Growing Feelings
Friday morning. Kinabukasan ay team building nila - at napagkasunduang sa resort iyon ng pamilya ni Russel sa Batangas.
Magkasama na silang bumaba at nadatnan nila ang mga kateam mate na nakatambay na sa ibaba ng building. Gaya ng nakasanayan ng mga ito ay nagyo-yosi pa ang mga ito bago umuwi, kaya naman nakita silang palapit. Ngunit malayo pa sila ay kita na nya ang ngisi sa mga mukha ng mga kaibigan. Pupusta ako, mang aasar na naman ang mga ito!
"Oy, Loui. Uwi na kayo ni Benjie?"
"Oo. Nandito pa pala kayo?"
"Yosi muna, syempre." ani Alain. "Alam mo namang ritwal na namin 'to."
"Oo nga pala. O, ano, mauna na kami."
Nang marinig ng mga kaibigan ang sinabi niya ay mas malaki ang naging ngisi ng mga ito. Huli na ng na realize niya ang sinabi, kaya hindi na niya mabawi.
Ayan, expect mo na ang pang aasar nila in three...two...one.
"Benjie, ingatan mo 'tong si Loui, a," Ani ni Cyril sabay tapik pa sa balikat ni Benjie. "Ibalik mo ng buo 'yan."
Uminit ang pisngi niya sa narinig niya mula kay Cyril. Nahihiya siya sa pang aasar ng mga ito sa kanila, at hangga't maari ay ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang madalas na pagkakasama nilang dalawa. But she knew, deep down - that she was beginning to like it, and this scares her. Because she knew for a fact that same wall had begun to crack, and it would take a little time - for it to crumble.
Pinipigil niya pa ang kilig sa sistema niya nang nilingon niya ang binatang nasa tabi niya. Tahimik itong nakangiti, ngunit tulad niya ay namumula rin ang pisngi nito. Nakita niya itong tumango lang ito sa mga kaibigan nila.
"Uuy, si Benjie talaga, o."
"Alam nyo, parang hindi na talaga 'ko maniniwala na friends lang talaga kayo. Kayo na 'no?" si Jaycee naman ang humirit ngayon.
"Pwede ba. Friends lang kami. Kayo talaga, ang iisue nyo."
"Sus. Bakit ba kasi ayaw nyo pang umamin? Single naman kayong pareho."
Alam niyang hahaba lang lalo ang usapan nila at lalo lang mang aasar ang barkada nila tungkol sa kanilang dalawa kaya nagpasya na siyang umalis na kasama si Benjie. She looked at him, and he seemed to get the message quickly so he started to turn away from them. "Hay, nako. Bahala na nga kayo dyan. Sige na."
She waved her hand dismissively and turned to Benjie that was waiting for her. They walked silently towards the jeep and bus terminal when she glanced at him and saw that he was smiling, like he was enjoying a private joke by himself.
Ang hudyong 'to, parang tuwang tuwa pang inaasar kami.
Naroon na sila sa sakayan ng jeep nang tinanong siya nito.
"Loui,"
"O,"
"Hindi ba talaga kayo tutuloy pag di ako sumama?"
"Oo. Kumpleto tayong lahat, tapos ikaw lang ang wala. Pangit naman ata kung kami lang ang mag-eenjoy sa team building natin."
Tumahimik ito saglit, pagkatapos ay tumingin ito sa kanya, at parang binabasa ang nasa isip niya. Sumama ka na, kulang ang barkada kapag wala ka, sa isip isip niya.
"Bahala na mamaya. Basta sabihan na lang kita."
"Okay. O sya. See you later."
"Ingat."
"Ikaw rin, ingat."
Iyon lamang at naghiwalay na sila. Mabilis na nakarating siya sa Dasma at naisip na niyang mag check ng ATM card niya. Pagtingin niya ay may sweldo niya, kaya naman kinuha niya mula sa bag ang cellphone at nagsimula nang magtipa ng message para sa mga kasama.
Ako:
Guys, may sweldo na!
Pinindot niya ang "send" at isinend sa kung kaninong mga number ang nasa cellphone niya. At least alam na nila na may sweldo na kami. Nakauwi na siya nang naisipan niyang magbukas ng messenger, para icheck ang messages niya. Nahagip ng kanyang paningin ang kulay green na bilog sa tabi ng pangalan ni Benjie, dahilan para buksan niya ang huling convo nila.
Benjie G. is typing a message...
Tiningnan niya ang screen at hinihintay na lumitaw ang message nito. Ano naman kaya ang sasabihin nito?
Benjie G. :
Tulog na, Loui.
Natawa siya sa sinabi nito. Lakas ng radar ng taong 'to a. Alam na niyang nasa bahay na ako kaya niya 'ko pinapatulog? Concerned much?
Ayan ka na naman sa paga-assume mo. Kailan ka pa naging dictionary para bigyan ng kahulugan ang mga ikinikilos niya? 'Pag ikaw nasaktan na naman, walang sisihan.
Ako :
Kakarating ko nga lang sa bahay, e. Nag check ako ng sweldo natin. Nareceive mo ba yung text ko?
Benjie G. :
A, oo. Nareceive ko nga. Buti maaga 'no?
Ako :
Oo, nga, e. Wala pang 11, meron na. Akala ko mangyayari na naman 'yung last time.
Benjie G. :
Hindi naman, siguro. Iinit na naman mga ulo n'yo. Lalo na ikaw, ang hirap mo pa naman pakalmahin, kinabahan ako sa'yo lalo na nung nagsalubong na kilay mo.
Ako :
Ganun ba itsura ko?
Benjie G:
Oo kaya. Naisip ko tuloy paano ka pakakalmahin kasi parang mang aaway ka anytime. Buti na lang effective 'yong ginawa ko. At ayoko rin namang mapaaway ka. Haha
Hindi nya alam kung bakit napangiti sya sa sinabi ng binata. Ano ba 'tong nangyayari sakin at parang tuwang tuwa ako sa pagiging concern nya?
Hay naku, Loui. Bahala ka na nga dyan. Ang kulit kulit mo. Sabing 'wag magpapadala sa kilig e.
Ako :
Kain tayo.
Benjie G. :
Sige lang, eat well. Tapos na ako kanina pa.
Ako :
Thanks.
Benjie G. :
Matulog ka na pagkatapos, ha? Mamaya uli. See you later.
Kasalukuyan silang naglu-lunch sa Chowking sa ibaba ng building nila. Apat silang naroon, si Daddy Robert sa tabi ni Mommy Jane, at siya naman sa tabi ni Benjie. Pinaguusapan nila ang tungkol sa team building nila.
"Di ba talaga kayo tutuloy 'pag di ako sumama mamaya?"
"Oo. Kulang na tayo, e. E di hindi na masaya 'yon."
Tumingin ito sa kanya, waring naninimbang. Ilan pang segundo ang dumaan bago uli ito nagsalita. "Binigyan ko na kasi ng budget sila sa bahay, e. Tapos allowance pa for the next two weeks."
"Ang bait mo namang anak,"
"Hindi naman po," nahihiyang sambit nito.
Ang bait naman nito, at ang responsable nyang anak. Mas lalo kong nakikita sa kanya ang batang ako. Habang naiisip niya iyon ay humahaba din ang listahan niya ng magagandang pag uugali ng binata, na dahilan kung bakit lalo siyang humahanga rito.
Nag uusap pa rin sila nang unti unti nang sumasama ang kanyang pakiramdam. Sumasakit ang ibabang parte ng likod niya at puson. Bad timing, magkaka period pa ata ako.
Tahimik siya at pinakikiramdaman ang sarili nang napansin siya ng binata sa tabi niya.
"Ayos ka lang?"
"Hindi, e. Medyo sumakit yung likod ko. Pero kaya ko to."
"Sigurado ka?" Bakas ang pag aalala sa mukha nito nang napatingin siya rito. "Wag 'mong pilitin pag di mo kaya."
Tumango siya. Concerned much? Kahapon pa 'yan a.
"Kaya ko, promise. Kaya 'wag ka nang mag alala dyan. Sasabihin ko sa'yo pag hindi." aniya at ngumiti siya sa binata. Ngumiti naman ito pabalik sa kanya. Di naman ito nakatakas sa paningin ng dalawang nasa harap nila, dahilan para asarin na naman sila ng mga ito.
"Asus, ang sweet naman talaga. Kaya napagkakamalang kayo, e." ani Mommy Jane.
"Hindi po, 'My. Magkaibigan lang po talaga kami."
"Sus, magkaibigan. Dyan nagsisimula ang lahat ng 'yan."
Nagkatinginan na lang sila ni Benjie at hindi na nakapagsalita sa sinabi ni Mommy Jane. Hanggang sa matapos sila sa pagkain at makabalik sa training room, at pagkatapos ay shinoot na nila ang video para sa training nila.
Nasa isang tabi siya at pinagmamasdan ang binata na nangungulit at parang di nawawalan ng energy, habang siya naman ay nanlalata. Huwag na lang kaya akong sumama? Pero hindi. Sasama ako.
"Guys, baba na tayo sa ground floor. Doon na lang natin antayin sina Alex."
"Dalhin na rin natin 'yong mga gamit." ani ni Iris habang hawak ang DSLR Camera nito. "O, pose pose muna."
Kanya-kanya naman silang pose bago nila binitbit ang mga gamit nila papunta sa ibaba ng building. Nasa loob na sila ng elevator nang simulan ulit ni Iris ang pagkuha ng video.
"O, kunyari, masaya tayo sa video na 'yan." Nakangiti ito na tila nang aasar, at parang naisip na niya kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Parang may binabalak na naman 'tong babaeng to. Nakakaloko ngumiti, e.
"Loui, hawakan mo ang kamay ni Benj. Kunyari mag-jowa kayo." Sabi na nga ba, e! May naisip na naman sya!
Ayoko nga, nahihiya ako! Sigaw niya sa isip. Tingin niya ay nang-iinit na naman ang pisngi niya dahil sa hiya, ngunit naramdaman niya ang mainit na kamay nito na dumaiti sa palad niya. He held her hand! She swear she felt sparks when his warm hand touched hers.
She knew that it was the first time she felt like this. And along with that spark, she can also hear the loud beating of her heart. It was so loud that she thought that Benjie can hear it, too. She looked up and met his pitch black eyes - and it's as if he was trying to read hers. At that moment, it felt that the time has stopped, and it was just the two of them.
"Uuy, nakakakilig talaga kayong dalawa," basag ni Iris sa katahimikan nilang dalawa. Agad naman niyang iniwas ang paningin at binitawan na rin niya ang kamay nito nang matapos na ang parteng kinukuhanan ng video. Hindi pa sila nakakalabas ng elevator nang nilagyan ng mga kasama niya ng wax ang buhok ni Benjie. Tahimik niyang pinapanood ang binata na ayusin ang buhok nito gamit ang mga kamay, at tumingkayad pa si Nikka para abutin ito ngunit umiwas na ang binata.
Muli ay napatingin siya rito at nagtagpong muli ang mga mata nila. Tumingin ito sa kanya na tila nahihiyang nagsasabi na siya ang mag ayos, kaya naman inabot na niya si Benjie at yumukod na rin ito. Dahil sa nakitang ikinilos nila ay nag ingay ang barkada nila at nalunod na naman sa panunudyo ng mga ito.
"Ang sweet!"
Hindi na sila nakakibong dalawa hanggang makababa sila sa ground floor, bagama't ramdam niya ang pamumula ng kanyang mukha. Kung kanina ay maingay ang mga kaibigan sa pang aasar sa kanila, ngayon naman ay dahil sa panay na ang pagpo-pose ng mga ito sa DSLR Camera ni Iris.
"Picture picture tayo, guys!"
Mai-tag nga 'tong mga 'to mamaya, aniya sa sarili habang kumukuha ng mga picture nila. Punong puno ng pagmumukha nilang lahat ang camera ni Iris, at ganun din ang camerang dala niya. Tinitingnan niya ang mga pictures na nakuha nang nakita niya ang isang picture na naroon si Benjie. Nakatayo ito roon sa gilid ng Family Mart kung saan sila nakatambay, at nakakunot ang noo nito, habang nakasimangot.
Lumingon siya sa corner kung saan nakatayo ang binata, at nang nakita siya nito ay itinaas nito ang daliri at sumenyas na pinapalapit siya nito.
"Nandyan ka sa tabi ng nagyo-yosi, e, hindi ka naman naninigarilyo. Nasasagap nito ang mga usok nila." Sermon nito sa kanya nang nakalapit na siya rito.
Concerned much? In fairness, ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Tipid na ngumiti siya dito, kaya nawala na ang kunot ng noo nito. "Wag nang masungit. Papangit ka nyan."
Nagtungo na sila sa bus station kung nasaan ang bus pa-Batangas, kung nasaan ang resort nila Russel. "Guys, bili na tayo ng ticket habang di pa masyadong mahaba ang pila. Mas mahirap mamaya kapag mas marami ang tao."
Kabibigay lang sa kanya ng cashier ng ticket sa bus nang nakita niyang nakasunod na rin sa pila ang binata. Gaya niya ay bumili na rin ito ng ticket, at pagkatapos na ibigay rito ng cashier ay sumunod ito sa kanya.
"O, akala ko hindi ka sasama?"
"Nagbago isip ko, e. Sama na lang ako."
Umupo sila sa benches na naroon. "Hindi pa naman siguro tayo aalis, no?"
"Hindi pa naman, ata? Bakit?"
"Lalabas ako saglit. Punta lang ako ng Mercury."
"Ha? Mercury? Bakit? Masama pakiramdam mo?"
"Hindi naman. Bonamine lang, medyo madali akong mahilo sa biyahe, e. Ikaw ba, ayos na ang pakiramdam mo?"
"Ok na 'ko." Aniya saka ngumiti dito. "Sige na, bumili ka na ng gamot mo habang nandito pa tayo. Ako na bahala sa gamit mo."
Hindi naman nagtagal at bumalik ito kaagad, at umupo itong muli sa tabi niya. "Bilis a, nakabili ka na?"
"Salamat, ha? Oo, nakabili na ako." Itinaas nito ang bote ng mineral water na hawak nito, marahil para ipakita sa kanya. "Nainom ko na rin."
"Mabuti naman,"
Walang ano-ano ay iniabot nito ang isang maliit na paper bag sa kanya at kuryoso naman niyang sinilip ang nasa loob nito. Toothbrush? At nandito din ang Bonamine nya. Anong meron e may bag naman siya?
Nagtatakang tiningnan niya ang binata sa inabot nito sa kanya ngunit hindi niya isinatinig ang tanong na nasa isip niya.
"Ikaw na muna ang maghawak niyan para alam mo kung uuwi na ako," anito. Hindi naman ito nakatakas sa paningin ni Russel, na ngayon ay nakangiti na naman ng nakakaloko sa kanila. "Kayo, ha. Dyan talaga nagsisimula yan sa patago-patago na yan. Una, gamit lang. Kasunod nyan, puso na."
"Mahihiya ang langgam sa inyong dalawa sa ka-sweetan nyo. Ano ba talaga kayong dalawa?"
"Friends nga lang kasi kami," sagot nya.
"Showbiz nyo!"
Hindi na naman sila tinigilan ng mga ito hanggang sa dumating na ang bus na sasakyan nila at umakyat na sila roon. Kanya kanya na sila ng puwesto, at gaya ng nakasanayan ay naupo na ang binata sa tabi niya. "Matutulog ako, ikaw ba?"
"Oo, inaantok ako. Saka mamaya, ishoot pa yung last part ng video kaya kailangan gising ako."
Pagkatapos ng halos dalawang oras ay nakarating na rin sila sa resort. Sana, maging maging masaya ang team building nila.