Chapter 13 - Chapter Eleven

Distansya

Pumasok na siya sa loob ng sleeping quarters, at nahiga na sa bakanteng bed na naroon. Hindi pa siya dinadalaw ng antok, kaya naman kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng bag. She logged on to her Facebook account, and checked who's online when she saw Benjie's name. The green circle beside his name was lighted, means that he's online.

Makailang beses niyang tinitigan ang pangalan nito, nagiisip kung i-message niya ba ang binata o hindi. Kinukumbinsi niya ang sarili na baka pagod lang ang dahilan kung bakit ganoon ang ikinilos nito maghapon, ngunit tila ba may nagsasabi sa kanya na may iba pang dahilan. At iyon ay ang iniiwasan siya nito, na si Benjie lang ang nakakaalam.

She's trying to control the urge to message him but curiosity won over her. Isa pa ay nag-aalala siya para dito kung mali man ang iniisip niyang ginagawa nito.

Ako:

Okay ka lang ba? Magpahinga ka, ah?

She hit the "send" button. Bahala na.

Pagkatapos ng ilang segundo ay sinilip niya ang screen ng cellphone niya, para tingnan kung may reply ba si Benjie.

Wala pa rin.

A minute passed, at umilaw ang cellphone niya, tanda na may message siya. She smiled when she saw his name on it, and quickly opened his message.

Benjie G. :

Okay lang, pagod lang talaga kanina. Salamat!

See, Loui. Hindi naman siya umiiwas sa 'yo. Nagkataon lang siguro na masyado siyang pagod kaya tahimik siya maghapon. Masyado ka lang paranoid, sermon niya sa sarili. Napangiti na lang siya muli sa kaalamang magiging okay na silang dalawa kapag nagkita sila kinagabihan.

Wala pang tao sa loob ng training room nang pumasok siya, kaya naman naisip niyang buksan na lang ang pc para libangin ang sarili habang nagaantay sa mga kasamang darating. Maya maya lamang ay bumukas na ang pinto ng room, at iniluwa niyon sina Daddy Robert, at Shirley. Binati niya ang dalawa, at hindi pa nagtagal ay dumating na rin si Mommy Jane, kasunod si Benjie.

At gaya ng madalas na nangyayari, napatagal na naman ang tingin niya sa binata nang napansin niya ito na seryoso at tila pagod, gaya ng nakita niya kahapon.

Bakit kaya sobrang seryoso at mukha na namang pagod ang isang 'to? May extension ba yung kahapon? Alam ko, tuwing Martes lang ang turo niya, not unless napalitan ang schedule niya.

Nabuhay ang pagtatakang nararamdaman niya simula kahapon patungkol sa ikinikilos nito, ngunit pinipilit niya itong balewalain. Inaantay niya ring pansinin siya nito, ngunit nanatili itong walang kibo. At nang ibinigay naman ni Alex ang 30 minute break nila ay nawala itong bigla.

"Tara na sa pantry, Loui." Ani Mommy Jane sa kanila. "Asan yung dalawang lalaki?"

"Po?" Lumingon lingon siya at wala sina Benjie at Daddy Robert. "Hindi ko po, alam."

Nagtatakang tumingin sa kanya ito, tila nagtatanong. Tila ito rin ay unti unting napapansin ang kakaibang ikinikilos ng binata, ngunit pinili na lang na hindi magsalita. "Hay, naku, tara na nga. Teka, sasabay ka ba sa amin o dito ka lang?"

"Sasama po ako, kasi kukuha po ako ng kape, 'My. Kumain naman kasi ako kanina sa bahay bago umalis." Bitbit ang tumbler niya ay sumunod na rin siya sa mga kasama na nauna nang lumabas sa room.

Pinipilit niyang balikan ang ang nangyari sa kanila sa nagdaang mga araw. Maliban sa pagtatanong niya kung kamusta na ang mga kapatid nito, wala rin siyang matandaang pinag-awayan nilang dalawa. If anything, they were really okay two days ago. And it sparked her curiosity more, as to wonder why he was acting this way towards her.

Pero bakit ganito? Nararamdaman ko talaga na umiiwas siya sa akin.

Parang may mali, at nagkaroon bigla ng pader sa aming dalawa. A wall that should've never existed.

Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Daddy Robert, kasunod si Benjie. Magtatanong na sana siya nang naunahan siya ni Mommy Jane.

"Saan kayo galing na dalawa?"

"Sa baba lang po, 'My. Galing po kami ng Mini Stop."

"Ba't di man lang kayo nagsabi?"

"Nakababa na po kasi kami agad, saka lang po namin naalala nung nandoon na kami," anito at naupo na sa pwesto nito.

Inabala niya ang sarili sa pagsasave ng notes niya sa kanyang pc at pasimple na inoobserbahan ang ikinikilos nito. Nagaantay siya na pansinin siya ng binata, ngunit patuloy itong walang imik sa pwesto nito na tila may malalim na iniisip.

Ano kayang problema nito? Mamaya talaga, magtatanong na ako.

"Guys, I'll give your third assessment after an hour."

Mabuti na lang pala at nagsave ako ng notes kanina. She then started reading her notes when she saw the messenger icon in her desktop. She stared at it, whether she's going to listen to that little voice inside her head, or she'll let him be.

Go! Ask him!

No! Iisipin niyang clingy ako!

Louise, asking him why acts that way doesn't mean that you cling to him so much. You are only asking him what's wrong.

She then drew a deep breath and started typing him a message. For me to have my peace, mabuti na rin sigurong magtanong ako.

Bahala na.

Me:

Uy.

Ilang segundo lang ang lumipas nang umilaw ang notification bar, tanda na may reply na si Benjie.

BGonzales:

Ui din

Aba, sumasagot naman pala. Gusto kong malaman kung anong nangyayari sa amin.

Me:

Galit ka ba sa akin?

BGonzales:

Di a, bat mo naman nasabi yan?

Me:

Kasi pakiramdam ko, umiiwas ka sa akin.

BGonzales:

Di a.

Hindi pa ba pag iwas ang ginagawa mo ngayon? Kung ganoon, ano iyon?

Me:

Anong hindi?

Ramdam ko umiiwas ka talaga. Hindi ko rin alam kung bakit. May nagawa ba akong mali?

BGonzales:

Wala kang nagawang mali. Ako ang may problema.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. May problema siya? Ano kaya yun?

Me:

May maitutulong ba ako? Please tell me.

May ilang minuto din bago ito sumagot. Ngayon ay nakumpirma na may problema nga ito.

BGonzales:

Dumidistansya lang ako sayo. Happy now?

Sabi ko na nga ba.

Pero bakit?

Anong dahilan?

Me :

May nagawa ba akong mali?

BGonzales:

Wala ng point para tanungin mo ako kung may nagawa kang mali. I don't want to be friends w/u. Iwasan mo ako, iiwasan din kita. Simple enough, di ba?

Pagkatapos niyon ay hindi na niya magawa pang magreply sa sinabi ng binata sa kanya. And now, she was starting to feel the hurt that was starting to spread into her system.

Dumidistansya lang ako sayo.

Paulit ulit niyang naririnig ang mga salitang iyon, kasabay ng pagdaan ng sakit sa puso niya. She knew that she'd been hurt before, but it was not like this. Nagiinit na ang sulok ng kanyang mga mata, nang naramdaman niyang tila may nakatingin sa kanya. She looked up and met Iris's eyes, and she looked like she was asking her.

ALozada:

Girl. Ayos ka lang?

Me:

No.

ALozada:

Did somthing happen? Anong nangyari sayo?

Me:

Benjie.

ALozada:

Huh? Anong nangyari kay Benjie?

Me:

Kasi sabi nya, dumidistansya sa akin. Ayaw nya sabihin kung bakit.

ALozada:

Yaan mo muna sya, baka need lang nya makapagisip.  Give him space, palipasin muna natin yan. And you, ifocus mo ang atensyon mo sa ibang bagay.

Me:

Pero bakit ganun? Bakit ang sakit?

ALozada:

Masakit nman talaga. Because you feel something for him.

Me:

You knew?

ALozada:

Of course. Babae akong gaya mo, kaya alam ko. Ramdam ko, kahit hindi mo ipinahahalata sa iba. At sa ganoong estado niyo, imposibleng may walang mahulog sa inyo.

Me:

Naiiyak ako. Pakiramdam ko ang tanga tanga ko para hayaan kong mangyari sa akin uli ito. Sabi kong trabaho ang ipinunta ko rito. Hindi ganito.

ALozada:

Don't blame yourself. Walang may kasalanan. It's just that you fell in love with him, that's all. Ang mabuti pa, ibaling mo muna ang atensyon mo sa ibang bagay. At wag mong ipahalatang naapektuhan ka.

Me:

Thank you.

Mula sa pc niya ay inangat niya ang mga mata at nagtama ang paningin nila ni Iris. Iris smiled at her and she smiled back, kahit pa isang hilaw na ngiti ang lumabas sa mga labi niya. But Iris knew that smile was not to show that she's okay, but to mask the pain that she felt at that moment.

Ngunit pinipilit niya mang ngumiti ay isang takas na patak ng luha ang tumulo sa kanyang mga mata. Pinalis niya ito ng mabilis para walang makapansin, maliban kay Iris na nakatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito ngunit nanatili itong tahimik sa nakita, kaya tumango na lang siya bilang sagot.

Halo halo na ang nararamdaman niya, kaya hindi na niya kinaya at tumayo na siya sa upuan niya. Dumiretso siya sa isang bakanteng cubicle, at tuloy tuloy na pumatak ang luha niya.

Pesteng pagibig yan.

Hindi ka na ba nadala?

Hindi ka ba natuto, Louise?

Nagmukha ka nang tanga kay Nathan noon?

Pero bakit hinayaan mong magiba niya ang pader na itinayo mo para sa sarili mo?

Haven't you learned your lesson yet?

Peste kasing puso yan. Hinayaan mo na naman ang lintek na pag ibig na pumasok sa sistema mo.