Team Building
Nakarating na nga sila sa resort nila Russel. Bitbit ang kanya kanyang bag, pumasok sila sa loob nito at bumungad sa kanila ang malawak na paligid.
Habang nagkakasiyahan ang halos lahat sa kanila sa pagpi-picture, siya naman ay binusog ang mga mata sa nakikita niya sa loob ng resort. Sa kung saan siya nakatayo, ang nasa kaliwa ay ang dalawang palapag na building, na sa tingin niya ay naroon ang mga kuwartong tutuluyan nila. Looking up, five big glass windows are on the second floor of the building - and the farthest portion lies a terrace, overlooking the manicured lawn.
On her right was a stone path leading to the two-storied gazebo. The upper portion has a stone terrace, which overlooks the pool in front of her. The lower floor lies two tennis tables, and on the corner has wicker chairs made of rattan and a glass table.
Nilingon niya ang mga kasama at nakitang libang na libang pa rin ang mga ito sa pagpipicture, kaya naman inilibot niyang muli ang paningin sa paligid. Kuryoso siya sa nakikita kaya naman sinundan niya ang stone pathway sa harap ng gazebo, leading her to the side of the pool. Fruit trees lined the stone pathwalk - at sa pinakadulo niyon ay ang pergola na may gumagapang na baging, na siyang nagbigay ng lilim sa lugar.
Ang ganda rito, hindi nga nagkamali si Russel na sabihing maganda dito sa kanila, aniya sa sarili. Umupo siya sa isa sa mga upuang naroon habang humihihip ang malamig na hangin, na kahit mainit ang panahon ay nawawala ang init dahil sa punong naroroon. Nagpapahangin pa siya nang nakita niyang palapit si Benjie sa kanya.
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."
"Hinanap mo pala ako? Sorry naman." Aniya at ngumiti rito, na gaya niya ay nakaupo na rin sa tabi niya. "Nalibang lang ako sa pagtitingin tingin dito sa paligid. Ang ganda pala dito, hindi nagkamali si Russel sa sinabi niya."
"Oo nga..." sagot nito habang saglit na inilibot ang tingin sa kung saan sila naroon. "Maganda," his gaze shifted on her and stayed a little longer when he said it, making her a bit conscious.
Ako ba ang tinutukoy niya o yung lugar?
Echusera! Yung lugar, syempre. Asang asa ka naman, sabi ng kontrabida sa utak niya. Habang nagtatalo ang dalawang boses sa utak niya ay nakatitig pa rin sila ni Benjie sa isa't isa, ngunit mas nauna na siyang magbaba ng tingin.
"Tara na? Baka hinahanap na nila tayo at aasarin na naman tayong dalawa?"
Tumayo na siya sa kinauupuan at naglakad na papunta sa direksyon ng gazebo, at nakasunod sa kanya ang binata. Nakita naman kaagad nila ang mga kateam mates na nasa harap ng building.
"Nandyan na pala kayo," ani Russel pagkakita sa kanila. "I'm going to show you the rooms kung saan tayo magstay."
"Thank you, Russel. Sorry din sa delay."
"Ayos lang," anito at ngumiti sa kanila, ngunit pakiramdam niya ay may kasunod na pang aasar ang sasabihin nito. "Siguro naghanap kayo ng kung saan kayo pwede mag-date, no."
Sabi na nga ba e!
Sasagot na sana siya nang nagsalita kaagad si Benjie. "Hindi naman, Kuya Russel. Hinanap ko lang si Loui at nagkataong doon ko siya nakita."
"Sus," anito, not in the least believing them. Pumasok sila sa hallway at dumukot ito sa bulsa, and inserted a key on the door's keyhole, opening the room. He flipped a switch, illuminating the whole of it. "Here's your room, girls."
Limang beds, na kasya para sa kanilang mga girls. May kalakihan ang bawat kamang naroon na kung tutuusin ay kasya rin sa dalawang tao. May built in cabinet din para sa mga gamit, fully airconditioned at may malaking cr na may tub pa sa loob. All furniture were made of wood, at kahit pa sabihing may kalumaan ito ay kitang matagal pa ang panahong magagamit ang mga iyon. Lumabas na si Russel at umakyat na si Russel kasama ang mga boys sa second floor. Ibinaba na din niya ang backpack na dala at aayusin na sana niya ang gamit na dala nang lumapit si Iris sa kanya.
"Tara, Loui, tingnan natin yung room ng boys sa taas," yakag nito.
"Sige,"
Busy ang mga kasama nila sa pag aayos ng mga kanya kanyang dala nito kaya hindi na rin sila napansin ni Iris sa paglabas nila ng room. Umakyat sila sa second floor at nakita nila kaagad ang isang room sa pinakadulo ng hallway. Nasa tapat ng pintong nakabukas si Peter kaya naman nilapitan nila ito.
"Si Russel ba, Iris? Nandyan sa loob." ani Peter. "Nandyan din si Benjie, Loui."
Hindi ko naman hinahanap si Benjie, a. "Uy. Salamat, Peter."
Bumungad sa kanila ang room ng mga boys, at di hamak na malaki ito, kaysa sa kanila. May mga beds din na naroon, na kasya rin para sa mga boys - at gaya ng room nila ay fully airconditioned din ang buong kuwarto. Ang kaibahan nga lang, mas maganda ang design ng kuwartong iyon at may mini terrace pa sa pinto. Napatingin siya sa katabing si Iris at nahulaan niya ang nasa isip nito. Go, Iris! Makipagpalit ka ng room sa boys!
Lumapit ito kay Russel at may ibinulong na kung ano. Nang tumingin si Iris sa kanya ay nakangiti ito, tanda na nakuha nito ang gusto nitong mangyari.
"Guys, sa baba na lang tayo, let's exchange rooms para sa girls. But don't worry, maganda pa rin naman ang room natin," ani Russel.
"Tara, Loui, ilipat na natin ang mga gamit natin," aya ni Iris at sumunod na rin siya. Napalingon siya sa likod at nakita niyang nakangiti ito tulad niya, at itinuro nito si Iris na nasa unahan nila.
"E di dito ako matutulog sa tabi mo mamaya, Russel?" pabirong sabi ni Iris habang nakaupo sa isa sa mga beds na naroon.
Umiling naman si Russel bilang sagot. "No, you'll sleep upstairs tonight." Sumimangot naman si Iris nang narinig ito, ngunit mukha namang amused si Russel sa nakitang reaksyon mula sa dalaga. Lumapit ito kay Iris at may ibinulong kaya naman ngumiti ito uli.
Ang sweet, nakaka-inggit! She silently wished that she could have a love like hers, too. She can see the feelings between the two people kahit wala pang commitment ang mga ito sa isa't isa. At dahil hindi lang naman sila ang naroon ay nakita rin ito ng mga kasama.
"Hoy, ang sweet nyong dalawa dyan, lalanggamin kayo sa ginagawa nyo," ani Sheryl. "Namimiss ko tuloy ang asawa ko."
Napangiti sa sinabi nito at di sinasadyang napatingin siya sa tabi niya at nagkatinginan sila ni Benjie. He has the same reaction as hers kaya naman naman natawa na sila ng tuluyan, dahilan para mapansin din sila ni Sheryl.
"O, wag nyong sabihing kayo rin?!!" Namaywang pa ito. "Lalo akong maiinggit nyan. Wag na kayong dumagdag!"
"Friends lang kami nyan," sagot niya at tumingin kay Benjie. "Di ba?"
Gaya ng dati, ayaw ng mga ito na maniwala sa kung ano talaga ang tunay na estado nila ng binata, kaya naman umugong na naman ang pangangantiyaw sa kanilang dalawa.
"Daig nyo pa ang artista sa pagiging showbiz nyo. Bakit kasi ayaw nyo pang umamin?"
"E sa wala naman kasing aaminin," ani Benjie at tumingin sa kanya. Dudugtungan pa sana niya ang sinabi ng binata nang inaya siya ni Iris.
"Tara na sa taas, Loui," anito. "Para makapagpalit na tayo ng damit."
Tumango siya. "Sige." Lumapit naman ito kay Russel at nagpaalam, kaya ang dalawang iyon na naman ang naging tampulan ng tuksuhan. Umakyat na siya ng second floor at akmang pipihitin na ang seradura ng pinto ng may tumapik sa balikat niya.
It was Benjie. He reached out for her hand and it seemed that time has stopped for a few seconds when she felt his warm hands enveloped hers. Those sparks had returned with a vengenance, along with the frantic beating of her heart.
"Phone mo," he said, breaking their silence and she had stared back at those pitch black irises. And again, everything had gone into slow motion when his lips curved into a smile and reached his eyes.
And hell, I was lost again.
"Ha?"
"Phone mo," he repeated, breaking her reverie. "Nakalimutan mo kanina sa kin."
"O-oo nga pala. Salamat," aniya at kinuha na ang cellphone sa binata.
"Walang anuman. Sige, baba na ako, ha? Sunod ka na lang."
"Magpapalit lang ako ng damit."
Tumango siya at naglakad na rin ito papunta sa hagdan nang tinawag niya ito. "Benjie," at agad naman itong lumingon sa kanya. "Salamat uli,"
Isang tipid na ngiti naman ang isinukli sa kanya nito. "Walang anuman,"
Nang nakababa na ito sa hagdan ay pinihit na niya ang seradura ng pinto at pumasok sa kuwarto. Bumuntong hininga siya, kasabay ng paglapat ng palad sa kanyang dibdib, at ramdam ang tila rigodon na tibok ng puso niya.
Stay still, heart. Please.
Kung ano man 'yan, Loui. Hangga' t maaga, pigilan mo. Ikaw lang din ang masasaktan.
Pinakalma niya ang sarili, bagama't nagugulo ang isip at puso niya para sa binata. Ipinasya niyang huwag na munang bumaba at abalahin ang sarili sa ibang bagay. Abala na siya sa pag eedit ng mga pictures sa laptop ni Russel nang nakarinig siya ng katok sa pinto.
"Pasok," aniya. Bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok si Iris, Russel, at Benjie. Mukhang galing na sa gazebo ang mga ito at paguusapan nila ang tungkol sa video na gagawin nila. Nakita niyang mag iisang guhit na ang kilay ni Iris, tanda na mainit ang ulo nito. She now shot an inquiring look at Benjie to ask what happened - when she noticed he had changed into a black t-shirt and a pair of boxer shorts.
What the - holy kamote! Boxer shorts talaga? Hindi ko alam kung nanadya ang taong 'to sa suot nya! At bakit parang uminit bigla? Wala sa sarili niyang napaypay nya ang kamay sa tapat ng kanyang mukha para mawala ang init na kumalat roon matapos makita ang suot nito.
Wag ka tumingin dyan! "Should we start shooting the video now? Halos patapos na akong mag sort ng first batch ng pictures." aniya para ma distract ang sarili at ibinaling ang pansin sa laptop na nasa harap niya.
Damnit, Louisse Althea! Focus!
"I guess you guys need to talk about that," ani Russel. Nakaupo na ngayon ang tatlo sa sahig ng kuwarto, at sinesenyasan siya ni Iris na maupo, kaya naman naupo na rin siya sa tabi nito.
"Ano ba kasing nangyari?"
"Parang ayaw kasing makipag cooperate, e. Tapos si Nikka, kanina pa tinatawag para magsimula, ayaw naman makisama."
Napataas naman ang kilay niya sa narinig. "Ayaw ba nilang matapos tayo ng maaga? Teka nga at bababa ako para masabihan."
"Hep-" pigil sa kanya nito. "Teka lang. Kung ikaw na lang kaya ang pumalit sa pwesto ni Nikka sa video? Para may matapos na tayo."
"That's a better idea," ani Russel at bumaling kay Benjie. "What do you think?"
Tumingin sa kanya ang binata bago sumagot. "Tama naman sila." Sa mukha siya nito tumitingin, ngunit bakit kahit ang mamasa-masang buhok nito ay nakaka-distract pa rin? "Sige na, Loui, ikaw na lang sa role ni Nikka. Para may magawa na tayo."
"Okay. Ano ba ang gagawin?"
Ipinaliwanag ni Iris ang gagawin nila, at nilagyan na rin siya nito ng make up sa mukha. Soon enough, they were starting to shoot the video when Iris asked Benjie to carry her.
Ano daw? Umiling siya sa kaibigan para pigilan ito sa kung ano man ang naiisip na kalokohan nito. Okay na ko kanina e! Tapos ngayon maiilang na naman ako!
Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking naka boxer shorts, Loui? Parang hindi mo nakikitang mag boxers yong kapatid mo, a. E di isipin mong s'ya 'yon. Hirap sa' yo binibigyan mo ng malisya.
Tumayo ito sa tabi niya, dahilan para mapagmasdan niya ito. She looked at his face, his t-shirt, shorts, down to his legs...
Parang mas makinis pa ang legs n'ya kaysa sa akin, a! Mabalbon nga ang binti niya pero ang kinis ng hita. Tapos, yung paa n'ya, mas maganda pa sa paa ko!
"Dali na, Benjie! Buhatin mo na si Loui," ani Iris. Tumingin naman sa kanya si Benjie, na tila nanghihingi ng permiso para buhatin siya. Tumango siya bilang sagot at hayun na naman ang tila nagririgodong tibok ng puso niya nang dumampi na ang kamay nito sa baywang niya.
"Sigurado ka bang kaya mo akong buhatin?"aniya. "Baka mabigatan ka sa akin."
"Hindi, kaya yan," humigpit ang hawak sa baywang niya at nasa likod na ng tuhod niya ang braso nito, kaya mas lalo siyang napalapit dito. "T-Teka, kaya ko..." anito na tila nahihirapang buhatin siya, kaya hindi niya napigilang matawa.
"Ibaba mo na ako,"
"Bakit ka natatawa?" tanong nito sa kanya ngunit gaya niya ay unti unti na ring gumuguhit ang ngiti sa labi nito.
"E, parang hirap na hirap ka sa'kin," sagot niya. Napahagikgik na siya ng tuluyan kaya natawa na rin ito ng tuluyan at naibagsak siya sa kama na malapit sa kanila.
"Naku! Sorry! Ayos ka lang?"
"Ayos lang," aniya habang umaayos ng upo sa higaan. "Di ako nasaktan," Nagkatinginan na naman sila at di nila mapigilang magtawanan. Dahilan para mawala ang pagkailang na nararamdaman niya ang pagkailang sa binata at unti unting maging muling komportable rito.
"Ehem, ehem." ani Iris. "In case you didn't notice, nandito pa kami."
She looked at him and saw that there's an impish smile cross his lips, and she can't help but feel those butterflies in her stomach. She knew that she had never felt this way before, not even her first love.
"O, pwede na ba tayong magsimula uli, Loui? Benjie?"
"Ano na bang gagawin natin, direk?"
"Uulitin natin 'yung scene. Benjie, buhatin mo siya uli."
Lumapit uli sa kanya ang binata at akmang buhatin siya. "Wag na kaya, girl. Aalalayan na lang niya ako." Ngayon ay bumaling siya rito. "Hindi mo ako kaya, e. Mabigat ako."
"Sigurado ka?"
"Oo, di mo ko kinaya kanina di, ba?"
"Di ko akalain, sa liit mong 'yan, ang bigat mo pala," nakangising sabi nito.
"Kita mo' to. Nang asar pa."
"Sorry na." anito habang nagpipigil ng tawa. "Peace tayo."
"Forgiven," sabi niya at nagkatinginan na naman silang dalawa at alam niyang pareho sila ng iniisip.
"Ay naku, naku. Parang may sariling mundo 'tong dalawa. Sabi sa inyo mamaya na' yan e. Tapusin na muna natin 'to saka kayo maglambingan."
Tumikhim siya at napalingon kay Iris na ngayon ay nakangisi pa rin. Yari ka sakin mamaya pagdating ni Russel.
"Benjie, doon kayo uli sa bandang hagdan, kunyari hahabulin mo siya at pipigilan. Shirley, alalayan mo si Loui kasama si Benjie," utos ni Iris.
Tumayo sa magkabilang side niya ang dalawa. Parang may mumunting kuryente ang dumaloy sa kanya nang muli na namang lumapat ang kamay nito sa baywang niya para alalayan siya.
Bakit ganito ang pakiramdam? Dapat hindi na ako makaramdam ng ganito para sa kanya dahil magkaibigan lang kami!
Nagtatalo man ang loob niya ay hindi niya ito pinahalata at pilit na umakto ng normal, kahit pa dumadagundong ang puso niya. She knew that this is strange as it is dangerous.
"Teka. Anong oras na ba?" ani Iris.
"11:30 na," si Russel. "Don't you think it's better to have our lunch na? Para tuloy tuloy na and you guys can rest early. Besides, kanina pa tayo huling kumain."
"Oo nga naman."
"Alright. I'll let the kitchen know for them to serve our lunch."
Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Nikka. "Gusto mong samahan kita, Russel?"
"No, it's okay, kaya ko na ito. Excuse me," nagkatinginan naman sila ni Iris at alam niyang pareho sila ng iniisip. They knew that Nikka is flirting with Russel but he doesn't seem to notice it.
Hah. Akala niya ha. Kay Iris lang si Russel.
"Lunch is ready. Tara na sa Gazebo,"
Lumabas na sila ng kuwarto at nagtungo na sa Gazebo ng resort. Halos naroon na lahat ng kasama nila at sila na lang ang kulang. Sa mesang iyon ay naroon na si Jaycee, na nasa pinakadulo, at sa tabi nito ay si Shirley, pati ang anak nito. Sumunod ay si Daddy Robert. Sa harap ni Daddy Robert ay may dalawang bakanteng upuan kaya naman doon na rin lumapit sina Iris at Russel. Sa kabilang dulo ng mesa ay halos puno na rin at dalawang upuan na lang ang bakante. Akmang ipaghihila na niya ng silya ang sarili nang hilain ito ng binata mula sa kanya.
Napaka gentleman talaga, sabi niya sa sarili. "Salamat,"
Ngumiti lamang ito, kaya naman ngumiti rin ito pabalik sa kanya. Nakahain na ang pagkain nila, kaya naman maglalagay na rin sana siya ng pagkain para sa sarili ngunit nagulat na lang siya nang ipaghain na siya nito.
Bakit ang sweet mo sa akin? Mahirap na masanay ako kahit hindi dapat!
Ipinaghain ka lang, sweet na kaagad? Ayan ka na naman sa pagiging dictionary mo. Nilalagyan mo ng meaning mga ikikinikilos nya. Wag ka nga!
"S-salamat," aniya, kahit nagtatalo ang isip niya.
"Walang anuman."
Natapos silang maglunch at itinuloy nila ang pagshoot ng video. Nakatambay sila sa pergola at nakapalibot ang mga boys sa bilog na mesa, nang lumapit sa kanya si Iris.
"Loui,"
"O,"
"Lumapit ka kay Benjie at kunyari kagatin mo ang leeg niya."
Ano raw 'yon?
"Kagatin mo raw ako sa leeg,"
Buffering...
"Uy,"
"Ha?"
"Kagatin mo raw ako sa leeg kunyari, sabi ni Iris,"
"O-oo,"
Lumapit naman siya sa binata ngunit lito pa rin siya sa gagawin, nang narinig niya muli ang boses ni Iris. "O, ikaw naman, Benjie, kunyari sweet ka sa kanya."
"Teka, dito ba?" aniya.
"Lumapit ka pa sa likod ni Benjie, Loui. Ang layo mo pa, e." Hinila siya ni Iris at ipinatong nito ang mga braso niya sa balikat ng binata, kaya naman ang mga dulo ng daliri niya ang dumampi sa dibdib nito. "Ganyan, o."
Susme, ano bang pinapagawa ng kaibigan ko sa amin ni Benjie? Naiilang tuloy ako.
Nakangisi pa sa kanya ito na tila tuwang tuwa pa sa nakikita, habang siya ay tila nagririgodon ang kabog ng dibdib niya sa pagkakalapit sa binata.
Lagot ka sa akin mamaya, she mouthed at her friend. Tila naman hindi ito naapektuhan sa sinabi niya at tuwang tuwa pa sa banta niya.
"Ready. In three, two, one. Action!"
Nasa ganoon pa rin siyang posisyon nang hilain pa siyang muli ni Benjie palapit, dahilan para mas mapadikit pa siyang lalo rito. Kaunti na lang at magdidikit na ang pisngi niya at leeg nito, dahilan upang humataw pa sa bilis ang pagtibok ng puso niya. Now she could swear that she can hear the loud beating of her heart.
"Last na 'to. Benjie, Loui. Ready na tayo in three, two, one, take!"
Yumuko siya at tuluyan nang dumikit ang pisngi niya sa leeg nito. She can still smell traces of his cologne, kahit pa nabasa na ito ng tubig. She was close to hugging him and felt his heartbeat. It was fast and loud. Just like hers. Just what she felt at that moment.
"Cut! Okay na, guys!"
Pagkarinig noon ay lumayo siya sa binata, ayaw nang madagdagan ang pagkailang na nararamdaman.
"Lumapat ba?"
"Oo, pero okay lang. Ikaw naman 'yon, e."
Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng mukha sa narinig niya mula rito kaya di na naman siya kaagad nakapagsalita. Utang na loob, Louisse Althea. Kumalma ka.
Tumikhim siya at iniba ang usapan. "Hindi ka ba magpapalit ng damit? Kanina ka pa basa. Baka magkasakit ka."
Tumingin ito sa kanya, at waring may hinihintay itong makita o marinig mula sa kanya ngunit nagbawi rin ito ng tingin kapagkuwan. "Sige, magpapalit lang ako at medyo giniginaw na rin."
Naiwan siyang mag-isa kaya naman bumalik siya sa poolside, kung nasaan ang mga kaibigan. Medyo madilim na rin at nasa harap na ng mga ito ang malaking bote ng lambanog na dala ni Iris mula sa Laguna.
"Mukhang napaaga ang session, a?" aniya at naupo sa isa sa mga upuang naroon.
"Simulan na natin ng maaga, 'to." ani Peter, sabay abot sa kanya ng isang maliit na baso na may lamang lambanog. "Wag ka mag alala, hindi ka pagbabawalan ni Benjie."
"Bakit naman pagbabawalan?"
"Jowa mo na, di ba? Siyempre magagalit kapag uminom ka."
"Anong jowa? Saan n'yo naman napulot 'yan?"
Tumawa naman si Jaycee. "Ay, di pa ba? E ano kayo? Mahihiya kasi ang langgam sa kasweetan nyong dalawa."
Isa pa tong mga to. Imbis na mawala ang agiw sa utak ko, lalo pa akong itinutulak kay Benjie. Kaya lalong gumugulo utak ko, e. Bahala nga kayo dyan, iinom na lang ako. Nilagok niya ang laman ng basong nasa harap at napangiwi siya sa tapang ng alak na gumuhit sa lalamunan niya. "Ang tapang naman pala n'yan. Maigi pa ang empe lights, e."
"Paano ba 'yan,' yan ang iinomin natin hanggang mamaya. Iris brought 5 liters of that thing."
"Seryoso?"
"Oo. Kaya ihanda mo nang malasing. Pero marami naman tayo mamaya, that means marami ang uubos."
Maya maya ay palapit naman si Iris sa kanila. "Loui, tawagin mo na si Benjie para matapos na yung shoot natin."
Tumayo naman siya mula sa kinauupuan. "Sige."
"On second thought, huwag na pala. Papunta na pala siya dito."
She saw him walking towards them, and this time he had changed into a pair of jogging pants and a blue t shirt. He once again met her eyes, causing her to be lost in those pitch black irises and leaving her in a trance.
"Matunaw, 'yan." kalabit ni Iris sa kanya. "Ikaw rin, wala ka nang titigan."
"Ha?"
"Sabi ko, kapag natunaw' yan, wala ka nang titigan." ulit ng kaibigan habang nakangisi.
Bumaling naman siya rito. "Hindi naman, e."
"Anong hindi, kulang na lang na matunaw yung tao sa katitingin mo. Pero in fairness ha, ganon din sya. Para ka rin niyang tutunawin kung makatitig siya sa 'yo."
Sasagot pa sana siya nang umalis ang kaibigan sa harap niya at lumapit kay Benjie, habang nakangisi pa rin. "Nandito ka na pala, tapusin na natin magshoot ng video para wala nang gagawin mamaya."
"Sige,"
Natapos din sila sa video at pagkatapos ay nagdinner na sila. Aabutin na sana niya ang kanin na nasa harap niya nang kinuha ito ng binata at sinalinan siya sa pinggan ng pagkain. Nagulat man ay napangiti na lang siya.
"Salamat,"
"Walang anuman,"
Ngumiti ito pabalik sa kanya. Nang matapos kumain ay tinalunton nila ang daan papunta sa pool area. Naupo siya sa isa sa mga upuang naroon at tumabi rin ang binata sa kanya. Tahimik silang nagpapahangin at dinadama ang lamig ng paligid. Pasimple niya itong nilingon, na tulad niyang nalillibang sa katahimikan nilang dalawa. Pinagmasdan niya pa rin ito nang bigla naman itong tumingin sa kanya, dahilan para magtama ang mga mata nila.
Nakatingin ito sa kanya, na para bang siya lang ang babaeng nakikita nito, kaya humataw na naman sa bilis ang tibok ng puso niya.
Wag ka ngang ganyan, Benjie! Naco-conscious ako!
"E-ehem," tikhim niya sabay dampi ng palad niya sa leeg nito, kahit pa nagririgodon ang dibdib niya. "Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?"
"Oo, e."
He reached for her hand that was still on his neck and intertwined her fingers with his. Tila naman may kumurot sa puso niya sa ginawa ng binata. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa halip na umiwas ay mas lalo pang sinasabi ng puso niya na paniwalaan ang lahat ng ipinahihiwatig nito.
"Mainit ka nga, magpahinga ka na muna."
"Ikaw ba?"
"Mamaya na lang ako. Hindi pa naman ako inaantok."
"Iinom ka pa kasi, ang sabihin mo," anito sa seryosong tono. "Hinay hinay ha."
Ay, may paganun sya. Concerned much? "Hindi ako iinom ng marami."
"Umakyat ka na mamaya maya. Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko, sasamahan na muna kita."
Ang sweet naman. "Matutulog kaagad ako," Itinaas nya pa ang kamay. "Pangako."
Sakto namang nagsidatingan ang mga kasama nila. "Ayan na naman sila, o. Para na namang lalanggamin sa kasweetan."
Napangiti silang pareho at alam nilang pareho sila ng iniisip. "Tulog na ako," paalam nito sa kanya.
"Goodnight."
Tumango naman ito at naglakad na ito patungo sa direksyon ng mga rooms. Inantay niyang mawala ito sa kanyang paningin bago bumaling sa mga kasama.
"O, bakit umakyat na 'yon?" tanong ni Alain sa kanya nang nawala na sa paningin nila si Benjie. "Ang aga pa, ah."
"Oo, masama kasi ang pakiramdam niya kaya pinagpahinga ko na. Baka lang kasi magkasakit lang siya lalo kapag nagstay pa sya dito sa baba."
"Naks, girlfriend duties," hirit naman ni Nikka habang nakangisi. "Buti hindi ka pinagbawalan?"
"Alam naman niyang umiinom ako, a. Saka aakyat din ako mamaya at matutulog na rin kaagad."
"You're sleeping early? Wag muna." ani Russel na kararating lang, kasama ni Iris. "I don't think magagalit si Benjie."
"Naks, bestfriend. Iba na talaga ang level nyo ni Benjie, ha. Ayoko talagang maniwala na hindi pa kayo sa ikinikilos nyo," nakangising sabi rin ni Iris.
"Sus, nagsalita ang parang hindi jowa ang isa d'yan." sagot naman niya habang nakangisi rin. "Mas malala pa nga kayo sa aming dalawa ni Benjie."
Dahil sa sinabi niya ay sina Iris at Russel naman ang pinagtampulan ng tuksuhan nilang magbabarkada, habang nag iinuman sila.
"Russel, saan ang cr dito?" tanong niya rito dahil naiihi na siya.
"Doon sa room ng mga boys ang pinakamalapit, Loui."
"Sige, salamat."
Dahan dahan siyang pumasok sa room ng boys para mag cr. Iniingatan niyang huwag makagawa ng ingay dahil sa may natutulog sa kwartong iyon. Madilim ang silid at ang tanging ilaw lang ay ang lampshade sa corner. Inaaninag niya si Daddy sa hinihigaan nito, at ang himbing ng tulog nito. Mukhang pagod talaga si Daddy. Naghihilik pa nga.
Sumunod na napagmasdan niya si Benjie na nasa kabilang kama ni Daddy. She scooted in closer, studying his face. Ang peaceful naman ng mukha ng taong ito, at ang amo pang tingnan. Halata talaga sa mukha niyang mabait siya. Ano kayang pakiramdam kapag katabi siyang matulog?
Napahinto siya sa direksyon ng iniisip. Ano ba naman yan, Louise Althea! Hindi ka pa ba natututo? Alam mo kung anong mangyayari kapag hinayaan mong magiba na naman ang pader na itinayo mo para sa sarili mo.
Pilit niyang iniiaalis ang pagkakatitig sa binata ngunit tila magnet siyang hinihila palapit para titigan ito. He suddenly shifted in his bed and hugging his pillow, causing her to see his face more. Tumalikod na siya at pinilit na lumabas sa kuwartong iyon para hindi na siya magtagal pa sa katitingin sa binata.
Rendahan mo ang sarili mo habang maaga pa, Loui. Habang kaya mo pa na mapigilan kung ano man ang nararamdaman mo para sa kanya.