na nga ba e!
Mula sa pagkakayuko niya ay napaangat ang paningin niya, at muling nagtama ang mga mata nila ng binata. Tila ito man ay nagulat sa pagkakabanggit ng mga pangalan nila. Nakita niya rin ang saglit na pagdaan ng lungkot sa mga mata nito, ngunit kaagad ding nawala iyon. She looked down, because that few seconds she stared at those eyes - and seeing the hurt in them made the frantic beat of her heart back - with a vengenance.