love with him
Habang nasa bus ay tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito mula sa bag at tiningnan kung kanino galing iyon.
Iris :
Nasan kana?
Galing ang message kay Iris, at nagtype siya kaagad ng reply para sa kaibigan.
Me :
Byahe na ako girl, maaga akong umalis ng bahay. Matraffic kasi.
Ilang segundo pa ay tumunog muli ang cellphone niya, matapos maisend ang reply niya para dito. Huhulaan ko, nasa biyahe na rin ang babaeng 'to kaya nakakapagtext na sa akin ngayon.
Iris :
Loc? On d way narin ako. Maaga din ako umalis sa bahay e, alam mona. Yung pinagusapan natin ha? Kumalma ka. Ako na bahala. Haha.
Naiinis man ay natatawa siya sa sinabi ng kaibigan nang naalala ang ginawa ni Nikka kay Benjie noong Linggo. Oo nga pala, siya ang magtatanong kay Benjie tungkol sa nangyari sa resort. Kasalanan ni Nikka na nandamay pa ng mga taong nananahimik.
Ilang oras pa ay nakarating siya sa office nila dahil sa sobrang traffic. Pagkarating niya ay nagtipa siya muli ng text message para kay Iris. Her reply was almost immediate.
Iris :
Nandito nako. Ground floor office elevator.
Me :
Papunta na ako dyan, wait mo ako.
Iris :
Sigi. Dito lang ako.
Ilang minuto lang at nagkita na rin sila ni Iris sa tapat ng elevator.
"Good morning,"
"Good morning, din. Tara sa taas?"
"Halika na."
Nakarating na sila sa fourth floor at papunta na sana sa pantry nang nakasalubong nila si Nikka. Nagkatinginan sila ni Iris at alam nilang pareho sila ng iniisip. Nilagpasan lang nila ito, pero alam niyang nagsisimula nang bumangon ang iritasyon sa sistema niya.
Maya maya ay pumasok na sila sa training room nang nakita na uli nito. Tila ba wala itong naalala sa kung ano ang nangyari sa araw na nagdaan at sinasadyang magpatay malisya. Kaya naman lalo pa na nadagdag sa iritasyon niya nang hindi man lang ito nagpaliwanag. Iris looked at her, and knew that she was barely holding on to her temper. She then remembered Cy's account on what happened a day ago and she saw red at the moment. She swung her hand towards the wall.
One...
Two...
Three...
PAK!
Nanlaki ang mata ni Iris sa paghampas niya sa pader. Hindi nito inaasahan na gagawin niya iyon, kaya naman nanatili ang mata nito sa kanya. Tinapik siya nito sa balikat.
"Relax ka lang girl. Malalaman natin yan kay Benjie mamaya."
Hindi na siya umimik pa hanggang sa nakabalik na sila sa training room. Nanatili siya sa kanyang upuan at nanatiling tahimik, kaya naman lumingon muli sa kanya si Iris. Alam nitong masama na ang mood niya kaya naman ito na ang lumapit sa upuan ni Benjie.
"Benjie,"
"Po, Ate Iris?"
Tumingin uli sa kanya ang kaibigan na tila nanantiya. "Ano ba talagang nangyari kahapon?"
Nakikinig siya sa usapan ng mga ito at nag aantay sa sasabihin ng binata.
"Kagagaling ko lang ng CR dahil katatapos ko lang maligo. E itong si Nikka, nagbabato ng mga gamit at nagwawala na. Tapos, bigla niya akong hinila at hindi na ako nakapagreact, akala ko kung ano gagawin niya at lalo akong nagulat nung inilock niya yung pinto ng CR. Natakot ako, kasi baka ano ang gawin niya sa loob, tapos ako ang mapagbintangan. Sinabi ko sa kanya na bitawan niya ako kaya binuksan ko na yung pinto." Mahabang paliwanag nito.
"O, ayan, Loui ha. Kalma na ha, wag nang idamay ang pader," sabi ni Iris sa kanya. Tipid siyang ngumiti at nanatiling tahimik.
Buti naman, walang ginawa si Nikka kay Benjie. Kung wala talaga....Maghahalo ang balat sa tinalupan.
Tumingin lang si Benjie sa kanya at hindi na rin ito nagtanong. Alam nitong masama ang mood niya kaya naman nag joke ito sa kanya, at parang bulang nawala ang pagkabadtrip niya. Nakaupo na sila sa station nila nang kuhanin nito ang palad niya. Tila ba libong boltahe ng kuryente ang naramdaman niya nang magdaop ang palad nila.
It's always like this when he holds my hand. I know, it's been a few times but, it always feels like the first time when he does this.
"Wag ka na kasing masyadong mag react. Ayan tuloy, nasasaktan ka." sermon nito sa kanya. Hindi siya kumibo, ngunit ngitian niya lamang ang binata, kahit pa nagririgodon sa bilis ang tibok ng puso niya. He smiled back at her, and she felt her heart skip a beat when she saw his smile reached his eyes. Matapos nitong hawakan ang kamay niya ay humarap siya sa pc niya at nag open ng chatbox nang makita ang message ni Benjie.
BGonzales :
Is it okay if I call you mine?
Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya nang makita ang sinabi nito sa chatbox nila. Warmth crept to her cheeks when she realized what he said. She knew then that she can no longer deny what she felt for him, and he broke down those walls - those walls that she had built inside her heart to protect her feelings.
His smile, his stories, the way he looks at her, the laughs that they shared, their late night talks - all those little things came down to her and a blinding realization hits home.
I can't deny this no more. I admit. I am in love with him.