Baka nga nalilito lang ako?
Sige, Loui. Inom pa. Ayan ang napapala mo. Alak pa more. Sermon niya sa sarili pagkagising niya. Ang sakit sakit ng ulo niya, marahil sa dami ng nainom na alak noong nagdaang gabi. Isama pang puyat siya noong nagdaang araw, kaya ang resulta ay ang nararamdaman niyang hangover.
Kahit na masakit pa ang mga mata niya ay pinilit niyang dumilat. Lumingon lingon siya sa paligid niya at nakita niyang ilan pa sila sa mga ka team mates niya ang tulog pa. Kinuha niya ang cellphone niya sa tabi at sinilip ang oras.
6:05. Maaga pa pala, ani niya sa sarili nang bigla niyang naalala na maagang babalik ng Manila si Benjie dahil may serve pa ito sa Church ng 10 ng umaga.
Nakaalis na kaya siya?
Kaagad na siyang bumangon at kinapa ang bulsa ng bag niya. Napangiti siya nang nakita niya pa ang maliit na paper bag na may lamang toothbrush ni Benjie at gamot ng binata.
Hindi pa siya nakakauwi.
Nawala na ang ano pang natitirang antok niya sa katawan kaya nagpasya na siyang maligo. Mabilis siyang naligo at nagbihis at nagpapatuyo na ng kanyang buhok nang nakarinig siya ng sunod sunod na katok sa pinto.
"Pasok,"
Bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok sina Jaycee, kasama pa ang ilan niyang mga kateam mate. "Gising ka na pala, Loui."
"Oo, e. Bumangon na ko, nawala na yung antok ko. Saan kayo nanggaling?"
"Diyan lang sa baba." Sagot ni Sheryl nang napansin niya ang nakasimangot na si Jaycee. "Anong nangyari sa isang 'yan? Ba't nakasimangot 'yan?"
"Ay, nako, wag ka nang magtanong. Kanina pa badtrip si Jaycee. Kasalanan ni Veronica."
Napataas ang kilay niya sa narinig. "Ano? Bakit? Anong meron?"
"E paano ba kasi," nagsalita na ang nakasimangot na si Jaycee. "Iinom inom, hindi naman pala marunong i-handle ang alak sa katawan. Nandamay pa ng taong nananahimik."
"Tsk. Hay naku, talaga naman, pag ganyan, wag na sanang uminom," ani Sheryl na napailing pa habang nagkukwento.
Nakikinig pa siya sa pinaguusapan nila nang tumunog uli ang pinto at bumukas ito. Napalingon siya roon para makita kung sinong dumating ngunit agad na natawag ang atensyon niya sa kung sino ang pumasok. Wearing a black polo cotton shirt and jeans, he had no trouble getting her attention to focus on him.
Ang ganda naman po ng pa goodmorning nyo, Lord. Ang cute po ng kaharap ko!
Habang palapit si Benjie ay hindi nito inalis ang pagkakatitig sa kanya. Her eyes met his, and looked so intense that she felt that he is trying to tell her something but somehow can't seem to put into words. She felt her insides tumble when she looked at him and tried to smile to stop whatever it is happening inside her. Pero imbis na kumalma ay kabaliktaran ang nangyari nang ngumiti ito pabalik sa kanya, na lalong nagpawala sa sistema niya.
Damn it, Loui, umayos ka!
"Good morning," anito.
"Good morning, din. Uuwi na kayo?"
Nagtatakang tumingin ito sa kanya. "Hindi ka ba sasabay sa amin?"
"Uh...baka hindi na muna. Para kasing gusto ko munang mag stay dito."
Tumango ito, ngunit kita pa rin niya ang pagtataka sa naging desisyon niya. "Sigurado ka?"
"Oo."
Kailangan ko munang magpaiwan para naman mapag isipan ko kung bakit ganito ang nagiging reaksyon ko kapag malapit ka sa akin. Kailangan kong makapag isip isip, inaagiw na kasi ata ang utak ko.
"Akala ko kasi, sasabay ka. Uuwi na kami ng maaga, may serve ako sa church ng 10am."
Napatango siya. "Oo nga pala, Sunday ngayon."
"Oo, e. Nga pala, yung toothbrush ko at gamot, nasa 'yo pa ba?"
Lumapit siya sa bag niyang nakalapag sa sahig at dinukot ang bulsa nito. Iniabot niya ang maliit na paper bag rito na toothbrush at gamot ang laman. Nanatili ang tingin sa kanya ng binata, tila may gustong sabihin sa kanya ngunit hindi nito magawa. Still staring into his eyes, a minute of silence passed through them when he reached into his pants pocket.
"Ito pala yung wallet mo," he handed a small coin purse. "Naiwan mo sakin kahapon,"
Nangiti siya. "Uy, salamat,"
He smiled in return, but she can see that hopeful look in his eyes - like telling her to change her mind. Gusto niyang magpatianod dito, ngunit pinigilan niya ang sarili.
Not now, Benjie. Kailangan kong makapag isip at alam kong hindi ko magagawa 'yon kapag kasama ka.
"O paano, uuwi na kami. Baka hinihintay na ako ni Daddy doon sa ibaba. Ingat ka mamaya sa pag uwi mo, ha?"
Naglakad na ito palabas ng kuwarto nila, marahil para puntahan si Daddy Robert sa ibaba. Sumunod na siya rito para ihatid ang binata sa pinto.
"Ingat din kayo ni Daddy."
Bumaba na ito at lumipas ang ilang minuto nang napagpasyahan niyang bumaba. Naroon pa rin ang pag dadalawang isip niya at gusto niyang humabol ngunit pilit niya pa ring pinipigilan ang kanyang sarili.
Pero hindi rin siya nakatiis, kaya naman dali dali siyang bumaba sa kuwarto ng boys at binuksan ang pinto. Tahimik ang buong kuwarto at walang tao maliban kay Alain na mahimbing na natutulog sa isang kama roon. Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng CR at iniluwa niyon si Cyril.
"Sinong hinahanap mo, Loui? Sina Benjie ba? Nakaalis na sila ni Daddy."
"Ah. Thanks, Cy."
"Subukan mong habulin, baka nasa labas pa sila."
Tumango siya. "Salamat uli, Cy."
Hindi na niya hinimtay na sumagot ang kausap at tumakbo na siya papunta sa gate. Nanghinayang siya nang hindi na nakita ang dalawa sa gate.
Kung bakit naman kasi naisip ko pang hindi sumama sa kanila, e di sana hindi ako naghahabol ngayon. Ano ba kasing pumasok sa isip ko?
"Saan ka galing? Breakfast na tayo," sabi sa kanya ni Iris nang nakarating siya sa Gazebo. "Tara sa taas. Pinahanda na ni Russel ang breakfast natin,"
Wala sa loob niya na sumunod sa kaibigan at alam niyang napansin nitong nakasimangot siya. "Sinong sinundan mo sa labas at nakasimangot ka riyan?" Lumingon ito sa kanya. "Hindi mo ba inabutan si Benjie?"
"Ha?"
"Wala." Nakangiti ito sa kanya at tila alam na niya ang nasa isip nito - na may nabubuo itong hinala sa isip at may hinihintay na may makumpirma.
"Ba't nakangiti ka dyan?"
Kung nakangiti na ito kanina ay mas lalo pang lumapad ang ngiti nito sa tanong niya. "Wala, don't mind me."
"Share mo naman 'yang iniisip mo, bestfriend. Baka sakaling matuwa rin ako." aniya. "Tuwang tuwa ka riyan, e."
"Wala nga."
"Bahala ka nga dyan."
Naupo na siya sa table nang tanungin siya ni Russel. "Loui, san si Benjie?"
Isa pa 'to si Russel. Makapang asar, wagas.
"Umuwi na. Church duties, e. May serve siya ng 10am kaya kailangan niyang umuwi ng maaga."
Ngumiti rin si Russel sa narinig mula sa kanya. Sa paraan pa lang ng pagngiti nito ay alam na niya kung ano ang iniisip nito. Hay naku, parehong pareho sila ng takbo ng pag iisip ng jowa niya. Pag uuntugin ko 'tong dalawang 'to, e. "Naks, alam na alam ang schedule a."
"Sinabi lang naman niya sakin, e. Hindi ako nagtanong,"
"Ay, iba na 'yan. Nagrereport na sa kanya. Sigurado bang hindi pa kayo sa lagay na 'yan?"
Umugong ang asaran sa kanila ng barkada hanggang sa matapos sila mag almusal. Saka lang sila nanahimik nang nagpapahinga sila sa mga upuan sa tapat ng pool at mag aya si Jaycee na mag swimming.
Niyakag niya si Iris. Nang una ay tumanggi ito ngunit napilit din naman nila itong magswimming, kahit malamig. Maya maya ay nasa pool na silang lahat at hanggang doon ay walang tigil ang pagkuha ni Jaycee ng mga pictures. Kahit paano ay nalibang siya sa pagswimming nila.
"Oy, Jaycee. Ingatan mo 'yang phone mo. Baka magswimming 'yan gaya mo."
"Hayaan mo syang magswimming," tumatawa pang sagot ni Jaycee, habang nagpipicture pa rin.
"Hay naku, bahala ka nga." sagot naman ni Cyril, pero hayun naman silang lahat at nakiki-pose kapag nagpipicture si Jaycee.
Maya maya ay nagsawa din sila sa pagkuha ng pictures sa pool, at kanya kanya na sila ng pwesto sa gilid. Maya maya ay nag aya na rin ang mga ito na umakyat na at magpalit ng damit dahil sa lamig ng tubig sa pool. Pagkatapos magpalit ng mga damit nila ay tumambay na sila sa Gazebo, para naman makapagpahinga bago magsiuwi. Lunes na rin kasi kinabukasan at may pasok na sila uli kaya naman mag check out na rin sila sa resort.
"San si Alain?" tanong ni Russel. "Gisingin n'yo na 'yon. Malapit na tayong mag check out."
"Tulog pa ata," si Peter naman ngayon. "E paano, inaway ni Nikka kanina."
"Oo nga no," si Cyril. "Walang patawad si Nikka kanina. Lahat dinamay niya."
"Si Daddy nga, na-goodmorning ng tsinelas. Ako man, nabato rin." Umirap si Jaycee saka nagsalitang muli. "Pasalamat siya at marunong magtimpi ang mga tao dito, kung hindi ay nakalimutang babae siya."
Tahimik pa siyang nakikinig sa kung anong nangyari ng umagang iyon. Wala siyang alam dahil mas nahuli siyang nagising sa ibang kasama nila, marahil sa alak na nainom niya.
"Kahit si Benjie, hindi nakaligtas, e. Kinulong ba naman sa-"
Nakita pa niyang sumenyas si Sheryl kay Cyril na tumahimik ngunit huli na ang lahat dahil narinig na niya ang sinabi ng kabarkada patungkol sa ginawa ni Nikka kay Benjie.
"Ano raw ang ginawa ni Nikka kay Benjie, Cy?"
"Uy, nag react si Loui." ani Alex na nakangisi pa. Hindi naman niya magawang mapatulan ang biro nito dahil sa inis na bumabangon sa kanyang sistema. Napabuga siya ng hangin habang kinakalma ang sarili. "Sorry, Cy. Tuloy mo 'yong sinasabi mo kanina."
"Ayun na nga. Pagpasok ni Nikka sa kuwarto ng boys kanina, nagumpisa na siyang magbato ng mga tsinelas. Nagulat kaming lahat at nainis na rin sa ikinikilos niya, kaya nagsilabas na kami sa kwarto. The next thing we knew, narinig na namin si Benjie na sinasabing bitawan ang kung anong hawak ni Nikka."
Aba't nakuha niya pang idamay si Benjie! Nagngitngit siya ngunit pinili niyang manahimik habang pinakikinggan niyang magkwento si Cy at ang iba pa nilang kasama tungkol sa nangyari noong umaga.
"Mabuti kung patulan siya ni Benjie," ani Russel na nakangisi at tumingin sa kanya. "Mabuti kung si Louisse 'yon."
Tinapik naman ni Iris ang balikat niya, matapos makita ang naging reaksyon niya patungkol sa ginawa ni Nikka kay Benjie. "Wag ka mag alala, itatanong natin kay Benjie bukas kung ano talaga ang nangyari."
Hindi na siya sumagot at tumango na lang sa sinabi ng kaibigan. Hanggang sa maghiwa hiwalay sila pagkauwi ay hindi na nila inungkat ang nangyari noong umagang iyon. It's as if there was an unspoken agreement between them to save that discussion for the next day.
And now, she can't sleep thinking about what really happened that morning. The nerve of that girl! The thought of it irritates her and it caused for sleep not to take over her system. She reached out for her phone and began navigating it, until she clicked the "contacts" icon on it. Scrolling down, she stared at his name.
Should I text him or not?
She kept staring at his name on her screen, unable to make a decision. But a few moments later, she began to type.
Me :
Hey. Gising ka pa? Kinulong ka raw ni Nikka sa CR kaninang umaga?
"Teka lang, parang masyado naman akong feeling kung makapagtanong," bulong niya sa sarili. Binura niya ang tinype na text para sa binata at nagtype muli.
Me :
Benjie, anong nangyari kaninang umaga? Okay ka lang?
Tiningnan niya uli ang nai-type na message para sa binata. "Masyado naman ata akong nakikitsismis sa kanya para itext pa siya ngayon," aniya muli kaya binura na naman niya ang text na ise-send nya.
Teka nga kasi, bakit naman ako ganito ka apektado?
Kasi gusto mo na rin siya, in denial ka lang.
Hindi pwede! Kontra ng kontrabidang parte ng isip niya. Ba't parang lalo yatang lumabo ang utak ko imbes na makapag isip ako kanina nung nagpaiwan ako sa resort imbes na sumabay kaninang umaga?
Napabuga siya ng hangin sa inis. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon kaya naman nagpadagdag pa iyon sa gulo ng utak niya. In-exit niya ang screen na may pangalan ni Benjie at dinial ang number ni Carlene. Nakailang ring muna ito bago nito sinagot ang telepono.
"Hello."
["Napatawag ka. May problema?"]
Ang lakas naman ng pakiramdam ng babaeng ito. "Paano mo nalaman?"
["Di ka naman tatawag sa akin, unless may problema. So ano nga?"]
Hindi siya nakasagot agad, dahilan para magsalita uli si Carlene sa kabilang linya. ["Parang may idea ako kung ano ang dahilan kung bakit ka tumawag ngayon. Is this about a guy? May pumalit na ba kay Nathan dyan sa puso mo?"] sunod - sunod na tanong nito.
Heto na naman po siya, nag-umpisa nang manggisa.
"Hindi pa naman siguro pumalit kaagad kay Nathan. Pero tama ka nga, may isang taong nakakuha ng atensyon ko. Pero parang mali e. Kasi dapat kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."
["Ay teka...Ngayon ko na lang narinig sa 'yo yan ha. For him to get your attention, then he must be different. Kamusta? Ano itsura nya? Gwapo ba?"]
"Eto naman, kailangan gwapo talaga kaagad? Di ba pwedeng sa ugali muna tumingin?"
Natawa naman ito sa sinabi niya. ["Sorry naman. So, ano nga? What made him get your attention?"]
"Unang una, he's nice. Gentleman, mabait, he makes me laugh, we always talk - anything under the sun."
["Aba, ganyan na level nyo? Pero baka naman na-mimis-interpret mo lang yung kabaitan niya sa 'yo? Payong kaibigan, girl. Sometimes it's not bad to ask about what your status is. Baka naman kasi mauwi na naman 'yan sa wala."]
"Siguro nga, tama ka. Salamat, ha?"
Nag-usap pa sila ng ilan pang minuto bago nito ibinaba ang tawag. Napabuntong hininga na lang siya habang iniisip ang sinabi nito sa kanya, patungkol sa sinabi nito sa kung ano ang nararamdaman niya para kay Benjie.
Baka naman nga kasi kaibigan lang o kapatid ang nararamdaman ko para sa kanya.
Baka naman nga kasi nagkakamali lang ako.