Chapter 12 - Chapter Ten

Pag-iwas

"Good morning," nakangiting bati niya sa mga kasama, pagpasok niya ng training room. Mangilan ngilan pa lang silang nasa loob at wala pa ang iba nilang kateam mates.

"Aga mo a," ani Daddy Robert sa kanya.

"Opo, daddy," aniya sabay pasimpleng inikot niya ang paningin, tila may hinahanap. Asan na kaya si Benjie?

Ano ba 'yan, Loui. Agang aga, siya ang hinahanap mo.

Kumukontra pa ang kontrabidang boses sa utak niya sa paghahanap ng paningin niya kay Benjie nang biglang nagbukas ang pinto. And speaking of, at bumungad sa kanya ang mukha ng binata. There you go, Loui. Andyan na ang boylet mo.

Napatagal ang tingin niya rito, kaya naman nagtama ang paningin nila. His smile reached his eyes - causing her to be lost in those pitch black irises...again. She was lost in their own little world, and everything else...doesn't matter.

"Ehem...Good morning," narinig niya ang boses ni Daddy Robert na pumutol sa pagkakatitig niya kay Benjie. Napabaling siya rito at isang mapang asar na ngiti ang nakita niya. Si Daddy talaga o. Ang aga aga.

Sus, kunyari ka pa, gustong gusto mo namang inaasar ka kay Benjie magmula na inamin mo sa sarili mong gusto mo sya. Malanding nilalang!

"Ah, good morning, Benjie," aniya at napakamot na lang siya sa ulo.

"Good morning din, po." sagot naman nito at muli ay sumulyap sa kanya. "Good morning din, sa'yo."

Nakuha na naman nito ang atensyon niya at isang tipid na ngiti na lang ang iginawad niya sa binata. Ngumiti ito pabalik sa kanya, dahilan para magkagulong muli ang sistema niya. Naupo na siya sa pwesto niya at tahimik na pinapakalma ang sarili habang rinig na rinig pa rin niya ang malakas na dagungdong ng puso niya.

Hindi na muling kumibo pa ito hanggang sa magsimula na ang klase nila. Siya naman ay ibinaling na rin ang atensyon sa trainer na nasa harap.

"Tara na sa baba. Uuwi ka na, di ba?" Aya niya rito matapos ang klase nila sa araw na iyon.

"Oo. Eh, ikaw? Anong gagawin mo sa baba, e, dito ka naman matutulog?"

"Dito nga. Di ba, wala namang daan papunta sa sleeping quarters kaya kailangan kong dumaan muna sa ground floor para makaakyat sa kabilang tower?"

"Oo nga pala. Halika na, para makapagpahinga ka." Ngumiti ito sa kanya at nagtama ang paningin nilang dalawa, dahilan para umariba na naman sa lakas ang tibok ng puso niya. Ito na naman, ito na naman ang puso kong parang nakikipaghabulan sa bilis kapag napapatingin ako sa mga matang iyon.

Tumikhim siya, para piliting maitago ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ngunit napansin niya ring hindi lamang siya ang napahinto, kung di ang binata na rin.

"Benjie?" she called him, snapping him out of his reverie. She stealthily glanced at him and noticed that there was a ting of red of his cheeks.

He was blushing!

"Ehem,"

She smiled inwardly dahil sa hindi niya inaasahang reaksyon niya sa binata. Tuwang tuwa siya ngunit pinili niyang magpatay malisya sa nakita at napagpasyahang ibahin ang topic nila.

"Kamusta na nga pala ang mga kapatid mo? Magaling na ba sila?"

"Oo. Okay na sila," isang nagtatakang tingin ang ipinukol sa kanya nito. "Bakit mo pala nalaman?"

"Sinabi mo sa akin nung Saturday, di ba?"

"Oo, nga pala."

Ito talagang lalaking 'to, ke bata bata, makakalimutin na. "Ikaw ha. Makakalimutin ka na," pang aasar niya at binuntutan ng tawa. Mag memo plus ka na."

"Ay, sobra naman sa makakalimutin. Pero susundin kita, marunong naman akong sumunod sa mas nakakatanda sa 'kin."

"Aba, aba. Grabe siya sa akin, o. Pero kidding aside nga, magaling na sila?"

"Oo. Maliban sa pantal nila nung weekend, yun lang ang nangyari. Mabuti nga at hindi ako nahawa."

"Ibig lang sabihin no'n, malakas ang resistensya mo."

Tumango ito. "Salamat nga pala sa pag aalala mo sa mga kapatid ko."

"Wala, 'yon. O, dito na ako," aniya nang makarating na sila sa ground floor. "Ingat ka."

"Ikaw din. Ingat. See you tonight."

Naglakad na ito palabas, at bago ito lumabas sa glass door ay kumaway pa ito sa kanya. She waved back and smiled. Hay, Benjie. Habang tumatagal ay mas lalong nahuhulog ang loob ko sa'yo.

Pero baka nakakalimutan mo, Loui. Na magpapari ang isang yan. Hinay hinay, ikaw rin ang masasaktan sa ginagawa mo.

Napabuntong hininga siya ng malalim sa naisip. Sasamantalahin ko na lang ang panahon na kasama ko siya ngayon. I'll enjoy it while it lasts.

Bumukas ang pinto ng training room at sunod sunod na pumasok sina Mommy Jane, Sheryl, Daddy Robert at Benjie. Hindi niya mapigilang mapangiti nang nakita na ang lalaking kanina pa hinahanap ng paningin niya.

"Good morning, Mommy...Good morning din, Benjie."

"Good morning din, Loui," sagot naman ni Mommy Jane sa kanya at umupo na sa pwesto nito. Tango lang naman ang isinukli sa kanya ni Benjie at nanatili itong tahimik. Nagtaka siya sa ikinilos nito ngunit mas pinili niyang ipasawalang bahala ang ginawa ng binata. Wag ka ngang OA, Loui. Baka pagod lang ang isang 'yan kaya tumahimik lang at hindi sumagot.

"So you know what to do." Narinig niyang sabi ni Alex, ang trainer nila. "Be back after 30 minutes, guys."

Nagsilabasan na ang mga kasama nila nang marinig ang permiso ni Alex. Sila naman ay natira sa loob ng training room.

"Dad, saan ka?" Tanong niya kay Daddy Robert, sa pag asang kumibo si Benjie na noon ay tahimik pa rin.  Palihim niyang sinilip ito, at nakitang nakatingin ito sa monitor na kaharap, ngunit kita rito na malalim ang iniisip. Ano kayang problema ng taong ito? May iba talagang hindi tama ngayon, e. Ramdam ko.

Ano ba, Loui. Masyado kang OA. Baka nga pagod lang si Benjie.

"Pantry lang kami, kukuha lang ng kape." Sagot ni Daddy Robert sa kanya. "Sumunod na lang kayo ni Benjie doon."

Tila naman naging gatilyo iyon para biglang tumayo ang binata sa kinauupuan nito. Bigla nitong nilock ang pc at binitbit ang tumbler, ay nagpaalam kay Daddy Robert nang hindi tumitingin sa kanya. "CR lang po, ako, Dad."

Mas lalo lang siyang nagtaka sa ikinilos nito. What was that?  Hahabulin na sana ito para magtanong nang napagtanto kung anong araw ngayon.

Oo nga pala. Martes nga pala ngayon. Malamang galing nga ito sa klase kanina kaya kanina pa parang pagod ang hitsura at nananahimik. Kawawa naman, kaya hahayaan ko na lang siya ngayon at bukas ko na siya kukulitin.

"Sige po, una na kayo sa pantry, baba lang ako para bumili ng makakain." Nakabalik naman siya kaagad at nakitang naghihintay na roon ang mga kaibigan, maliban kay Benjie na missing-in-action pa rin. Dahil sa kuryosidad ay hindi na niya napigilan ang sariling magtanong kay Daddy Robert.

"Saan po si Benjie?"

"Hindi ko nga rin alam, e. Sabi niya kanina, susunod siya. Inaantay nga namin, pero hindi naman nagpunta dito sa pantry."

Naupo na lang siya sa tabi nito at tahimik na kumain. Pagkatapos ay nagkayayaan na silang bumalik sa training room, at naabutan niya ang binata na nagiisang nakasubsob sa harap ng pc nito, at natutulog. Hindi na siya lumapit at hinayaan niya na lang na gisingin ito ni Mommy Jane nang pumasok na sa room si Alex, hudyat na magsisimula na ang klase nila.

Hanggang sa naglunch ay tahimik pa rin ito, na pati ang videoke na madalas nilang libangan ay nagawa nitong tanggihan. Naninibago na siya sa ikinikilos nito at habang tumatagal ay nagsusumigaw na ang kanyang kuryosidad, ngunit pinipigil niya ang sariling magtanong.

"Dad, saan po si Benjie?" Tanong niya kay Daddy Robert nang nasa locker room sila sa pagtatapos ng shift sa araw na iyon. Lumipas ang buong maghapon na hindi sila nagpansinan ng binata, at ngayon ay hindi niya ito makita.

"Umuwi na," sagot nito at nagtatakang tumingin sa kanya. "Hindi nagpaalam?"

Umiling siya bilang sagot, at nanatili ang tilang nagtatakang tingin sa kanya nito. "Parang nagmamadali ang isang iyon kanina. Ano bang nangyari?"

"Po?" Ngayon ay bumalik na naman ang pinaghalong kuryosidad at kaba sa sinabi ng kaibigan sa kanya. "Hindi ko po, alam, Dad. Baka may aasikasuhin, kaya nagmamadali? O baka pagod po, at gustong umuwi ng maaga?"

"Baka nga." Sang ayon nito sabay tapik sa kanyang balikat. "Sige, mauuna na ako sa iyo. Uuwi pa ako."

"Ingat po, kayo."

Napabuntong hininga siya, at nagsimula na namang magisip kung ano nga ba ang nangyari kay Benjie at kung bakit parang biglang nag-iba ang ikinikilos nito.

Talagang bukas, magtatanong na talaga ako kung ano ang nangyayari sa 'yo.